Unduh Aplikasi

Bab 96: Chapter 25

NAKABANTAY NA mabuti si Jemaikha kay Sawada habang tsine-check up ng mga doktor. Nagtataka lang siya dahil mukha naman itong normal kaninang magkausap sila. "Wala kaming makitang sakit sa kanya. Maybe his stomach is just upset. Binigyan na rin namin siya ng gamot at kailangan lang ng pahinga. We can even transfer him to his room if he wants," paliwanag ng doktor. "Just inform me if his condition will get worse."

"Yes, Doc. Thank you," aniya at ihinatid ang doktor at nurse sa labas ng kuwarto ni Sawada sa clinic. Nang bumalik siya ay gising pa rin ito. "Why are you still awake? The doctor asked you to take a rest."

"Daijoubu desu." Okay na daw ito. "Because I saw you."

He was flirting with her. She was sure of it. Nanatiling pormal ang anyo niya. "The doctor said that they can transfer you to your own room if you want. If you are feeling better, you would be more comfortable there."

Pakiramdam niya ay pag-arte lang nito ang pagsakit ng tiyan. Kung bakit, hindi niya alam. The act was just starting to irritate her.

"I am comfortable anywhere as long as I am with you."

She pressed her lips tight. "I will call the nurse to look over you." Baka may masabi pa siyang hindi maganda dito. Mapahamak pa si Hiro. Mas mabuti nang umiwas na lang siya. Tutal, ilang araw lang naman niya itong pagtitiisan.

"Do you have a boyfriend?"

Natigil siya sa paglabas ng pinto. "No, I don't. But I have someone special in my life. And I've been in love with him for a very long time."

Kumunot ang noo nito. "Does he know that you love him?'

Nagkibit-balikat niya. "It doesn't matter." Ang importante mahal pa rin niya si Hiro. Kailangan pa ba nitong malaman iyon? Basta hindi niya ito ipagpapalit sa iba. Lalo na kay Sawada. Yumukod siya. "Sumi-masen. Excuse me."

Palabas na siya nang saktong bumukas ang pinto at bumungad si Hiro. Kasama nito ang nurse na magbabantay kay Sawada. "Bakit namumutla ka?" tanong ni Hiro at hinaplos ang pisngi niya. "Baka may sakit ka na rin."

Umiling siya. "No. I think I just need a shot of caffeine."

"Then we will go to Rider's Verandah for coffee later. Itse-check ko lang okay na si Sawada. Susunod na rin ang iba niyang kasamahan mamaya."

"Dito na lang kita hihintayin sa labas." Ayaw niyang malaman ni Sawada na si Hiro ang lalaking mahal niya. Lest Sawada might use her against Hiro.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
Sofia_PHR Sofia_PHR

Bad cheetah si Sawada. Ano ang dapat gawin sa katulad niya?

Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C96
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas penulisan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk