Unduh Aplikasi
68.35% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 54: Chapter 53

Bab 54: Chapter 53

My Demon [Ch. 53]

 

Friday na ngayon, uuwi na ulit si Mama sa linggo. Wala lang. Sinabi ko lang. Hehehe.

Naglalakad nga pala ako papunta sa library. Oops! Hindi ako nag-iisa. May kasama ako, si Johan. Si Angelo kasi ay busy dahil sa lunes na ang start ng one week school fair. Nagkataon naman na may gagawin din pala si Johan sa library kaya nagsabay nalang kaming magpunta.

"Di ka ba nabibigatan sa bag mo?" tanong ni Johan habang kami ay naglalakad.

"Hindi naman. Bakit?" Pero sa totoo lang medyo nabibigatan ako sa bag ko. Nasa loob kasi nito ang tatlo kong workbook. Makakalimutin kasi akong nilalang kaya para makasiguro na hindi ko maiiwan sa kung saan yung workbook ko, sa bag ko sila lahat nilalagay. Hindi ko binibitbit.

"Wala lang. Concern lang ako."

"Huh?" I looked up to him habang naglalakad pa rin.

"Baka di ka na lumaki dahil dyan." He laughed.

Pabiro ko siyang hinampas sa braso. "Johan naman eh! Para kang si ano . . ." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

Pisti. Dahil ba sa lagi kaming magkasama, siya na rin lagi ang naiisip ko? Nakakainis talaga siya! Hindi lang ako ginugulo physically, mentally pa.

"Sino?" curious na tanong ni Johan.

"Ah, wala."

"Akin na yan," aniya.

"Yung alin?"

Tumingin siya saglit sa likod ko. "Yang bag mo."

"Bakit?"

Hindi niya pinansin ang tanong ko, huminto siya sa paglalakad.

Huminto din ako.

Pinahawak niya sa'kin yung mga librong dala-dala niya tapos kinuha yung bag ko. Kahit anong sabi ko, hindi siya nakikinig.

"Ako na magdadala nito. Ikaw nalang magdala niyan," he declared smiling.

Nagsimula na uli siyang maglakad kaya naglakad na uli ako. Habang naglalakad, nakatitig ako sa kanya.

Bakit kaya ganun? Siya ang ideal guy ko pero bakit mas lamang ang nararamdaman ko para kay Demon na opposite ng ideal guy ko?

Gusto ko ng lalaking mala-angel-sent from-above at hindi ng lalaking bad boy, pero bakit yung pangalawa ang mas gusto ko? Totoo nga ba talaga ang "The more you hate, the more you love"?

 

Parang hindi rin. Kasi sa version ko, "Hate first, Love later". Tapos meron pang, "The more I denied my feelings, the more it grew deeper".

Hay nako. Kung anu-ano nang quote ang naiimbento ko.

 

Dahil nga sa kakaisip habang nakatitig kay Johan, hindi ko napansin ang lalaking tumatakbo pasalubong sa direksyon ko.

Nabunggo niya ako kaya tumilapon ang mga librong bitbit ko.

Hindi siya huminto sa pagtakbo o kahit na lingunin manlang ako para malaman kung ilan ang nahuli kong palaka, ngunit sumigaw naman siya ng "Sorry!" kahit papaano.

Hindi naman halatang nagmamadali siya sa lagay niyang iyon, ha?

"Hey, tulungan na kita," Johan offered. Nakalahad sa harap ko ang palad niya.

Nginitian ko siya bago tinanggap iyon. Tinulungan niya kong makatayo. Pinagpagan ko muna yung skirt ko bago lumuhod para pulutin ang mga libro ni Johan na nabitawan ko sa sahig. Pati yung mga papel na nakaipit sa libro ay nagkalat.

Lumuhod din si Johan at tinulungan akong magpulot.

At sa kinalawak-lawak ng hallway, sa gitna pa namin gustong dumaan ang hari ng kasigaan. Sino pa ba sa tingin niyo?

"Tumabi nga kayo," pagalit na utos niya.

Halos sabay kaming tumingala ni Johan para tingnan siya. Nakapamulsa siya at seryoso ang mga mata niya. Salubong pa ang makakapal niyang kilay.

Mula saakin, ni-shift niya ang tingin niya kay Johan papunta sa balikat nito kung saan nakasabit ang isang strap ng backpack ko.

Binalingan niya ako ng tingin: isang nanlilisik na tingin. Nai-imagine ko tuloy na red ang mga mata niya, may pulang sungay at buntot.

"Ang sakit niyo sa mata," dagdag pa niya. Tinapunan niya muna kami ni Johan ng tingin bago humakbang sa space sa mismong pagitan namin ni Johan.

Imagine that?! Parang kanina lang sabay kami pumasok at nakikipagbiruan pa siya sa'kin, pero ngayon... ugh! Ano na naman bang problema ng lalaking yun?

8PM na sabi ni wall clock pero hindi pa rin ako pinapansin ni Demon simula kanina. Kakaiba talaga personality ng lalaking yun!

Nakadungaw ako sa bintana dito sa kwarto. Nakabukas lahat ng ilaw sa buong apartment niya kaya sigurado akong nadyan siya at gising pa siya. Pero bakit hindi siya lumabas at sugurin ako dito sa bahay para asarin?

Nakakainis naman eh! Sinanay-sanay niya ko sa pang-bu-bully niya, eto tuloy ako ngayon . . . haaay!

Ah! Alam ko na! Tumakbo ako papunta sa kama tapos kinuha yung phone ko sa ibabaw ng side table.

Nag-try akong mag-compose ng message kay Demon.

Good evening :) Gising ka pa?

Demon, galit ka ba?

Hoy sungit! Bakit di ka nanggulo sa'kin ngayon?

 

Di ko alam kung ano ba ang tamang itetext kay Demon. Magta-type ako, mag-iisip tapos buburahin din naman. Ang complicated naman kasi ng taong yun eh. Baka kapag nagkamali ako ng mai-text sa kanya at hindi niya magustuhan, baka lalo siyang magalit.

Eto na nga lang. Final na talaga 'to.

To: My Demon

Pst!

 

Ang tagal kong nag-isip at nakailang ulit ako ng pag-compose ng message tapos sa tatlong letter plus exclamation point lang pala ang uwi ko.

I pressed my phone against my chest and closed my eyes firmly. Mag-reply ka, Demon. Mag-reply ka, please!

Chineck ko yung phone ko. Five minutes ago na ang text ko sa kanya pero wala pa rin siyang reply.

Tumagilid ako. Nilapag ko muna yung phone sa tabi ko at pinagmasdan ito. Nabuhayan ako ng loob nung sa wakas ay umilaw na ito.

Dali-dali ko yun kinuha. Waah! Nag-reply na siya!

From: My Demon

I'm sleeping...

 

My brow rose. He's sleeping pero nakapag-reply? Lokohin niya sungay at buntot niya!

Ni-reply ko sakanya ang nasa isip ko.

To: My Demon

You're sleeping pero nakapag-reply? Lokohin mo sungay at buntot mo! Bleh :P

 

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa siyang reply. Kaya ang ginawa ko, tinadtad ko siya ng text messages. Nakakainip kayang maghintay ng text!

Hoy!

Demon!

Sungit!

Woy, gising ka pa diba?

Hoy

Hoy

Hoy

Hjy

*Hoy

Demon

Demon

Demon

Sungit

Sungiy

*Sungit

Lalaking nasa menopausal stage, mag-reply ka naman.

Reply ka na. Please?

 

Ang dami ko ng text sa kanya. Na-typo na ko lahat-lahat wala pa rin siyang reply. Grr! Pakelam ko ba kung di niya ko pinapansin simula pa kanina? Maganda nga yun e. Matatahimik ang mundo ko. Hmp!

Eto, last text ko na talaga 'to sa kanya. After this matutulog na ko.

To: My Demon

WAG KA NG MAG-REPLY!!! KALIMUTAN MO NA YUNG SINABI KONG "PLEASE". OR TINEXT. ARGH! WHATEVER!!!!

 

Sinend ko na. Pero parang may kulang sa text ko. Hindi pa ako kuntento sa tinext ko kaya nag-compose ulit ako ng message.

 

To: My Demon

 I HATE YOU TO THE FAREST STAR AND BACK!!!

 

Padabog kong binagsak yung phone ko. Argh! Shit of paper nakakagigil ang kumag na yun! Makikita niya, hindi ko rin papansinin para . . . aaah! Leche plan! Kung anu-ano na naman ang naiisip ko. And so what nga kung di kami nag-asaran at nag-away simula pa kanina, diba?

Umilaw yung phone ko. Tiningnan ko yung screen; nagtext siya.

From: My Demon

Hahahaha! You sounded like a demanding mad girlfriend. So cute =)

 

Nag-reply ako ng: Demanding mad girlfriend? Mad pwede pa. Hindi ako demanding ngayon noh! Bakit ba kasi ini-snob mo ko kanina? Meron ka ba ngayon kaya ang suplado mo sa'kin? kaso binura ko rin naman at piniling wag nalang siyang replyan.

Matutulog na sana ako kaso...

My Demon calling...

 

Sasagutin ko na sana yung tawag kaso may naisip ako. Patatagalin ko muna ng kaunti para hindi halatang inaantay ko ang tawag niya at excited akong makausap siya.

"Problema mo?" bungad ko sa kanya. Sungit-sungitan lang ang peg.

Nakarinig ako ng tawa sa kabilang linya.

"Alam mo istorbo ka! Matutulog na ko eh."

"Talaga? Kaya pala kung tadtarin mo ko ng text messages parang di ka makakatulog hangga't di ako nagreply." I heard him chuckled.

Ang sarap niyang sakalin, swear! Achievement talaga para sa kanya na makita akong naaasar na siya ang may dahilan.

"Ewan ko sa'yo!" I rolled my eyes.

Tumawa na naman siya. Darn. Kahit sa phone call ang ganda sa pandinig ng tawa niya. Nakakatanggal ng bad vibes ko.

"Nagpapa-miss lang ako. Mukhang effective naman."

 

"Di kita na-miss! Wag kang feeling!"

"Whatever you say. Basta alam ko na-miss mo ko."

 

"Oo nalang. Sige na, matulog ka na. Matutulog na rin ako nang lumaki naman ako." Natawa ako sa sinabi ko. Pa'no, sinabi ko ang line niya.

"Sabi mo eh. Good night."

 

Wow. Nag-good night siya ng hindi sapilitan at hindi inuutusan.

"Good night din, Demon."

"Dream of me, beautifully cute."

 

"Sweet dreams, sungit!" Matapos kong sabihin iyon, bigla akong natigilan. Parang ngayon lang dinigest ng utak ko ang huling sinabi ni Demon.

Dream of me, beautifully cute.

 

Huwaaa!! Tinawag niyang kong beautifully cute na first time kong marinig! At eto pa, may sinabi pa siya na talagang nagpapuyat sa'kin.

"I love you."

 


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C54
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk