Chapter 23
Belle
A few months later...
"Two Iced Mocha for Belle!"
Napatayo ako sa matinis na sigaw ng isang babae mula sa counter. Napailing na lang ako bago naglakad papunta doon.
"Here's your order, ma'am! Enjoy your coffee!" She exclaimed happily.
"Seriously, Rosè?" I whispered. She just winked at me before turning on the other customers.
Napairap ako bago ko siya talikuran para bumalik sa dulong pwesto ng shop kung nasaan si Rhonin.
And I have to admit to myself, he's so handsome in his specs right now. Mas nadedepina nito ang matangos niyang ilong.
There's a lot of books in front of him, including a laptop. Mabilis na nagta-type ang mga daliri niya sa keyboard habang seryosong nakatutok sa screen.
Tahimik akong umupo sa tabi nito at bahagya kong inilapit ang isang Iced coffee sa kaniyang mukha dahilan para lingunin niya ako.
I smiled at him. "Magpahinga ka na muna? Kanina ka pa diyan, 'di ba?"
He sighed and pulled away from the laptop, Stretching his arms before drinking his bottled water. I leaned on my seat before sipping on my new iced coffee.
Napamasid ako sa counter ng coffee shop kung saan makikita mo ang kay habang pila ng mga kalalakihan para bumili ng kape. And I know for myself that it's not coffee, they've wanted.
"How long she's staying here?" I said, still looking intently at Rosè whose serving coffee for the counter.
"I don't know? Maybe until she served all the coffee we have to the boys there?" Masama ko siyang tiningnan na ikinatawa niya.
"I'm serious, Rhon!" I glared at him even more when I heard his loud laugh.
"Ha. Ha. What's funny, huh?" I asked, annoyed.
Tumigil na siya sa pagtawa at ngayon ay nakangiting nakatitig na lang sa akin.
"You're cute when you are annoyed, Namumula ka." He laughed.
Nagiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Nakakainis. Lagi siyang ganito. Yung basta basta na lang magsasabi ng mga bagay na hindi ko maeexpect.
Sa ilang buwan na lumipas na magkasama kami ay naging malandi na rin siya. I don't know if he got that from Fio or matagal na talaga niyang ugali 'yan.
And everytime he does that? My feelings got deeper and deeper. Sinabi ko noon na hanggang friends lang ang kaya kong i-offer sa kanya pero, hindi ko siguro kayang panindigan 'yung sinabi ko.
"Hey, are you blushing?" He teased.
Inilayo ko ang mukha ko sa kanya nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Bahagya kong itinulak ang mukha niya palayo pero tumawa lang siya.
Hindi ko kinakaya 'yung kalandian niya. Leche.
"No, I'm not. Lumayo ka nga sa akin."
Nang mailayo niya ang mukha sa akin ay masama ko siyang tiningnan. Nakita ko ang nakangisi niyang mukha sa akin. Parang tuwang-tuwa pa na inaasar ako.
"Ikaw, h'wag kang malandi, ha? Baka ma--"
"Baka mahulog ka sa akin?" I heard his loud laugh once again.
Hindi tuloy ako nakapagpigil at kinurot ko ang tagiliran nito. Napakalandi na talaga niya.
"Oww, Belle!" He flinched.
"Baka makurot kita! That's what I'm going to say." I'm starting to get annoyed at him.
"Oww! Oo na. Oww!"
Binitawan ko naman ang tagiliran niya na agad niya ring hinimas. Sinaman ko siya ng tingin ng ngumuso siya sa akin. Leche naman 'tong lalake na 'to.
"Let's get back to work. Ang isip-bata mo." I complained and he just laughed it off.
This time ako na ang humarap sa laptop at ang nagpatuloy sa program. It's saturday and we have no class kaya ngayon namin naisipan na tapusin ito.
Maya-maya ay dumating na rin si Fio at Ryu, ang mga kamember namin dito sa program. I don't know if I'm lucky or what but, they are really good in this field. Mukha nga na hindi nila ako kailangan dito but I will prove them that I'm not an excess here.
Lunch time comes and we decided to eat somewhere near and come back here para tapusin ang ginagawa.
"Welcome aboard!"
Nakangising bungad sa amin ni Rosè nang makabalik kami sa Tiana's coffee shop. May hawak itong isang tray at nagseserve ng coffee sa isang table. Welcome aboard? Nasa airport ba kami?
Kakatapos lang namin maglunch at dito kaagad kami dumiretso para tapusin ang ginagawa namin. Fio demanded that we should pass it on Monday morning for us to be prepared and won't cram in the upcoming finals. Yeah, he's leading the group again.
Nagpunta ako ng counter para magorder ng kape at cake. Pinaserve ko 'yon at pumunta na sa pwesto ng boys.
Pagdating ko doon ay naguusap sila about sa program. We should introduce it to the panel and make them like our program. Ako ang in-assign ni Fio sa Introduction, since ako lang ang babae rito sa grupo. The rest will be their work.
Kasalukuyan akong nag-iisip ng pwede naming introduction sa program nang makita kong seryosong nakatingin sa gawi ko si Fio. Sa likod ko to be exact, kaharap ko kasi ito.
Dahan-dahan kong nilingon ang tinitingnan niya sa likod ko at nakita ko roon si Rosè na mahinang kumakanta habang nagpupunas ng lamesa. Napabalik ang tingin ko kay Fio at mukhang napansin niya na nahuli ko siya sa ginagawa niya.
Tiningnan ko siya ng masama kaya nagiwas ito ng mata sa akin. Bumalik ang atensyon nito sa harap ng laptop at nagtype.
"Here's your order! Enjoy your coffee!"
Bahagya akong nagulat ng bigla na lang sumulpot si Rosè sa gilid ko at ibinaba ang in-order ko kanina.
I silently watched Fio who are intently looking at my friend whose serving a coffee.
Pagkaalis ni Rosè ay madiin kong inipakan ang paa nito sa ilalim ng lamesa kaya napa-aray ito sa sakit. Napatingin sa aming dalawa sila Rhonin pero hindi ko 'to pinansin. Masama akong tiningnan ni Fio na kaagad kong pinandilatan ng mata.
Umayos ito ng pagkakaupo na parang walang nangyari.
I started to wrote an introduction but it's too plain for me. Nakakailang page na ako na nasasayang pero wala talagang mapiga ang utak ko.
I leaned on my chair and heaved a sigh. I'm starting to get annoyed since I can't think a good introduction.
Mukhang napansin iyon ni Rhonin dahil katabi ko lamang ito. Napatingin ito sa gawi ko at napangiti sa akin. I rolled my eyes at him and snorted. 'Wag niya akong mangitian diyan, tatanggalin ko ang labi niya.
Kinuha niya ang notebook ko at tinurn ang page sa kabila. Nagtataka ko lang siyang tiningnan nang sulatan niya ang papel ko. Matapos niya iyong sulatan ay ngumiti siya sa akin bago ilapit sa akin ang papel.
Kimuha ko iyon at tiningnan ang nakasulat sa papel.
Having a hard time?
Napatingin muna ako rito bago magsulat sa ibaba ng sulat niya sa akin.
Yeah, sa introduction.
Binasa niya iyon at mahinang napatawa bago napailing. Nakangiti siyang nagsulat sa papel bago iyon iurong ulit sa akin.
Try to listen some music?
Tumango tango ako bago isinara ang notebook at inilabas ang aking cellphone at earphone. I think music can help me to think.
Ikinabit ko iyon sa magkabila kong tenga at naghanap kaagad ng pwedeng pagtugtugin sa spotify. Since this coffee shop has a WiFi, it's too convenient for me to search my favorite songs.
Nakakailang kanta na ako habang nakamasid lang sa kanilang mga busy sa tapat ng laptop. Sinubukan ko ulit magsulat ng introduction at mabuti naman ay may naisulat na ako.
Habang nagsusulat ako ay may bigla na lang kumuha ng kaliwang earpiece ko. Magrereklamo na sana ako nang makitang inilagay ni Rhonin ang isang earpiece na 'yon sa kanang tenga niya bago tumingin sa akin at ngumiti.
Hindi na ako nagreklamo at nagpatuloy na lang sa pagsusulat. Namataan ko na nakatingin sa akin si Ryu kaya tinaasan ko ito ng kilay na agad ring umiwas ng tingin. Chismoso.
Natapos ang buong araw namin na puro laptop at papel ang kaharap namin. Hindi ko na nabilang kung nakailang kape na ako sa araw na 'to, mabuti na lang at minsan ay sinusuway ako ni Rhonin dahil masama raw ang sobrang kape sa katawan. Hindi na lang ako nagrereklamo dahil hindi naman ako mananalo sa mamang 'to.
Six in the evening when we finished the program. There's still few incorrect codes, but Ryu volunteered to fix it. We bid our goodbyes and parted our ways.
Kasabay ko na ngayon si Rosè na maglakad papunta sa dorm. Hanggang five lang ang shift niya at kapalitan niya si Crimson. Si Rhonin din naman ay magshi-shift na.
"You can't even wash your shirt in bare hands. Tapos, malalaman ko na lang na nagtatrabaho ka? Impossible." I heard her laugh because of what I said.
"You know, Belle. Even the impossible things can happen. Besides, I want to try it." She shrugged.
Napaisip naman ako. What it feels like working? Mahirap ba? Nakakapagod? Mukha naman napansin ni Rosè na nanahimik ako at nabasa niya ang iniisip ko.
"You'll never know the feeling if you don't try it." I just looked at her and she winked at me before pushing the 3rd floor button of the elevator.
Parang may iba pang ibig sabihin 'yung sinabi niya pero isinawalang bahala ko na lamang 'yon. Maybe, I'm just overthinking.
Sunday morning came and I don't know where to go to. Sinubukan kong magbasa ng lectures but to no avail, walang pumapasok sa utak ko.
Si Dawn lang ang kasama ko rito ngayon at tulog pa ito. Si Rosè naman ay maagang nagpunta sa coffee shop. Talagang sineryoso niya ang pagtatrabaho. Si Silvia, as always ay nasa restaurant nila every weekends.
Tumayo na ako sa kama ko at naghanap ng makakain sa fridge. May nakita akong iilang eggs and hotdogs doon. I decided to cook it since we have no stock of cooked foods here.
Saktong pagkaluto ko ay pumasok si Dawn sa kusina with her messy hair and a teddy bear in her arms. Napatingin ako sa hawak niya dahil ngayon ko lang 'yon nakita.
Hindi ko na lang rin pinansin iyon at nagsimula na akong kumain. Nakasunod ang tingin ko kay Dawn hanggang sa pumasok ito sa banyo.
Habang kumakain ay narinig kong nagring ang cellphone ko sa sala. I rushed towards it and hurriedly answer my phone without seeing who's calling.
"Yes, Hello? Who's this?"
"Have you no manners, Ara?"
Napaayos ako ng tayo at napalunok bago hawakan ng maayos ang cellphone sa kamay ko. Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng 'Ara'.
"Good morning po, M-Mommy," I stuttered, gulping.
"It's near afternoon, Ara. Kakagising mo lang?"
Malinaw kong naririnig ang striktang boses nito sa kabilang linya. I think she's frowning badly at me right now. Knowing her, she doesn't like a person who gets up late.
Well, it includes me. Her daughter.
"No, Mommy. I'm eating right now po." I said nearly uttering.
"Okay, I'm just checking on you, baby. When were you going to visit us in Minnesota again?" I heard her soft voice from the other line.
I deeply sighed. "Maybe on my break? I will visit you there. I will tell to Atom to come with me and we go there together."
"Go easy on your little brother, Ara." Nagbabanta niyang sabi. Napangiti na lang ako.
"Okay, Mommy. Say hi to Daddy for me." She bids her goodbye and drop the call.
Napabuntong hininga na lang ako bago napatulala sa kawalan.
I really, really miss my parents. Daddy got into a coma and Mommy needs to be there. It's been 3 years since he got shot near his heart resulting into a heart attack. We're still hoping one day, he wakes up and come back to us.
Tinuyo ko ang butil ng luha na nagmalabis sa mata ko. Hindi ko dapat iiyakan 'to. I need to be strong from now on. Wala naman magagawa ang pag-iyak ko.
Mabuti na lang at nakapag-ayos kaagad ako bago pa lumabas ng banyo si Dawn. Nagtataka itong napatingin sa akin.
"Okay ka lang?" I nodded at her in response.
Nagtungo ito ng dining kaya sinundan ko ito. Nagsalin ito ng pagkain sa plato niya at sinabayan akong kumain. Tahimik kaming natapos at ako na ang naghugas ng pinagkainan.
Maya-maya ay nagpaalam itong lalabas.
"Gusto mo sumama? I will visit Rosè in the coffee shop." Napakunot ang noo ko ng mag-iwas ito ng tingin ng titigan ko siya. I just shrugged it off and told that I will come with her.
Kunwari si Rosè ang pupuntahan pero ibang tao naman. She's too easy to read.
Pagkabihis ay lumabas na rin kami ng dorm at dumiretso sa Tiana's coffee shop. There's a few customers here because it's Sunday.
Pagkapasok pa lang sa loob ay bumungad na kaagad sa amin ang pagbati ni Rosè. May dala itong tray at mukhang kakaserve niya pa lang ng order sa isang customer.
Kaagad nawala sa tabi ko si Dawn na siyang ipinagtaka ko. Hindi ko na lang 'yon pinansin at dumiretso na sa counter kung saan nakaabang sa akin ang isang binata na may suot na gwapong ngiti sa labi.
And I'm not going to tell him that he's handsome in that smile. Sa akin na lamang 'yon.
"Hey." Bati ko.
Ngumisi lang ito sa akin bago humarap sa cashier.
"One Iced Mocha for my Belle. I will call you if your order is ready." Napailing na lang ako sa tinawag nito sa akin. He really knows me well.
Tinalikuran ko na lamang ito at naghanap ng mauupuan nang may biglang mahagip ang mga mata ko. Matagal ko iyong tinitigan bago nakumpirma na siya nga 'yon.
Nakatulala ito na para bang may tinitingnan sa malayo. Nang sundan ko ang tinitingnan niya ay napataas na lang ako ng kilay.
Nagmartsa ako papalapit sa lamesa nito 'di kalayuan sa akin at humarang sa tinitingnan niya. He automatically turned his head sideways to see who's behind me. It's like he didn't notice my presence.
Napataas ang kilay ko ng hindi talaga ako nito napansin. Mahina kong kinalampag ang lamesa para hindi maistorbo ang ibang customers. Doon na siya natauhan at nagtatakang tumingin sa akin.
"What are you doing here?" He asked.
"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan, Torres. What are you doing here?" I pointed out the last word I said.
Nagiwas ito ng tingin sa akin at umayos ng pagkakaupo. Nasa iba na naman ang paningin nito. Nakamasid na ito sa counter kung nasaan ang kaibigan ko na nagseserve sa customers.
"Hey," Hindi pa rin ito nag-abalang tumingin sa akin.
"What do you need?"
"Will you stop staring at Rosè?" I annoyingly said.
Doon na siya napatingin sa akin. He annoyingly sighed before he smirked at me. Mukhang may naisip na kademonyohan.
"I'm not staring at her, I'm staring at her bottoms." Naglalaro sa labi nito ang nakakalokong ngisi kaya inirapan ko ito.
"Manyak!" I hissed and he just laughed.
"Just kidding," He smirked.
"Sus! Manyak ka naman talaga." I crossed my arms against my chest. He doesn't say anything because his mind is flying off again somewhere.
Hindi ko na ito inabala pa at nagabang na lang sa counter ng order ko. Sakto naman na pagkadating ko doon ay ise-serve na ang kape ko.
"Here," Rhonin handed me the coffee with a tissue on top. It has a letter on it.
Good Morning
Napangiti na lang ako bago siya tingnan na ngayon ay nasa harapan na ng counter. Ang daming pakulo ng lalakeng iyon.
Naupo ako sa isang lamesa malapit sa counter at nag browse ng social media accounts ko. Ilang araw na rin simula ng i-check ko ito dahil busy kami sa ginagawang program.
Habang nag-s-scroll sa timeline ko ay nakatanggap ako ng tawag galing sa bahay namin. Kaagad na nagsalubong ang dalawang kilay ko.
Bibihira lang na tumawag sa akin ang mga tao sa bahay dahil kapag may mga confirmation, ay sa parents ko agad didiretso ang call.
I cleared my throat before answering the phone call.
"Yes, hello? Manang?"
Nagtaka ako ng puro hikbi at maingay na sigawan ang naririnig ko sa kabilang linya. Nagsimula na akong kabahan.
"Hello! Hell--"
"Belle, iha. Nawawala ang kapatid mong si Atom! Iniwan ko lamang siya sa hardin pero pagbalik ko roon ay wala na ito."
Napatayo na ako sa kinauupuan ko at nagsimula nang magmartsa ang mga paa ko palabas ng coffee shop. Shit!
"Naghanap na ho ba kayo sa buong bahay, Manang? Baka nagtatago lang 'yon. Alam niyo naman po 'yung batang 'yon." Pagkumbinsi ko.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili dahil walang mangyayari kung pati ako ay magpa-panic.
"Wala, iha. Nakita sa CCTV na lumabas siya ng bahay." Naririnig ko na ang paghikbi ng matanda. Parang gusto ko na rin maiyak sa binalita niya sa akin.
"Manang, report this to the guard house. I'm on my way na po."
Ibinaba ko na ang tawag at nag-abang sa harap ng shop ng taxi. Pero ang nakakainis, walang nagpapara sa akin. I tried calling a grab taxi but there are no taxi's around my area.
"Nakakainis! Leche!"
Siguradong magpapanic si Mommy kapag nalaman niya 'to. Worst, baka umuwi pa siya rito mahanap lang ang kapatid ko.
Nagsisimula ng manigas ang kalamnan ko sa kaba nang may biglang humawak sa mga kamay kong nanginginig.
Nag-angat ako ng tingin rito para makita si Rhonin na nagaalalang nakatingin sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko.
"Are you okay? Anong problema?"
"My brother is missing, Rhonin."
---
Program means a software or an application :)