My Demon [Ch. 74]
"I'm also willing to," dugtong niya.
"H-hindi ka papayagan ng parents mo!"
Tinaas niya ang isa niyang kilay. "Why not? There's nothing to be against of. I'm just going with Jia. That's all."
Yeah right. You're just going with Jia, leaving me. That's all!
"Wala ka na bang sasabihin?" Ngumisi siya. Para bang nababasa niya kung ano ang nasa isip ko.
Hindi ako nakasagot. Nakatulala lang ako sa kanya. Kasi naman parang nakakahiya kung sasabihin ko yung naiisip ko.
"OK. Bye!" Nag-wave siya sa harapan ko nang nakangiting tagumpay. Nakasimangot kasi ako kaya ganyan na naman ang saya niya.
Pagtalikod niya, hinablot ko ang likod ng uniform niya. He looked at me over his shoulder while giving me a why look.
"Hindi ka pwedeng umalis!"
Pumihit siya paharap sa'kin. And swear, halatang nagpipigil siya ng ngiti.
"Bakit naman?"
"Kasi . . ." Tumingin ako sa paligid at nag-isip ng idadahilan. Mabuti nalang at may naisip agad ako. " . . . kasi hindi pa tapos ang graduation."
Makakakuha pa rin naman siya ng diploma kahit hindi siya umattend ng graduation ceremony. Pero kahit na! Iba pa rin yung nakatungtong ka sa stage.
"Ayun lang ba ang dahilan mo?" Sa tono ng pananalita niya, tila may ideya siya sa totoo kong dahilan kung bakit ayaw ko siya paalisin. Langya, nakangisi pa ang bruho.
Yumuko ako at tinitigan ang grass. "Kasi naman... iiwan mo ba ko?" malungkot na sabi ko.
Ito na ba ang sinasabi ni Tito Romeo na huli na? Too late na ba ang pag-confess ko?
Pag-angat ko ng tingin sa kanya, nahuli ko siyang nakangiti na agad din naman niyang inalis pagkakita sa'kin.
"Oo e," natutuwang tugon niya habang ako ay napasimangot. "Payakap nga. Mamimiss kita." Humilig siya sa'kin at kinulong ako sa mga braso niya.
Hindi ako nanlaban at hindi ko rin siya niyakap pabalik. Nakakainis kasi siya! May feeling ako na pinaglalaruan niya ako. Kung ayaw niya kong ma-miss edi wag siyang umalis! Ang sarap niyang hambalusin! Grr! Kung kasing-lakas niya lang talaga ako, itatali ko siya sa sarili ko para hindi na siya makaalis.
Umihip ang hangin. Medyo malakas dahilan para malaglag ang ilang dahon at bulaklak mula sa puno ng acacia. Ang ganitong eksena ay napapanood ko lang sa movies at nababasa sa novels. Pero ngayon, ako na ang mismong nasa sitwasyon.
Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat at tinitigan akong matiim. "Hindi mo ba ko mamimiss?"
"Hindi," matabang kong sagot. "Umalis ka na nga!" Tinulak ko siya. Tinalikuran at yuyuko upang pulutin ang bag kong nakasandal sa trunk. Laking gulat ko nang hablutin niya ang bewang ko, pagkatapos ay inikot paharap sa kanya.
Medyo naka-bend ako habang hawak niya ako sa waist. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang ang kanya ay may evil smirk. Kapag ganito siya kalapit, lalo kong natatanaw ang kagwapuhan niya at lalo kong naaamoy ang bango niya. Hindi yung kadalasang pabango ng ibang lalaki na ang sakit sa ilong. Yung kanya, amoy gwapo.
"Nagseselos ka ba?" Sabay ngiting aso.
"Para magselos?" Tinulak ko ang dibdib niya para magkaroon ng distansya sa'min ngunit hindi siya nagpatinag.
"Ang cute naman magselos ng baby ko." Gamit ang isang kamay, kinurot niya ang pisngi ko. Araaay! Napakabigat talaga ng kamay ng isang 'to!
Tinaboy ko ang kamay niya. Ang shaket ng pishngi ko ha!
"Di nga ako nagseselos! Dun ka na sa Jia mo! Binabawi ko na ang sinabi ko."
Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. Yung ngiting aso niya at yung smirk ng mata niya ay naglaho. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para bumitiw sa kanya. Humakbang ako paatras saka inayos ang uniform ko.
Tiningnan ko siya. Nakatingin rin siya sa'kin nang walang bakas ng emosyon. Nagtitigan kami ng ilang segundo hanggang sa ako na ang sumuko. Pinulot ko ang bag ko, sinukbit iyon at nagpasiyang umalis na.
Umalis siya kung gusto niya. May pasabi-sabi pa siya sa'kin ng "I love you" at "Hindi na kita gusto. Mahal na kita" pero iiwan niya ako para lang kay Jia. Ganun ba yung love?
"Talaga?"
Sandali akong natigilan nang magsalita siya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ulit sa paglalakad.
"If that's the case..."
Tuluyan na akong natigilan upang hintayin at mapakinggan ng lubos ang sasabihin niya.
"May babawiin din ako sa'yo."
And in just a second, nasa harapan ko na siya. Smiling mischieviously. Sa sumunod pa na segundo, dumampi ang mainit at malambot niyang labi sa labi ko.
Mas nanlaki ang mga mata ko ngayon kompara kanina. Sobrang lakas. Napakalakas ng pagkabog ng dibdib ko. Para na akong nabibingi sa sobrang lakas nito.
Dahil sa nanlalaki ang mga mata ko, kitang-kita ko ang mata niyang nakapikit. Nagawa ko pang mapansin ang mahaba niyang pilik-mata. Nasisilaw ako sa pagkinang ng earring niya. At kung hindi lang siya nakakapit sa waist ko, malamang natumba na ako dahil nanghihina talaga ang tuhod ko.
Lagpas limang segundo atang nakadampi ang labi niya sa'kin. Quite a seconds but seemed like forever.
"Ayan," sabi niya nang lumayo. Agaw pansin ang napakaaalapad niyang ngiti. "Nabawi ko na ang first kiss ko."
Remember how he gave me his first kiss and he stole mine? Tapos ngayon sinasabi niyang nabawi na niya iyon? WHAT KIND OF REASON WAS THAT??!
"Anong binawi? Hinding-hindi mo mababawi 'yon! Baliw ka ba?" malakas na sabi ko sa kanya.
"Ganun ba?" kalmadong tugon niya.
Habang ako dito nagwawala na ang kalooban dahil sa epekto ng halik niya. Parang . . . nakakabaliw. Huhuhu. Face palang niya, nagkakandarapa na sa kanya ang mga babae. Idagdag mo pa yung *Gulp* physique na talaga namang (oh well!) at yung mga sexy and hot gestures niya, mga nagkakandarapa habang naglalaway na ang mga babae. What more pa kaya kung naranasan nilang mahalikan ni Demon, diba? Edi nabaliw sila. Nawala sa tamang pag-iisip. Nalokaret. Katulad ng nararamdaman ko ngayon. Waaaah! Naka-still ako physically pero mentally naloloka na.
Anong klaseng charm ba meron ka, Demon? Walang babaeng nakaka-resist sa'yo kahit ako na noon ay sinusumpa ka.
"Edi ibabalik ko ulit."
At heto na naman! HINALIKAN NA NAMAN NIYA AKO! Saglit lang naman pero ARGH! Binibigla niya ako! Kaya siguro siya tumatawa ngayon ay dahil sa epic kong mukha.
"NAKAKAINIS KA, ALAM MO YUN?" Pinagpapalo ko siya. Wala naman siyang sakit na iniinda habang ginagawa ko yun. Tawa lang siya ng tawa. Sa bagay, marami-rami na rin siyang nakalaban. Kaya 'yong mga pananakit ko sa kanya wala lang para sa kanya.
"Nakakainis pala 'ko e," aniya sa pagitan ng tawa. TAPOS HINALIKAN NA NAMAN NIYA AKO! GRRRRRRRRRRRR!!! "Ayan. Apology kiss." Humalakhak siya.
Tinitigan ko siya ng masama. Ginagaya ko siya para naman magmukhang katakot-takot (tulad ng kanya) kaso walang epekto sa kanya. Siya lang siguro ang makakagawa ng ganoong klaseng tingin. Yung bang makukuha ka agad sa tingin sa simpleng stare niyang iyon. At nagagawa niya ang bagay na iyon without having a hard time. Hindi tulad ko na trying hard manakot sa tingin.
"Makaalis na nga. Di na ko nakaalis-alis." Ginulo niya ang buhok ko para lalo akong inisin. Pagkatapos, tuluyan na siyang umalis.