Chapter 8 | Mystery
''Grabe 'yong nangyari kanina, no? It seems like some kind of a kidnapping case,'' Mikan said out of the blue.
Wala ni isa sa 'min ang nagkomento sa sinabi niya dahil pare-pareho kaming malalim ang iniisip.
Pabalik na kami ngayon sa academy. I was looking outside the car, while Kyle's resting his head on the car window. Kira's driving concentratedly and Mikan's busy doing something on her phone.
Pagkatapos ng nangyaring insidente kanina ay dali-dali akong hinila ni Kyle palabas. Paglingon ko ay nakita ko si Mikan na hila-hila naman ni Kira. Samantalang hindi ko naman siya napansin kanina. Ang weird talaga ng magkaibigang 'to dahil bigla-bigla na lang sumusulpot. They're like Miley and Reiri.
Pagkalabas namin ay nagpalinga-linga pa sila sa paligid na tila ba may hinahanap. Gano'n din ang ginawa ko kahit hindi ko naman alam kung ano o sino ba ang hahanapin ko. Hanggang sa matuon ang atensyon ko sa isang lalaki.
He's standing in front of a post far away from us and wearing a hoodie. Kung kaya naman ay hindi ko naaninag man lang ang mukha niya.
Pero nasisiguro ko na sa 'min siya nakatingin. Hanggang sa namalayan ko na lang na naitulak na pala ko ni Kyle papasok sa loob ng kotse. Nang muli akong tumingin sa lugar kung saan nakita kong nakatayo 'yong misteryosong lalaki ay wala na ito roon. I don't know why, but there's something in him that caught my attention.
Malalim akong napabuntong hininga. Sa totoo lang ay naisip ko na rin kanina 'yong sinabi ni Mikan.
Kidnapping? May punto rin naman siya ro'n. Ang kaso lang, kahit sabihin nating marami sila na may gawa ng bagay na 'yon ay parang imposible pa rin na magawa nila 'yon ng gano'n kabilis at wala man lang naiwan na kahit anong bakas. Kung iisipin mong mabuti ay mapapagtanto mo na hindi naman 'yon magagawa ng isang pangkaraniwang tao lang.
Ang isa pang gumugulo sa isip ko ay kung sino ba ang talagang pakay nila? O baka kahit na sino na lang ba na makuha nila? Paano na lang kung hindi naman mayaman ang nadakip nila?
Then it's useless. Something's really wrong in here.
''It can be, but it cannot be as well. Malay natin at baka gagamitin nila ang mga taong 'yon sa ibang bagay,'' wala sa loob kong sabi. Ramdam ko naman na napatingin silang tatlo sa 'kin.
''What do you mean by that?'' Kyle asked curiously.
I shrugged at him. ''I'm just thinking of some things.''
Papalapit na kami sa academy ng muli kong mapansin ang tila kumikislap na bagay na nakapalibot dito.
Napaayos ako ng upo at tinitigan pa ito ng husto. ''Hey, can you guys see what I'm seeing?'' hindi ko na napigilang itanong sa kanila. Ngayon ko lang din kasi naalala na nakita ko na nga rin pala ang bagay na 'yan dati no'ng inihatid ako nila Dad rito.
Pero dahil umaga ng araw na 'yon ay naisip ko na baka nang dahil lang ito sa sinag ng araw. But now that it's dark already, I can actually see it more clearly. Simply amazing.
''Sa dinami-rami ng nakikita namin sa paligid, alin do'n ang tinutukoy mo?'' Kyle asked sarcastically. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Kanina pa 'to sabat ng sabat sa bawat sabihin ko, eh.
''Oo nga. Ano ba 'yong tinutukoy mo, Nicole?'' Mikan asked too, while still playing with her phone. Maybe she's doing that to forget what had just happened.
''That sparking one. 'Yong parang shield na nakapalibot sa buong academy. Ang cool—'' hindi ko na nagawa pang tapusin ang sinasabi ko dahil biglang nagpreno si Kira.
Shit! May balak ba siyang magpakamatay? Dahil kung oo, puwes wag niya kaming idamay!
''What the! Why did you do that?'' naiinis kong tanong sa kanya habang hawak-hawak 'yong ulo ko. Hindi naman ako nasubsob sa unahan dahil nagawa agad akong hilahin ni Kyle pabalik. Kaya lang nauntog naman ako sa kinauupuan ni Mikan na nasa harap ko. What a day!
Nanlalaki naman ang mga mata nila ni Kyle na napatingin sa 'kin. ''W-What d-did you just say?'' Kira asked stuttering.
Nilingon din ako ni Mikan na parang hindi makapaniwala. Hindi naman siya napano dahil mabilis din siyang naagapan ni Kira. 'Yon nga lang ay mukhang nahulog ang phone niya.
Well, it's not a problem for her though. Kaya naman niyang bumili ng kahit ilan pang cellphone na gusto niya.
''As I was saying, this school was pretty cool. Mayroon pa kasi 'tong shield na hindi ko alam kung saan ba gawa. Grabe na talagang moderno ng teknolohiya. Ngayon ay alam ko ng may saysay naman pala ang pagbabayad ng mga magulang namin ng mahal dito.''
Their jaw literally dropped on what I say. Napataas naman ang kilay ko nang dahil sa ekspresyon nila. Did I say something wrong?
Mikan is the one who broke the awkward silence. ''Are you really okay now, Nics? Mukhang na-trauma ka ata sa mga nangyari kanina kaya kung anu-ano na lang ang nakikita mo.''
Nagulat pa ko ng bigla siyang lumapit sa 'kin at yugyugin ang balikat ko na halos ikahilo ko. Pagkatapos ay kinapa pa niya 'yong noo ko.
''Hey, stop it!'' I glared at her and she just pouted.
''Hindi kung anu-ano lang ang sinasabi ko. I swear, I can see it right now!'' Tinuro ko pa sa kanila kung gaano kalaki ang nasasakop nito. Bakit ba ayaw nilang maniwala at hindi nila makita?
Sinundan naman nila ng tingin 'yong itinuro ko at napailing na lang si Mikan na naka-poker face pang humarap sa 'kin.
''Nics, wala naman kaming nakikita na kahit ano, eh. Hindi kaya namamaligno ka na?'' She then covered her mouth with both of her hands. We're in the 21st century right now and she still believe in that?
Napatingin naman ako kina Kyle at Kira na kanina pa tahimik. Pawang blangko lang ang ekspresyon ng kanilang mukha habang malamlam ang mga matang nakatitig sa 'kin.
"Kayo ba? Wag n'yong sabihing wala rin kayong nakikita?'' hindi ko makapaniwalang tanong sa kanila.
Kira looked away and started to drive again. While Kyle was still looking at me so intently. Nakaramdam na ako ng ilang kaya ako na ang unang nag-iwas ng tingin. Para kasing binabasa niya ang kung anumang iniisip ko. Which I doubt that he can do anyway.
''Kung ako sa 'yo ay itutulog ko na lang 'yan. O di kaya naman ay subukan mo na ring magpa-check ng mata. Malala na ata ang tama niyan, eh,'' Kyle said coldly na halos panlamigan na ko.
Palagi na lang siyang ganyan. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob?
Napahilot na lang ako sa sentido ko. Alam kong totoo 'yong mga nakikita ko. Pero bakit ako lang ata ang nakakaranas ng gano'n? Nagsimula lang naman ang lahat ng kakaibang nangyayari sa 'kin magmula ng mag-eighteen ako, eh.
I sighed in defeat. Alangan namang ipagpilitan ko pa ang isang bagay na hindi ko rin naman mapatunayan. Maybe they're already thinking that I'm crazy.
''Siguro nga ay tama kayo. Baka kahit 'yong nakita kong pagkawala ng mga tao kanina ay guni-guni ko lang,'' pabulong kong sabi. Sakto namang huminto na ang sinasakyan namin sa labas ng dormitory building namin. I was about to stepped out when Kyle's cold hand stopped me.
''You saw what happened earlier?'' His face darkened and his grip on me tightened.
Saglit kong sinulyapan sina Kira at Mikan na nasa labas na. They're giving us a confused look. Muli akong napatingin kay Kyle.
''Why? Did you saw that too?'' I saw his jaw clenched. Pilit ko namang inaalis ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. ''Let go! It hurts already!'' I shout at him.
Mukhang nabigla rin siya sa ginawa niya at mabilis akong binitiwan. Napangiwi naman ako nang makitang namumula 'yong parteng hinawakan niya.
''I just asked. You may go now,'' he said bluntly then leaned his back and closed his eyes.
I stared at him in disbelief. Matapos niya kong masaktan ay gano'n na lang 'yon?
Nang dahil sa sobrang inis ay nasuntok ko siya ng malakas sa mukha, bago padabog na lumabas ng kotse. Dali-dali kong hinila ang tulalang si Mikan at hindi na pinansin ang nanggagalaiting pagtawag niya sa 'kin.
Serves him right. Wala pang nakakapanakit sa 'kin na hindi nagbabayad no.
-----
Kyle Ethan's POV
''What? How the hell did she see the ward?'' Sinamaan naming lahat ng tingin si Vince dahil sa lakas ng pagkakasigaw niya.
Nandito kami ngayon sa sala ng mansyon. Sakto kasing naabutan namin silang apat dito kaya kinuwento na namin sa kanila ang lahat ng nangyari kanina. Nabanggit din ni Kira na hindi na niya naabutan kung sino ang may kagagawan ng nangyaring brown-out.
Pero sana pala ay hindi ko na lang binanggit ang tungkol sa pagkakasuntok sa 'kin ni Nicole. Dahil pinagtawanan lang naman nila ko na para bang wala ng bukas. Sa tuwing naaalala ko tuloy ang nangyari ay hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng inis.
She's the first one to hit me like that. Aside from Miley of course. But hell! Mukha ko pa talaga ang pinuntirya niya. Pasalamat talaga siya at napigilan ko ang sarili kong gumanti kanina. I'm the prince of my clan for crying out loud! Tapos susuntukin lang ako ng isang tao?
''But it's especially made by the white witches that can only be seen by us, the vampires.'' Humalumbaba pa si Miley sa mesa na ginaya naman ni Reiri. Para na silang kambal na dalawa.
''You also mentioned that she saw what you saw in that supermarket?'' Hiro asked and I just nodded at him. Isa pa ang bagay na 'yon sa gumugulo sa isip ko.
''That girl was such a big mystery to us.'' Pinagsalikop ni Vince ang dalawa niyang kamay. ''Do you think she's an enemy?''
That made me still. Parang may kung ano na kumirot sa dibdib ko sa isiping kalaban si Nicole. Hindi ko ata magagawang tanggapin kung gano'n nga.
''No!'' Miley and Rei shouted in unison.
''How can you be so sure?'' Vince raised a brow at them. Nanlisik agad 'yong mata ng dalawa sa kanya. Which is very rare to happen.
Mabilis na pumagitna sina Kira at Hiro. ''Hey, calm down. I can't believe that you guys are fighting just because of a human.'' Hiro scratched the back of his neck.
Reiri glared at him. Hindi talaga magkasundo ang dalawang 'to. Habang ako naman ay kampante ko lang silang pinapanood.
''She's not just a human. She's our friend! Saka naniniwala kaming hindi siya kalaban. Kung may mga kakaibang bagay man na nangyayari sa kanya ngayon ay nasisiguro namin na kahit siya mismo ay wala ring alam tungkol do'n.'' She even stomped her feet in frustration.
''Kahit naman ako ay ganyan din ang nararamdaman ko. Alam naman nating lahat na isa talaga siyang tao. But we also can't deny the fact that something was really different in her that made her special. Hindi siya basta normal na tao lang,'' Kira said calmly.
''Sino at ano ba talaga kasi siya?'' Napasabunot na lang sa buhok niya si Vince.
Lahat kami ay natahimik. Bihira kami magkasama-sama ng ganito kaseryoso. Well, this is really a serious matter to be discussed with.
''Alam ko na!'' Ngingiti-ngiting napatayo si Miley na para bang may umilaw na light bulb sa taas ng ulo niya. Nakalagay pa sa baba niya ang hintuturo niya. Parang kanina lang ay halos umusok na ang ilong niya ng dahil sa sobrang inis. Mood swings.
Pero napangiti na rin ako nang mabasa ko kung ano ang iniisip niya. ''That's a good idea. Bakit nga ba hindi ko kaagad naisip yan?'' Naintindihan din naman kami ni Vince na patango-tango pa.
''Care to share your thoughts with us?'' Hiro asked sarcastically. Pinaglipat-lipat niya pa ang tingin sa 'min. Clueless sila ni Kira dahil hindi naman sila mind reader. Samantalang si Rei naman ay hindi pa kayang paganahin ang ganitong klase ng kakayahan.
Wait. Scratch that. Sa totoo lang ay wala pa talaga siyang napapalabas na kahit anong klase ng ability. But I'm pretty sure that she'll surprise us all one day. Just like her brother Vince. Nagulat na lang kasi kami isang araw nang bigla na lamang niyang napagalaw ang mga gamit dito sa mansyon.
Pero kahit gano'n ay trained naman siya sa paggamit ng weapons. Just like us.
I stood up and buried my hands inside my pockets. ''We're going to the main library at the palace. Doon lang natin posibleng mahahanap ang sagot sa mga tanong natin.''
Excited naman silang tumango at sumunod sa 'kin. ''Sa wakas ay may magagawa na kong makabuluhang bagay sa araw na 'to.'' Hiro smirked.
Sa paglabas namin ay pare-pareho na kaming nawala sa kawalan.
-----
Third Person's POV
Sa isang mataas at tagong lugar ay mayroong isang palasyo ang nakatayo. This is where the King and Queen of the vampire clan lives.
No human can enter and see this place though. Unless, they have been personally invited or they're the protectors.
Just like now. The King and the Queen were both laughing, while talking to the two humans in front of them.
''Hindi na talaga ako makapaghintay sa itinakdang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.'' The king smiled and sipped his chalice that has a red liquid in it. Of course we already know what it is.
Their visitors chuckled. ''Maging kami man ay gano'n din. Lalo pa at nagkakilala na silang dalawa,'' nakangiting sambit ng babaeng bisita. Banayad pa nitong inihilig ang kanyang ulo sa balikat ng asawa.
The Queen sighed. ''Tama kayo riyan. Pero natatakot pa rin ako sa maaaring maging reaksyon nila. What if they don't understand and don't like each other.'' Nag-aalala nitong nilingon ang asawa na para bang hindi man lang nababahala.
The King looked outside the window and stared at the moon. Maliwanag at bilog ang buwan sa gabing 'yon. ''Siguro nga ay hindi nila maiintindihan. Pero sa simula lang naman 'yon. Saka ang hindi nila magugustuhan ang isa't isa?'' Napailing pa 'to at bahagyang natawa.
''I doubt it,'' he said that with so much confidence.
''I'll agree to you, King Zachary Clarkson,'' nakangiting sabi ng lalaking kaharap niya. Pinaglapat pa nila ang kanilang mga wine glass na lumikha ng isang matinis na tunog.
Painom na sana ang hari ng bigla siyang natigilan. Agad naman itong napansin ng kanyang mga kasama. ''Is there a problem, Mr. Clarkson?''
Naging alerto ang lalaking tao at agad na pinagala ang paningin sa paligid. Itinuturing na silang mga kaibigan ng hari at reyna. Pero hindi ibig sabihin no'n ay pababayaan na nila ang kanilang tungkulin.
The King burst out laughing. Nakakunot noo naman siyang tiningnan ng tatlo. They didn't understand what's happening. Kahit ang reyna mismo ay hindi nito magawang basahin ang iniisip ng asawa. He's really that strong and powerful.
Mayamaya pa ay tumayo na 'to at nilingon ang mag-asawa ring bisita. ''I'm sorry about that. It's just that the new visitors are on their way now to the palace.''
Mabilis ding napatayo ang mag-asawa at ang reyna. ''Kung gano'n ay hindi na po kami magtatagal pa. Sa tingin ko ay hindi pa po ito ang tamang panahon para makita niya kami,'' magalang na sabi ng lalaki at sabay sila ng asawa na tumungo upang magbigay respeto sa nakatataas sa kanila.
Nakakaunawa namang tumango ang hari. Pareho lang din naman sila ng nasa isip. ''Alam ko. Hanggang sa susunod nating pagkikita.''
Nginitian at tinanguan sila ng mag-asawa bago tuluyang umalis. Hindi naman nila itinuturing na iba ang dalawa. Lalo pa at magiging kapamilya din naman nila ito sa hinaharap.
''Ano sa tingin mo ang dahilan ng biglaang pagpunta nila rito?'' the queen can't help but to ask, that very moment their visitors have left. Hindi na niya kailangan pang itanong kung sinu-sino ang mga darating. Because she already knows them.
Nakangiti siyang nilingon ng hari at marahang hinaplos ang kanyang makinis na mukha. Matagal na silang nabubuhay sa mundo, pero kaakit-akit pa rin ito at ang kagandahang taglay ay wala pa ring kakupas-kupas. Hindi naman napigilan ng reyna ang mapapikit nang dahil sa inakto ng asawa.
The King was also like that too. Ang kisig at guwapo pa rin nitong tingnan sa kabila ng daang taon na tanda nito. Ni hindi mo nga sila mapapagkamalan na may mga anak na. Dahil sila mismo ay mukhang mga kaedad lang ng mga ito nang dahil sa kanilang batang hitsura.
''Nagsisimula na silang gumawa ng sarili nilang mga hakbang,'' sabi ng hari sa mababang boses habang pinaglalandas na nito ang kanyang kamay sa leeg ng asawa pababa. Patuloy pa ring nakapikit ang reyna at dinadama ang bawat paghaplos nito.
''What are we going to do now?'' The Queen bit her lower lip as she feels him kissing her neck. Hindi pa rin talaga nagbabago ang kanyang asawa.
''You don't have nothing to worry about. I'll take care of it. Dahil hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nila,'' the King said with finality before he claimed her wife's soft lips.