Unduh Aplikasi
24.46% PRIDE of Friendship / Chapter 23: Chapter 22: Kenny’s Special Treatment for Barbie (Extended)

Bab 23: Chapter 22: Kenny’s Special Treatment for Barbie (Extended)

Hindi dumeretso ng uwi sila Kenny at Barbie nag punta sila sa isang kainan kung saan madalas kumakain ang mag ka SK ni Kenny.

"Hmm? Hindi nag luto si ate Chinchay?" Ang tanong ni Barbie kay Kenny pag baba nya ng motor at naka hawak pa nga sya dito dahil nahihirapan sya bumaba dahil medyo may kataasan ang motor nito.

Inalalayan naman ni Kenny si Barbie "oo nag text sakin may kinailangan daw puntahan kaya dito na tayo kakain."

"Ohhh… pero baka mahal dito wala akong dalang malaking pera di mo man lang ako tinanong."

"Tsss… ako ng bahala ang dami mo pang sinasabi." At hinila na nya si Barbie papasok ng restaurant ng biglang nakita sya nila Juni at Lloyd.

"Chairman!!!" Anila.

Pandalas namang bumitaw si Kenny sa kamay ni Barbie ng makita sila nila Juni at Lloyd "ba—bakit kayo nandito?"

Nakatingin naman yung dalawa kay Barbie "hi, I'm Juni." Tinulak naman sya ni Lloyd at nag pakilala rin "hello, I'm Lloyd your future boy…" hindi naman na nya na ituloy ang sinasabi ng hilahin ni Kenny ang mga tenga nila.

"Future ano ha? Nagawa nyo na ba ang mga pinag uutos ko sa inyo at nandito kayo?"

"Tapos na, kaya nga nandito kami ililibre kasi kami ni Unice ang tagal lang." Ang sabi ni Juni.

"Oo nga Chairaman, bitaw na ang sakit na ng tenga namin." Ang sabi ni Lloyd na namumula ang kanang tenga.

"Sinong niloko nyo? Late na ang uwi ni Unice kaya wag nyo kong simulan kung ayaw nyong matanggal ang mga tenga nyo."

"Sorry na Chairman…" Ang pag mamakaawa na sambit nung dalawa at lumuhod pa nga ang mga ito kay Kenny.

"Haysss…sabihin nyo nag cut na naman kayo ng klase nyo?"

"Si Juni kasi niyakag ako."

Binatukan naman ni Juni si Lloyd "anong ako? Bwiset ka ako nga ang niyakag mo sabi mo wala di na dadating si Ma'am Enriquez kaya sabi mo kumain tayo dine tapos tatawagan natin si Avis para mag pa libre."

Lalo namang piningot ni Kenny ang tenga nung dalawa at habang pinagagalitan niya ang mga ito nakamasid lang si Barbie sa kanila at naka ngiti "tumayo na kayo at sumama na kayo sa loob ako ng bahala sa kakainin nyo pero ako ang pipili!"

"Maraming salamat kamahalan." Ang sabay na sambit nung dalawa kay Kenny at may pag hawak pa ang mga ito sa binti nito.

"Bitawan nyo nga ko nakakahiya."

"Pffft…hahahaha…" ang naging reaction naman ni Barbie at napahinto yung tatlo dahil sa kaniyang tawa at napansin nya naman ito kaya nag kunwari nalang syang parang walang nangyare "cough… sorry."

"Ahhhh… ang cute nya." Ang sambit nung dalawa at sabay tayo at lumapit kay Barbie at lumayo naman ito sa kanila.

"Haysss… tung dalawang ito talaga…Hoy! Kapag hindi nyo sya nilubayan hindi kayo makaka kain!" Ang pagalit na sambit ni Kenny at lumapit namang muli sa kaniya yung dalawa at sinabing "Chairman naman parang others."

"Heh! Bilis pumasok na kayo!"

"Yes Chairman!" Anila at pandalas na ng pasok.

Lumingon naman si Kenny kay Barbie "oh, ano pang ginagawa mo dyan? Halika na."

"Tsss.. Oo na!"

"."

Nang makatapos sa pagkain yung apat nag pasalamat naman agad sila Juni at Lloyd kay Kenny.

"Haysss… wag nyo ng uulitin ang mag cut ng class babanatan ko na kayo tatanggalin ko kayo sa pagiging SK Member nyo dapat tayo ang modelo ng mga kabataan kaya umayos kayong dalawa."

"Yes Chairman." Anila at ngiting ngiti naman sila kay Barbie.

"Ba—Bakit?" Ang nahihiyang sambit ni Barbie.

"Ngayon lang kasi may inangkas si Chairman sa motor nya kaya…" Ang sabi ni Juni at tumingin pa sya kay Lloyd at sabay nilang sinabi "girlfriend ka nya?"

Sabay namang sinagot nila Barbie at Kenny yung dalawa "hindi no!"

"Wehh… Chairman wag ka ng mag lihim samin ni Juni promise hindi namin sasabihin kila Unice. Di ba no?"

"Oo naman promise."

"Heh! Tumigil nga kayo wala kaming relasyon."

"Cough… excuse me lang kailangan ko lang gumamit ng comfort room and yes wala kaming relasyon ni Kenny malabo pa sa pag puti ng uwak na maging kami. Dahil hindi kami talo." Ang sabi ni Barbie at nag tungo na nga sya sa cr.

"Hindi talo? Bakit?" Ang sabi ni Lloyd.

"Oo nga anong meron?" Ang sabi naman ni Juni.

"Alam nyo kapag hindi kayo tumigil iiwan ko kayo dineng dalawa at pag babayarin ko kayo ng mga kinain nyo."

"Pero, kung hindi pala kayo pwede ba namin syang ligawan ni Juni?"

"Oo nga Chairman lakad mo kami."

THUD!

Sa inis ni Kenny na bunton nya yung galit nya sa mesa.

"Kapag… hindi… pa… kayo… tumigil… makikita nyo talaga ang langit!"

"So—Sorry po kamahalan." Anila.

"Pero hindi mo talaga sya girlfriend?" Ang pahabol pang sambit ni Juni.

"JUNI!!!!"

Samantala papauwi na sana sila Bruce at Amanda ng probinsya ng biglang may nangyare…

"Amanda? Amanda? Nasan ka?" Hinanap ni Bruce si Amanda sa buong hotel room kung saan sila nanunuluyan.

May binili lang si Bruce sa labas ng hotel at ng pagbalik nya wala na sa hotel room nila si Amanda "Amanda? Nasan ka ba? Aalis na tayo nasa baba na yung taxi."

Pero hindi talaga makita ni Bruce ang kaniyang matalik na kaibigan na si Amanda ng may naka pukaw na isang sulat na naka patong sa kama.

"Hmm? Sulat?" binuksan niya yung sulat at binasa at ang nakalagay sa sulat ay…

____ Dear Best,

Alam kong hindi mo inaasahan na mawawala ako sa paningin mo pero hindi ko rin inaasahang bigla ko nalang maisip na kailangan ko na munang hanapin ang sarili ko. Wag mo sanang isipin na iniwan kita ng walang paalam pero kailangan ko itong gawin para sa future ni Barbie nasa Manila na rin naman ako kaya mag hahanap na muna ako ng trabaho dito kaya sana ikaw na munang bahala sa inaanak mo. Pero wag kang mag alala dahil hindi naman ako makikipagkita kay Jeron gaya nga ng sinabi ko sa kaniya ibang Amanda na ko may anak na kailangang suportahan kaya naman bilang ganti mo sa kabaitan sakin at sa anak ko mag papadala nalang ako ng pera pag nakahanap ako ng trabaho dito sa Manila para naman hindi libre kaming nakikitira ng anak ko sa inyo.

Ayoko kasing isipin ng iba na umaasa lang kami ni Barbie sa inyo kaya mag susumikap ako para makapag padala ng pera buwan-buwan. Wag mo sanang isipin na naging selfish ako dahil hindi ko man lang na sabi sayo ang plano kong manatili dito sa Manila ayoko lang kasi na dumagdag pa sa problema mo. At pakisabi na rin kay Barbie na nag abroad ako para hindi na nya ako hanapin dito sa Manila alam ko kasing kapag nalaman nyang andito lang ako susunod yun ayoko naman ng dahil sakin huminto sya ng pag aaral na kapag transfer na sya satin kaya mahirap kung ililipat ko na naman sya dito. At nga pala Besh, wag na wag mong babanggitin kay Barbie na nagkita kami ng tatay nya. Alam nya kasing buhay pa si Jeron pero ayoko lang na magkita sila alam mo na ayokong balang araw kuhanin sya sakin dahil tanging ang anak ko nalang ang yaman ko sa buhay. Kaya please Best… wag na wag mo ng pa pupuntahin pa ng Manila si Barbie. Ikaw na munang bahalang maging nanay at tatay para sa kaniya alam ko namang iingatan mo sya na parang tunay mong anak kaya hindi ako nag aalalang sayo ko sya iiwan. Sorry rin dahil biglaan ang naging desisyon ko. Sorry talaga ikaw ng bahala sa lahat.

____ Amanda

Nang mabasa ni Bruce ang sulat na iniwan sa kaniya ni Amanda dali-dali syang bumaba para hanapin ito pero huli na sya dahil ang taxi na dapat nilang sasakyang dalawa ay papaalis na…

"Amanda!!!" Ang pahabol na sambit ni Bruce ng makita nyang papasakay na ito sa taxi na dapat silang dalawa ang magiging sakay.

Nilingon lang sya ni Amanda at tuluyan ng umalis lulan ng taxi.

"AMANDA!!!"

Nang mga oras na yon hindi malaman ni Bruce ang gagawin nya alam nyang matalik nyang kaibigan si Amanda pero may iba syang naramdaman nung iniwan sya nito gaya nung naramndaman nya nung iniwan rin sya nito nung sila'y mga teenager pa lamang. Dahil may lihim syang pag tingin kay Amanda pero hindi nya maamin dala na rin ng kanilang mag kaibang kasariang pinili. Alam ni Amanda na bakla si Bruce at alam ni Bruce na may pagka tomboy si Amanda at higit sa lahat matalik silang mag kaibigan kaya naman hindi na nag balak pang sabihin ni Bruce ang totoong nararamdan nya para kay Amanda dahil inisip nyang baka masira ang kanilang magandang pagkakaibigan.

***

Nang makauwi sila Barbie at Kenny sa bahay nila nag hihintay na roon si Thew sa may gate.

"Thew? Anong ginagawa mo dito?" Ang bungad ni Barbie habang pababa ng motor ni Kenny.

"Ah… may pinabibigay kasi sayo si Coach." Ang sagot ni Thew at inalalayan nya si Barbie at ang sama naman ng tingin nya kay Kenny.

"Hmm? Anong ipinabibigay?"

"Sandali lang kukunin ko."

Binuksan ni Thew ang kotse nya at kinuha yung paper bag na kulay black na may lamang varsity uniform "here, buksan mo para sayo yan."

"Eh? Pero hindi ko pa naman birthday."

Tahimik lang naman na nakamasid si Kenny habang dahan-dahan syang bumaba sa kaniyang motor.

"Wow, varsity uniform? Sakin ba talaga ito?"

"Um. Sayong sayo dahil from now on ikaw na ang kauna-unahang kasali sa baseball team ng AGA."

"Woah… astig! Salamat."

Ngiting ngiti naman si Thew na parang proud na proud ng biglang sumingit sa magandang moment nila si Kenny "tsss… ikaw magiging varsity? Huh! Ang lampa mo nga bababa ka lang ng motor ko kailangan mo pang inaalalayan tapos varsity? Ikaw? Hahahaha… nag papatawa ka ba?"

Gusto na sanang sumagot ni Thew para ipagtanggol si Barbie kay Kenny ng harangan sya nito "ako ng bahala sa isang ito."

"Bie…"

"Alam mo, hindi porket umangkas at nilibre mo ko ng pagkain eh close na tayo. Tandaan mo hindi mo pa ako kilala para i-judge." Ang maangas na sambit ni Barbie then she rolled her eyes at sinama nya si Thew papasok sa bahay nila.

Thew smirked at him na para bang nakakaloko "aba't! Ako pa talaga ang naiwan dito? Hoy! Bahay ko rin yan!" Ang pagalit na sambit ni Kenny at nung papasok na sana sya biglang tumunog ang cellphone nya.

"Dad?"

Bruce: Oo ako nga.

Kenny: Napatawag po kayo. Pauwi na po ba kayo?

Bruce: Sana kaso may naging problema eh kaya baka nextweek na ko makauwi.

Kenny: Po? Ano pong nangyare? Ayos lang po ba kayo? Si tita Amanda kamusta po?

Bruce: Ayos lang ako pero ang tita Amanda mo kasi umalis at hindi ko alam kung saan pupunta kaya ikaw na munang ulit ang bahala sa kinakapatid mong si Barbie.

Kenny: Po? Pero ano po bang nangyare dyan Dad?

Bruce: Tsaka ko na ipapaliwanag kapag nagkita na tayo. Sige na kailangan ko ng ibaba ito wag mong sasabihin kay Barbie ang mga nalaman mo okay?

Kenny: O—Opo Dad.

Bruce: Wag kang mag alala ayos lang kami ng tita Amanda mo kailangan ko lang syang makausap para maka sigurado akong ayos ang lahat.

Kenny: Noted po Dad ako na pong bahala sa inaanak nyo wag kayong mag alala.

Bruce: Thanks Son. Ingat kayo.

Kenny: Opo kayo rin po.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
lyniar lyniar

Habaan pa kaya ni Kenny ang kaniyang pasensya para kay Barbie? O baka hayaan nalang itong gawin ang gusto nya? O hindi naman kaya mag ka sundo na silang tuluyan? Hmmm... ( ͡❛_ ͡❛)

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C23
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk