Unduh Aplikasi
5.79% Trying Again (Tagalog) / Chapter 4: For The Sake of Love

Bab 4: For The Sake of Love

Ha? Tama ba yung narinig ko? Nagpapatulong siya manligaw sa ate ko? Ano ako hibang?

Sympre nanlaki yung mata ko. "Ano ako tanga? Bakit naman kita tutulungan?"

"Hindi naman ganun yun Alyssa. Hindi ko lang talaga kayang magtapat sa ate mo," sabi niya sakin habang ang mukha niya medyo namumula na. Ang cute niya tuloy tingnan. Kamukha talaga niya si Keith.

"Eh bakit sakin ka pa nahingi ng tulong? Andyan naman si Stan at marami ka pang kaibigan dyan," sagot ko sa kanya habang nakapamewang ako.

"At tsaka hindi naman tayo close," dagdag ko.

Magsasalita na sana siya kaso pinigilan ko, "Diba sabi ko sayo wag mo akong tawaging Alyssa. Risa na lang."

"Hindi mo ba talaga ako matutulungan Aly- este Risa pala?" tanong niya sakin habang nilagay na niya yung kamay niya sa pockets niya.

"Hindi! Never!" sigaw ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Bale mga 2 inches na lang pag-itan namin. Pipikit na sana ako sa sobrang hiya kaso bigla na lang niya sinabi "Kahit sabihin ko kila Tita na nagyoyosi ka?"

Initinulak ko siya pero yung itsura hindi pa din nagbago, kalmado pa din siya.

"Tinatakot mo naman ako ngayon? Hindi mo ako madadala dyan."

"Come on. Wala na ako maisip na paraan para mapapayag ka," pagkasabi niya nun, napaupo siya tapos yung kamay niya itinakip na niya sa mukha niya.

"Oh wag mong sabihin na naiiyak ka na?" nilapitan ko siya at naupo din ako sa tapat niya.

Nang narinig niya yung boses ko, tumunghay siya at mukhang nagulat kasi napalayo siya at napaupo na ng tuluyan sa semento.

Natawa ako syempre. Utas na ako sa kakatawa hanggang sa tumayo pala siya at binatukan ako.

"Hoy! Ang sakit nun ha. Kapal ng mukha mo!" reklamo ko sa kanya habang nakahawak sa ulo ko.

"Tawa ka ng tawa eh," sabi niya sakin.

Naupo na pala siya ulit sa tapat ko hindi ko manlang napansin. Nakangiti siya at labas ang kanyang ngipin. Ngayon ko lang napansin na hindi niya kamukha si Keith pag nakangiti niya.

"Siya tutulungan na kita," sabi ko.

Hindi ko nga alam kung saan nanggaling yun. Basta nafeel ko na wala namang masama kung tutulungan ko siya. Crush ko lang naman siya at nareject na niya ko para din wala ng ilangan.

"Talaga?" tanong niya. Yung ngiti niya lalong lumaki kaya napangiti na din ako.

Tumayo ako at inayos yung palda ko. Naka-uniform pa nga pala kami.

"Pero may kondisyon ako," dagdag ko.

"Kahit ano basta tulungan mo lang ako sa ate mo," tumayo na din siya.

Tinapon ko yung bubblegum ko at tinuloy ang usapan namin.

"Ano ba kondisyon mo?" tanong niya.

"Akin na yang cellphone mo," utos ko sa kanya. Inilahad ko din yung kamay ko at inintay yung cellphone niya.

"Cellphone ko ang kapalit?" tanong ulit niya pero kinuha din naman niya yung cellphone niya sa bulsa.

"Basta. Akin na," pagkasabi ko, hinablot ko yung cellphone niya at hindi na siya nakaangal pa.

Dinial ko yung number ko tapos dinelete ko yung number ko sa recent history ng cellphone niya. Pagkatapos nun binalik ko na sa kanya yung phone.

"Oh ayan na. Ittext na lang kita bukas. Gabi na eh baka hinahanap na ko nila Mama at baka hinahanap ka na din sainyo."

Hindi na siya nakasagot kasi nagsimula na ko maglakad pabalik ng bigla siyang sumigaw, "SALAMAT ALYSSA!"

Napalingon ako at nakita ko siya hawak pa din niya yung cellphone niya at yung ngiti niya ganun pa din. In love talaga siguro to sa ate ko. Mahirap man pero kakayanin ko at least sasaya silang dalawa.

Pagkauwi ko sa bahay buti na lang at nasa kwarto na sila Mama. Si ate na lang ang nasa salas.

"San ka galing?" bungad sa akin ni ate, "Antagal mo bago nakauwi ah."

"Dyan lang. Ito namang si ate parang si mama na. Andami laging tanong," sagot ko sa kanya at kinuha yung blazer at bag ko.

Hindi na siya nakapagsalita kasi nakatakbo na agad ako paakyat. Pagkatapos kong magpalit ng damit at magtali ng buhok sinilip ko yung mga maliliit kong kapatid. Tulog na silang lahat.

Bumalik na lang ako sa kwarto ko at hinalungkat yung cellphone ko sa bag.

May 3 misscalls.

Yung dalawa galing kay Stan. Tampo pa din ako sa kanya. Hindi ko pa nga nakkwento sa kanya yung kay Lance tapos inuna pa niya yung Denise. Alam ko naman na girlfriend niya yun pero hindi lang talaga ako sanay.

Yung natitira, kay Lance. Sinave ko na yung number niya at pinatay yung cellphone ko.

Dahil tinatamad akong bumaba at alam ko naman na tulog na halos lahat ng tao sa bahay napagdesisyonan ko na bukas na lang ako magppiano. Binuksan ko na lang ang aking net book at nagfacebook na lang.

Nakita ko na in-add pa la ako nung girlfriend ni Stan. Nagdalawang isip pa nga ako kung i-aaccept ko. In a relationship na yung stat nilang dalawa.

Wala masyadong bago at nakaagaw pansin sa facebook kaya naglog-out na ako.

Pero bago ako naglog-out, nagpost muna ako, Flirts wouldn't last a week.

Inaamin ko patama ko yun sa gf ni bff ko. Yes ako na nga ang bitter, ako na ang pilya. Gusto ko lang ilabas lahat ng hinakit ngayong araw kaya naghahanap ako ng away.

Kinabukasan naabutan ko si ate na nakain ng tinapay sa may kusina.

"Late ka na nagising ah," bati sakin ni ate.

"Late ka dyan. 8 lang, maaga pa. Nasan sila mama?" tanong ko at kumuha ng kanin at ulam.

Naupo ako sa tabi ni ate at sinagot niya ako, "Nasa mall. Kasama din nila si Nana."

"Bakit hindi tayo sinama?" tanong ko muna at sumubo na ako.

"Ang tagal mo gumising eh at tsaka may pupuntahan ako," sagot niya at tumayo na siya para kumuha ng gatas sa ref.

"Bakit may date kayo ni Lance?" asar ko sa kanya at muntikan na niya maibuga yung gatas na iniinom niya.

"Wala nu! May lakad kami nina Kath," sabi niya bago lumabas ng kusina.

"Bakit ba inaasar nyo ako dun? Ni hindi nga yun nanliligaw yun sakin eh," habol pa niya.

Natawa naman ako dun. Napakadefensive at obvious naman na gusto niya si Lance.

"Ang defensive mo Ate!" sigaw ko at bumalik na ako sa pagkain.

Pagkatapos ko kumain binuksan ko na yung cellphone ko.

5 messages received.

Lahat galing kay Stan. Isa lang ang gusto niyang iparating, bakit ganun daw ang post ko sa fb at bakit ko daw ba inaaway si Denise.

Hindi ko nireplyan. Hinayaan ko na. Tinext ko na lang si Lance.

Ito ang laman: Hoy! Busy ka ba?

Ang tagal niya magreply kaya nagpiano muna ako. Nakadalawang beses ko ng natugtog yung pyesa bago pa nagreply si ungas, I mean si Lance.

Ito naman ang reply niya: Sino to?

Reply agad ako: Guess who.

This time mabilis na siyang nagreply: I don't have time for that. Don't text me again. You're annoying.

Maka-english naman to. Nireplayan ko pa din: Sungit naman nito Sige. Hindi na lang kita tutulungan. Babye.

Sympre tinatakot ko lang yun. In no time nagreply din agad siya : Wait! Hindi mo naman sinabi na ikaw yan Alyssa eh. So ano na ba kondisyon mo?

Napakastraight to the point naman ng lalaking to. Magustuhan ka niya yung kondisyon ko. Kunwari nagalit ako kaya hindi ko muna nireplayan kaya nagtext ulit: Alyssa? Sorry. I really need your help. So I'm hoping that you will reply.

Natawa ako kaya nireplayan ko na: Alyssa? Diba sabi ko Risa na lang. Punta ka sa barbershop near the bakery. 10:30 am sharp. Okay? Antayin mo ko sa labas.

Hindi ko na inantay ang reply niya at naligo na ako. Simple lang sinuot ko baka sabihin pa nun nagpaganda pa ako. Nag white tee lang ako at dark skinny jeans plus chucks. Yung buhok ko hinayaan ko ng nakalugay.

Pinuntahan ko muna si ate kasi hanggang ngayon hindi pa din siya nakakaalis at nagpaalam ako. Hindi ko na sinilip yung cp ko paglabas ng bahay. Nagpunta na ako at nakita ko si Lance na nakawhite din.

"Hoy! Sinong may sabi sayo na magwhite ka? Parehas tuloy tayo," bati ko sa kanya at nilingon niya ako.

"Bakit ba hoy ang tawag mo sa akin eh nung nagconfess ka naman sakin tinawag mo ko sa pangalan ko?" asar niya, "At wala ka naman sinabi na hindi ako magwhite. Ni hindi ka nga nagreply."

"Andami mo pa sinasabi. Pumasok na tayo," hinawakan ko na yung pinto ng barbershop ng hinigit niya yung kamay ko.

"Anong gagawin natin dyan?" tanong niya sakin.

"Magpapagupit," sagot ko sa kanya. Hindi ko tinanggal yung tingin ko sa kanya at ganun din naman siya.

"Sino? Ikaw? Maganda naman ang buhok mo ah. Bagay sayo. Sana nga ganyan kahaba buhok ng ate mo," sabi niya na may kasama pang hawak sa buhok ko.

"Tungeks! Hindi ako kundi ikaw," sabay higit ko sa kanya papasok.

"Ha?" yung mukha niya nakakatawa na kasi mukhang nagulat talaga siya.

"Isa to sa mga kondisyon ko. Kung ayaw mo naman, edi sorry ka na lang hindi kita tutulungan," sinabi ko ng nakangiti sa kanya.

Kumunoot lang yung noo niya. "Bakit ko ba kailangan magpagupit? Hindi ba maganda buhok ko?"

"Hindi naman pero basta," sabi ko tapos naupo dun sa upuan na para sa mga customers.

"Para hindi mo na siya maging masyado kamukha," bulong ko sa sarili ko.

"Kamukha ko ba talaga yung first love mo?" tanong niya at nagulat ako dun. Paano niya nalaman?


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C4
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk