Unduh Aplikasi
58.33% Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 124: Bakit?

Bab 124: Bakit?

>Veon's POV<

Nagalit si Tyler dahil sa kanyang ginawa at agad niya itong nilapitan at sinugod. Hinila niya ang baliw na nasa harapan niya at tiningnan ng masama. Nagulat kami dahil sa ginawa niya dahil hindi naman siya ganito.

"Tyler, kalma ka lang!" sigaw ko pero hindi parin siya nakikinig.

"Bakit? Bakit mo ito ginawa sa iyong pamilya? Hindi mo ba sila mahal? Hindi ba ikaw ang tatay nila!? Hindi ba ikaw ang asawa ng iyong minamahal na babae?!" sunod-sunod na tanong ni Tyler at agad itong tinawanan ng baliw habang umiiyak.

"Halata sa aksyon mo, hijo…" sinimulang sabi ng baliw at nginitian niya si Tyler. "Na hindi ka minahal ng iyong tatay." Dagdag sabi pa nito at sinuntok niya yung baliw ng malakas sa mukha.

"Tyler!" sigaw naming lahat dahil halatang galit nag alit na siya sa baliw. Agad namin siyang nilapitan ni Shannara at hinila namin siya para hindi niya na sugurin ang baliw.

Si Tyler kasi lumaki siya ng walang ama. Iniwan siya ng kanyang tatay. Basta pag ma kwento na isang tatay na sinasaktan ang kanyang pamilya, nagagalit si Tyler dahil sa kanyang experience. Gusto niya kasi na lahat may happy ending. Kahit sinasabi namin sa kanya noon pa na wala talagang happy ending sa ibang pamilya, ang tigaas ng ulo niya at hindi nakikinig.

Tumawa yung baliw at muli siyang umiyak. "Hindi niyo ako maiintindihan." Sabi ng baliw sa aming lahat at napatingin kami sakanya.

"Ano ang hindi namin maintindihan?" tanong ni Tyler at tinignan siya ng baliw.

"Kung gaano ko kamahal ang aking pamilya… at kung gaano man ako nagsisisi dahil sa ginawa ko." Sagot niya sa tanong ni Tyler at lahat kami nagataka kung ano man ang ginawa niya sa pamilya niya.

"Bakit mo pinatay ang iyong mga anak at iyong asawa?" tanong ni Shannara sa kanya at umiiyak yung baliw na nasa harapan namin.

"Mahal ko sila, hija… mahal na mahal ko sila." Sagot niya pero hindi namin maintindihan kung bakit niya pinatay ang kanyang pamilya kung mahal naman niya pala.

"Pero bakit?" tanong ni Tyler at tuluyan paring umiiyak ang baliw.

"Ayaw ko silang magdusa. Ayaw kong nakikita silang naghihirap. Simula ng zombie apocalypse na ito, lahat kami nagdudusa. Wala kaming pagkain, wala kaming magawa. Mahirap na nga kami dahil isa lang akong driver ng van." Kwento niya at tumawa siya. "Napaka walang silbi ko." Sabi pa niya at nakinig pa kami sa kwento niya.

"Isang lingo na kaming gutom. Bilang isang tatay, palagi akong nag o-over time para sa aming pagkain. Hindi ko mapag aral ang dalawa kong anak na lalaki kaya ang pagkain na lang ang inuuna ko. Ang asawa ko naman, walang trabaho dahil may cancer siya at malapit nang mamatay. Mahal ko sila, oo, pero noong nakita ko ang pagbabago sa aking pamilya, kailangan ko nang kumilos." Sabi pa niya at tinuloy niya ang kwento.

"Nagkaroon ng zombie apocalypse. Ginawa kong i-lock ang bahay namin. Mag isang lingo at apat na araw na kaming nagugutom. Ang asawa ko, Nawala na sa sarili. Ako, malapit na. Dahil sa gutom ng asawa ko, sinimulan niya nang saktan ang mga anak namin. Ang tinatawag niyong cannibalism ay nangyari na. Kinakain niya na ang sarili niyang mga anak." Kwento pa niya at umiyak siya ulit. Mas naawa kami sa baliw.

"Sumisigaw ang mga anak ko at hindi ko na alam ang gagawin ko kung sasaktan ko ba ang minamahal kong asawa para lang maligtas ko ang dalawang anak ko. Napakahirap ng desisyon… napakahirap." Dagdag sabi pa niya at napaluha kami.

"Hindi ko natiis ang mga anak ko. Kaya kahit masakit man ang aking ginawa, pinatay ko ang asawa ko." Kweto pa niya at hinawakan niya ang mukha niya.

"Pinatay ko ang asawa ko pero ano'ng magagawa ko? Sinasaktan niya ang mga anak namin." Dagdag sabi pa niya at napaiyak kami.

Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko sa kanya. Paano kung ako yung nasa sitwasyon niya? Mahal na mahal ko ang aking asawa at ang mga anak ko. Pero dahil sa pananakit ng aking asawa kailangan ko rin protektahan ang aking anak. Siguro gano'n din gagawin ko.

"Ang mga anak ko… ang mga minamahal kong anak. Walang araw na hindi sila umiiyak. Dahil sa pangyayaring ito, hindi ko mapatawad ang aking sarili. Pati na rin sila naging mga cannibals na. Ang bangkay ng kanilang ina, ay kinakain nila. Kaya para hindi na sila magduasa pa, pinatay ko na lang sila. Wala na rin akong pag asa para maibalik ko sila sa nakaraan." Kwento pa niya at mas umiyak siya.

"Napaka walang silbi kong ama. Napaka walang silbi ng hindi ko mabuhay ang aking pamilya. Na wala man lang akong magawa para sa kanilang buhay." Dagdag sabi pa niya at napaluha nanaman kami. "Wala na akong silbi… para mabuhay." Dagdag sabi pa niya at tinutok niya ang baril ni Dannie sa sarili niyang ulo. Nagulat kaming lahat.

"'Wag!" sigaw naming lahat at tumawa na lang siya at tiningnan niya kami.

"Sabi nga ni Jose Rizal na ang kabataan ang pag asa ng bayan. Salamat sa pakikinig sa akin pero wala na talaga akong rason para mabuhay pa kaya…" sabi niya at pinikit niya ang mga mata niya. "Kayo na ang bahala sa kinabukasan." Huling pag papaalam niya at agad niyang binarily ang sarili niya at agad siyang bumagsak sa sahig at lahat ng dugo niya ay lumabas sa sahig.

"Shit." Reaction ni Isobel at napaluha sila ni Dannie at Shannara at nag yakapan silang tatlo habang umiiyak.

"Bakit kasi ganito pa ang nangyari? Sabi ni Tyler at sumandal siya sa dingding habang umiiyak ng tahimik. Napa upo naman ako sa sahig at napaiyak din ako.

Kung siya, pinatay ang kanyang asawa at anak, ako naman pinatay ko ang aking magulang. Ano ng aba ang mas mahigpit? Ang patayin mo ang magulang mo, o ang patayin mo ang iyong asawa at anak?

Hindi ko na rin alam kung ano tuloy ang tama.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C124
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk