"Isaac Psalms Montenegro is in a relationship with Kisse Mae Balaquinto."
napabuntong hininga ulit ako sa ikawalong beses kung pagbasa sa status relationship na iyon.
"Pwede ba Cassandra! Tigilan mo na nga yang kahibangan mo kay Saac." pagsaway sa akin ni Faith na ngayon ay busy sa pagbabasa ng notes niya para sa exam bukas.
Nakakalungkot, sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nabasa ko.
Bumuntong hininga ulit ako dahilan para maiyak na ng tuluyan. Hindi ko labis na matanggap na may jowa na si Isaac.
"Bwesit. Bwesit. Bwesit!" mura ko habang umiyak ng umiyak.
Ramdam kong tumabi sa akin si Shane. Hinimas himas ang likuran upang humupa ang pag-iyak. Ngunit mas lalo akong umiyak sa pagpapatahan niya sa akin.
"Mali yung tinibokan mo puso. Nagkamali ka." sabi ko habang umiiyak ng sobra sobra.
"Kailan man ay hindi mali ang tinibokan ng puso mo." Biglang sabat ni Shane sa aking pagmamaktol.
"Eh ano? Nagpakatanga sa isang taong hiniling mong maging sayo?" tugon ko habang di mapigil parin sa pag-iyak.
"Hindi siya nagkamali sa pagpili(sabay turo sa puso ko banda). Nagkataon na di din tumibok ang puso ng napupusuan mo sayo." napabuntong hininga ako sa panghuli.
🥀
— Bab baru akan segera rilis — Tulis ulasan