Paglabas ko ng kwarto nya,wala sya sa sala pero nakabukas pa din ang TV. San kaya sya nagpunta? Sumilip muna ako sa bintana at grabe ang lakas ng ulan sa labas. Paano ba ako uuwi nito? Pero naisip ko, pagkakataon ko na to para makausap si Celine at sabihin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Hinanap ko sya at nakita ko syang nakatayo sa harap ng oven. Sandaling tinitigan ko sya. Bakit nga ba ngayon ko lang naramdaman na mahal ko sya? Bakit ngayon ko lang nakita ang halaga nya sakin? Sa loob ng tatlong taon na pagtatyaga nya sa ugali ko at panloloko ko sa kanya ay natiis nya pa din ako. Hindi pa din sya nakipaghiwalay sakin. At sa halip na suklian ang nararamdaman nya ay ganon pa ang isinusukli ko. Pero ngayon, gagawin ko na ang lahat para makabawi sa kanya. Sasabihin ko na sa kanya na mahal ko sya.
"Celine."
Tiningnan nya lang ako at bumalik ang tingin sa oven.
"Sandali na lang to. Kaninang umaga ko lang naman niluto to kaya ininit ko na lang."
Ilang sandali pa ay tumunog na ang oven at inilabas na nya ang isang bowl ng vegetable soup. Paborito nya. Kahit papaano naman ay may alam ako tungkol sa kanya. Hindi sya kumakain ng rice at soup o kya naman ay bread ang kinakain nya. Habang hawak nya ang bowl ay nabitawan nya ito dahil sa init.
"Ok ka lang ba? Wag mo ng hawakan yan!" Sabi ko sa kanya pero hinawakan pa din nya kaya nahiwa ng bubog ang kamay nya.
"Iwan mo na yan ako na ang maglilinis nyan. Halika!" At itinayo ko sya at pinaupo sa tapat ng table.
"Nasan ba ang first aid kit mo dito?"
Hindi sya sumagot kaya hinanap ko na lang. Usually nasa comfort room yun kaya don ako nagpunta at tama nga ko. Don nya inilagay. Nagmadali akong bumalik sa kanya. Hinugasan ko muna ang sugat nya saka ko nilagyan ng gamot. Tahimik lang sya at hindi umiimik. Para bang napakalalim ng iniisip nya.
"Xander, ano bang ayaw mo sakin?" Bulong nya. Napatingin ako sa mga mata nya. Napakaseryoso. Wala akong makitang ibang pakiramdam kundi ang lungkot.
"Bakit hindi mo ko magawang mahalin?"
"Celine--"
"Dahil ba hindi ako katulad ng mga babaeng nakakasama mo sa bar? Dahil ba boring akong kasama? Dahil ba--"
"No. Celine no. !" Hindi ko alam pero bigla na lang syang umiyak. Ngayon ko pa lang sya nakitang umiyak sa harapan ko. Masakit. Masakit palang makita syang umiiyak. Pinunasan ko ang luha nya gamit ang thumb ko. I can't take to see her crying.
"I heard you at the ball talking with someone. I know I'm too boring for you." Narinig nya kami ni Zia? Kaya ba nya ako hindi kinakausap?
"Honestly,hindi naman nawala ang phone ko. Nagpalit lang ako ng number nung nalaman kong nagpunta ka sa bahay at nang sabihin ni Tita that you're trying to call me. Gusto kong umiwas sayo kahit alam kong hindi ko kailangan gawin yun dahil ako lang naman ang nagsusumiksik eh---"
Bakit kailangan nya akong iwasan?
"I was planning to break up with you but Tita pleased me not to. She said that you love me but you just can't admit it. Funny right? We both know na hindi mo naman talaga ako--
"Mahal kita.!" Natigilan sya sa sinabi ko. Pero mas natigilan ako kanina ng sabihin nyang makikipaghiwalay sya sakin. Ayoko. Hindi ako papayag na mawala sya sakin. Ngayon pa ba na kaya ko ng aminin sa lahat na mahal ko sya? Hindi.
"Hindi totoo yan"
"No Celine. Totoo yun. Mahal kita. I really do. Mom is right. I just can't admit it dahil hindi ko alam kung pano. But Celine, i do. I love you." Then i kissed her at the tip of her nose down to her soft lips. But she didn't response. I know she don't believe me but I'll do everything para maniwala sya sakin.
"Celine, alam kong hindi ka naniniwala sakin. But please trust me and give me a chance to prove it. To prove that i love you. Please. Please don't break up with me. Please!" Sandaling tiningnan nya ako sa mata ko. I thought she won't say yes at makikipaghiwalay na talaga sya pero ng tumango sya sakin parang sumagot na din sya ng oo. Sa sobrang saya ko hindi ko napigilan ang yakapin sya. I kissed her on her forehead and hug her so tight. Simula ngayon,lahat ng alam kong makakapagpatunay na mahal ko sya ay gagawin ko. Wag lang syang mawala sakin. Mahal ko sya at handa akong patunayan yun sa kanya.