Unduh Aplikasi
69.63% The Actor that I Hate to Love / Chapter 133: Problem Solve

Bab 133: Problem Solve

Shanaia Aira's Point of View

FINALLY, Gelo finished filming his latest movie. They're wrapping up tonight so he called me and said that he would be home late because they had a wrap party. The movie producer also organized a farewell party for him for this was his last movie under their production company.

Of course pinayagan ko siya. Simula nung mag-usap kami na gusto ko munang magpahinga sa lahat ng gulong nangyayari na may kaugnayan kay Gwyneth at dun sa label na officially dating sila, hindi na ako nagtatanong ng kahit ano kay Gelo. Hindi rin sya nagku-kwento. Deactivated din ang lahat ng account ko sa social media at hindi rin ako nanunuod ng tv.

Aaminin ko nakakainip pero mas mabuti na yung ganito, yung wala akong alam sa nangyayari sa showbusiness. Yung paglilihim nila sa akin nung nakaraan, okay na sa akin yon ngayon dahil tama rin naman sila, kapag wala akong alam, hindi ako masasaktan.

Unti-unti na rin akong nakaka-recover sa pagkawala ng anak namin. At some point, maybe I'm kinda moved on. Nalulungkot pa rin naman ako kapag naaalala ko, pero hindi na ako gaanong umiiyak.

God has a reason for everything.

It's already dawn when Gelo gets home. He didn't bother to wake me up basta nagisnan ko na lang siya sa tabi ko nung umaga na.

I got up slowly in bed and proceed to the bathroom to do my morning rituals. Gising na si Gelo at nakaupo na sa kama paglabas ko ng bathroom.

" Morning bhi!" masayang bati ko sa kanya. Ngumiti siya at inilahad nya ang kanyang mga braso sa akin. I quickly approached him so he could confine me in a tight hug.

Hinalikan nya ako sa pisngi ng paulit-ulit. Humigpit pang lalo ang pagkakayakap ni Gelo sa akin na para bang nasa akin ang buhay at kamatayan niya.

" What happened? Parang isang taon tayong hindi nagkita sa higpit ng yakap mo ah." natatawang tanong ko. I heard him chuckle a bit.

" I just missed you baby. Madalang na tayong magkaroon ng alone time. I miss our late night talks, our last minute shopping, dinner at some fancy resto and most especially our morning and evening exercises. Hindi pa ba pwede?" pilyong tanong niya. Natawa ako at medyo napailing na lang. Oh this man!

" I think pwede na bhi but I don't want to do it here. " sinubukan kong magbiro dahil alam ko naman na hindi sya pwede ngayon, busy pa siya.

" Really? Yes! Wait for me here maliligo lang ako." inilapag nya ako sa kama saka nagmamadaling lumakad papuntang bathroom.

" Wait bhi! " natatarantang turan ko.

" Yes baby?" nilingon naman nya ako.

" Anong gagawin mo?" natataranta kong tanong.

" Maliligo. Magbihis ka na para makaalis tayo ng maaga." utos niya na ipinagtaka ko.

" Ha? Bakit? Anong..." hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko.

" Pack our things, good for 2 days, we're going south this time. " kaswal na turan nya.

" What!?? Why? " gulat na gulat ako kaya naman napabalik siya sa tabi ko.

Natatawa siyang nakatingin sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

" Baby alam kong naiinip ka na dito sa bahay. Nitong mga nakaraang linggo ay pareho tayong nangungulila at nagluluksa sa baby natin. Pakiramdam ko pareho na lang tayong kumikilos ngayon dahil kailangan. Gusto kong mag spend ng time with you ngayong may three days break kami bago ang promotion ng movie. Kung hihintayin nating mag showing yung movie para makapag travel na tayong dalawa, hindi ko na yata kakayanin, exercise na exercise na ako. "

Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Jusko na miss ko ang side ni Gelo na ito. Ilang weeks din kaming malungkot at ngayon lang ulit siya naging balahura sa words nya.

" Hayun! Yun lang pala ang intensyon mo kaya mo ako niyayayang magbakasyon ngayon."

" Hindi naman sa ganon. Panghuling rason na yun, kung pwede lang naman. Kung hindi pa naman pwede okay lang naman, mahirap namang balewalain ang doctor's advice. Tutuloy pa rin tayo kahit hindi pa pwede. "

" Sus binibiro lang naman kita. Sige na nga maligo ka na. " sabi ko at marahan ko siyang itinulak papunta sa banyo.

PAGBABA namin ay nagtatakang nakatingin sila mommy sa aming dalawa ni Gelo. Bihis na bihis kasi kami tapos may dalang medium size na travelling bag kung saan nakalulan ang mga damit at gamit naming dalawa.

Bumati kami ni Gelo sa kanila at saka kami umupo sa usual spot namin sa hapag. Walang kumikibo isa man sa kanila at nakatingin lang sa amin.

" Maglalayas kayo? Saan punta?" si ate Shane ang bumasag sa katahimikan.

" I have a three days break from work so I decided to give also my wife a break." sagot ni Gelo.

" Saan naman kayo pupunta na hindi kayo makikita ng tao? Break na kayo di ba? Malaking scoop yan. " tanong ni ate Shane.

" We're heading south this time, sa dulo ng Batangas, sa rest house ni daddy. " kumpiyansang tugon ni Gelo.

" Well, that's good. Madalang nga ang tao dun. Wala namang makakakita sa inyo dun kung hindi nga kayo lalabas.Yung tinted car ang gamitin ninyo para mas safe. " suhestiyon naman ni daddy.

" Yes po dad, yung McLaren po namin ang gagamitin, hindi po pamilyar sa mga taga media at fans yun. " sagot ni Gelo.

" Well, mabuti yang naisip mo Gelo, kailangan nyo talaga ni baby ang relaxation dahil sa mga pinagdaanan ninyo. Mag-ingat lang kayo na may makakita sa inyo, malaking problema pag nagkataon. " sabi naman ni mommy.

" Opo mommy. Hindi po kami lalabas." ako na ang sumagot.

Makalipas ang mahigit trenta minuto ay nagpaalam na kami ni Gelo sa pamilya ko.

Lulan ng kotse namin, sa likod ng village kami dumaan para mas safe lalo. Medyo maaga pa, 7:30 lang, kaya hindi pa masyadong traffic. Limang oras o higit pa ang biyahe papunta sa rest house ni daddy Archie sa Batangas. Baka lunchtime na kami makarating.

Itinawag na ni Gelo sa daddy niya na pupunta kami dun kaya nagbilin na ito sa care taker na asikasuhin kami pagdating namin dun.

Kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin habang biyahe para lang hindi kami mainip at antukin si Gelo. Umiiwas lang kami sa topic tungkol sa trabaho niya. Nung medyo nauubusan na ng pinag-uusapan, tumingin si Gelo sa akin.

" What? May gusto kang sabihin?" ako na ang nanguna para ituloy na niya kung ano man ang sasabihin niya.

" Uhm kasi baby... wag kang magagalit ha?"

" Ano nga? Syempre kung nakakagalit eh magagalit ako. Sa tingin mo magagalit ako sa sasabihin mo?" tanong ko.

" I don't know. Maybe or not."

" Then spill it."

" Sure ka?" tanong ulit niya.

" Oo na nga."

He heaved a deep breath before he speak.

" Kagabi sa party, uminom kami ng konti nila Rico at Lester. Sumali sa amin si Gwyneth. Pinakikiramdaman kong mabuti kung may binabalak siya pero mukhang wala naman kaya nagpanggap ako na medyo may tama na. "

" Bakit kailangan mong magpanggap?"

" May balak kasi akong gawin. Hindi pa ako tapos kaya makinig ka lang. "

" Okay. "

" So yun nga lasing na ako kunwari kaya nagprisinta na si Gwyneth na ihahatid ako. Medyo natuwa ako kasi yun naman ang gusto kong mangyari. "

" What? Hoy bhi baka kung ano na ginawa nyo ng Gwyneth na yan ah! Lagot ka sa akin. " naiinis kong bulalas.

"Wait lang. Hindi pa nga tapos kaya makinig ka lang. Okay?" natatawa nyang turan.

" Okay!"

" Yung kotse ko ang dala namin dahil pinauna na niya yung driver nya. Siya ang nagda-drive tapos hindi sa condo natin ako dinala kundi sa condo nya. Hirap na hirap pa nga sya nung umaakyat kami dahil syempre lasing ako kunwari. Nung finally makapasok na kami sa unit niya iniupo nya ako sa couch tapos medyo dumilat ako ng konti. Nagising kunwari ako.

FLASHBACK :

GELO : Where are we?

GWYNETH : In my condo. Dito ka na lang matulog.

GELO : okay.

GWYNETH : okay?

GELO : yes pero inom ulit tayo.

GWYNETH : sige hintayin mo ako dito kukuha ako.

" So yun nga,kumuha sya ng alak. Pagbalik niya may dala na syang dalawang baso. Nakapikit ako kunwari pero tinitingnan ko ang kilos niya. May inilagay sya dun sa baso na parang tableta tapos ginising nya ako at inabot yung basong may alak. Kunwari nagulat ako pero kinuha ko yung basong may alak at inilapag sa table. Umakto ako na parang nasusuka kaya nagmamadali siyang bumalik sa kusina para kumuha ng pansahod. " kuwento niya dun sa nangyari kanina. Nakatingin lang ako sa kanya. Hinihintay na ituloy nya yung kwento. Excited ako na hindi mawari.

" Sige na bhi tuloy mo na. Pabitin ka naman. " natawa siya sa pangungulit ko. Kanina lang kasi nagagalit pa ako.

" Nung bumalik siya sa kusina, pinagpalit ko yung baso namin. Pagbalik niya sa couch, hawak ko na yung baso at unti-unti ko ng iniinom. Hindi nakatakas sa akin yung ngiti nyang tagumpay pero kunwari hindi ko napansin dahil papikit-pikit ako na parang lasing talaga. Umupo sya sa tabi ko at sinimulan na nyang inumin yung alak nya. Nagdiwang ang kalooban ko. Bumilang ako ng ilang minuto tapos bigla na lang siyang dumukdok sa mesa. Yun talaga ang hinihintay kong pagkakataon para magawa ko yung balak ko. "

" Siguraduhin mo na walang nangyari sa inyo bhi ha? "

" Wala nga sabi eh. Heto na patapos na yung kwento ko. " sabi nya.

" Dinala ko sya sa room niya. Nung masiguro ko na mahimbing na yung tulog niya, hinanap ko yung mga susi niya sa bag. Nakikita ko kasi yon sa set na nasa bag niya. Isa - isa kong binuksan yung mga drawer. Nung una nawawalan na ako ng pag-asa pero dun sa huling drawer na binuksan ko, dun ko nakita ang hinahanap ko. Nagmamadali kong kinuha tapos nilagay ko sa bag ko. Inayos ko ulit yung mga drawer para hindi mahalata. Maingat ko ring ibinalik yung mga susi dun sa bag niya. Tapos tumabi ako ng higa sa kanya sa kama. Nung magising siya ng bandang 2am, nandun pa rin ako sa tabi nya. Kunwari nagulat ako nung magising. Hindi niya nahalata na hindi naman ako natulog. " so, kaya pala madaling araw na siyang nakauwi kanina.

" So, maari ko bang tanungin kung ano yung kinuha mo sa drawer niya? " tanong ko. Hindi sya kumibo sa halip pinakuha nya yung backpack niya na nasa back seat at pinabuksan sa akin.

Laking gulat ko nung makita ko kung ano yung nasa loob ng bag.

Napatakip ako ng kamay sa bibig ko.

OMG! Thank you Lord.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C133
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk