Leo's Pov
Kumpleto pa din kaming lahat dito sa kwarto na pinagdalahan kay Blessy. Inaasikaso ko kanina ang panganay naming anak. Sinabihan ko si tita na bihisan ito ng magandang damit na binili kanina nina Lily at Liam. Aantayin ko munang magising si Blessy bago namin pagdedesisyunan kung icecremate o ibuburol ba ang baby namin.
Nandito sina mommy, daddy, tito Jimin, Liam at tito V. Sina Lily at Lucas naman ay umuwi ng bahay para kunin ang ibang gamit ng mga anak ko at ni Blessy. Nasa tabi ako ng asawa ko nang bigla iyong umungol at umiyak.
"Blessy, Blessy!" gising ko sa kanya. Nagmulat ng mata si Blessy at umiyak ng umiyak.
"Blessy anak, bakit ka naiyak? May masakit ba sayo?" tanong ni mommy.
Tatayo sana si Blessy kaso dumaing ito ng sakit sa tiyan. Inangat ni daddy ng konti ang higaan ni Blessy.
"Leo, nagpaalam sakin ang baby natin? Patay na nga ba talaga ang isang baby natin? Asan ang dalawa pa?" tanong ni Blessy.
"Love, maayos ang kalagayan ng dalawa nating baby. Kaya langa ang panganay natin ay patay na ng inilabas mo. Sabi ni tita Rose kalahati lang nga katawan ang nabuo sa bata at mahina ang tibok ng puso nito. Kung sakali mang nabuhay sya ay hindi rin daw ito magtatagal." paliwanag ko.
"Ang anghel ko, ang panganay ko, ang nagligtas sa amin ng mga kapatid nya." umiiyak na sabi ni Blessy. Nagtaka ako paano nito nalaman.
"Paano mo nasabi na niligtas nya kayo?" tanong ni tito Jimin.
"Kasi po sabi po sakin nung lalaki na kasama ng anak ko. Pinaliwanag nya sa akin na milagrong nagawa nitong huminga hanggang sa ikapitong buwan nya. Tapos tinawag ito ng anak ko na lolo. Siya na daw po ang mag aalaga sa apo nya. Nalulungkot po ako kasi hindi na namin sya makakasama pero sinabi ng anak ko na masaya sya kasi kasama nya ang lolo nya. Tapos sinabi ng anak namin na mahal nya kami kaya ako napaiyak." paliwanag ni Blessy.
"Anong itsura ng lolo nya?" tanong ni mommy.
"May hawig po sa inyo at matangkad. May dimples po pagngumiti tapos kulay pula ang buhok. Ah naalala ko na po may tatoo sya sa pulsuhan na letrang L." sabi ni Blessy. Lalong kumunot ang noo ko.
"Ganito ba?" tanong ni mommy.
"Opo ganyan nga po. Letter E po sa inyo tapos sa kanya letter L po." sagot ni Blessy.
"Errol...." sabi ni mommy. Napatingin kami kay mommy na umiiyak.
"Sino pong Errol? Si Leo po ba?" tanong ni Blessy.
"Si tito Errol ay ang kakambal ni mommy. Sa kanya ipinangalan ang Errol foundation." paliwanag ko kay Blessy.
"Hanggang sa kabilang buhay ay binabantayan pa rin tayo ng kalambal mo, Lisa. Mabuti na lang at may makakasama ang apo natin sa kabilang buhay." sabi ni daddy.
"Sinundo nya talaga ang apo natin. Siya nga pala, ano ang gagawin natin sa baby nyo? Ibuburol ba natin o i cecremate na?" tanong ni tito V.
"Pwede po ba na iburol kahit isang araw ang baby ko tapos gusto ko po sya ilibing sa tabi ng puntod ni mommy ko? Okay lang po ba yun kay tito Errol? Hindi sila magkasama?" tanong ni Blessy.
"Okay lang sa kanya iyon anak. Hindi ko na rin naman natagpuan ang katawan ng kakambal ko. Pero alam kong wala na sya sa mundo dahil nararamdaman ko ito. Mapapanatag na ako kasi may kasama na sya at ang apo pa namin." sabi ni mommy.
"Ano nga pala ang ipapangalan natin sa mga anak natin? Unahin natin ang panganay nating anak." sabi ko kay Blessy.
"Michael Errol, gusto kong ipangalan sya sa archangel na si Michael. It means protector at ang Errol naman po ay pangalan ng tito ni Leo na tagapag alaga ng baby namin. Isa pa para kapangalan din ni Leo." sabi ni Blessy.
"Tamang tama ang anghel nyong tagapagligtas. Maganda yan." sabi ni tito Jimin.
"Michael Errol Jeon, sounds good." sabi ko.
Tamang tama naman at dumating si tita Rose at Lily kasama ang dalawa naming baby.
"Ang gugwapo ng mga apo ko! Manang mana sa akin hahaha." sabi ni tito V.
"Bwisit kang alien ka. Nang angkin ka na naman. Pag asawahin mo na yung anak mo para hindi ka nang aangkin." sabi ni daddy.
"Paano nga mag aasawa yun eh ayaw pa pumayag ng papakasalan nya." sabi ni tito V sabay tingin kay Lily.
"Ay naku basta apo natin yan. Wag ka nang umangal Jk." sabi ni tito Jimin.
Natawa naman kaming lahat sa bangayan ng mga ito. Ibinigay ko ang isang baby namin kay Blessy tapos ang isa ay hawak ko.
"Ang hawak mo Leo ang pangalawang lumabas. Tapos ang bunso ay ang hawak ni Blessy." sabi ni tita Rose.
"Anong ipapangalan natin sa kanya?" tanong ko kay Blessy sa hawak kong baby.
"Luther Harvey Jeon at ang bunso naman ay Lance Hunter Jeon." sabi ni Blessy.
"Ang hahaba naman ng pangalan nila. Teka yung L kay Leo kinuha. Bakit ang H kanino?" tanong ni tito Jimin.
"Meron po kasi akong estudyante nuon na pangalan ay Harry. Napalapit po ako sa kanya kaso namatay po sya sa sakit na Leukemia. Naalala ko po na sabi nya na pagnagkababy ako ay letter H din po ang ipangalan ko para daw hindi ko sya makalimutan." paliwanag ni Blessy.
"Si Luther at Hunter. Ang astig ng mga pangalan nila." sabi ni Lily.
"Alam mo Leo, buong buo si Michael sa panaginip ko. Siguro ganun ang magiging itsura nya pag 5 taong gulang na sya. Ang saya saya nya kahit hindi natin sya makakasama. Hinding hindi ko makakalimutan ang pagyakap nya sa akin. Parang totoong totoo." sabi ni Blessy.
"Mabuti ka pa. Sana sa akin din magpakita sya." sabi ko.
"Huwag kang malungkot, nandyan lang daw sya palagi." sabi ni Blessy.
"Love kaya mo na bang tumayo kapag ibinurol at ihatid sa paglalagyan nya ang anghel natin?" tanong ko.
"Love, para sa anghel natin kakayanin ko. Yun na lang ang araw na makakasama ko sya. Pwede naman akong magpahinga pagkatapos." sabi ni Blessy.
"Sige papaasikaso ko na sa tauhan ko ang libingan ng anghel natin." sabi ko.
"Kuya may balita na sa pamilya ni Bianca." sabi ni Lucas na kakapasok pa lang.
"Anong balita?" tanong ko.
"Nakakulong na si Bianca at ang mga magulang nya. Sangkot pala sila sa illegal na droga. May tumutulong kina Bianca na mailabas sila pero hindi sila napagbigyan. Ayun pati yung tumutulong sa kanila nakakulong na din. Mabuti na lang at hindi ka nagkagusto sa babae na yun. Kabit pala sya ng isang matandang negosyante. Ayun pati yung matanda nakakulong. Paano naglagay sa mga pulis ng padulas. Kala mo uubra ang pera nyang padulas eh nagbilin ang tatlo na yan sa mga pulis." sabi ni Lucas sabay turo sa daddy at sa mga tito namin.
"Takutin ba naman ng daddy mo at ni V ang mga pulis hahaha. Sino ang di matatakot sa kanila kapag nagseryoso sila." sabi ni tito Jimin.
"Salamat po dad, tito V at tito Jimin." sabi ko. Tumango lang sila sa akin.
"Tama na nga ang emote dyan. Pakarga naman sa mga apo kong kamukhang kamukha ko." sabi ni tito V.
"Asa ka pa alien! Pagawa ka kay Vincent hahaha!" sabi ni daddy.
"Naku si Chrys hindi na ako magtataka kung may lumapit sa akin na apo ko daw sya. Napakaplayboy. Hindi ko alam kung kanino nagmana." sabi ni tita Rose.
"Hahaha baka hindi anak yan ni Jimin. Torpe kaya tong si Jimin hahaha!" pang aasar ni tito V.
"Batuhin kaya kita alien. Anak ko yun!" sabi ni tito Jimin.
Tawa lang ng tawa sina mommy at tita Rose habang si Blessy ay abalang abala sa kakatitig sa mga anak namin. Ibinigay ko kay mommy si Hunter para matawagan ko na ang mag aayos ng libingan ng anghel namin.