KYLE
Because of so much curiousity and confusion about that room, I came up with a plan -- Though I'm not sure if it'll be a success or not..
Plano para makita at makilala kung sino yung nakatira doon.. Kung kailangan na bantayan ko ang room niya 24/7 ay gagawin ko. Desperadong-desperado na akong malaman kung sino nga ba ang nasa likod ng room 33 na yan. Pakiramdam ko kasi parang....
*Knock! Knock!*
Napatigil ang pagiisip ko nang biglang may kumatok sa pinto.. Tumayo ako para tignan kung sino ito..
"Oh Ikaw po pala, Ms. Mich. Napadaan po kayo?" Si Ms. Mich ay yung babae sa counter..
"Pumunta ako para sabihin sayo, Sir na if ever nagugutom po kayo, we are offering meals dito sa lodge. Just call the customer service hotline number of just tell me na lang if gusto niyo pong kumain.." Sabi niya at ngumiti saakin.
"Naku, nag-abala pa po kayong puntahan ako dito para lang sabihin yan, Salamat po.." Sabi ko. Ngumiti naman siya at paalis na sana nang tawagan ko ulit siya..
"Ms. Mich!" Lumingon naman siya saakin at nilapitan ulit ako..
"Yes?" Sabi niya pagkalapit saakin.
"A-ano... About sa nago-occupy nitong Room 33, lumalabas po ba ito sa kanyang room?" Tanong ko sa kanya.. Bigla namang napa-isip si Ms. Mich sa tanong ko..
"To tell you honestly, hindi ko pa nakikitang lumabas yan sa room niya magmula nang magstay siya rito sa lodge.. Palaisipan rin nga namin kung paano at saan yan kumakain eh ganoon hindi naman namin siya nakikitang lumalabas sa kanyang room, or kung lumalabas man, ay minsan lang.." Sagot naman ni Ms. Mich sa tanong ko.. Lalo tuloy akong nacurious kung sino to.. Napansin kong nagri-ring ang cellphone ni Ms. Mich.
"Hmm. Sigi na, Sir. Tumatawag na yung isang kasama ko doon sa counter eh." Paalam niya saakin.
"Sure, thanks Ms. Mich.." Ngumiti lang siya bago umalis.. Ako naman, biglang napatitig muli sa pinto ng Room 33..
It's a bit strange to think na hindi siya lumalabas sa room niyang iyan.. How can he or she eat? Or... Hindi ba siya nabobored diyan? Like seriously?
Wait....
How about I'll offer him/her a food? Great idea!
Bumaba ako sa may counter para umorder ng pagkain..
"Si Ms. Mich?" Tanong ko doon sa isang babae.
"Ahh, nasa kitchen po siya, Sir.." Sagot niya naman saakin.
"Ma kailangan po ba sila?" Tanong niya ulit.
"Yes, I came here to order food sana." Tumango naman siya.. Binigay niya saakin ang menu para umorder..
"Ito, Ms oh.. 2 orders each.." Sabi ko at tinuro yung pagkain na nasa menu. Tumango naman siya at nagtype na sa kanyang computer..
"How about yung drinks po nila, Sir?"
"I'll just have 2 bottled water.." Simpleng sagot ko.
"Upo muna kayo, Sir. After 10 minutes okay na po yung inorder ninyo.." Sabi niya naman saakin. Tumango lang ako tsaka umupo sa may sofa malapit sa counter.. Nagtingin-tingin ako sa paligid habang hinihintay na dumating yung order ko..
Antique..
Yan lang ang masasabi ko sa lugar na to.. Pero presko naman at mas gugustuhin kong mabuhay sa ganito kaysa sa karangyaan na hindi ka man lang binibigyan ng pagkakataon mamili ng taong makakasama mo sa habangbuhay.. Atleast dito, nagagawa ko ang mga gusto..
Simpleng tao lang naman ako..
Simpleng bagay lang naman ang hinihiling ko eh, yun ay ang pakasalan at makasama ko ang babaeng pinakamamahal ko hanggang sa pagtanda..
Diba ganoon rin naman ang pinapangarap ng marami? Ang maikasal sa taong mahal nila, yung puso niyo lang ang nagma-matters, walang perang involved... No business matters involved..
Muli akong huminga ng malalim, sa tuwing iniisip ko na hindi ko makakasama sa habangbuhay si Elle parang ikamamatay ko...
Mas gugustuhin ko ring mabuhay sa simpleng bahay, simpleng pamumuhay kasi atleast doon, makakahanap ka ng totoong kaligayahan. Maganda ang buhay na meron ako ngayon, pero hindi yung sobrang ganda...
"Sir?" Napatigil ang pagmumuni-muni ko nang bigla akong tawagin ni Ms sa counter..
"Yes?" Sabi ko naman sa kanya. Yan tuloy!
"Ready na po ang mga orders niyo, dito lang po ba kayo kakain, or dadalhin niyo na lang sa room niyo?" Tanong niya.
"No, I'll take that sa room ko.. Thank you." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti rin siya saakin at tsaka kinarga ko na ang tray na may mga orders ko at dinala na sa taas..
Dinala ko muna sa loob ng room ko ang isang order ng pagkain tsaka muling lumabas para dalhin to sa kapitbahay ng room ko..
Nasa harap na ako ng room 33. May kaba akong nararamdaman kaya hindi ako maka-katok..
I grabbed all the strength I need para kumatok sa pinto niya.
I knocked three times, I waited for a minute, two minutes, but hindi niya binuksan ang pinto..
Kumatok ulit ako sa pinto niya at muling naghintay na medyo matagal, pero wala pa rin. Hindi niya pa rin binubuksan ang pinto.. Lalo tuloy ako nacurious sa taong to..
"Mamaya na lang siguro baka walang tao.." Bulong ko tsaka bumalik sa room ko. Pagtingin ko sa orasan ko, 6:15pm na.. Medyo nagugutom na rin naman ako kaya kumain na muna ako.
At infairness, ang sarap ng luto nila.. Ang mura na niya at ang sarap.. Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko yung pinagkainan ko at pumasok sa banya para maligo..
May shower rin pala sila dito though walang bathtub, pero okay na rin to.. After kong maligo, nagbihis na rin agad ako at kinuha ang tray na may pagkain. Lumabas na sa room ko para magtungo sa room 33.
Napansin kong nakabukas ang TV niya compared nung nagpunta ako dito kani-kanina lang..
For the third time, muli akong kumatok sa pinto ng room niya. Pero as usual hindi niya pa rin ako pinagbubuksan ng pinto.
Medyo nakaramdam na ako nang inis, dahil sa taong nakatira dito. Parang ang rude lang din kasi ng dating saakin eh.
Pag ito hindi niya pa ako pinagbuksan ng pinto, hindi ko na lang talaga alam sa taong to!
Muli akong kumatok sa pinto ng room niya pero this time, may diin at medyo may kalakasan na..
Naghintay pa ako doon, at hindi nga ako nagkamali..
Bigla kong narinig yung pag-unlocked ng locker sa kanyang doornob at ang pagbukas nito..
Pigil-hiningang hinintay kong masulyapan ang kanyang wangis..
At nakaramdam ako ng panginginig ng mga tuhod at kamay...
Lalong lumakas ang kaba ko nang tuluyan niya ng binuksan ang pinto ng room niya...
"H-hi.." Tanging sambit ng bibig ko pagkakita ko sa kanya..