Sinundo ni Uno si Gaile sa bahay nito...
"Uno? Anong ginagawa mo dito?" Ang pagulat na sambit ni Gaile pag bukas ng gate nila.
"Bilisan mo pupunta tayo kila Thew."
"Ha? At bakit?"
"Papunta na rin si Sam dito in any minute kaya bilisan mo na mag bihis ka."
"Ha? Bakit nga? Saturday ngayon di ako pwede umalis tatao kasi ako sa bakery namin."
"Wag kang mag alala na paalam na kita kila tita."
"Huh! Feeling close ka na naman dyan."
"Haysss... dami pang sinasabi eh mag bihis ka na."
Honk... Honk...
Dumating naman na si Sam lulan ng kaniyang motor.
"Eh? Marunong kang mag motor?" Ang sabay-sabay sambit nila Gaile at Uno kay Sam.
"Aba oo naman, anong tingin nyo sakin weak?"
Binato naman ng tsinelas ni Gaile si Sam at sinabing "so, porket walang motor weak na?"
"He... He... iba naman yung case mo girl."
"Wala nga syang motor pero marunong syang mag motor." Ang bungad naman ni Jemie na napadaan lang dahil nag jo-jogging.
"Senior." Anila Sam and Uno maliban kay Gaile na di pinansin si Jemie.
"Sige guys, mag bibihis lang ako gimme 5minutes." Sabi ni Gaile at pumasok na sa kanilang bahay na nag mamadali.
"Bilisan mo." Sabi ni Uno.
"Mukhang maaga kayo boys para puntahan ang dalagang yon." Sambit ni Jemie na para bang may something sa tono nya.
"Ah, may pupuntahan lang po kami." Sagot ni Sam.
"Ohhh... ng ganito ng kaaga? Halos 6am lang may gala na agad kayo?"
Nagkatinginan naman sila Sam at Uno...
"Ahm... May project po kasi kami na kailangang tapusin kaya mahalaga po samin ang oras." Sagot naman ni Uno na parang kinakabahan.
"Ohh.... project ha."
Napatingin naman sa kapaligiran niya itong si Sam "kayo Senior, bakit kayo naririto? Taga rito lang ba kayo sa malapit?"
"Ha? O— Oo ayan lang ang bahay namin katapat lang ng kila Gaile."
At sabay pang napatingin sila Sam at Uno sa bahay nila Jemie at bongga rin ang bahay nito may kalakihan at nakaka LL as in nakaka luwag-luwaa sa buhay.
"Wow! Dito lang din pala kayo Senior? Kaya pala parang close kayo kay Gaile." Sabi ni Uno.
"Ah... parang..."
Bigla namang lumabas si Gaile at niyakag ng umalis yung dalawa "sige Senior alis na po kami." Sabi nila Uno at Sam.
"Sandali lang..." Sambit ni Jemie at hinila sa isang gilid si Gaile.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ko!" Ang naiinis na sambit ni Gaile.
Ngumiti naman si Jemie dun sa dalawa "saglit lang guys may sasabihin lang akong importante kay Gaile. He... He..."
Inakbayan ni Jemie si Gaile para tumalikod dun sa dalawa "ano ba? Lumayo ka nga!" Ang nagagalit ng sambit ni Gaile pero mahina lang ang tono nya.
"Umayos ka! Kung ayaw mong sabihin ko sa kanilang meron ka ngayon."
"Aba't! Manyak ka na ba ngayon?!"
"Wag mo kong simulan Gaile. Umayos ka!"
Tinatabig naman ni Gaile ang kamay ni Jemie na naka akbay sa kaniya "bakit kailangan mong sumama sa dalawang yan? Alam ba ito nila tita at tito?"
"Wala kang pake. Okay?"
"San ka aangkas? Naka motor yung dalawa tapos may period ka gusto mong matagusan? Paano nalang kung mangyare yung kagabi?"
Tinulak sya ni Gaile "tigilan mo ko!"
Nagulat naman sila Uno at Sam "Tara na guys." Ang sabi ni Gaile.
"O— Oo." Ang nauutal lang sagot nung dalawa dahil di pa sila maka move on sa ginawa ni Gaile kay Jemie na pag tulak.
Mabilis namang tumayo si Jemie at hinila si Gaile na dapat aangakas na sa motor ni Uno "ano ba?!"
"Ihahatid na kita! Hindi ka pwedeng umangkas sa motor!"
"Bitaw!" Nag pumiglas sya sa hawak ni Jemie pero hindi sya binibitawan nito.
"You guys go first ako ng bahala mag hatid sa kaniya kung sa man ang punta nyo." Sambit ni Jemie
"No! Bitawan mo ko! Ayokong sumama sayo!!!"
Nag pupumiglas si Gaile sa pagkakahawak sa kaniya ni Jemie pero hindi sya binibitawan nito "mag tigil ka Gaile!" Ang pagalit ng sambit ni Jemie at binuhat nya na rin si Gaile.
"Jemie!!!"
"Sige na guys, susunod kami paki send ang location sakin. Understand?"
"Ye— Yes Sir!" Ang ninenerbyos na sagot nung dalawa at dali-dali na ang mga itong sumakay ng motor nila at umalis.
"Hoy!!! Wag nyo kong iwan!!!" Ang sigaw ni Gaile.
"Tumigil ka na Gaile! Sinabi ko na sayo, hindi ka pwedeng umangkas sa motor!"
Nag wawala naman si Gaile habang buhat sya ni Jemie pero hindi parin sya binababa nito "ano bang problema mo?! Nasa labas na tayo ng AGA hindi ka na pwedeng mangialam samin dahil sa labas hindi ka SC president isa ka nalang pangkaraniwang student!"
"Pangkaraniwan? Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Ako pangkaraniwan para sayo? Baka nakakalimutan mo I'm still your fiancé."
"Ungas ka? Hindi ba hindi nga natin gusto ang isa't isa dahil lalaki ang gusto mo!"
"At ikaw babae?!"
"So? Ano naman ngayon? Kilala na natin ang isa't isa kaya wag ka ng umepal!"
"Nagmamatigas ka talaga?"
"Put me down!!!"
Hinipan ni Gaile ang tenga ni Jemie kaya nabitawan sya nito.
"Weak! Mukhang ang nag pepretend na matikas ay hindi parin nag babago."
Namulang bigla ang tenga ni Jemie pati ang mukha sa ginawang iyon ni Gaile.
"Huh! Basic. Diyan ka na Mr. Weakling."
Pinara ni Gaile ang dumaang tricycle at sumakay.
"Ga— Gaile!!!"
Inilabas ni Gaile ang kamay nya at nag "boo sign."
"Bwiset! GAILE!!!"
Samantala sa AGA,
Knock... Knock...
"Kenny? Barbie? Andito na ko. Ayos lang ba kayo dyan sa loob?" Ang sambit ni Bruce.
Knock... Knock...
Wala pang sumasagot kaya binuksan na agad ni Bruce yung pintuan at nakita niyang natutulog pa yung dalawa at magka yakap pa ang mga ito.
"Kenny!!!" Sigaw ni Bruce at sabay namang na gising sila Kenny at Barbie at nagulat silang dalawa magka yakap pero bago pa man sila mag hiwalay sa pagkakayakap...
"Da— Dad... let me explain." Ang nag mamakaawang sambit ni Kenny dahil hinila sya sa pagkakahiga ng daddy nya.
"Pinagkatiwala ko sayo si Barbie anong GINAWA MO??!!!" Sasapakin na sana nya ang anak ng bigla syang pinigilan ni Barbie na humarang pa para ipagtanggol si Kenny. "Nak, umalis ka dyan tuturuan ko lang ng leksyon yan."
"No Tito!"
"Barbie, mamaya na tayo mag usap umalis ka dyan at tuturuan ko ng leksyon ang isang yan sa ginawa nya sayo."
"Pero wala po syang ginawa sakin!"
"Bie..." Ang sambit ni Kenny sa mahinang tono.
"Wag mo ng pag takpan yang si Kenny wag kang matakot andito na ko."
"No Tito... I can explain."
Huminahon naman si Bruce ng nag simula ng mag paliwanag si Barbie...
Napangiti naman si Kenny ng pa simple at sa isip-isip nya "hindi ko akailain na ipagtatanggol nya ako kay daddy."
***
Mag tatanghali na at naroroon pa rin sila Gaile kila Thew sa bahay nito.
"Guys, sa tingin nyo ba nakauwi na sila Kenny at Bie?" Ang sabi ni Gaile dun sa dalawa habang nag lalaro sila sa xbox ni Thew.
"Late na para sa morning kaya sure ako sinundo na ni principal yung dalawa." Ang sabi naman ni Sam na gigil na gigil sa pag pindot sa game controller.
"Bakit parang sure na sure ka naman?"
"Basic lang, kung ikaw ang tatay ni Barbie at alam mong may kasama syang lalaki sa iisang kwarto di ka ba mag papanic?"
"Well..."
"Don't worry Gaile para namang di mo kilala si Kenny sure akong nag text yun kay Tito Bruce." Opinyon naman ni Uno.
"Sabagay... so, pwede na tayong umuwi? Baka nagtataka na rin si Thew dahil andito pa tayo."
"Cough... ako ba ang pinaguusapan nyo?" Ang bungad ni Thew na may dalang pagkain para sa kanilang tanghalian may dala rin si Daryll para naman sa mga utensils.
"Oh, nag abala pa kayo eh pauwi na rin sana kami." Sabi ni Gaile at tinulungan mag buhat si Daryll.
"Salamat ate Gaile."
"No worries."
Ipinatong naman ni Thew sa lamisita yung dala nyang tray na may pagkain para sa kanilang tanghalian.
"Kumain na muna kayo. Wala si mom kaya kung ano lang ang nasa ref yun ang niluto ko." Sambit ni Thew.
Nagulat naman sila Uno at Sam sa sinabing iyon ni Thew.
"Ikaw ang nag luto?" Anila.
Pinatong naman ng dahan-dahan ni Gaile yung tray naman ng may mga utensils at pinag babatukan sila Uno at Sam.
"Mga tukmol! Puro kayo laro diyan tama na yan."
Kinumpiska n'ya yung mga game controller.
"Huy!!!" Reaction nung dalawa.
"Heh!"
Na amoy naman nila Uno at Sam yung ulam na niluto ni Thew.
"Wow... ang bango." Sambit nung dalawa.
"Of course, si kuya ang nag luto niyan kaya sure na mabango at masarap."
"Daryll."
"Pero totoo naman eh."
"Sige na dalhin mo na sa ate Unice mo yung ulam n'ya."
"Opo. Humph!"
At pa dabog-dabog pa nga ireng si Daryll pag alis n'ya dahil ayaw nyang nauutusan lalo na kung pupunta sa bahay nila Unice.
"Si Unice? S'ya ba yung pinsan n'yo?" Ang sabi ni Uno.
"Oo s'ya nga dyan lang kasi sila sa kabila nakatira."
"Ohhh..."
"Kumain na kayo bago pa yan lumamig chapseuy lang yan sana magustuhan nyo wala ko sa mood mag luto eh."
"Ehhhh??? Ang sarap wala ka pa sa mood ng lagay na yan?" Ang sambit naman ni Sam na nag sisimula na palang kumain.
"Masyado ka naman patikim nga." Sabi naman ni Uno at nung na tikman n'ya na sarapan rin ito maliban kay Gaile na picky eater kaya di pa masimulang kumain.
"Hoy Gaile!!!" Pa sigaw na sambit ni Thew.
"Ba— Bakit?"
Thew sighed "I knew it! Napaka picky eater mo pa rin kaya may iniluto akong walang gulay. Sandali kang kukunin ko."
"Ha?"
"Dyan ka lang."
"O— Okay."
Nagkatinginan naman sila Uno at Sam sa isa't isa at sabay rin nilang sinabi "hindi ka nakain ng gulay?"
"Ah... eh... parang ganun na nga."
"Oh? Bakit naman? Ang sarap kaya ng gulay." Ang sabi naman ni Uno.
"Oo nga pero di naman talaga lahat nakain ng gulay pero dapat kumakain ka parin." Sabi naman ni Sam.
"Ah... O— Oo meron naman akong gulay na kinakain yung ano..."
"Patatas at patani lang ang gusto n'ya." Bungad naman ni Thew na may dalang ulam para kay Gaile.
"Patani?" Ang sabay namang sambit nila Uno at Sam.
Iniabot ni Thew ung chicken adobo with patatas kay Gaile "lima beans yun di yun kilala ng iba pero itong si Gaile kilalang kilala n'ya. Right Baby Lima?"
Gaile smirked "mukha mo!"
"Kumain ka na nga lang dyan baka pagalitan pa ko ni mommy."
"Tsss! I knew it! Ininit mo lang ito no?"
"Hindi no! Ako talaga nag luto niyan di ko lang talaga nilabas muna para ma test kita pero wala ganun ka pa rin ayaw mo parin ng ibang gulay!"
"Huh! Para namang lahat ng gulay eh kinakain mo."
Bumulong naman si Sam kay Uno habang nag uusap yung dalawa "close pala sila?"
"Oo magkababata silang tatlo ni Kenny."
"Oh? Silang tatlo? Kaya pala kilalang kilala ni Thew si Gaile."
Napatingin naman si Uno dun sa dalawa na nag tatalo pa rin tungkol sa pagkain ng gulay at napansin naman ni Sam na may something ang mga tingin ni Uno kila Gaile at Thew.
"Are you into her?"
"ANO?"
Napatigil naman sa pag tatalo yung dalawa sa sigaw ni Uno.
"What's going on?" Tanong ni Gaile.
"Ha... Ha... Ha... wala di ba Uno? Ha... Ha..."
Uno glared at Sam "lagot ka sakin mamaya." Aniya sa mahinang tono.
"Uno?" Sambit ni Gaile.
"Ha? A— Ano oo wala naman kumain na kayo. Baka maubos namin ito ni Sam sige kayo."
Nag tutulakan naman sila Gaile at Thew sa pag upo nila habang napaisip naman si Sam "mukhang... magagamit ko ang pagiging journalist ko sa mga ito."
Sa mag kaparehong oras...
Naka squat si Kenny habang may patong na tatlong ibro na mag kakapalan sa ibabaw ng kamay nya mga ilang oras na rin ang nakalilipas ng dumating sila sa bahay.
"Sorry Sir... hindi ko kayo mabibigyan ng pagkain." Ang naaawang sambit ni Chinchay.
"Ayos lang po sige umalis na kayo di rin naman ako makaka alis dito may cctv na nakamasid sakin."
Napatingin naman si Chinchay sa kaliwa at kanan nya sa bandang taas at nakita nya ngang may pulang ilaw ang mga cctv na hudyat na bukas ito at naka record ang bawat galaw ni Kenny.
"Sorry talaga Sir."
"Ayos lang ho, sige na umuwi na po kayo Sabado naman kaya dapat half day lang kayo."
"Sige Sir, kaya n'yo yan."
"Um. Salamat po."
At umalis na nga si Chinchay mga ilang segundo pa bumaba si Barbie at pumunta sa may sala kung nasan si Kenny.
"You okay?"
"Oh? Gising ka na. Kamusta ang likod mo? Masakit pa?"
Kelly shook her head "ikaw, kaya mo pa? Kanina ka pa dyan."
"Sanay na ko dito kahit isang araw pa."
"Hmm?"
"Bata palang ako ganito na parusa sakin ni daddy gusto n'ya kasing maging malakas ang pangangatawan ko para pag nag sundalo ako hindi ako weaklings."
"Eh? Sundalo? Ikaw?"
"Um. Yun ang gusto sakin ni daddy bata palang ako kaya wag mo kong alalahanin."
"Tsss! Bakit naman kita aalalahanin?"
"Ano?"
"Just kidding. May gusto ka bang kainin?"
"Hindi ako pwedeng kumain."
"Ha? Hindi pwede? Eh gabi pa tayo hindi nakain."
"Oo pero sanay na ko."
Pero biglang nag rumble ang tyan ni Kenny.
"Sanay pala ha."
"Eh... He..."
"Okay, don't move kukuha kita."
"Ha? Pero hindi pwede magagalit sakin si dad."
Lumapit sa kaniya si Barbie "don't worry akong bahala." Then she winks.
Pagbalik n'ya may dala syang pagkain para kay Kenny.
"Kain na."
"Ha? Pero kasi may cctv na nakabantay sakin."
"Ayos na sinira ko."
"HA???!!!"
"Chill, hindi mahahalata ni uncle na ako ang may gawa."
"Ano? Baliw ka na! Baka hindi na ko paupuin nito ni dad."
"Kumalma ka nga! Ako nga sabing bahala sayo."
"Kow! Bahala, tapos ako rin kawawa sa bandang huli."
Barbie sighed "listen, dahil tinulungan mo ko kagabi its time for me to pay you back."
"Hmm?"
Naging shy naman bigla ang awra ni Barbie "eh? Is she trying to be cute?" Pa bulong na sambit ni Kenny.
"Haysss... kumakain ka na nga kasi! I will be responsible to you."
Namula naman ang tenga ni Kenny ng marinig n'ya yon "ano na? Tutunganga ka lang ba dyan?"
"Ah.. O— Oo eto na nga."
Dahil nga mga ilang oras na naka squats si Kenny masakit na ang binti at tuhod n'ya kaya muntik na syang natumba buti nalang na salo agad s'ya ni Barbie.
"See, sabi ko naman sayo akong bahala sayo."
Nagulat at namula ang mukha ni Kenny sa sobrang kaba n'ya dahil ang lapit ng mukha n'ya kay Barbie.
"Hmm? Your face..." hinawakan nya ang mukha ni Kenny.
"I... I think..."
"Ano yon?"
Hindi naman na pigilan ni Kenny ang sarili niya kaya for the second time hinalikan na naman nya si Barbie.
"I... I like you Barbie..."
".....Ehhhhh....."
Like it ? Add to library!