Nagulat ako sa sinabi ni Stan at sa nakita ko na hindi ako nagalaw sa aking kinakakatayuan ng may humigit ng kamay ko, si Tommy.
"Ate, ate, may pasulubong ka?" tanong ni Tommy. Batang to talaga, ang hilig sa pasalubong pero kahit anong mangyari loves ko pa din tong batang to.
Ngumiti ako at lumuhod ng kapantay ni Tommy. "Bukas na lang Tommy, hinila kasi agad ako pauwi ni Kuya Stan mo," sagot ko sabay ngiti. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at pinisil ng konti, "Sa susunod na lang, promise."
"Sige ate, basta wag mo kakalimutan ha," sabi niya ng nakatawa at hinila na niya ako papunta sa iba ko pang kapatid.
Sumalubong sakin ang kambal, si Aaron at Arrianne, 4 years old. "Ate!" sigaw nila.
Binuhat ko si Aaron habang nakakapit sa binti ko si Arrianne at si Tommy andoon na sa tabi ni Ate Liza. Nabigla ako ng umalis ng pagkakapit sa binti ko si Arrianne. Napalingon ako at nakita kong buhat-buhat na siya ni Stan. Nagkatinginan kami pero agad akong umiwas. Naiilang ako at aaminin kong nasaktan ako, kahit alam kong mali at wala akong karapatan pero hindi ko maiiwasan. Hindi manlang niya sinabi sakin at mawawalan na ako ng bestfriend na laging andyan pag kailangan ko.
"Mari Alyssa, sa wakas at nakauwi ka na. Kaninang kanina pa kami nag-aantay sayo. Gutom na yang mga kapatid mo," sigaw ng nanay ko na papalapit pa lang samin. "Hindi ka ba nahihiya sa bisita ng ate mo at late ka na naman umuwi."
"Mama," sabi ko ng mahina na may halong buntong hininga, "alam niyo naman po na may lesson ako ngayon."
"Aysus, batang ito, magdadahilan pa," habol pa ni Mama. Ibinababa ko si Aaron at nagmano kay Mama at humalik sa kanyang mapula pulang pisngi. Morena si mama tulad ni ate, Arrianne at ako. Maikli ang kanyang itim na buhok na umaabot lang sa balikat niya. Itim din ang mata niya, sabagay lahat kami itim ang mata at buhok maliban kay Nana na maputi na ang buhok.
"Siya, siya, magmano ka na kay Nana at tulungan mo ako maghain at mamaya andyan na ang iyong papa," utos ni mama bago siya bumalik ng kusina.
"Hindi pa naman pala nadating si papa. Gusto lang akong utusan ni mama," reklamo ko ng nakasimangot habang tinatanggal ang aking blazer at ipinatong ko ito sa brown na upright piano na malapit sa bintana.
"Ako na lang ang tutulong kay mama. Magmano ka na kay Nana at kanina ka pa din inaantay nun," sabi ni ate na may kasamang tawa.
"Salamat Ate!" habol ko ay ate bago siya makapunta ng kusina.
Si Stan naman ay nakikipaglaro kay na Tommy sa may sofa kasama si Lance.
"Ano naman ang ginagawa mo dito Lance? Nililigawan mo si Liza?" narinig ko na itinanong ni Stan kay Lance.
Medyo namula ng konti si Lance pero agad itong nawala ng sinuntok niya ng pabiro si Stan sa braso. "Ihinatid ko lang siya. Gabi na kaya. Ikaw anong ginagawa mo dito?"
Bago pa makasagot si Stan, sumingit ako sa usapan nila. "Maiwan ko muna kayo, puntahan ko lang si Nana. Tommy bantayan mo yang bisita natin ha."
Hindi ko matingnan ng tuwid si Stan kaya umalis na ako. Pagkatapos kong puntahan si Nana sa kwarto niya. Lumapit naman ako sa telepono para tawagan si Tita, mommy ni Stan, para ipaalam na nandito si Stan sa amin.
"Sige po Tita. Salamat po." Ibinaba ko na ang telepono ng pagtalikod ko nakita ko si Stan, nakikipaglaro kay Capi na isang Japanese Bobtail cat.
"Anong ginagawa mo dito Stan at iniwan mo si Lance?" iniwasan ko lang ulit siya ng tingin at binuhat ko na lang si Capi.
"May problema ka ba Ri-?" tanong ni Stan na naputol dahil nagbukas ang pinto.
"Papa," ibinigay ko si Capi kay Stan at lumapit ako kay Papa at nagmano.
"Good evening po Tito," bati ni Stan.
"Siya tara ng kumain at salamat sa pagsundo sa pasaway kong anak ha," biro ni Papa habang inakbayan niya si Stan papasok sa may salas.
"Papa!" sigaw ng tatlong kapatid kong malililiit sabay takbo.
Si Lance katulong na nina mama sa paghahain. Nagpunta na kaming lahat sa may hapagkainan at dumating na din si Nana. Si Papa ang nasa may dulo at sa kabila naman si Nana. Ang nasa kanan ni Papa ay si mama at sa kaliwa naman si Ate Liza katabi niya si Lance na katabi si Tommy at ako. Sa tapat ko ay si Stan at ang katabi niya ay ang kambal.
"Sino ba yang kasama mo Liza, iha?" tanong ni Nana.
"Kaibigan ko po Nana, kaklase po at kabarkada nina Stan at Risa," sagot na magalang ni Ate.
"Baka naman boyfriend mo Liza," biro ni Nana at napatawa silang lahat, ako naman tahimik lang.
"Hindi po Nana," mariing itinanggi ni ate Liza kahit namumula na ang kanyang pisngi.
Si papa naman ang nagtanong, "Ano bang pangalan mo iho?"
"Richard Lance Rodriguez po pero Lance na lang po itawag niyo sakin," sagot ni Lance.
"Boyfriend ka ba ng anak ko?" seryosong tanong ni Papa na napatigil kaming lahat.
Nasamid si Lance pati na si Ate. "Papa!" reklamo ni ate.
"Tigilan mo na nga yang mga bata, pa" saway ni mama, "Kamukha niya si Keith nu Risa?"
Mas lalo akong natigilan na nabitawan ko ang kutsara ko. Hindi ako nakasagot, hindi din ako nakatingin kay mama kaya si ate ang nagsalita, "Opo mama. Kasali nga din po siya sa basketball club."
"Aba, parehong pareho nga sila. Kaso mas maamo ang mukha ni Lance at mukha pang matalino," pansin ni mama ng nakangiti.
Napansin ata ni papa na wala na kong imik kaya binago na niya ang pinag-uusapan, "Stan kamusta ka na, iho? Ano bang balak niyo ngayong sembreak?"
Ngayon naman sabay-sabay kami napatingin sa best friend ko, sa akin siya nakatangin at ng nagkatinginan kami, ngumiti siya saka sinagot si papa. "Balak po ng barkada na magbeach o di kaya magtagaytay po."
Hindi pa din nawala sa isip ko yung sinabi ni mama kahit natapos na kaming kumain hanggang sa nagpaalam na sina Stan at Lance na uuwi na sila.
"Hatid na namin kayo sa labas," aya ni Ate.
"Bye, ingat kayong dalawa," sabi ko ng hindi nakatangin sila dahil nakikipaglaro pa ako kila Tommy.
Mananalo na sana ako ng bigla akong hinila ni Ate, "Hindi mo manlang ihahatid sa labas si Stan, Risa? Tumayo ka na dyan at ng makatulog na sina Tommy."
Hindi na ako nakaangal dahil nahila na ako ni ate hanggang sa labas. Si Stan nauna na sa gate samantalang naiwan si Lance kausap si ate kaya sinundan ko na din si Stan kahit tampo pa din ako sa kanya.
"Bat sambakol na naman yan mukha mo Risa? Dahil kay Lance o dahil binanggit ng mama mo si Keith?"
Sumandal lang ako dun sa pader na malapit sa may gate, tiningnan ko lang siya at hindi ko sinagot ang tanong niya.
"O dahil hindi ko sinabi sayo na may girlfriend na ulit ako?"
Tahimik lang ulit ako at inisnob ko pa din siya. Ngayon lang kasi ulit yan nagkagirlfriend simula nung nagaway kami dahil sinugod ako ng ex niya at tinawag na haliparot. Ang kapal nung mukha nung babae. Naalala ko pa lang nainit na ulo ko! Nagselos kasi lahat ng naging girlfriend niya sakin keso masyado daw ako dikit ng dikit kay Stan.
"Sorry na Risa, sasabihin ko naman sayo ng mas maaga kaso hindi agad kita nakita kanina."
"Ano bang say ko dyan? Best friend mo lang naman ako Stanley," drama ko sa kanya.
"Ano ka ba? Mas importante ka dun. Sino bang laging nandyan pag kailangan ko, diba ikaw? At tska sabi ko naman sayo lagi lang akong nandito para sayo."
Ngingiti na sana at hindi na ako magtatampo sa kanya kaso biglang nagring yung cellphone ni Stan. Saglit niya kinausap yung tumawag tapos binaba niya agad.
"Sinong tumawag?" tanong ko sa kanya.
"Si Denise," nung narinig ko yung pangalan biglang bumigat ulit yung pakiramdam ko. "nagpapasundo na," dagdag ni Stan.
Nagpapasundo? Akala ko umuwi na kaya sinundo na niya ako.
Kaya ganito na lang reaksyon ko with matching simangot, "Huh? Nagpapasundo sa bahay nila?"
"Nasa practice siya, basta saka ko na lang ikkwento sayo. Kailangan ko na kasi sunduin yun, baka magalit pa sakin eh kasisimula lang namin." Lumingon siya kung nasaan sina Lance at ate, "Lance, uuna na ako ha. Ingat ka na lang tol."
"Ingat ka din tol, kita na lang tayo sa practice," sigaw ni Lance.
"Risa, uuna na ko ha. Pasabi na lang kay na Tita na salamat."
Yumakap siya sakin ng saglit na saglit lang tapos umalis na medyo nagtatatakbo. Ako nakatutunganga lang habang pinapanuod siyang umalis ng lumingon siya at sumigaw ng, "Tatawagan na lang kita mamaya."
Akala ko ba mas importante ako? Sabi na nga ba, pag may pumalit ng mas mahalaga, etstapwera na ang mga bestfriends. Rejected na nga ako, wala pa akong bestfriend.
Naglakad na lang ako papunta sa malapit na tindahan kesa isipin ko pa yun at si Keith. Itinali ko yung mahabang buhok na abot sa bewang sa isang bun samantalang ang bangs ko na nakaayos pa din na natatakluban ang aking noo.
Bumili ako ng isang stick ng sigarilyo. Natuto akong mag ganito ng iniwan niya ako.
Medyo nakakalhati na akong nakasalubong ko si Lance. Nagulat ako at halatang nagulat din siya ng nakita niya ako. Tinapon ko na yung stick at inapakan. Sinubo ko na yung bubblegum na binili ko kanina para medyo mawala ang lasa at amoy. Naglalakad na ko pabalik ng bahay ng nagsalita si Lance.
"Alam ba yan sainyo?"
Tiningnan ko lang siya ng masama tapos nagpatuloy na ako sa paglalakad ng nabigla na lang ako kasi nahigit niya yung buhok ko kaya nakalas ang pagkakatali ng buhok ko.
"Ano ba Lance? Hindi mo ba talaga ako titigilan? Hindi mo ba alam ng kaninang kanina pa kita iniiwasan?!"
Lumingon ako sa kanya, yung mukha ko ata namumula dahil sa pagkakasigaw ko. Nakangiti siya nung nakita ko siya.
"Sinagot ka na ni ate kaya ganyan ka makangiti?" tanong ko sa kanya na may halong pagka-inis. Ang malas malas ko ngayon, kahit anong iwas ko sa lalaking to, lagi ko naman nakakasalubong.
Naging seryoso ulit yung tingin niya. "Alam ba yan sainyo?" tanong ulit niya.
"Ano bang pakialam mo? Hindi pa naman kita kuya." sinungitan ko pa lalo siya.
Napakunoot yung noo niya, "Edi ganito na lang, alam ba yan ni Stan?"
"Anong kinalaman dito ni Stan? Best friend ko lang yun at tska may Denise na yun. Umuwi ka na lang Lance, gabi na oh."
Tinitigan lang niya ako at hindi kumibo. Ngayon ko lang napansin na hindi na din siya nakablazer at necktie at ang buhok niya ay medyo magulo na din. Tama si mama, mas maamo ang mukha ni Lance, lalo na yung mga mata niya.
Naiilang na ako sa tingin niya na hindi ko na matiis, "Hindi ka ba titigil Lance? Isusumbong kita kay Ate."
Napaiwas siya ng tingin na parang nahihiya.
"Oh bakit parang nahihiya ka dyan? Wag mong sabihin na inaalala mo yung nangyari kanina," napaiwas na din ako ng tingin, namumula na ata yung pisngi ko.
"Ibang iba ka ngayon pag nakikita ka kita sa school. Ang daldal mo pala."
"Ako madaldal? Ang kapal naman ng mukha mo Lance! Tama nga si Mia, hindi ka naman gwapo."
Napatawa lang siya at napabulong ng, "Si Mia talaga, sinisiraan ako kahit kanino."
Tumingin siya sa akin ng tuwid tapos hinawi niya yung buhok ko. Kinakabahan na ako at nagulat na lang ako ng sinabi niya ito:
"Pwede bang tulungan mo ako Alyssa sa panliligaw sa ate mo?"