Unduh Aplikasi
52.63% When Will You Love Me Back / Chapter 10: Chapter 10

Bab 10: Chapter 10

June 25, 2019

7:30 a.m.

Third Person's POV

"What the heck! Bakit sila magkayakap."

Halos lahat nang mga estudyante nang Ecanthippes University ay nasa tapat nang gym. Kumukuha sila nang picture nang dalawa.

"Girl! Nakita mo yun? Ba't hindi suot ni Grace ang uniform niya?"

"May nangyari ba sakanila?"

Patuloy parin sila sa paggawa nang storya at pagdikta kung ano ang nangyari.

Maya maya dumating si Rheinz. Nakita niya na maraming nagkukumpulang tao sa gym kaya nagtaka siya kung anong meron. Nang makita niya si Grace at Sai magkayakap halos lumula ang mga mata niya.

At nakita niya na hindi suot ni Grace ang uniporme subalit suot ang jacket ni Sai. Alam niyang jacket yun ni Sai kasi versity jacket niya iyon sa soccer. Hindi niya napigilang magalit at sinipa ang bato.

Sa kabilang dako naman unti unting naggising ang dalawa dahil sa ingay. Nabigla na marami nang tao sa labas. Hiyag hiya silang dalawa dahil dun. Kinuha ni Grace ang uniporme niya at pumunta sa pinto.

Nabuksan na ito pero walang may nagtankang pumasok sa mga estudyante dahil busy sila sa pakikipagchismis at magkuha nang mga litrato para sa katibayan.

Paglabas ni Grace maraming estudyante ang nagsabi nang mga masasakit na salita. Isa na dun ang girlfriend ni Cuerte.

"Malandi! May boyfriend ka na!"

Nagsimulang magbulungan ang mga taong nakapalibot dahil sa narinig. Pero hindi iyon pinansin ni Grace at nagpatuloy lang sa paglalakad.

May boyfriend na pala yan, pero may kayakap na ibang lalake.

Ang landi niya. Salot sa lipunan.

Kawawa naman ang boyfriend nang babaeng yan.

Ilan sa mga salitang nasa utak nila.

"Pokpok ka! Malandi! Matapos mong landiin si Rheinz, yung tranferee naman. Kapal mong babae. Tibay mo teh!"

Tumigil sa paglalakad si Grace. Tumulo ang luha niya.

Ang pagtawag mo nang pokpok sakin ang hindi ko talaga matatanggap.

Humarap si Grace sa mga tao nang may dignidad. Nakita siya ni Rheinz na may pag aalala pero iniwasan niya lang ito.

"Bago niyo ibuka ang mga bibig niyo, siguraduhin niyo muna kung tama ang mga sinasabi niyo." Pinunasan ng dalaga ang mga luhang umaagos sa mukha niya.

"Hindi niyo alam kung ano ang nangyari kaya wag kayong manghusga." Tinuro niya ang girlfriend ni Cuerte.

"At ikaw, ikaw ang malandi. Ikaw ang mang aagaw. Ikaw ang manloloko. Ikaw ang walang hiyang kapatid na minahal at pinagkatiwalaan ko pero ito..."sabi habang tinuturo niya ang sarili niya.

"Ito ang gin*go at sinaktan mo." Nanginginig niyang sabi. Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili.

"'Wag na 'wag mo akong husgahan dahil kahit kailan hindi kita hinusgahan. Lahat nang sinasabi ko ngayon, Iyon ang totoo." Madiin na sabi ni Grace habang wala pa ring tigil ang agos nang mga luha niya. Ngayon niya lang pinagsalitaan ang ate niya nang ganon. Kahit labag sa kalooban niya, nasabi niya iyo dahil sa galit niyang kinikimkim.

Nakita ni Rheinz ang lahat ng sinabi ni Grace at nakaramdam nang awa. Nawala lahat nang galit niya at pinaniwalaan na walang nangyari kina Sai at Grace.

Si Sai naman ay pumunta sa eCan Ludge para makipag usap.

(A/N: Next Chapter niyo malalaman king ano ang eCan na sinasabi nila.)

Grace's POV

Bumungad sakin at mukha nang kapatid kong galit na galit. Pero nang nakita niya akong umiiyak nag alala siya bigla.

"Tama na." Inalalayan niya ako papuntang kwarto ko. Nilinga linga ko ang paligid, wala si mama.

"Ano ba ng nangyari? 'Bat hindi ka naka uwi kagabi? " Hindi ako nakasagot.

"Osya, mamaya na natin pag usapan yan. May klase pa ako. Bye ate." Hinalikan niya ako sa pisngi atsaka umalis.

Kinuha ko ang phone ko. Hindi ako nagkamali, nag post nga sila. Mga walang hiya talaga.

Mary Grace Chan at Saichihiro Kikuchi, magkasama raw matulog kagabi. Sinadya ba talaga nila o Na lock sila?

Bakit hindi suot ni Grace ang kanyang damit? Kadiring babae

May mga picture ko pa at ni Sai. Bigla naman akong nainis dahil dun. Tumulo ulit ang luha ko. Pinunasan ko kaagad ito.

"L*che kang April ka!!!"

Humanda siya. Sinira niya ang reputasyon ko. Kahit kapatid ko siya, gagantihan ko siya.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C10
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk