KYLE
Nagdrive lang ako nang nagdrive hanggang sa makarating ako sa isang kagubatan. May dalawang way ang gubat na to. Left way and the right way. Saang way ako papasok?
I decided to take the left way... Dahil nga sa gubat ito, hindi sementado ang daanan, rough ang road at kung minsan, may malalaking bato pa.
I heard my phone ringing, pagtingin ko kung sino yung tumatawag, It's Mom. Since umalis ako kanina sa unit, walang tigil na yung pagtawag niya saakin.
Di nagtagal nakareceived ako nang tect galing kay Mom.. Kinuha ko ito at binasa ang text..
'Anak, please answer the call. Let's talk, please...'
Hindi ko nireplayan ang text niya sa halip ay in-off ko yung cellphone ko.
"What's place is this?" Takang tanong ko nang mapadaan ako sa isang tulay.
I continue to drive hanggang sa may madatnan ako na parang isang lodge.. May tatlong kotse rin ang nandito.
Pinark ko ang kotse ko sa tabi ng isang pulang kotse though it kinda reminds me of someone's car..
Pumasok ako sa lodge at nagtungo sa counter or information desk or kung ano bang tawag nila dito to ask kung may vacant pa ba na room.
"May vacant room pa po?" Magalang na tanong ko sa medyo may edad na nakaduty dito.
"I'll check first, Sir...." Sabi niya saakin at tsaka tumingin sa computer na nasa harap niya tsaka muling humarap saakin..
"You're very lucky, Sir. We only have 1 available room." Sabi niya saakin habang nakangiti. Ngumiti rin ako sa kanya.
"I'll take that room, Ma'am." Sabi ko. Ilang pindot pa sa computer niya bago niya ibigay saakin ang susi.
"Here's your key and your room's number is 34 Sir. Enjoy your stay here!" Sabi niya saakin. Agad kong kinuha ang susi at nagpasalamat sa kanya.
Walang elevator ang lodge na to, tanging hagdanan lang ang meron. Umakyat na ako at nagtungo sa room ko.
"Room 34" Bulong ko pagkakita ko ng room ko. Napatingin ako sa Room 33. Hindi ko alam kung bakit napatingin ako dito wherein, hindi naman ako ganoon. It's just that, may kakaiba akong nararamdaman sa Room na yun.
Anyways, inopen ko na yung pintuan ng room ko tsaka binuksan ang ilaw. I roam around the room , so far so good din naman.
I'll stay here for 3-4 days until na kaya ko nang bumalik ulit sa Condo unit ko..
I placed my things sa kama at saka humiga. Huminga ako ng malalim saka pumikit.
"Your life's tough, Dude.. It's not easy for you to live each day..." I mumbled.. Saka bumangon para tignan ang view mula dito sa bintana ng room ko.
Ang ganda. Kabaklaan man, pero ang ganda talaga. Puro puno yung makikita mo, tsaka kitang-kita ko rin ang tulay mula dito at napansin kong may parang ilog sa may tabi ng lodge na ito..
Ang sarap rin ng simoy ng hangin dito sa pwesto ko.
Mas masarap siguro kung maglakad-lakad ako..
Kinuha ko yung susi at yung cellphone ko tsaka umalis ng room. Pagsara ko ng pinto ng room ko, napatingin ako doon sa room 33. Hindi ko maexplain kung bakit parang nakaramdam ako ng comfort sa room na yun. Umiling ako tsaka nagsimulang maglakad paalis ng lodge.
I started to walk sa mga puno at mas lalo akong nakaramdam ng pag-gaan ng pakiramdam..
May nadatnan akong parang grassland siya, pero hindi ganoon kataas ang mga damo dito, umupo ako dito at tsaka humiga.
Ang ganda ng langit. Ang presko sa pakiramdam. Mas masaya siguro pag nandito si Elle at kasama ko siya.
I tried to dial her number pero naka-off pa rin hanggang ngayon..
"Nasaan ka na ba, Elle?" bulong ko sa hangin..
Biglang nagring ang cellphone ko at pagtingin ko kung sino, Si Mom na naman. Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tawag niya.
"Anak! Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag!" Masayang sabi niya.
"What is it, Mom?" Bored kong sabi sa kanha
"Umuwi ka na, please.. Pagusapan natin yung mga sinabi ng papa mo sayo, anak.. Please. I'll tell you the truth for as long as umuwi ka lang.." Bakas sa boses ni Mom ang kalungkutan. Hindi ko namang gustong gawin to eh, after all mga magulang ko pa rin sila. It's just that, kailangan ko munang mapag-isa..
"I know, Mom. Gusto ko lang po munang mapag-isa..." Sabi ko..
"But... Fine, sabihin mo na lang saakin kung nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita.." Sabi niya naman ulit..
"No Mom, You don't have to know...I'm hanging up, Mom.." Sabi ko sa kanya at tsaka inend ang call..
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa damuhan at naglakad-lakad na..
Ang sunod kong pinuntahan ay ang ilog.. Ang linis ng ilog nato, parang pwede mong inumin. Kumukuha rin pala ako ng mga litrato for remembrance.
Umupo ako sa malaking bato sa may ilog at sinawsaw ang mga paa ko doon sa tubig.
"Ang laamigg!" Sabi ko. Habang isina-sawsaw ko ang mga paa ko sa ilog, nakaramdam ako ng kakaiba sa paligid.
It feels like someone is watching over me.. Napatingin naman ako sa paligid ko, pero wala namang tao.
"Napra-praning na yata ako.." bulong ko.. Minutes passed bago ko naisipang tumayo at maglakad na pabalik ng lodge.
Pero parang may nakatingin talaga saakin, dahilan para kilabutan ako.
Muli akong nagmasid sa paligid, mula sa mga puno, sa tulay hanggang napako ang tingin ko sa lodge..
Nakatingin lang ako sa isang bintana sa may second floor ng lodge na tinutuluyan ko. Para kasing may nakamasid saakin, parang pinapanood ako -- ang bawat galaw at kilos ko..
Hindi ko na lang inisip pa yung nangyayari sa paligid, naglakad ako nang medyo mabilis pabalik ng lodge, pagpasok ko sa lodge, nilapitan ko ulit yung babae sa may counter para magtanong..
"Ma'am, pwede po bang magtanong?" Magalang na tanong ko doon sa babae.
"Oh, ikaw pala, ano yun?" tanong niya saakin
"Pwede po bang malaman kung may nago-occupy ng room 33?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako habang ako, ngumiti lang sa kanya.
"Hmm. Based on the record of this lodge, meron naman." Sagot niya saakin. Napaisip naman ako. Sino kaya yun?
"Pwede po bang malaman kung sino po siya?" Muli kong tanong sa kanya.
"For what po ba, Sir?" Tanong niya saakin habang tinitignan ako ng seryoso.
"Hmm.. Gusto ko lang pong malaman eh. Hehehe." Palusot ko. Sana kumagat siya sa palusot ko.
"I'm sorry pero hindi ko maaaring sabihin sa inyo, Sir eh lalo na't wala kayong valid reason to do so.. I hope you understand.." Sabi niya. Tumango naman ako..
"I understand, Ma'am. Thank you po." Sabi ko at umalis na.. Bago ako pumasok sa room ko at napatitig muli ako sa Room 33..
Muli akong nakaramdam ng comfort that eases the pain and confusion inside of me na hindi ko maexplain kung bakit..
There's something sa room na to na kailangan kong malaman kung ano or kung sino ang naririto..