Unduh Aplikasi
23.56% The Actor that I Hate to Love / Chapter 45: Engaged

Bab 45: Engaged

Shanaia Aira's Point of View

MAAGA akong bumangon kahit nananakit ang buo kong katawan. Awtomatikong napatingin ako sa katabi ko na payapang natutulog. Kung ganito ba kagwapo ang mabubungaran mo sa pagmulat ng iyong mata sa umaga,di ba ang sarap gumising?

Napangiti ako at medyo nag-init ang mukha ko ng maalala ko ang mga kalokohang pinaggagawa namin ni Gelo kagabi. My gosh! Inabot kami ng madaling araw. But don't get me wrong,walang all the way na nangyari,walang sukuan ng Bataan. Puro make out lang, second base. The licking and sucking thingy. Shocks! Nakakahiya namang banggitin pa. But in fairness pareho kaming umabot sa cloud nine because of countless org***. At ang ending umabot ng madaling araw kaya masakit na rin sa katawan.

Gusto ko rin na ikong-gratulate ang mga sarili namin dahil nakapag-pigil na naman kami na mag-all the way. Ayaw ni Gelo dahil hindi pa kami kasal at nag-aaral pa ako. Ayaw ko rin dahil nag-uumpisa pa lang syang gumawa ulit ng pangalan sa showbiz. At yun nga labag sa kagandahang asal na mag make love na walang kasal na nagaganap pa. Mas maganda yung pareho kaming virgin na haharap sa altar. Pangako na namin yun noon pa at ayaw namin sumira pareho dun.

Dahan-dahan akong kumilos paalis ng kama, nag-iingat ako na magising sya.

Pumasok ako sa banyo at naligo ng mabilis.

Matapos akong magbihis ay pumunta na ako sa kitchen at nagluto ng almusal. Nagluto lang ako ng hotdog at egg dahil yun na lang ang meron sa ref tsaka fried rice. Eksaktong isasalin ko na ang fried rice sa malaking bowl ng may maramdaman akong mga bisig na pumulupot sa bewang ko.

" Good morning baby! Ang aga mo naman nagising?" he kissed my temple then rested his chin on my shoulder.

" Ganito naman ako nagigising sa bahay di ba? At isa pa baka may work ka kaya hinanda ko na ang breakfast mo. Sige maupo kana dyan at ipagtitimpla kita ng coffee." untag ko pero ayaw pa rin nyang tuminag,nakayakap pa rin ang mga bisig nya sa akin.

" Wala akong work, free ako today. Dito lang tayong dalawa hanggang bukas ng umaga." sagot nya na ikinabigla ko. Kumalas sya sa akin at hinarap ako.

" What? Bhi naman may pasok kaya ako." sambit ko at sumunod na sa kanya na umupo na sa hapag. Nagtataka nya akong tiningnan.

" Hahaha. .Baby kailan ka pa nagkapasok ng Saturday ha?" natatawang turan nya.

Hala Saturday na pala ngayon. Sa sobrang dami ng ginagawa at iniisip ko pati araw ay nalilimutan ko na.

" Hala naman Saturday na pala ngayon bakit nawala sa isip ko." nahihiyang saad ko.

" Sobra ba kitang nadala sa seventh heaven kagabi kaya pati araw ay nakalimutan mo na?" nanunudyong wika nya. Pilyong-pilyo pa ang pagkakangiti nya.

" Shocks! Bhi ano ba wag ka ngang ganyan!" tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko. Nag-blushed na naman ako pagkaalala ko sa mga kalokohan namin kagabi.

" Baby ano ka ba? Ako lang naman ito kaya hindi ka dapat mahiya. Five years na tayo at fiance mo naman na ako." nagulat ako sa sinabi nya kaya awtomatikong tinanggal ko ang mga palad ko na nakatakip sa mukha ko.

" Hoy anong fiance ka dyan? Nag proposed kana ba? Hindi pa naman ah." nangingiti kong turan.

" Baby ilang beses na akong nagsabi sayo di ba? Hindi pa nga lang formal at na-announce in public. And I already asked your dad to marry you right after you graduate from Med school. May ipon na tayo, nagpupundar na ako para sa future natin. Hindi pa pala ako fiance sa lagay na yon? Nakakatampo ka naman baby. Gusto mo ba yung luluhod ako tapos may dalang singsing para matawag mo na akong fiance mo?" pinipilit nyang maging seryoso pero halata namang nangingiti sya habang nagsasalita.Kaya naman biniro ko sya. Tingnan natin kung ano ang gagawin nya.

" Syempre naman gusto ko yung ganong pa-effect. Si Kevin nga nung mag-propose kay Lot dinala pa sya sa Clark at dun sya sa hot air balloon nag-proposed. Ang sweet kaya non bhi. Gusto ko yung may ganung bonggang proposal."

" Gusto mo yung ganun baby? Eh di wala ng surprise kapag nag-propose ako sayo kasi ganun yung idea na gusto mo."

" Syempre masu-surprise pa rin ako lalo na kapag hindi ko alam na magpo-propose ka na. Tapos syempre hindi ko rin alam yung style mo,yung idea mo." napapatingala pa ako habang iniimagine ko yung tagpo na tumatakbo sa isipan ko kapag nag-propose na sya.

" Wait lang may kukunin lang ako sa ref." paalam nya. Binuksan nya ang ref at kinuha ang maliit na box ng cake. Bumalik sya sa mesa at inilapag sa gitna yung cake.

" Sus ang aga naman nyang desert mo. At kailan ka pa natutong kumain ng cake sa almusal?" nagtatakang tanong ko.

" Hindi naman yan sobrang sweet. I'm sure you'll like it too." ngumiti na lang ako. Mukha naman syang masarap.

Magana naming pinagsaluhan ang niluto kong breakfast. Nang matapos kumain ay tumayo ako para kumuha ng knife at platito.

Nung akmang hihiwain ko na yung cake ay bigla nya akong pinigilan.

" O bakit na naman? Di ba gusto mo nito?" tanong ko at naiwang nakataas pa ang kamay ko na may hawak na knife.

" Hindi yon.I mean dito mo hiwain sa may gitna.Dahan-dahan lang may chocolate filling kasi yan." sinunod ko naman yung sinabi nya. Nung nasa ilalim na yung paghiwa ko ay parang may tinamaang matigas na bagay yung knife.

" What's this? Oh my God!" bulalas ko. Nagtatanong ang mga mata kong tumingin kay Gelo. Nakangiti nyang kinuha ang bagay na nasa kamay ko at mabilis na dinala sa faucet at hinugasan.

Malawak ang ngiti nya ng bumalik sa tabi ko. Nagulat ako ng bigla syang lumuhod sa harap ko at itinaas ang singsing na hinugasan nya na nagmula dun sa cake na hiniwa ko.

" Shanaia Aira Gallardo will you make me the happiest man on earth? Will you be my leading lady for the rest of our life? Will you marry me after your Med schooling?" madamdaming wika nya habang nakatingin sa mga mata ko. Makikita sa mga mata nya ang sinseridad at labis na pagmamahal nya sa akin.

Napaiyak ako sa tindi ng emosyon. Madalas nyang sabihin sa akin na ako ang papakasalan nya. Patunay na ang mga pagpupundar namin para sa hinaharap. Totoong hindi pa sya nakakapag-propose ng formal dahil nga hinihintay nya akong magtapos. Kahit pa alam ko na ako ang gusto nyang pakasalan, nakakagulat pa rin pala pag ganito.

" Uy baby ano ba? Sumagot ka naman dyan, nangangawit na ako oh." reklamo nya. Napakamot pa sya sa ulo nya tanda ng pagkainip.

" Kasi naman na-surprised ako. Yes! Bhi I am willing to be your better half. I want to spend the rest of my life with you. Kahit na dumating yung araw na maging kulubot na tayo,hindi na makatayo dahil sa rayuma at puro uban na tayo, sasamahan pa rin kita. Ikaw lang Ariel Angelo Montero ang mamahalin at pagsisilbihan ko hanggang sa huling hininga ko." umiiyak na turan ko. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya upang maisuot nya sa akin ang singsing. Matapos nyang maisuot sa daliri ko ang singsing ay niyakap nya ako ng mahigpit.

" I love you baby. Thank you for being there kahit na itinatago kita sa publiko. Ayaw kong madamay ka sa gulo ng showbiz at alam kong nagkakaintindihan na tayo tungkol dun. Huwag kang mag-alala hindi pa ito yung talagang proposal ko,gusto ko lang ma-engage na tayo para hindi na tayo nag-aalala pareho. Binigyan mo ako ng space sa relasyon natin, natakot ako baby baka habang nasa ganung stage tayo bigla ka na lang maagaw sa akin ng iba. Alam mo namang ayaw kong mawala ka sa akin. Mawala na ang lahat huwag lang ikaw." he cupped my face and kiss me gently.

" Uuwi tayo sa inyo mamayang gabi para sabihin sa pamilya mo na nag-propose na ako sayo. Nung pumunta ako ng US nagpaalam na ako sa kanila at pumayag naman sila. Syempre hindi nila kayang tanggihan ang pinaka gorgeous na lalaki sa balat ng showbiz." biro nya sabay wink sa akin.

" Whoa! Bigla yatang humangin bhi. "

" Grabe ka talaga sa akin baby. "

" Joke lang naman. Thank you bhi ha? Magkano ko kaya maisasanla tong ring na ito. Mukhang mamahalin eh." biro ko.

" Anong thank you ka dyan baby. Pinapahulugan ko talaga yan. Six gives para sayo. First payment mo sa katapusan na." ganting biro din nya.

" Hahaha. Sira!"

" Hahaha. Halika na nga. Let's sealed this with a....you know yung makapigil hininga, tirik mata thingy." pilyong ngisi nya. Naho-horny na naman ang hudyo.

" Tigilan mo ako bhi! Puro ka kamanyakan dyan."

" Hahaha..sayo lang naman."

Juscolored! Mananakit na naman yata ang kasu-kasuan ko sa gwapong lalaking ito.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
AIGENMARIE AIGENMARIE

Haay ang sweet naman.

Thanks again for reading. Please comment and rate.

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C45
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk