Unduh Aplikasi
60.37% Marrying The Vampire Prince / Chapter 32: Chapter 30 | Letters

Bab 32: Chapter 30 | Letters

Chapter 30 | Letters

Kanina pa ko nakatitig sa kisame at nag-iisip kung papasok ba ko mamaya o mananatili na lang dito sa loob ng kwarto ko maghapon.

It's been four days since Kyle's surprise to see my parents. Sinamahan din ako ni Kyle na ihatid sina Mom at Dad sa airport last Monday. Pagkatapos no'n ay dumiretso na kami sa academy.

Maaga kong nagising kanina para magpaalam kina Kyle at sa mga kaibigan namin dahil mayroon silang lakad ngayong araw. Pero magmula no'n ay hindi na ko nakatulog pa ulit kahit anong pilit ko.

"Nicole, pupunta pala ko ng palasyo. Pinapatawag kasi ako ng mahal na hari. Nakapagpaalam na rin ako sa mga teachers natin na hindi ako makakapasok ngayon. Ayos ka lang ba rito?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang nagsalita si Steph. Ilang linggo ko na rin siyang kasama rito sa kwarto pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay. Nagugulat pa rin ako sa tuwing bigla na lang siyang susulpot o magsasalita.

"Oo naman. Ayos lang ako. Don't worry, I'll just stay here in school and I'm not going anywhere." I smiled and winked at her.

Bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala at pag-aalinlangan. Kaya naman ay ako na mismo ang tumulak sa kanya palabas ng pinto.

"Go now. Baka hinihintay ka na ng mahal na hari. I'll be fine, really."

"Pero—"

"Bye!" I waved a goodbye at her, then slammed the door shut.

Napangiti na lang ako. Masaya ko dahil napapaligiran ako ng mga tao at bampira na gustong bantayan at protektahan ako.

But seriously, I can manage. They have their own lives and other obligations too. Hindi nila kailangang paikutin sa 'kin ang buhay at oras nila.

Muli akong bumalik sa pagkakahiga. Tila hinihila talaga ko ng kama ngayon.

Napaangat ang tingin ko sa wall clock. It's just 6:30 in the morning. Maybe I could still take a nap.

Papikit na sana ko dahil nararamdaman ko na sa wakas ang pagdalaw ng antok, nang may bigla na lang kumatok sa pinto.

Napahinga ko nang malalim. Sino naman kaya ang mambubulabog sa 'kin ng ganito kaaga?

"Sandali!" Kukusot-kusot ang mga matang tumayo at tumungo ako sa pinto. "Sino ba—" niluwangan ko ang pagkakabukas nito, pero wala naman akong nakita na kahit sino. Lumabas pa ko at nagpalinga-linga sa paligid pero wala talagang tao o kahit bampira.

"What the hell?" Akmang isasara ko na ulit ang pinto nang may nakita kong nakatiklop na papel sa tapat nito.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Naalala ko bigla ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng sulat at hindi maganda ang nilalaman no'n.

Dali-dali ko 'tong kinuha at sinara ang pinto. Dumiretso ako sa kama at do'n ay nanginginig ang kamay na binuksan at binasa ang nilalaman nito.

ENJOY WHILE YOU STILL CAN. BECAUSE SOON ENOUGH YOU WILL EXPERIENCE HELL THE MOMENT YOU KNOW WHO I REALLY AM AND WHAT I'M CAPABLE OF.

SOON.

-----

"Mikan! Where are you going?" pasigaw kong tawag kay Mikan nang dali-dali siyang lumabas ng classroom pagkatunog palang ng bell.

She took a step backward to the door and shouted back. "I have some important things to do. Won't make it to the class later. Bye!"

Magsasalita pa sana ko pero tuluyan na siyang umalis. Humalumbaba ko at wala sa sariling napatitig sa board sa harap.

Umalis si Kyle at ang iba pa. Wala rin si Steph. Pati ba naman si Mikan? Ano kaya ang importanteng bagay na gagawin ng babaeng 'yon?

Malakas ang kutob ko na may kinalaman 'yon sa kung sino mang ka-text niya kanina. Hawak niya kasi ang phone niya at panay text lang ang ginawa niya buong klase.

Pero may isang bagay talaga na bumabagabag sa 'kin ngayon. I was trying to guess who the letter sender is since this morning, but I can't. Wala talaga kong maisip sa kung sino ba ang nagpadala no'n.

Bukod na lang kay Marcus Croven. Pero kilala ko naman na siya. Matagal na. At wala na kong ibang maisip pa na kaaway bukod sa lahi at mga alipores niya.

But Dave is an exception, of course. Because he's definitely not one of them.

Pero nakasaad sa sulat na malapit ko na raw siya makilala. I wonder when that day would be.

Natigilan ako nang may biglang maalala. Hindi kaya ang may kagagawan ng nangyaring pag-atake rito no'ng nakaraan at ang nagpadala ng sulat ay iisa?

Malalim akong napabuntong hininga. Sumasakit lang ang ulo ko sa kaiisip. Wala pati akong mapagsabihan ng tungkol sa bagay na 'yon. Isa pa ay ayoko ng dumagdag sa iba pang mga iniintindi nina Kyle ngayon.

Inayos ko na ang mga gamit ko. Tinatamad na kong pumasok sa susunod naming klase. Pero ayoko namang pairalin ang katamaran at ang mga hinaing ko sa buhay ngayon.

Palabas na sana ko nang may bigla ulit akong maalala. Ang lalaking nakita kong nakasuot ng hood no'n sa supermarket.

Sino kaya 'yon?

Napahawak ako sa tiyan ko nang bigla na lang 'tong tumunog. Well, I guess I need to feed myself first. Saka na lang ulit ako mag-iisip.

-----

"I knew it. You're here." Napaangat ako ng tingin mula sa binabasa kong libro nang may biglang nagsalita.

Pagkatapos ng klase ay rito na muna ko dumiretso sa library. Paniguradong mababaliw lang kasi ako sa kaiisip, habang nagpapagulong-gulong sa ibabaw ng kama kung dumiretso na agad ako sa dorm.

A smile automatically formed on my lips upon seeing him. Tila napawi ang kaba at mga alalahanin ko pagkakita palang sa kanya.

Ang gwapo niya talaga kahit ang lalim ng pagkakakunot ng noo niya, habang nakatingin sa 'kin. Ano kayang problema ng isang 'to?

"Nandiyan ka na pala. Kanina pa ba kayo dumating?" tanong ko pagkasara at pagkabalik ng librong binabasa ko sa book shelf.

Umalis sila kaninang umaga para patuloy na mangalap ng impormasyon tungkol sa kung nasaan ba si Marcus at ang lahat ng may kinalaman dito. Gusto ko nga sanang sumama sa kanila, pero ipinilit nila na manatili na lang daw ako rito. Masyado rin daw kasing delikado.

Hindi na lang ako umimik. Kahit pa gusto kong ipaalala sa kanila na malakas din naman ang kapangyarihan ko, kaya wala naman silang dapat na ipag-alala.

"Well, sort of. Hindi mo ata kasama si Mikan ngayon? Saka nasaan si Steph? She's supposed to be with you all the time."

Nagsimula na kaming maglakad at napangiti na lang ako sa bantay nitong library, bago kami tuluyang lumabas.

I shrugged. "Nagmamadaling lumabas kanina si Mikan pagkatapos ng klase. Ang sabi niya ay may kailangan lang daw siyang puntahan. Si Steph naman ay pinatawag sa palasyo kanina pang umaga."

Napatigil ako saglit at pinitik siya sa noo, dahilan para samaan niya ko ng tingin. "One more thing. Steph doesn't need to be with me all the time. May sarili rin siyang buhay at kayang-kaya ko naman ang sarili ko."

Hindi ko rin naman kasi kailangan ng bantay. Saka ang gusto ko kahit papaano ay mamuhay pa rin ng normal si Steph at wag niyang masyadong dibdibin ang obligasyon niya sa 'kin as my protector. She's too young for such responsibility.

He sighed and pinched my cheeks. "Fine." He wraps his arms around my waist.

Napangiti na lang ako. It's just a simple gesture, but it never fails to make my heart skip a beat.

"Ano palang nangyari sa lakad n'yo?" I asked while looking at him intently, hoping to receive some good news.

He shook his head. Ramdam ko rin ang biglang paghigpit ng hawak niya sa beywang ko.

I held his hand and gave him an assuring smile to calm him down. Nginitian niya ko pabalik, bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

Dumiretso kami sa mansyon at do'n ko lang napansin na gabi na pala. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik 'yong dalawa.

Naabutan namin ang iba pa sa sala. Kira and Miley were busy chatting, while Hiro and Reiri were both sitting at each end of the long sofa as if they didn't know each other. Ano na naman kaya ang problema ng dalawang 'to?

Napailing na lang ako. Kahit hindi man nila sabihin o kahit itanggi pa nila ay alam ko na ang kahihinatnan ng mga 'to.

Inilibot ko ang tingin nang mapansin na kulang sila.

"Where's Vince?" I asked out that made them finally acknowledge our presence.

Mukhang gano'n na lang kasaya ang pag-uusap nina Miley at gano'n naman kalalim ang iniisip nina Reiri na hindi man lang nila kami napansin agad.

"I don't know, Ate. May importante lang daw siyang aasikasuhin," tila wala sa sariling sabi ni Reiri.

Napangisi ako. Hindi kaya hinanap o pinuntahan lang niya si Steph?

"Ate! Na-miss kita agad!"

Napaatras na lang ako nang bigla kong sinugod ng yakap ni Miley. Ang hyper talaga ng isang 'to.

"Para namang hindi kayo nagkita kaninang umaga," nakasimangot na sabi ni Kyle habang pilit na inilalayo si Miley sa 'kin.

"Sus. Kunwari ka pa, Kuya. Samantalang kanina ikaw 'tong atat na atat—"

Hindi na nagawa pang tapusin ni Miley ang sinasabi dahil mabilis na tinakpan ni Kyle ang bibig niya.

"Ang ingay mo. Ang sakit sa tainga."

Nginisihan lang siya ni Miley nang pakawalan niya 'to. Muli maman siyang tumabi sa 'kin at halos manindig ang balahibo ko nang bigla siyang sumiksik sa leeg ko.

"Ang bango talaga ng prinsesa ko."

Napasinghap ako nang magsimula siyang halik-halikan ako ro'n.

Ay, bampirang malandi! Ano bang ginagawa ng bampirang 'to?

Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko ngayon nang dahil sa ginagawa niya. Lalo na ng makarinig ako ng malakas at magkakasabay na 'ehem' sa paligid. Kaya naman ay dali-dali akong lumayo sa kanya.

"Hey! What's the matter?" maang niyang tanong. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Pero kinindatan lang ako ng loko.

"It's getting hot in here. Lalabas na lang muna kami para hindi na kami makaistorbo."

Pigil ang ngiti ni Hiro. Pero bago ko pa man siya mabato ng unan ay mabilis na siyang nakalabas.

"Don't worry. Matagal pa naman bago kami bumalik. So feel free to do whatever you want here," nakangiting sabi ni Reiri bago nagmamadali ring lumabas.

Natutop ko na lang ang noo ko nang mapansin ang dahan-dahang paglalakad nina Kira at Miley palabas.

"Kayo? Saan kayo pupunta?"

Nag-peace sign lang si Miley sa 'kin. "Gawin n'yo na agad ang magiging pamangkin ko, ah! Matagal ko ng hiling 'yon, eh. Bye!"

Natigilan at nanlaki ang mga mata ko kaya kumaripas na sila ng takbo.

Ilang sandali pa ay marahas na hinarap ko ang bampirang may kasalanan ng lahat ng 'to!

"Nakakainis ka talaga! Ang PDA mo kasi!"

Pilit na lumalayo si Kyle sa 'kin nang simulan ko siyang kurot-kurutin sa tagiliran. He deserves it! Kung ano-anu tuloy ang tumatakbo sa isip ng apat na 'yon.

"Ano bang ginawa ko?" maang na naman niyang tanong, habang pilit na umiiwas.

"Anong ginawa mo? Talaga namang nagtatanong ka pa?"

Siguro kung bampira pa rin ako hanggang ngayon ay kanina pa lumabas ang mga pangil ko nang dahil sa sobrang inis.

"Hey! Stop that! Or else..."

Pinandilatan ko siya pero nagpatuloy pa rin ako sa pagkurot. "Or else what?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

He smirked.

Napalunok ako. Mukhang kailangan ko na rin atang tumakbo palabas dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa ngisi niyang 'yan.

Titigil na sana ko ng bigla niya kong hinila palapit sa kanya. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko nang dahil sa sunod niyang sinabi.

"Gawa na tayo baby."

I held my breath. Mataman lang kaming nakatitig sa isa't isa. Hanggang sa dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa 'kin. With that, my eyes automatically closed.

But it flew open after some seconds when I felt his lips touching my forehead.

"Kidding. There was a right time for that." He rested his forehead into mine.

Ilang segundo rin kaming nakapikit, habang magkadikit ang aming mga noo. Hanggang sa mapagpasyahan niyang iuwi na ko sa dorm dahil medyo malalim na rin ang gabi.

"Goodnight. Sleep well, my princess." He smiled, then kiss the tip of my nose as we stopped in front of my room.

"Goodnight. See you tomorrow," paalam ko sa kanya, bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kwarto. Halos hindi mawala-wala ang ngiti ko.

But my smile soon fades the moment I saw a folded paper on my bedside table. I know that this is different this time because I kept the letter I received earlier on my cabinet.

Mabilis ko 'tong nilapitan at binuksan.

LOOK TO THE RIGHT. LOOK TO THE LEFT. WHO IS RIGHT AMONG THEM ALL AND WHO WILL BE THE ONE THAT WILL LEFT YOU. ANY IDEA?

Naihulog ko na lang ang hawak na papel sa sahig, bago inilibot ang tingin sa paligid.

Nagawang makapasok ng kaaway sa loob ng kwarto ko.

So there is a big possibility that the enemy was just wandering around. Kailangan ko na agad matukoy kung sino man siya, bago pa siya may gawing hakbang na maaaring ikapahamak ng iba.

-----

Someone's POV

"Aren't you tired of this? You know what, sometimes it is not bad to say no and do what is right."

I looked at him in disbelief. Palibhasa ay hindi niya alam ang pakiramdam ng mawalan kaya siya ganyan palagi kung makapagsalita sa 'kin.

"Kung ayaw mo akong tulungan ay wag ka na lang mangielam. We don't need your help anyway. Kahit kailan talaga ay hindi mo naman siya sinuportahan." I rolled my eyes.

"Talaga lang, hah? Then, what brought you here?" He gave me a confused look.

I crossed my arms. "Because I have an offer that you can't resist," I said confidently. Kung sa 'kin lang kasi naibigay ang pagkakataong 'yon ay talagang hindi ko 'yon tatanggihan.

Siya pa ba?

Nagsalubong ang kilay niya. "And what is that?"

I smirked and explained to him everything. He's listening to me attentively and I know that he is already having a second thought about it.

But I didn't expect what he said after.

"Siguro nga ay wala kong alam sa pinagdaanan mo. But believe me, we have the same fate. Nawalan din ako. Ang mas masakit? Nang dahil 'yon sa kagagawan niya. Kaya hindi mo ako masisisi kung wala siyang makukuha ni katiting na suporta mula sa 'kin. Oo malungkot ako dahil wala na sila. Pero hindi ibig sabihin no'n ay magagawa ko ng magsakripisyo ng iba para lang maging buo ulit ako."

I was stunned for a moment. May isang parte sa sinabi niya ang naguluhan ako. "What are you talking about? Ano ang kinalaman niya sa pagkamatay nila? Hindi ba't—"

Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sinasabi ko dahil muli siyang nagsalita. At ang mga salitang binitiwan niya ang mas lalong nagpagulo sa 'kin.

He was about to walk away, when he spoke for the last time. "You still have a chance to change your decision. Asahan mong nandito lang ako palagi para sa inyo. Para sa 'yo. Lalo na sa oras na dumating ang araw na maliwanagan ka na." Then he vanished.

Naiwan akong tulala. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya.

Pero hindi pa rin mababago ng mga nalaman ko ang desisyon ko.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C32
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk