Unduh Aplikasi
57.14% One Fifty (Tagalog) / Chapter 8: Kabanata: Bridge to His Heart

Bab 8: Kabanata: Bridge to His Heart

Pag-uwi ko ng bahay. Hindi ako mapakali dahil sa nangyari. Kahapon, nanaginip lang ako tungkol sa kanya. Ngayon, abot kamay ko na siya kanina.

"EHHHHHHHH!!!"

Sumigaw ako sa loob ng kwarto ko dahil sa kilig. Putek! Ang gwapo niya talaga. Rawr. Pag ako trinigger niya. Papatulan ko talaga siya. Kaya wag lang siya magkakamaling hamunin ako. Lalabanan ko talaga siya.

Mama: Puntahan mo nga ang ate mo sa kwarto niya. 'Bat sumigaw 'yun bigla.

Letecia: Sige po ma.

"Tokkk... tookkkk!!!"

"Ate?..."

"Oh, bakit?" sagot ko.

"'Bat ka raw sumigaw? Tanong ni mama."

"Ahhh, wala. May ipis lang kasi dito sa kwarto ko. Pero okay na." pagdadahilan ko.

Narinig pala nila mama at ng kapatid ko ang sigaw ko mula dito sa kwarto hanggang sa ibaba. Sobrang lakas siguro ng sigaw ko, kasing lakas ng kagwapohan niya pagdating sa akin.

"Hehehe..."

Makakasakay pa kaya ako sa kotse niya? Mmmm... di bale na. Magpapalit lang muna ako ng damit pangbahay.

Tumungo ako sa aparador para tingnan ang kabuoan ng kaanyoan ko, ang physical appearance ko. Habang hinuhubad ko ang blause ko, napapaisip tuloy ako kay Fil Am. Nag-iinit ang aking katawan. Hindi ko alam kung bakit pero parang naglalaro sa isip ko ang napaginipan ko nung isang gabi.

"Ateee!!! Kakain na raw tayo!" pasigaw na sabi ng kapatid ko.

Napahinto ako sa ginagawa ko at binilisan ko ang pagbibihis dahil baka maabotan pa ako ng sermon pag hindi pa ako makababa agad.

Pagdating ko sa ibaba, nandun na si mama at ang kapatid ko sa gilid ng mesa, nakaupo na. Ako na lang ang kulang.

"Anong nangyari sayo? 'bat parang sobrang pinapawisan ka?" pangungusisa ni mama.

"A-ahhhh... wala 'to ma. Mainit lang sa kwarto." pautal kong sagot.

"Oh, sige. Kumain na kayo at pagkatapus niyong kumain. Gawin niyo agad ang assignments niyo, para maaga kayong makapagpahinga." bilin ni mama.

Sabay-sabay na kaming kumain at sarap na sarap kami sa luto ni mama na gulay. Malunggay na sinabawan lang, pero masarap na 'to sa amin.

Ganito kami pag walang ulam. Minsan kasi hindi nakakapunta ng palengke si mama dahil may ginagawa siya dito sa bahay na hindi niya kayang iwan. May sarili kasi kaming internet shop na ngayon.

Hindi na namin kailangan na pumunta pa dun sa pinupuntahan namin ng kapatid ko sa kabilang village. Kung saan nangyari ang pagsasamantala sa akin ng demonyong lalaking 'yun.

Pagkatapus naming kumain ay agad na bumalik ako sa kwarto ko para tingnan ang mga notebook ko kung may takdang aralin ba kami. Sa kalagitnaan ng pagbubukas ko ng mga pahina ng notebook ko. Biglang tumunog ang cellphone ko.

"RINGGGG!!!"

"RINGGGGG!!!"

Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Pagbukas ko, wala namang tawag. Pero 'bat ganun ang ringtone.

Putek, hindi ko pa pala napapalitan ang notification ring ko. May nag-add lang pala sa akin sa Facebook.

'Calvin Ayco?'

Sino kaya siya. Matingnan nga. Kaya pinindot ko ang notification bar at dumiretso naman ito sa Facebook app ko. Ito na, nakikita ko na ang timeline niya.

Agad kong pinindot ang profile picture niya. Wala ng patumpik-tumpik pa. Paglabas ng picture, bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko matukoy kung, kinakabahan ba ako o natutuwa sa nakikita ko.

Siya pala yung lalaking kasama ni Fil Am halos araw-araw. Calvin Ayco pala pangalan niya, hah. Bakit niya kaya ako inadd. At tiyaka paano niya nalaman ang pangalan ko.

Kinonfirm ko siya at pinatay muna ang phone ko. Para makapag-concentrate lang muna ako sa takdang aralin ko. Ay! Ito, sa math. May assignment kami.

Dito lang sa college, masasabi kong sobrang easy ng math. Para bang napakadali lang lahat na esolve. Di gaya sa high school, ang hirap. Wala talaga akong na learn sa high school ko. Mabuti na lang at sobrang bait ng prof. namin sa math. Pinapadali niya sa amin ang math. Nakadepende lang talaga sa guro kung paano nila ito tinuturo sa mga estudyante nila.

"Vibrateeeee... vibrateeee..."

Narinig kong nag-vibrate ang phone ko sa ibabaw ng mesa. Kaya agad ko itong kinuha. Marupok kasi ako. Madali lang akong ma destruct pag cellphone na ang pinag-uusapan.

"Calvin Ayco message you on messenger."

Ano kaya menessage niya. Na-curious tuloy ako. Parang ang bilis naman atang gumalaw nitong lalaking 'to. Pero kahit na landiin niya ako, si Fil Am pa rin ang gusto ko.

"Salamat pala sa tulong mo." ang laman ng message ni Calvin.

"Hah? Salamat, para saan?" reply ko.

"Sa pagpapahiram mo ng pera nung isang araw." reply niya.

In fairness hah, ang bilis niya mag-reply. Sana all. "Nako, wala 'yun." reply ko.

"Salamat talaga. Babawi na lang ako sayo, pag nagkita tayo sa school." reply niya.

"Basta, wala akong hinihingi na kapalit sa pagtulong ko sayo. Ikaw bahala." reply ko.

"Sige." huli niyang reply.

Ibinalik ko sa mesa ang phone ko at nagpatuloy sa pagsagot ng assignment ko. Makalipas ang dalawang oras, natapus na rin ako at inayos ko na agad ang higaan ko dahil inaantok na rin ako.

"Nak," biglang pumasok si mama sa kwarto ko.

"Bakit ma?" malumanay kong sagot.

"Matulog ka na, maag ka pa bukas." caring na boses ni mama.

"Sige ma."

Tapus sinara ni mama ang pintuan at umalis. Natulog na ako ng makaalis si mama. Napagod ako sa problem sa math.

Kinabukasan, sa school.

Tara na guys, kain na tayo sa canteen. Pag-aaya ko sa mga classmate kong puro babae. Ang mga lalaki kasi may iba ding groupo.

"Kayo? Sasama ba kayo sa amin?" pag-aaya ko rin sa mga kaklase kong lalaki.

"Sige, sabay na rin kami sa inyo." bibo nilang sagot.

Sabay-sabay na kaming tumungo sa canteen. Pagdating namin ay agad kaming umorder sa cashier ng ulam. Nauna na ako sa kanila dahil hindi pa sila makapagdecide kung bibili ba sila ng ulam o soft drinks na lang ang bibilhin nila.

"Ate, isang chicken curry nga... Magkano po?"

"25 pesos." sagot ni ateng cashier.

Binuksan ko ang pitaka ko. One hundred lang ang pera ko. Walang barya. Kaya itong isang daan ko na lang ang ibinigay ko sa kaniya.

"Nako, wala kaming barya niyan." pagtanggi ni ateng cashier.

"Ate, sa akin niyo na lang po kunan." Isang lalaking boses ang nagsalita na nasa tabi ko lang. Nauna siya sa akin sa linya.

Lumingon ako para tingnan kung sino siya. @_@ OHHH EMMMM JAYYY... kung ang panahon ba naman talaga ang magdadala sa amin sa isang lugar.

"Diba ikaw si...," hindi ko tuloy matandaan ang name niya dahil inunahan na ako ng kaba.

"Calvin... Calvin Ayco." wika niya.

"Ay! Tama. Babayaran na lang kita pag may barya na ako nito." sabi ko sabay pakita sa pera ko.

"Haha, diba sabi ko sayo. Babawi ako. Baka ito na 'yun." napangiti siya.

"Salamat." kunting sagot ko sa kaniya.

Pinasok ko pabalik ang pera ko sa pitaka. Pagkatapus, kukunin ko sana ang ulam na binili ko ng... bigla itong nawala.

'Nasaan na 'yun?' tanong ko sa aking sarili.

Lumingon ako sa paligid at nakita ko si Calvin na hawak-hawak ang plato ng ulam ko. Nakangiti pa ang puta, gwapong puta rin.

"Hoy! Gwapong put..." pasigaw kong tawag sa kaniya. Ngunit hindi ko natapus ang huling letra.

"Gwapong put...?" curious at parang nang-aasar niyang mukha.

"Wala." nahihiya kong sagot.

"Talaga?" pang-aasar niya.

"Akin na nga yan." inagaw ko ang plato.

"Wag na. Ako na magdadala nito para sayo. Saan ba ang mesa niyo?" boluntaryo niyang dinala ang ulam ko sa mesa namin.

Hindi pa talaga siya nahiya sa harap ng classmate ko. At inilapag niya na para bang kilala niya na lahat ng klasmeyt ko.

"Your welcome." sabi niya sabay ngiti.

Wait! whutt??? Inunahan pa ako ng gwapong putang ito. Inaasar niya talaga ako, hah.

"Thank you Ser! Happy?" pang-aasar ko rin sa kaniya.

Ngumiti lang siya at umalis papunta sa mesa niya. Sinundan ko ng tingin ang direction niya. At nang makita ko siyang may kasama pala siyang isang lalaki na nakatalikod sa amin.

Hindi ko matukoy kung sino siya pero parang familiar sa akin ang gupit ng buhok. Parang si Fil Am 'yun, ah. Pero paano naman nangyari na magkaibigan sila. Pero di rin imposible na magkaibigan nga sila.

Ehhhhhh... paano na yan. Baka pag magkita kami ulit o magkasalubong kami sa daan, kasama ni Fil Am si Calvin at baka tuksuhin niya lang ako. Grrr... hindi ko dapat ipamukha kay Calvin na may crush ako sa kaibigan niya. Kung hindi malalagotan ako ng hininga.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C8
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk