Unduh Aplikasi
86.66% Diary Of A Bad Boy / Chapter 26: Chapter Twenty-Six

Bab 26: Chapter Twenty-Six

"Oh my God! Xander what happened to you!? Mila! Mila! Help me to bring him on his room!" Narinig kong sabi ni mom nang makarating ako sa bahay galing sa bar na dati kong pinupuntahan noon.

Pagkagaling ko sa bahay nila Celine don na ako dumeretso. Maghapon at magdamag akong nandon,umiinom magisa. Hindi ko alam kung pano nagawa ni Celine yun sakin. Hindi ko alam kung pano nya nagawang kalimutan ang lahat at humanap ng iba. Pano nya nagawang magpakasal sa iba gayong alam nya na hinahanap ko sya. Kahit hindi nya sabihin alam kong alam nyang hinanap ko sya at sinundan sa ibang bansa pero wala naman pala sya don. Ang sakit. Ginago nya ako. Pinagmuka nya akong tanga!!

"Anak ano bang nangyari sayo?? Bakit hindi ka umuwi kagabi?"

"Pinagmukha nya akong tanga. Ginago nya ko!!" Sigaw ko habang sinusuntok ko ang pader. Malakas at halos lahat ng natitira kong lakas ay don ko na ibinuhos.

"Anak tama na! Please stop it!! Don't hurt yourself son!!!"

"Ginago nya ako!! Hinanap ko sya sa ibang bansa ng isang taon!! Nagmuka akong tanga kahahanap sa kanya sa lugar na wala naman akong kilala pero ginago nya ako!! Nandito lang pala sya!!"

"What do you mean!?"

"Pinagtaguan nya ako ng ganon katagal!! Hinanap ko sya sa ibang bansa pero nandito lang pala sya! Nagtatago kasama ang punyetang lalaki na ipinalit nya sakin!!"

At naramdaman kong nanghina na ang katawan ko. Masakit na ang kamay ko at may sugat na. Nanghina na ako hanggang sa mawalan na ako ng malay. Nakapikit man ang mga mata ko, ang puso ko ay gising na gising sa sakit na nararamdaman ko. Bakit Celine? Bakit?

Mula nung malaman ko yun, hindi na ako nagpunta pa sa bahay nila. Sa condo? Isang beses lang ako naglagi don. Hindi ko kinaya maalala pa ang lahat ng pinagdaanan namin dalawa. Lahat ng alaala namin ayoko ng balikan. Halos lahat ng gamit ko sa condo ay nabasag at nasira. Ano ako ngayon? Sino ako ngayon? Ako na ang dating ako. Ang lahat ng bagay na iniwan,kinalimutan at iniwasan ko noon,ngayon ay kasama at ginagawa ko muli ngayon. Para san pa ang ipagpatuloy ang buhay kong binago ko para sa kanya kung mas matindi pa ang ginawa nyang pagsira sa buhay ko.

"Let's go!!" Sabi ko sa babaeng kasama ko na nakilala ko lang sa bar. Sa condo nya kami nagpunta. Magdamag sya ang kasama ko. Pagkatapos nya kinabukasan ay iba naman. Araw araw ay iba ang kasama ko. Araw araw ay uuwi ako sa bahay ng lasing, amoy alak at sigarilyo at may bahid pa ng lipstick ang damit o kaya naman ay ang ilang part ng mukha ko. Si mom, nakatingin lang sya sakin,inaasikaso ako paguwi ko. Si dad? Naiiling na lang sakin. Minsan nya akong pinagsabihan pero sinagot ko lang sya hanggang sa nagaway lang kaming dalawa.

Ngayon uuwi ako ng nakainom at kasama ang isang babae na nakilala ko sa isang motocross habang nanunood.

Pagdating namin sa bahay sinalubong kami ni mom. Nagulat pa sya ng makita na may kasama ako. Pero hindi ko sya pinansin at dumeretso lang ako sa kusina. Yun babae,si Belle bumati pa kay mom.

"Xander lasing ka na naman! Kailan ka ba uuwi dito ng hindi lasing ha!!" Sigaw sakin ni dad ng makita nya akong nakaupo sa dining area. Napatingin sya sa babaeng nasa tabi ko.

"At sino naman yang babaeng yan!! Uuwi ka na nga ng lasing nagdala ka pa ng babae sa pamamahay ko!!"

"Tama na yan. Hayaan mo na lang ang anak mo" sabi ni mom kay dad

"Hayaan!? Hinahayaan ko na syang maginom at mambabae pero dinala pa nya dito!!! Anong balak mo ha!! Ang pati kami ay babuyin mo!! Hindi ako magtataka kung bakit ka hiniwalayan ni Celine!!"

Napatayo ako ng banggitin nya ang pangalan ng babaeng sumira sakin.

"Kaya ka iniwanan ni Celine eh!! Dahil dyan sa kagaguhan mo!!"

"Wag na wag nyong mababanggit ang pangalan nya!!" Sigaw ko. Ayoko ng marinig pa ang pangalan nya. Sya ang dahilan kaya ako nagkakaganito ngayon. Sya ang sumira ng buhay ko!!!

"Pinapatunayan mo lang na tama ang ginawa nyang iwanan ka dahil dyan sa ginagawa mo!! Wag kang tanga Xander!! Hindi babalik sayo si Celine sa ginagawa mo!!"

"Sinabi ng wag nyo syang babanggitin!!!" At kinuwelyuhan ko ang sarili kong ama. Akala ko ay magsasalita sya pero natigilan ako ng bigla nyang hawakan ang puso dibdib nya.

"Dad!?dad?? Daddy!! Are you okay? Dad!!"

At natumba sya sa sahig. Agad na lumapit si mom at tumawag naman ng ambulance si Belle. Ako ay patuloy kong inaalog ang katawan ni daddy. Anong nangyari? Anong ginawa ko!?

"Daddy! please wake up. Dad!!" Isinugod namin sya sa ER at don ay naghintay sa doctor. Ano bang ginawa ko!!? Habang sapo ang mukha ko, ay patuloy ang pagdaloy ng luha ko. Inatake sa puso ang daddy ko ng dahil sakin. Nang dahil lang sa kagaguhan ko.

Umiiyak si mom sa tabi ko at si Belle naman ay nakatayo lang sa harap namin.

"You see what you've done Xander!!? Did you see what you've done!!!" Galit na sabi ni mom sakin pero hindi ako makaimik. Ano na naman ba ang ginawa ko? Ilan sandali pa lumabas na ang doctor.

"Mrs. Nilson your husband is fine now. Dadalhin na lang po sya sa kwarto nya. Wag po kayong magalala, magigising na din po sya any time.!"

Thank God my dad is fine. Nang madala na sa kwarto si dad ay umalis na si Belle. Kami na lang ni mom ang naiwan.

"Mom!"

"Nakita mo ang ginawa mo?"

"Mom i- I'm sorry"

"Your dad is right son. Hanggang kailan? Hanggang kailan mo sisirain ang buhay mo? Hanggang sa lahat kami ay mawala sayo?"

Hindi na nagsalita pa si mom. Lumabas ako at naglakad lakad. Inatake ang ama ko ng dahil sakin. Ano ba ang ginagawa ko sa sarili ko? Sa buhay ko?

Marami nang naapektuhan sa ginagawa ko sa buhay ko. Pero ang sakit pa din kasi ng ginawa sakin ni Celine. Hindi ko pa din kayang tanggapin.

But mom and dad is right. Hanggang kailan ko nga ba gagawin ito sa sarili ko ? Kapag lahat sila ay nawala na sakin? Kapag wala ng natira para sakin? Kapag lahat ay iniwan na ako at magisa na lang ako? Ito ba talaga ang gusto ko? Hindi. Ang gusto ko lang naman ay ang maging masaya at makasama sya. Makasama ulit sya kahit na ginago nya ako. Pero tama sila. Hindi ko naman sya maibabalik sa ginagawa ko. At hindi ko naman na talaga sya kayang ibalik dahil nasa iba na sya at masaya na sya ngayon. Masakit pero yun ang totoo at siguro ay kailangan ko na lang tanggapin yun.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C26
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk