Pinauwi muna nila ako para daw makapagbihis at makapagpahinga muna ako. Ayoko pa sana talaga pero ang daddy ni Celine na ang nagsabing umuwi na ako. Pagdating ko sa bahay ay naligo ako at nagpalit ng damit. Papunta na ulit sana ako sa hospital ng pigilan ako ni Mommy.
"Hijo anak, bukas ka na lang bumalik sa hospital. Magpahinga ka na muna"
"Mom,kailangan ako ni Celine. Hindi ko kayang iwanan sya don."
"Anak,nandon ang daddy nya at maraming nagbabantay sa kanya don. Magpahinga ka na lang muna."
Lumapit sya sakin at pinunasan ng palad nya ang luhang hindi ko namamalayang dumadaloy na sa mukha ko.
"Anak,ano ba ang nangyari? Sabihin mo sakin" niyakap ko si mom at ikinuwento ko sa kanya ang lahat. Hindi ko na kasi kaya pang ilihim pa ang totoo. Nang dahil sa paglilihim kong yun ay napahamak si Celine at nawala ang anak namin. Hindi ko na kaya pa.
Nang masabi ko na lahat kay mom ay pinapasok na nya ko sa room ko at pinagpahinga pero hindi naman ako nakatulog. Hindi ko magawang matulog knowing na ang babaeng mahal ko ay wala pang malay ngayon. Buong magdamad akong gising at nananalangin na sana ay magising na sya at walang mangyaring masama sa kanya. Pagsapit ng umaga ay agad akong nagbihis at nagpunta na sa ospital. Pagpasok ko sa room ni Celine ay isang malakas na suntok ang bumungad sakin mula sa dad nya.
"Ang lakas naman ng loob mong bumalik pa dito? Pagkatapos ng ginawa mong panloloko sa anak ko!?" Sigaw sakin ng dad nya. Nalaman na pala nya ang totoo pero sino ang nagsabi. Napatingin ako sa isang sulok ng kwarto at nakita ko don si Zia na umiiyak. Sya ba ang nagsabi!? Hindi pa ba sya masaya sa ginawa nyang paninira samin ni Celine?
"Lolokohin mo na lang ang anak ko ito pang bastardang to pa ang ginamit mo!! Akala mo'y hindi ko malalaman ang totoo!? Nagkamali ako ng desisyon na pagbigyan ang hiling ng magulang mo. Dapat ay hindi ko hinayaan na magkaron kayo ng relasyon ng anak ko para lang sa papalubog nyong kompanya!!" Ano bang ibig sabihin ng dad nya
"Ano pong ibig nyong sabihin!? Hindi po ba't kayo ang nakiusap kay dad na makipagrelasyon sakin ang anak nyo?"
"Yan ba ang sinabi sayo ng ama mo!? Hindi ako magtataka kung mangloloko ka at niloko mo ang anak ko dahil may pagmamanahan ka din pala. Umalis na kayo dito!! Ikaw na malanding babae ka!! Umalis ka na!! Umalis na kayong dalawa bago ko pa kayo ipakulong!!"
Lumabas ako ng kwarto ng gulong gulo ang isip ko. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan ang sinabi ng dad nya.
"Xander--" tiningnan ko si Zia na namumula na ang mata. Pero wala akong pakialam sa kanya. Hindi ko sya pinansin sa halip ay mabilis akong umuwi. Kailangan kong makausap sina daddy at mommy.
"Mom!!! Dad!!!" Napatingin silang pareho sakin habang nakaupo sa sala.
"Sabihin nyo nga sakin ang totoo!! Sila ba ang nakiusap na makipagrelasyon ako kay Celine!?" Natigilan silang pareho.
"Magsabi kayo ng totoo!! Sila ba o kayo!!?" Tumayo si dad at lumapit sakin.
"Anak,hindi sila ang nakiusap--"
"Mga sinungaling!! Bakit hindi nyo sinabi sakin ang totoo!!? Bakit hinayaan nyo kong maniwala sa kasinungalingan nyo.!? Bakit hinayaan nyong tratuhin ko ng ganon si Celine before!!! Bakit!?"
Lumapit na din sakin si mom na naiiyak na.
"Xander si Celine ang nagsabi sakin na wag sabihin sayo ang totoo. Anak, ayaw nyang malaman mo dahil alam nyang hindi ka papayag dahil mapride ka that time. Celine loves you since then at ayaw nyang tapakan ang pagkalalaki mo. Hijo anak, si Celine ang---"
"Si Celine pa ang sinisi nyo!!? Pero hindi eh. Kahit ano ang gawin sisihan ako pa din ang may kasalanan. Ako pa din!! Napakagago ko.!" Sa sobrang galit ko sa sarili ko ay nasuntok ko ang ulo ko habang umiiyak. Hindi ko na kaya. Kasalanan ko ang lahat ng ito.
Pinipigilan ako nila mom sa ginagawa kog pagsuntok sa ulo ko pero hindi nila ako mapigil. Bumalik ako sa hospital at wala don ang daddy nya pero nandon ang yaya nya.
"Xander mahigpit na ipinagbilin ng daddy nya na wag kang papasukin dito at hayaan na makalapit kay Celine. Xander umalis ka na lang.!"
"Yaya kailangan kong makita si Celine. Please." Sabi ko habang umiiyak. At dahil hindi din nya ako mapigil ay nakapasok ako. Nasa harap ko ngayon abg babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng bumuo ng pagkatao ko. Walang malay at maramig nakakabit na aparato. Hindi sya dapat nandito kung inamin ko lang sa kanya ang lahat ng maaga. Hindi dapat nangyari to kung inamin ko lang sa kanya. Kung hindi lang ako naging gago para lokohin sya. Kasalanan kong lahat ng ito. Hawak ko ang kamay nya habang paulit ulit na ibinubulong sa kanya na mahal na mahal ko sya.
"Celine please gumising ka na. Please. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sakin.!"
"Anong ginagawa mo dito!!? Yaya bakit pinapasok mo ang walang hiyang lalaking ito!!? Umalis ka na Xander!! Umalis ka na!"
Tumayo ako para humarap sa kanya
"Uncle sorry po. Please hayaan nyo po ko dito sa tabi nya.!"pero hindi nya ako pinakinggan sa halip ay hinila nya ako palabas at itinulak.
"Ayokong makita pa ang pagmumukha mo dito!! Wag ka nang babalik pa!" At saka nya sinara ang pinto ng kwarto ni Celine. Napaupo na lang ako sa sahig at don ay hindi ko na napigilan ang umiyak.
"Xander," narinig kong sabi ng isang babae sa harap ko. Si Carla.
Dito sa isang cafeteria ng hospital kami nagpunta ni Carla para magusap.
"I know what really happens." I glanced at her. Sinabi ba sa kanya ng daddy ni Celine?
"Nakita ko ang mga pictures nyo ni Zia nong gabing ibinigay ng isang babae yun kay Celine. I was with Celine that time. Nakita ko kung ano ang naging reaksyon nya ng makita nya yun. She was hurt. She cried but was trying to calm down herself. Ayaw nyang maniwala kaya hinanap ka nya. Hindi ko na sya nasundan that time dahil hinanap ko yun babaeng nagbigay non pero eto na nga ang nangyari."
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Pati siguro sya ay galit sakin.
"Carla i admit it. Nagkaron nga kami ng relasyon,no hindi exactly relasyon. May nangyari nga samin before ni Zia pero yun ay nung panahon na hindi pa kami ok ni Celine. At ng maging ok na kami hindi yun matanggap ni Zia at gusto nya---"
"Gusto nyang hiwalayan mo si Celine. At blinackmail ka nya gamit ang mga pictures nyo na kinuha nya nung gabing pinainom ka nya ng drugs."
Tiningnan ko sya in a way na nagtataka kung paano nya nalaman.
"Pumunta sa bahay si Zia. Umiiyak sya at halos lasing na lasing. Hindi ko naman sya mapaalis dahil alam mong naging magkaibigan din kami."
Oo, bago pa maging magbestfriend sila ni Celine ay sila muna ang naging magkaibigan. Pero dahil sa nalaman ng daddy ni Celine na hindi pala nya anak si Zia at anak lang ito sa ibang lalaki ng mommy nila ay pinalayas sya at don nagsimulang maging rebelde si Zia. Noon ay close sya sa daddy nila, I mean daddy ni Celine bago pa malaman na hindi sya anak nito. Pero nang palayasin sya nito ay naging mas malapit ang loob nito sa tunay na anak at si Celine yun. Trinatong isang kayamanan mula noon si Celine na higit pa sa trato nito kay Zia dati. Kumbaga ay natriple na ang pagmamahal nito para kay Celine. Dahilan para mainggit si Zia at naging rebelde. At ang dahilan ng pagkakasira nila ni Carla ay dahil sa ginawang pangaagaw nito sa boyfriend nito. At don na nga naging close si Carla at Celine.
"Sinabi sakin lahat ni zia lahat ng ginawa nya. Hindi nya naman daw alam na ganito ang mangyayari. Buong magdamag umiiyak si Zia. Lalo na nung malaman nya na buntis pala si Celine.!"
"Nakiusap ako sa kanya na wag nyang gawin yun pero hindi nya ako pinakinggan. Nawala ang anak namin ni Celine dahil sa kanya"
Hindi ko sya kayang patawarin. Buhay ang nawala dahil sa kanya.
"Xander, wag ka na lang muna pumunta dito. Galit sayo ang daddy nya. Hindi mo sya masisisi. Nagiisang anak nya si Celine. Makinig ka na lang."
"Pero pano si Celine? Hindi ko sya pwedeng iwanan.!"
"Babantayan naman namin sya. At wag kang magalala. Babalitaan naman kita kapag nagising na sya pero sa ngayon wag ka na lang pumunta dito!" Parang hindi ko kaya. Hindi ko kaya ang manahimik lang sa bahay habang sya ay nasa hospital at walang malay. Malaki ang kasalanan ko sa kanya. Pero tama din si Carla. Galit sakin ang dad nya. Hindi ko din makikita si Celine.
"Carla, pwede mo ba akong tulungan? Gusto ko pa din syang makita kahit sandali lang!"
"O sige. Sasabihan kita kapag walang bantay pero hindi ka pwedeng magtagal. Dahil baka maabutan ka ng dad nya.!" Tumango na ako bilang pagsangayon. Mas ok na yun ganon kesa ang hindi ko man lang sya masulyapan.