Unduh Aplikasi
32.69% Crush kita noon, Mahal na kita ngayon / Chapter 17: Chapter 17

Bab 17: Chapter 17

Tirik na ang araw pero tulog pa din ang dalawa. Pareho silang napuyat kagabi dahil hindi agad sila dinalaw ng antok. Hindi naman sila ginising ni Marie dahil alam ng matanda na kailangan bumawi ng tulog ng dalawa.

"Nanay Marie!" sigaw ni Rhian kaya sinenyasan niya ito na huwag maingay. "Hayaan nyo ngang magising si kuya. Nakakainis siya, iniwan nya ko kagabi." inis na sabi ni Rhian. "Hinaan mo lang ang boses mo at baka magising din si Lexi."abi ni Marie na ikinagulat ni Rhian. "Nandyan si Ate Lexi?" tanong ni Rhian. "Oo, umaga na sila nakauwi kanina kaya sabi ko dito na siya matulog." sagot ni Marie.

"Sinong natulog dito Manang?" nagulat si Marie ng paglingon niya ay nandoon na din sa loob ng bahay ang mag-asawang Daniel at Mila. Akala niya kasi ay si Rhian lang ang dumating. "Si Lexi po, dito ko na din pinatulog kagabi. Umaga na po kasi sila dumating kanina saka Sir, Ma'am, may mga sugat din po si Jake." sabi ni Marie. "Ha? Bakit? Anong nangyari?" Gulat na tanong ni Mila. "Napagtripan lang daw." sagot ni Marie. Pupuntahan sana ni Mila ang kwarto ni Jake ng pigilan siya ni Daniel. "Hayaan mo munang makapagpahinga ang anak mo. Mamaya mo na siya tanungin kung ano ang nangyari." sabi ni Daniel at sumunod naman si Mila.

Habang nauumagahan ang tatlo ay may narinig silang tunog ng phone. "Kanina pa po tunog ng tunog 'yan. 'Di ko naman masagot kasi baka magtaka kung bakit ako ang sumagot." sabi ni Marie. Kinuha ni Rhian ang phone. "Kay Ate Lexi 'to." sabi ni Rhian sabay sagot sa phone dahil nakita niya na ang caller ay "Nanay".

"Hello po." sabi ni Rhian. "Lexi, anak?" pagkumpirma ni Tessie. "Tita, si Rhian po ito." Kumunot naman ang noo ni Tessie pero ng maalala kung sino si Rhian ay bigla umaliwalas ang mukha niya. "Rhian, anak, bakit ikaw ang sumagot? Nasaan si Ate Lexi mo?" nagtatakang tanong ni Tessie. "Tita, tulog pa po sila ni Kuya." sagot ni Rhian. "Ano? Magkasama sila? Magkatabi sila?" Sunud- sunod na tanong ni Tessie na ikinatawa ni Rhian. "Don't worry Tita, nasa magkaibang kwarto po sila. Dito na po natulog si Ate Lexi sa bahay ni Kuya. Umaga na daw po kasi sila nakauwi kanina." Sagot ni Rhian. "Oo nga, nabasa ko nga ang text niya kagabi." Sabi naman ni Tessie.

"Tessie, kamusta ka na?" Tanong ni Mila. "Sino yun?" Tanong naman ni Tessie kay Rhian. "Si Mommy po, Tita." Sagot ni Rhian. "Si Mila?" Tanong ni Tessie at sumagot ng "Opo" si Rhian. Sinenyasan ni Mila ang anak na ibigay sa kanya ang phone. "Tessie, si Mila 'to. Kamusta ka na? Miss ko na kwentuhan natin." Sabi ni Mila. "Oo nga, kailan nga ba 'yung huling pag-uusap natin?" Tanong ni Tessie. "Nako, 'di ko na din matandaan. Basta mamaya babawi tayo." Sabi ni Mila. "Oo." Sagot ni Tessie. "Nga pala, Tessie, baka mamayang gabi na kami makapunta d'yan. Tulog pa ang mga bata. Napuyat kagabi." Sabi ni Mila. "Ganoon ba? Sabagay, ayos na din 'yun para nandito na si Ronnie pagdating ninyo. Napuyat din kasi iyon kakaantay sa anak. Alam mo naman, unica hija namin si Lexi." Sabi ni Tessie. "Sabihin mo kay Ronnie nasa mabuting kamay ang prinsesa niya." Sabi ni Mila. "Makakarating, oh, paano, mamaya na lang. Kayo muna ang bahala sa anak ko." Sabi ni Tessie. "Okay, see you. Bye!" 'Yun lang at pinindot na ni Tessie ang end call.

Napabalikwas ng gising si Jake. Napanaginipan niya ang nangyari kagabi pero sa panaginip niya, hindi 'yung lalaki ang hinagis ni Lexi kungdi, siya. "Ano ba 'yun? Bakit ako?" Tanong ni Jake sa sarili. Tumayo na siya at lumabas para pumunta sa banyo. Nagulat siya ng paglabas niya ay maabutan na nanonood ng telebisyon ang mga magulang niya samantalang sinisilip naman ni Rhian si Lexi sa kwarto nito.

"Oh, Kuya, gising ka na pala. Hala, anong nangyari sa mukha mo?" Gulat na tanong ni Rhian ng makita ang putok na labi at sugat sa dalawang kilay ni Jake. Tumingin din sila Daniel at Mila sa anak. Lumapit ang binata sa mga magulang para magmano at humalik sa mga ito. "Kumain ka na muna." Sabi ni Daniel. "Mamaya na po, Dad. Sabay na kami ni Lexi." Sagot ni Jake pagkatapos ay pumunta na sa banyo.

"Ano bang nangyari kagabi at may mga sugat ka?" Tanong ni Mila ng maupo si Jake sa sopa. "May nagtrip lang, Ma. Masyado kasing maganda si Lexi." Sagot ng binata na nakangiti. "Ikaw talagang bata ka. Si Lexi, 'di ba siya nasaktan?" Tanong ni Mila. "Nako, Ma, kung nakita n'yo lang ang ginawa ni Lexi kagabi, baka hindi kayo maniwala na babae talaga siya." Sabi ni Jake na kinakunot ng noo nila Daniel, Mila, at Rhian. Pati si Marie na nakikinig sa pag-uusap nila habang naghahanda ng tanghalian ay kumunot din ang ulo. "Ano'ng ibig mong sabihin, Kuya?" Nagtatakang tanong ni Rhian. At kinuwento ni Jake ang nangyari sa bar.

"Nagawa ni Ate Lexi 'yun?" Gulat na tanong ni Rhian at tumango si Jake habang umiinom ng kape. "Wow! Astig!" Sabi ni Rhian.

Hindi alam ng mga nasa labas na gising na ang topic ng kanilang pinag-uusapan. Nakasandal si Lexi sa pintuan na pulang-pula ang mukha. "Eto talagang si Jake, sarap batukan!" Sabi ni Lexi sa sarili. "Kakahiya kila Tito at Tita. Ano na lang iisipin nila sa akin? Amasona pala si Lexi. Ha'ay! Kainis ka Jake." Inis na sabi ni Lexi at wala sa loob na sinipa ang pinto. Natakpan ni Lexi ang bibig dahil tiyak na nadinig ng mga nasa labas ang sipa niya at hindi nga siya nagkamali dahil sabay-sabay nagpunta sa kwarto ang lima at pagbukas ni Rhian ng pinto ay nagulat sila kay Lexi na aktong babalik ulit sa pagkakahiga.

"Gising ka na pala, hija." Sabi ni Mila. "Good morning, Tita, Tito." Nahihiyang sabi ni Lexi saka lumapit sa mga ito at nagmano. "T-shirt ni Kuya 'yan ah!" Bati ni Rhian. "Ha? Oo, wala kasi akong napili sa mga damit mo kaya nanghiram muna ako ng damit kay Kuya mo." Sabi ni Lexi. "Aaahhh, kala ko...?" Sadyang binitin ni Rhian ang sasabihin at nakita niyang namula si Lexi. Nakita di niya na titig na titig ang kuya niya sa legs ni Lexi. "Hoy, Kuya, laway mo!" Sabi ni Rhian. "Nako, 'tong mga batang 'to. Lexi, mabuti pa eh maghilamos ka na ng makakain na kayo ni Jake. Rhian, hanapan mo ng pambahay si Lexi." Utos ni Mila at sabay sumagot ng "Opo" and dalawang dalaga.

"Hija, tumawag nga pala ang Nanay mo kanina. Tawagan mo na lang sila pagkakain mo." Sabi ni Mila at tumango naman si Lexi. Iniwan nila ang dalawa sa mesa habang kumakain ng umagahan. Maiiwan dapat si Rhian pero hindi pumayag si Lucas dahil alam nitong kukulitin lang ng bunso nila ang dalawa.

"Nakatulog ka ng maayos?" Tanong ni Jake. Tumango si Lexi. "Kamusta na mga sugat mo?" Tanong ni Lexi. "Okay na, medyo makirot lang." Sagot ni Jake. "Mamaya linisin ulit natin." Sabi ni Lexi. "Pwede kiss na lang?" Biro ni Jake. "Sira!" Irap naman ni Lexi.

"Nanay, pasensya na po, tumawag ako kay Tatay kanina kaso tulog pa yata." Hinging paumanhin ni Lexi habang kausap ang ina sa kanyang phone. "Late na din kasi nakatulog si Tatay mo kagabi. Alam mo naman 'yun, may tiwala naman siya sa'yo, pero alam mong kapag wala ka pa sa bahay ay akala mo uod na 'di mapakali." Natawa si Lexi sa sinabi ng ina. "Tinawagan ko na siya kanina pagkatapos namin mag-usap ni Tita Mila mo. Kausapin mo na lang mamaya pag-uwi mo." Sabi ni Tessie. "Galit po ba?" Tanong ni Lexi. "Kailan ba nagalit sa'yo ang ama mo? Saka nagtext ka naman kanina." Sabi ni Tessie. Nakahinga ng maluwag si Lexi.

Kinuha ni Lexi ang first aid kit para linisin ang mga sugat ni Jake. "Mahapdi ba?" Tanong ni Lexi ng makitang nakangiwi si Jake. Hinipan muli ni Lexi ang mga sugat pero maya-maya ay namula ng maalala ang nangyari kagabi at ng makita niyang nakatitig na naman si Jake sa kanya ay tinakpan niya ang bibig. Natawa naman si Jake sa ginawa ng dalaga. "Don't worry, hindi kita mahahalikan dito..." Sabi ni Jake at itinuro si Marie na abalang nagluluto. Bumaba kasi ang mag-asawang Daniel at Mila kasama si Rhian para maglibot sa buong ospital. Pinagpatuloy ni Lexi ang paglilinis sa mga sugat ni Jake. Pinalitan niya din ang band-aid na nakadikit sa mga ito. "Okay." Sabi ni Lexi ng matapos na siya.

"Lex..." Sabi ni Jake. "Bakit?" Nagtaka si Lexi dahil seryosong nakatingin sa kanya si Jake. "Pwede ba kitang ligawan?" Deretsong tanong ni Jake. Nabitawan naman ni Lexi ang first aid kit at bumagsak ito sa paanan ni Jake. Nahawakan ni Jake ang daliring nasaktan. "Parang nagtatanong lang..." Sabi ni Jake. "Sorry, sorry." Sabi ni Lexi na lumuhod para hilutin yung daliri ni Jake. "Ano'ng nangyari?" Tanong ni Marie ng madinig ang pagbagsak ng kit. "Wala 'to Nay, tinanong ko lang naman si Lex kung pwede..." Hindi natuloy ni Jake ang sasabihin dahil tinakpan ni Lexi ang bibig niya. "Tinanong niya lang po kung pwede na kumain." Sabi ni Lexi. "Itong mga batang 'to, kakakain n'yo lang tapos nagugutom na ulit kayo. Sandali at tatapusin ko na ang pagluluto." Sabi ni Marie at bumalik na sa kusina.

Takip-takip pa din ni Lexi ang bibig ni Jake ng maya-maya, "Kadiri ka, yuck!" sabi ni Lexi ng maramdaman na dinilaan ni Jake ang kamay niya. "Hhhmmm, sarap!" sabi ni Jake. Hinampas naman siya ni Lexi. "Eh sa hindi kita mahalikan kaya sa kamay mo na lang." Nakatawang sabi ni Jake. "Ano, pwede na ba kita ligawan?" Muling tanong ni Jake. "Heh, ewan ko sa'yo!" Sabi ni Lexi pagkatapos ay tumayo at deretsong pumasok sa banyo. Pagpasok ay ni-lock niya agad ang pinto sabay sandal dito. Tiningnan niya ang kamay na dinilaan ni Jake at bigla siyang namula. "Liligawan niya ko? Liligawan niya talaga ako?" Paulit-ulit sa utak ni Lexi ang mga sinabi ni Jake. Titili sana siya pero natakpan niya ang bibig dahil madidinig siya sa labas kaya sumigaw na lang siya ng walang tunog.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C17
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk