Unduh Aplikasi
21.98% The Actor that I Hate to Love / Chapter 42: Clumsy

Bab 42: Clumsy

Shanaia Aira's Point of View

NAGING abala na nga si Gelo nung mga sumunod na araw pagkatapos naming mag-usap tungkol sa space sa relasyon namin. Gayundin naman, inabala ko rin ang sarili ko sa med school. Good thing, midterm na namin kaya hindi ko na masyadong iniintindi ang sitwasyon naming dalawa ngayon.

Dalawa kaagad ang commercials nya sa tv. Una yung sa isang sikat na fastfood na dati pa nyang ine-endorse, kinuha ulit sya at yung isa naman ay banko ang ineendorso nya. Sa tuwing sumisingit ang mga commercials nya kapag nanonood ako ng tv,hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng pagmamalaki. Syempre boyfriend ko yung nasa tv at mahal na mahal ako.Yun nga lang madalang ko na syang makasama ngayon.Pero kapag may time ay tumatawag naman sya sa akin para kumustahin ako.Kung hindi naman siya makatawag sa akin ay ako na mismo ang tumatawag sa kanya kahit sandali lang kami makapag-usap.

Pumupunta pa rin naman ako sa condo kahit wala sya para maglinis at maglaba.Ayaw na nga sana nyang ipagawa sa akin ang mga ganung bagay at iupa na lang dahil busy rin naman daw ako but I insisted.Ayoko kasing may ibang gagalaw sa condo unit namin, hindi naman sa maselan ako kundi gusto ko lang ng personal touch sa lugar namin na yon ni Gelo. It's ours. The very first gift from his dad kahit hindi pa kami kasal.

Unti-unti na rin kaming nakakapag-adjust sa sitwasyon namin, kahit sobrang busy, hindi na sya nagi-guilty masyado na napapabayaan na nya ako dahil sa usapan namin.

Marami pa ring intriga at tsismis na lumalabas tungkol sa kanilang dalawa ni Charmaine Gonzalo kahit tapos na yung movie. Hindi naman kasi lingid sa akin na ang kampo mismo ni Charmaine ang nagkakalat nun,pero para sa akin wala lang yon. Siniguro naman sa akin ni Gelo na walang iba, ako lang, kami lang.

" Hi baby! How's your day?" masayang bungad sa akin ni Gelo over the phone.

" I'm fine bhi, very fine,narinig ko na boses mo eh." sobrang na-excite ako dahil yung huling usap namin ay nung nakaraang araw pa.

" Asus! Naglalambing yata ang Aira ko ah.Miss mo na ako noh?"

" Syempre naman! Bakit ikaw ba hindi mo ako nami-miss?" turan ko sa himig na nagtatampo.

" Araw-araw,oras-oras baby nami-miss kita. Baby napapagod ako,gusto kitang mayakap para mawala ang pagod ko."

" Aw, ang sweet naman.Nasaan ka ba bhi? Gusto mo puntahan kita?"

" Nasa taping ako ng MMK.May break kami ng kalahating oras para makapag-coffee si Direk at yung ibang staff na inaantok.Chance ko naman para makausap ka.Gusto mo akong puntahan? hahaha..sige baby halika na!"

" Makatawa ka naman dyan wagas! Nasaan ka ba kasi?" naaasar kong tanong.

" Malapit lang."

" Saan nga yung malapit na yan?"

" Sa La Presa ." kaya naman pala makatawa wagas eh bundok pala yung location nila. Sumisikat na talaga yung lugar na yun dahil sa nakaraang teleserye nung sikat na love team.

" Ewan sayo bhi! Nasa bundok ka pala paano kitang mapupuntahan dyan? As in now na." narinig ko pa ang mahinang pagtawa nya.

" Pag-uwi ko punta ka sa unit natin,sobrang miss na kita baby."

" Kailan ka ba uuwi? Baka pag pumunta ako wala ka naman. Pero okay lang, pwede naman ako maglinis at maglaba kung wala ka."

" Kakalinis at kakalaba mo lang nung isang araw di ba? Basta pag-uwi ko,ako lang ang iintindihin mo. Maliwanag ba baby?"

" Kahit kailan talaga napaka-clingy mong tao ka. Alright, I'll be there first thing in the morning.Ay wait bhi, bukas na nga pala darating sila ate Shane from US, busy ka ba after lunch?" bigla kong naalala na bukas na nga pala darating ang pamilya ko from US.

" Hindi naman.Last day na ngayon ng taping namin kaya pahinga ako tomorrow, gusto na nga kitang makasama pero sige sasama ako sayo kung susunduin mo sila tito sa airport. Actually, nami-miss ko na rin sila."

" Sige bhi kita tayo bukas, pwedeng dito kana sa bahay dumiretso pagkagaling mo dyan?"

" Much better para naman mayakap na kaagad kita."

" Sus ikaw talaga! Sige na baka kailangan kana dyan. Ingat ka bhi.I love you."

" Mas mahal kita baby.Ingat ka rin. Sige tinatawag na nga ako ni direk. Mwaaah..ilove you..ilove you..ilove you.." natawa na lang ako sa kakulitan nya.

KINAUMAGAHAN inasikaso ko na agad si Dindin.Pinakain ko na at pinaliguan para pagdating ni Gelo ay hindi na kami magahol sa pagsundo kila daddy sa airport. After lunch ang lapag ng sinasakyan nilang eroplano sa airport kaya kailangan before lunchtime nandoon na kami.

Matapos kong igayak si Dindin ay binalikan ko ang mga niluluto kong paboritong putahe ng pamilya ko. Nang masiguro kong maayos na ang lahat ay ako naman ang gumayak para sa pagsundo sa kanila.Iniwan ko na lang sa mga kasambahay namin ang mga ligpitin sa kusina.

Lumipas ang ilang oras, wala pa ring Gelo na dumarating. Kailangan na naming umalis baka abutan pa kami ng traffic papuntang airport.

Sinabihan ko si Mang Simon na ihanda na ang sasakyan at aalis na kami kahit wala pa si Gelo.

Ano kaya ang nangyari sa kanya?

I'm about to call him ng biglang pumasok ang tawag nya.

" Hello bhi! Nasaan ka na ba?" bungad ko agad hindi pa man sya nagsasalita.

" Sorry baby madaling araw na kami natapos sa taping, nandito pa kami ngayon sa office ng ABS baka hindi na ako makaabot dyan."

" Okay lang bhi, pahinga ka na lang pagkagaling mo dyan. Kasama ko naman si Dindin,kami na lang." nakakaunawang tugon ko.Kawawa naman ang baby boy ko puyat na puyat na.

" You sure? Pasensya na baby, pupunta na lang ako mamayang gabi dyan. Ingat kayo papuntang airport. "

" Okay lang nga bhi. Sige hintayin kita mamaya dito sa bahay. Bye na aalis na kami, naghihintay na si Mang Simon sa labas."

" Bye..i love you baby!"

" I love you too. Ingat ka din." then I hang up immediately. Male-late na kami pag hindi pa ako nagmadali,naiinip na rin si Dindin sa labas, excited ng makita ang mommy nya.

_____________

HALOS maiyak ako pagkakita ko sa pamilya ko. Grabe ko silang na-miss. Mag-iisang taon na rin nung huli ko silang makita ng ganito. Puro sa web cam na lang palagi.Halos ayaw ko na ngang bumitaw kay mommy at daddy. Para tuloy akong bata na akala mo naligaw at natagpuan muli sa istilo ng pagkakayakap ko sa kanila.

" Oh bunso sobra kitang na-miss. Kumusta na? Kayo ni Gelo?" turan ni daddy habang yakap ako.

" We're fine dad."

" Nasaan na pala yung mokong na yon? Sabi ko sa kanya nung magkita kami sa US,salubungin kami pag-umuwi kami, wala naman sya." reklamo ni ate Shane.

" Kasama ko dapat sya ngayon kaya lang kakauwi lang nila from taping sa Sagada. Pupunta na lang daw sa atin mamayang gabi." sagot ko.

" We heard na sikat na nga ngayon si Gelo. Buti may time pa sayo yun bunso?" tanong naman ni kuya Andrew.

" Madalang na nga lang kaming magkasama kuya pero napag-usapan na namin yon, basta kahit paano nag-uusap kami, okay na kami dun."

" Baby paalala ko lang sayo, magulo ang buhay sa showbiz kaya dapat matatag ka at kay Gelo ka lang maniniwala at magtitiwala. Huwag kang basta-basta maniniwala sa mga balita, siya agad ang kausapin mo kapag ganon. Ayaw kong magaya kayo sa amin.Sayang ang pagmamahal at panahon na in-invest nyo sa isat-isa." payo ni ate Shane.

" Yes ate tatandaan ko yan. Mahal ko si Gelo kaya kahit na hindi ako pabor sa pagpasok nyang muli sa showbiz, kahit na itinatago nya ako naiintindihan ko dahil para rin sa privacy ko yon.Ano man ang tsismis at intriga sa kanya,titiisin ko.Tatanggapin ko ang lahat ng marinig at makita ko dahil at the end of the day kami lang ang nakakaalam kung ano ang totoo sa amin. Panghahawakan ko ate ang mga pangako nya sa akin para manatili kaming buo."

" Tama yan baby pero sana lang walang third party na pipiliting sirain ang relasyon nyo tulad ng nangyari sa amin ni Gerald.I know how much Gelo loves you,basta ang payo ko lang maging matatag lang kayong dalawa sa kung ano man ang dumating."

" Salamat ate tatandaan ko lahat ng sinabi mo." yumakap ako kay ate ng mahigpit,sobrang na-miss ko ang may ate sa tabi ko.

" Oh kayong dalawang mag-ate, pakinggan nyo naman itong baby Dindin natin kanina pa may inuungot." turan ni mommy.

" What is it sweetie?" tanong ni ate sa anak nya.

" I wanna go to my favorite resto then we will buy some stuffs after we eat."

" Okay sige kahit pagod kami sweetie at nagluto ang mommy baby mo sa bahay, pupunta pa rin tayo ng resto kasi ngayon lang uli tayo nabuo. Mang Simon sa MOA tayo." wika agad ni daddy.

Magana kaming lahat kumain lalo na sila dahil ngayon lang uli sila nakatikim ng native foods. Panay ang kwento ni Dindin ng kung ano-ano kaya naman sa kanya lang nakatuon ang atensyon nila. Hindi na tuloy nila napansin ang isang pares na pumasok sa resto.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pagkakita ko sa kanilang dalawa. Alam ko wala lang yon dahil sigurado akong ako lang. Pero bakit habang minamasdan ko sila parang may invisible na kamay na lumalamukos sa puso ko? Sa dami ng resto dito sa Metro bakit itinaon pa ng tadhana na dito rin sila pumunta ? Nakakasakit lang ng damdamin kahit hindi nya naman sinasadya.

Nakita ko silang pumuwesto sa malapit sa daanan papunta sa restroom kaya nagpaalam ako kila mommy na magpupunta muna doon para mag pee.

Nang madaanan ko sila ay hindi sinasadyang nabunggo ko yung table. Naluluha kasi ako kaya medyo nanlalabo yung paningin ko. Naging dahilan para tumapon yung isang basong tubig sa harapan nung babae. Si Charmaine Gonzalo.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong basang-basa ang harapan nya.Gosh!dahil sa hindi magandang naramdaman ko pagkakita ko sa kanila ay naka-disgrasya pa tuloy ako. Bakit hindi pa yata ako nasasanay?

" Sh*t napaka-clumsy mo naman! Hindi mo ba nakikita yung daan,bulag ka ba?" tungayaw sa akin nung babae.Napayuko ako dahil ayaw kong makita ako ng kasama nya.

" Sorry miss nagmamadali kasi ako kaya hindi kita napansin." hinging paumanhin ko habang hindi ako magkandatuto sa pagpupunas sa nabasang blouse nya. Marahil nabosesan ako ng kasama nya kaya napatayo sya mula sa kinauupuan.

" Aira?"

" Kilala mo Gelo itong tanga at clumsy na ito?"

Napamaang si Gelo sa tanong nung kasama nya. Ako naman, halos mahimatay na sa antisipasyon at sa paghihintay kung ano ba ang isasagot nya.

Ikakaila ba nya ulit ako?


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C42
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk