Unduh Aplikasi
39.82% No Strings Attached / Chapter 45: Unexpected Housemate

Bab 45: Unexpected Housemate

KYLE

"H-hi" Halos mabitawan ko ang hawak kong tray nang makita ko ang taong nakatira dito sa room 33...

Isang matangkad, at may edad na lalaki. Medyo may kalakihan rin ang kanyang pangangatawan, kayumanggi ang kulay ng kanyang balat at medyo mahaba ang kanyang buhok.

Nakatingin siya saakin, pero isang bagay lang ang napansin ko sa kanyang mga mata.. Kalungkutan..

"Anong kailangan mo." Walang emosyong sabi niya saakin.

Napalunok naman ako ng laway sa paraan ng pagsasalita niya..

"H-hmm. B-bago lang kasi ako rito, at n-naisipan kong dalhan ka ng m-makakain.. H-hehehe" Sh.t this stuttering! He's just looking at me at pumasok na ulit sa kanyang room. I guess, ayaw niya kaya naglakad na lang ulit ako pabalik sa room ko.

"Pasok ka" Nagulat ako sa bigla niyang sabi..

"H-ha?" Nauutal ko paring sabi sa kanya.

"Sabi ko pumasok ka. Huwag kang mag-alala, hindi ako masamang tao." Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya or matatakot.. Pero ang kaibahan lang, ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Parang matagal ko na siyang kakilala at ngayon lang kami ulit nagkita na hindi ko maexplain kung saan ko nga ba siya unang nakita.

Pumasok na ako sa loob ng kanyang room, at ang unang napansin ko ay ang isang painting..

Painting ng isang baby na nasa womb ng isang nanay.. Pero nababalutan ito ng itim or grayish color sa paligid nila, hindi ko sure kung style or trip niya lang ba na lagyan ng ganoon, or sadyang sinadya niya talaga.. Medyo nakaramdam naman ako ng pagkirot sa aking puso or biglaang kalungkutan sa hindi malaman na dahilan..

"Ikaw po ba ang gumawa niyan?" Biglang tanong ko sa kanya habang sinisimulan niya na ang pagkain.

"Oo. Bakit?" Tanong niya habang ngumunguya.

"Wala naman po, siguro nagtataka lang kung bakit ganoong kulay ang nilagay niyo sa paligid ng mag-nanay.." Inosenteng tanong ko..

Bigla naman siyang napatitig sa painting na tinitignan ko..

"Ang totoo niyan, sinadya ko talagang lagyan ng kulay na yan sa paligid nila.." Biglang sabi niya saakin. Napatingin naman ako sa kanya, ang gaan sa pakiramdam..Parang hindi man lang ako natatakot sa pwede niyang gawin saakin though I can fight him back naman pero parang ewan talaga sa pakiramdam eh.

"Mag-iina niyo po ba siya?" Hindi ko alam kung bakit ko tinanong sa kanya yun ang sigurado ko lang, basta-basta lang siyang lumabas sa bibig.

Napatitig naman siya saakin at muling sumubo..

"It's okay kung hindi niyo po sasagutin yung tanong ko, maiintindihan ko naman po yun." Sabi ko and pretended to smile.. He's just looking at me as he continued to eat his dinner...

While he's eating, I continued to roam around his room, at muling napako ang tingin ko sa isang cross-stitch ng isang batang lalaki na may hawak-hawak na balloon. Bigla naman akong napangiti nang maalala kong binilhan ako ni Mom ng balloon nung bata pa ako..

"Ikaw rin po ba ang gumawa nung cross-stitch na yun?" Tanong ko sa kanya habang tinuturo yung cross-stitch na nasa side lang ng painting niya..

"Yes." Simpleng sagot niya at uminom ng tubig. Tapos na pala siyang kumain..

"Ang galing niyo naman po, siguro anak niyo po yan ano?" Bigla na namang sabi ko sa kanya.

Sa halip na sagutin niya ako ay tinignan niya lang ako..

Ang lalim ng kanyang tingin niya saakin, parang nangungusap kaming dalawa pero sa tingin lang..

"M-may problema po ba?" Nauutal kong tanong sa kanya.. Tumingin siya sa kanyang bintana at huminga ng malalim.. Pakiramdam ko kasi may malalim siyang tinatago, or problema..

"Bago ka lang ba dito?" Biglang tanong niya saakin. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ah opo. Kanina lang po akong lunch dumating dito.. Kayo po?" Tanong ko sa kanya.

"So ikaw pala yung nakikita ko kanina doon at naglalakad-lakad.." Sabi niya ulit. So siya pala yung parang nagmamasid saakin. Akala ko talaga kung sino. Tsk!

"Kayo po pala yun? Kaya pala may nararamdaman akong parang nagmamasid saakin. Akala ko kasi kung ano na. Hehehehe" I tried to light up the atmosphere kasi sa totoo lang, ang awkward lang nang dating..

"Akala mo na ano?" Tanong niya saakin at tinignan ako.

"Akala ko na masa--" Hindi niya na ako pinatapos na magsalita pa..

"Masamang tao..." Pagtutuloy niya sa sasabihin ko sana.

"H-hindi po ganoon--" He cut me off again!

"It's alright.. Alam ko naman na naging masamang tao ako eh." Bakas sa boses niya ang matinding kalungkutan.

"Ano pong ibig niyong sabihin doon?" Curious kong tanong sa kanya.

"Nakagawa ako ng matinding kasalanan dati. Kahit matagal na yun, hindi pa rin ako tinatantanan ng kosensya ko hanggang ngayon.. " Sabi niya naman..

"Ano po bang kasalanan ninyo?" Napatingin naman siya sa naging tanong ko sa kanya. Minsan hindi ko mawari kung madaldal lang ba talaga ako o may pagkatsismoso.

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot saakin. Kaso saktong pasagot na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko, si Mom..

"Sagutin mo na yung tawag, baka importante yan.." Sabi niya saakin. Ngumiti lang ako sa kanya saka tumayo na..

"Maraming salamat po for allowing me to enter your room." Sabi ko sa kanya..

"I should be thanking you for giving me food.." Sabi naman niya at ngumiti ng kaunti saakin...

"Ganoon po ba? Gusto niyo bukas dalhan ko ulit kayo ng pagkain dito?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti

"Ikaw bahala. Basta kumatok ka lang sa pinto ko.." Paalala niya saakin.

"Sige po!" Masayang sabi ko sa kanya. Wait,

"Ano nga palang pangalan ninyo?" Tanong ko sa kanya.

"Joseph..." Mahinang sabi niya saakin.

"Sige po, Sir Joseph, bukas po ulit.." Sabi ko sa kanya at nagpaalam na.

Pagka-alis ko sa kanyang room, saktong tumawag ulit si Mom saakin. Sinagot ko naman ito.

"Hello, Mom?" Tawag ko sa kanya

"Anak! Ayos ka lang ba talaga diyan?" Tanong niya ulit saakin.

"Opo Mom, sa katunayan nga may bago akong nakilala dito. " Masayang sabi ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim bago ulit magsalita.

"Anak, kailan mo ba kakausapin ang Dad mo? Hindi naman pwedeng ganito na lang kayo parati diba?" Malungkot niyang sabi saakin.

"Let's not talk about it, Mom..I'm hanging up. "Sabi ko sa kanya.

"Sige, mag-iingat ka palagi diyan ah?" Paalala niya saakin

"I will, Mom." Tsaka ko binabaan ang tawag.

Pagpasok ko sa room, bigla akong nakaramdam ng kakaiba..

"Joseph.." Parang pamilyar ang pangalan na yun, parang narinig ko na yun somewhere na hindi ko maalala kung saan.

At hindi ko maipaliwanag kung bakit gustong-gusto ko pa siyang makilala nang lubusan.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C45
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk