"Really? You handled that devil horse? You must be a real hunk!" patiling sabi ng babaeng kausap ni Alastair. Nasa Rider's Verandah sila para mag-dinner. At dahil guwapo ito ay pinagkaguluhan ito ng mga babae. He was playing his part well. A debonair that loved women.
"I think I am in love with you, Alastair Mondragon," anang isa pang babae na halos tunawin si Alastair sa titig.
Nasa isang sulok lang siya ng restaurant at inaaliw ang sarili sa panonood dito. Mag-isa lang siya sa table. Ang mag-asawang Mondragon ay kausap ang magulang ni Reid Alleje na matagal na ring kaibigan ng pamilya.
Umupo sa harap niya si Kester. "Well, looks like my brother is a hot item now. Mukhang nag-e-enjoy siya sa nakukuha niyang atensiyon."
"Natural lang iyon. After all, he is really gorgeous."
"But I don't think those girls will suit him."
She sipped her tea with a frown. "He can handle his own girls, Kester. Hindi mo na kailangang sabihin kung ano ang dapat na gawin niya. He is all grown up. Twenty-eight na siya. Kaya nga niyang magpatakbo ng isang malaking kompanya nang wala ang tulong mo."
"You can't blame me. I am his brother. Kung ikaw ngang kaibigan niya inaalala ko, mas lalo siyang kapatid ko."
"Ha? You are worried about me?" Tumawa siya nang pagak. "Now that is rich. Ang alam ko kasi, hindi ko kailangan ng kapatid. Bata pa lang ako, independent na ako. Natuto akong alagaan ang sarili ko na mag-isa. And besides, you have a peculiar way of showing your concern. Anyway, salamat sa concern pero ibigay mo na lang iyan sa mga taong higit na nangangailangan."
"You told me that I am made of stone. Wala akong pakiramdam. Wala akong pakialam sa iba. Kapag nag-aalala ako sa iyo, ayaw mo namang tanggapin. Women! Hindi ko talaga alam kung ano ang takbo ng utak ninyo."
Tumaas ang kilay niya. "Mas lalo naman kasing di ko maintindihan ang takbo ng isip mo. Sige, salamat sa pakunwaring pag-aalala."
"Pakunwari?" Nanlaki ang mata nito. "Iniinsulto mo ba ako? When I am worried about you, I mean it."
Ikiniling niya ang ulo. "But we know how much we dislike each other. Kaya paano naman ako maniniwala na totoo ang pag-aalala mo. Minsan kasi parang sarcastic ka sa halip na nag-aalala."
"You dislike me so you thought that I am sarcastic. It is your problem."
Siya pa ngayon ang may problema. Ito nga ang hindi niya maintindihan. "Tama nang nag-aalala ka kay Alastair. Just leave me out of it."
Sa halip na mairita ay ngumiti lang ito. As if he was Archimedes who discovered something. "Maybe it is just that time of the month."
"Excuse me? Ako ba ang kausap mo?"
"I said that maybe it is just that time of the month. Kaya natural lang na maging masungit ka sa akin paminsan-minsan."
"Anong masungit ang sinasabi mo diyan?"
"Di ka naman kasi laging masungit sa akin. I thought it might me the full moon. Pero new moon naman ngayon. So it must be your monthly cycle. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit suplada ka sa akin."
Mahigpit niyang hinawakan ang teacup. Kung di lang siya nakapagpigil, baka nakatikim ito ng tea bath sa kanya. Nagkasya na lang siya na duruin ito. "Hey, you! Kung wala pang nagsasabi sa iyo, ako na ang magsasabi. Akala ko noong una, bato ka lang. But you are not just made of stone. Ubod ka rin ng self-centered. Do you think that you are the center of the universe? That you can explain things whichever way suits you? Na pwede lang kitang sungitan dahil may period ako? Well, let me tell you this. Araw-araw kitang susungitan kung gusto ko. Because you are the most infuriating man on earth!"
Tumayo siya at naglakad palayo. Di na niya matatagalan pa ang presensiya nito. Anong akala nito? Nagsusungit lang siya dito dahil sa kapritso niya? Kaguwapuhan ba itong walang kapintasan para di siya magkaroon ng ibang dahilan para mainis o magalit dito?
"Yoanna, where are you going?"
Humarap siya at namaywang. "Hindi pa ba obvious? Nagwo-walk out. Kaya kung di ka pa nakakakita ng babaeng nagwo-walk out sa iyo, well this must be your first time! I am glad that I did it first!" aniya at inirapan ito.
"Yoanna, where are you going?" tanong ni Katalina nang lumapit siya sa table nito. Nawala ang simangot niya nang humalik sa pisngi nito at ni Gudofredo.
"Pagod na po ako, Tita. It was a hell of a day."
"Sasama ka pa rin sa amin bukas, hindi ba?" tanong ni Gudofredo.
"Of course, Tito. I will just leave some task to my staff. Then hahabol po ako sa horseback riding ninyo," wika niya.
"Yoanna, aalis ka na agad?" tanong ni Alastair at iniwan ang mga babaeng kausap. "Iiwan mo agad ako dito?" Mukhang allergic na ito sa mga babaeng nagpapa-cute dito kanina pa.
Tinapik niya ang balikat nito. "Don't worry. You are doing great."
"Ihahatid na kita!" wika ni Kester na humabol sa kanya.
"I don't want to bother you anymore. Salamat na lang sa concern," mariin niyang sabi. Di ba nito nakikita na ayaw na niya itong makasama. O baka pakunwari lang naman ang pagmamalasakit nito. Gentleman's code, of course.
"Hija, magpahatid ka na kay Kester. Mas mabuti nang matiyak naming safe kang makakabalik sa lodging house," wika ni Gudofredo.
Nawalan siya ng choice kundi ang sumakay sa kotse ni Kester. "Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pa akong ihatid. It is not needed, really."
"Sa palagay ko naiintindihan ko na kung bakit mainit ang ulo mo kanina."
"It is definitely not that red flag's day theory. It is not my time of the month," paglilinaw niya. "Kaya huwag mo na akong kulitin diyan."
Nilingon siya nito. His eyes were intent. "Do you like my brother?"
Napanganga siya. "Ha? Si Kester?"
"Hindi ka ba niya pinapansin kaya minsan sa akin mo ibinabaling ang atensiyon mo?"
Itinaas niya ang isang kamay. "W-Wait! You think I like your brother?"
"Yes. At kaibigan lang ang tingin niya sa iyo. Tingin mo wala kang pag-asang mahalin niya kaya naman ako ang pinagbabalingan mo. Noong una, hindi ko naiintindihan kung bakit paiba-iba ang trato mo sa akin. Sometimes, I think you like me. Sometimes, you hate me. Maybe you think that I am the next best thing to my brother. But you realize that you love him still and you lash out your frustrations on me. Katulad kaninang may kausap siyang ibang babae at nagseselos ka."
"At ikaw naman ang gagawin kong panakip-butas?"
"Exactly. Siguro gusto mo ako. Pero ikaw na ang nagsabi. You want me but you don't love me. Your feelings for Alastair must be beyond the physical."
Mariin siyang pumikit. Sa palagay niya ay nagka-migraine siya kahit wala naman. Tuwing bubuka ang bibig ni Kester, palayo nang palayo sa katotohanan ang mga teorya nito. "You know what's the problem with you, Kester? You think too much. Simpleng mga bagay, kung anu-anong kahulugan ang ibinibigay mo. Huwag kang ganyan. Nakaka-stress ng utak iyan."
Matalim ang mata nitong bumaling sa kanya. "Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin ang totoo? Or maybe I am telling the truth so you can't give me direct answer. Are you in love with my brother?"
"Stop the car, Kester. Nandito na tayo sa harap ng lodging house," walang kangiti-ngiti niyang sabi.
"Sagutin mo muna ang tanong ko."
"Thanks for taking me home," sa halip ay sabi niya. Nang buksan niya ang pinto ay nanatili iyong naka-lock.
"I told you that you couldn't leave the car unless you tell me the truth."
"You want the truth?" Mariin niyang pinagdikit ang labi. "Kester Mondragon, I just realized that you are more stupid than I thought. Can I leave now?"
She heard the lock of the door click. Ibig sabihin ay wala na ang lock. Lumabas siya ng kotse ay tumakbo papasok sa lodging house. He was so stupid! Paano nitong nasabi na mahal niya si Kester? Na panakip-butas lang ito? Di ba nito alam na ito lang ang nag-iisang lalaking minahal niya?
And she was scared of another truth. She was still in love with him.