Unduh Aplikasi
18.51% Where Our Love Goes / Chapter 4: Chapter 3: I'm Waiting

Bab 4: Chapter 3: I'm Waiting

Chapter 3

Belle

"This is a nice school after all."

Napa-angat ako ng tingin nang magsalita ang taong kanina pa nakaupo sa harapan ko. Sinisimulan na niyang kainin yung pagkain na nasa tray.

Napabuntong hininga naman ako dahil hindi ako makatayo para kumuha ng spoon at fork sa counter. Natigilan naman sa pagkain itong si kuya.

"Why are you not eating?"

Akma na akong sasagot nang makita ko si Rosè hindi kalayuan sa akin at nakangisi. Tatayo na sana ako ng pandilatan niya ako ng mata na parang sinasabi niya na 'dyan ka lang, wag kang tumayo'. Napabuntong hininga na lang ako nang kumaway siya sa akin habang papalayo.

"Hindi mo ba gusto yung pagkain mo? I can share my food with you." Napatingin ako sa lalakeng nakaupo sa harapan ko. Nakangiti siya sa akin kaya pinilit ko na lang din na ngitian siya.

"ahm... no. Nakalimutan ko kasi yung spoon and fork ko." Nahihiya kong sabi.

I frowned when he smile and take his bag from the chair beside him. May inilabas siya doon na isang maliit na bag.

"Hindi ko 'to madalas nagagamit but I assure you na malinis naman ito. Here. Ibalik mo na lang sa akin anytime." Iniabot niya sa akin ang stainless steel na spoon and fork. Bigla naman ako nahiya.

"Nakakahiya naman sayo, pwede naman ako kumuha sa counter ng plastic na spoon and fork. I can't use these." Nahihiya ko pang sabi pero nginitian niya lang ako.

"No, it's fine. Saka kapag pumunta ka pa sa counter pipila ka pa, mahaba ang pila diba?" Tinuro niya ang counter na mahaba nga ang pila.

"Kumain ka na." He smiled and continue eating.

"So, you are a transferee here? Saang school ka galing before dito?" pag-bring up ko ng topic nang ilang minuto na ang lumipas sa pagitan namin.

"Yeah, I'm from Nueva Ecija Science-Tech University. Doon ako nagaral bago dito. Dinala lang ako ng Auntie ko dito para magtrabaho sa kanya at pag-aralin na din." Napatango naman ako.

So para pala siyang probinsyano, Naalala ko iyong unang pagkikita namin sa shop.

"So sa auntie mo iyong coffee shop malapit sa school?"

"Yes, she owns it. Since malapit lang naman sa work ko itong school, dito na lang niya ako pinag-aral." Sabi niya pa bago kumain.

Tumango-tango lang ako dahil wala na ako maisipan na sasabihin, Baka mamaya isipin niya ang daldal kong tao. Nagpatuloy kami sa pagkain at maya-maya ay nagsalita siya.

"ahm... alam kong nakakahiya but can I ask a favor from you?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya.

Wow, kakakilala pa lang namin.

Kung hindi tulong ay favor naman. Mukha bang may nakalagay na sign sa mukha ko na 'I'm offering help and favors! Ask me.' napailing na lang ako sa naisip.

"Sure. What is it?" Isinawalang tabi ko iyong inis ko dahil nakita ko ang pagkunot ng noo niya na parang nawi-weirduhan sa akin.

"Sabi kasi ng Dean kaninang umaga he can't find me a student tour guide because it's 4:30 in the morning and it's too early. Hindi naman daw siya pwede dahil masasakit na daw ang mga tuhod niya--" Napatawa ako sa sinabi niya.

"That old man." natatawa pa din ako pero nang mapansin 'kong nakakunot ang noo sa akin ni Rhonin ay umayos ako ng upo.

"Continue, please."

"As I was saying, he can't find me a tour guide. Kaya sabi niya i-explore ko na lang daw mag-isa ang campus habang maaga pa. I tried earlier while having a breakfast but naligaw ako at nakarating ako sa abandon field ng school. Kaya medyo nalate ako kanina ng pasok. Since, ikaw pa lang ang nakikilala ko dito pwede mo ba akong samahan?" His eyes are pleading and he's so adorable while talking.

Napailing naman ako sa pumasok sa utak ko. Ang landi ko kaines, bakit naman kasi ang gwapo niya. Arghhh!

Ang rupok ko sa mga pogi.

"It's okay with me, but in one condition." Pabitin ko pang sabi.

"What condition?"

Mukhang curious din siya sa kondisyon na sinasabi ko dahil dumipa pa sa lamesa ang dalawang siko niya at lumapit sa akin ng kaunti.

"You will buy me an Iced cofee and pineapple tart from your Auntie's shop." Nakangisi kong sabi.

Gumuhit naman sa mukha niya ang isang ngiti na nakapagpahawak sa garter ng paldang suot ko. Shet! makalaglag panty ang ngisi niya!

"Sure, akong bahala." Ngumiti na naman siya dahilan para mapahawak ako sa dibdib ko. It's beating faster at kinakabahan ako. What's happening to me?

"Are you okay? may masakit ba sayo?" bakas sa boses niya ang pag-aalala kaya naman nginitian ko lang siya at hindi na sinagot.

Nagpaalam siya na ilalagay niya lang sa disposal iyong tray kaya naman iniligpit ko na lang din ang lunch box ko at hinintay siya.

Pabalik na siya sa lamesa at may hawak siyang dalawang iced coffee. Habang papalapit sa akin ay nakangiti siya na siyang nakapagpakakaba na naman sa akin. Umiwas na ako ng tingin at tumayo na para salubungin na lamang siya.

"Is that for me?" Nangingiti kong tanong.

"Yeah. Sinamahan mo kasi akong maglunch, Paunang bayad." Napatawa naman kami parehas sa sinabi niya. Sabay kaming lumabas nv cafeteria.

Habang naglalakad palabas ay napansin ko na panay ang sulyap ng mga nadadaanan naming kababaihan kay Rhonin pati na din sa akin, And I don't want this attention.

"Kanina may nadaanan akong fountain in the middle of this school. Can we go there?" Napatingin ako dito bago nag-isip.

"Yeah, medyo malayo nga lang iyon dito."

"Okay lang, I found it beautiful, beautiful." Napatingin naman siya sa akin sabay na ngumiti.

Sinabihan niya ba akong beautiful?! shit!

"Beautiful? ako?" Nagawa ko pang ituro ang sarili ko. Pero nginitian niya lang ako at nagkwento siya about sa kanya.

Palitan lang kami ng kwento habang papunta sa fountain na sinasabi niya. May nadadaanan kaming ibang facilities at departments kaya naman tinuturo ko na din sa kanya iyon at sinasabi kung ano-ano ang nadadaanan namin.

Nalaman ko na sa apartment na matatagpuan lang sa likod ng coffee shop siya nakatira kasama ang pinsan niya na kasama niya din sa coffee shop magtrabaho. May apat siyang kapatid na naiwan sa probinsya nila kasama ang ama nila na may sariling bakery na pinamamahalaan.

Siya ang panganay kaya naman pinili niyang magtrabaho sa auntie niya na kapatid ng yumao niyang nanay. Bilib ako sa kanya kasi siya ang nagpapaaral sa dalawa niyang kapatid na nasa high school katuwang ang tatay nila.

"We're here."

Nang makarating sa fountain na sinasabi niya na nasa garden ng school ay agad na sumilay sa mukha niya ang ngiti at saya. Agad kaming umupo sa may bench doon. Kakaunti lang ang tao dito dahil madalas na nasa field at gazebo's ang mga estudyante para tumambay kapag free time.

Nakakarelax ang mga halaman at bulaklak na matatagpuan dito, halos lahat 'ata ng bulaklak ay makikita mo sa mini garden, Gumamela, Daisy, Poppy, dhalia at kung ano-ano pang bulaklak. Hindi gaano mainit dito dahil napapalibutan ng climbing vines ang paligid.

"Actually, nanggaling ako dito kaninang umaga. I told to myself that I'll be going here again, at heto na nga." Tumingin naman siya sa akin at ngumiti na naman.

Bakit ba ang hilig-hilig niya akong ngitian?! nalalaglag yung matris ko! kainis!

"Hindi ito madalas puntahan ng mga estudyante kasi daw boring, but I find it peaceful here. How about you?"

Sabay kaming naupo sa upuan na nasa gilid at ipinatong niya ang mga braso sa likod 'non sabay na tumingala sa mga halaman.

"In our province, we have a garden in the back of our house. Kasing ganda nitong garden ang garden namin doon." nangingiti niyang sabi.

Tumatama ang sinag ng araw sa mukha niya nang tumingala siya para tignan ang mga bulaklak.

"This garden reminds of my mama that's why I want to go here again after I found this place."

"Nasa probinsya ang Mama mo?" He smiled sadly at me.

"Wala na siya, eh" Sambit niya.

Para bang may nagtulak sa akin na hawakan ang kamay niya kaya ginawa ko iyon.

"Sorry." Ang nasabi ko na lang Umiling siya at humarap sa akin.

"You don't need to say sorry. Actually, ako dapat ang magsorry dahil naabala pa kita sa oras ng vacant natin." he chuckled. Bumalik na yung saya sa mga ngiti niya.

"Naku, wala iyon. Mas okay na rin ito kasi kung hindi kita sinamahan baka nasa dorm lang ako at natutulog. Ayaw ko pa naman na nag-iisa sa dorm. Sasabihan na naman ako ng mga kaibigan ko na loner ako na hindi naman totoo-- bakit ka tumatawa?!" Sumama ang tingin ko sa kanya ng bigla na kang siya tumawa.

Baliw ata 'to.

"You're so cute while talking." lumabas na naman sa mukha niya iyong ngiti na makalaglag matris.

"Cute? kanina lang maganda ako, tapos ngayon naman cute? aba! napakamulti-talented ko naman." Pagmamayabang ko.

Nangiti lang siya sa sinabi ko at bumaba ang tingin sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya.

Doon ko lang narealize na hindi pa pala ako nakabitaw sa kamay niya kaya naman agad ko iyong binitawan.

"Ah, sorry." Nangiti naman siya sa akin at umiling. Iyon na naman iyong ngiti niya.

"Ang hilig mo ngumiti-ngiti." Wala sa sariling sabi ko na agad ko namang pinagsisihan.

He chuckled before facing me.

"My mama told me once before that smiling can fades the sadness away. Saka nakakahawa ang pagngiti, hindi mo ba alam yon?"

okay lang naman na nguimiti ka, pero kasi nakakalaglag panty yung ngiti mo, eh.

"I know that. Nahahawa na nga din ako sayo e. Hindi ako palangiti as you can see."

"Why?" tanong niya na habang nakakunot ang noo.

"I just don't feel like smiling." I pouted.

Pabiro naman niya akong inirapan at itinaas niya ang kamay niya para pisilin ang pisngi ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman nanigas ang katawang lupa ko.

Napansin niya siguro na natigilan ako kaya naman agad niyang binaba ang kamay niyang nakapisil sa pisngi ko.

"Sorry, ang cute mo kasi."

"Kanina mo pa ako pinupuri. Para sabihin ko sayo, Rhonin. Wala akong piso."

Natawa naman siya.

"Wala naman kapalit yung pagsabi ko sayo ng cute." Natatawa niya pang sabi.

"Hay naku, baka masanay ako sa pagpuri mo sa akin ng cute."

"Edi, sasanayin kita."

Hindi ko narinig yung huling sinabi niya kaya hindi ko na lang pinansin. Napatingin ako sa relos na nasa bisig ko. Alas-tres na pala ng hapon.

"Tara na? Punta na tayo ng shop." Sabi niya sabay tayo. Tumango ako at nauna na maglakad habang nasa tabi ko siya. Hindi siya nauubusan ng kwento at panay ang tawa ko sa mga biro na sinasabi niya. Talaga namang palabiro itong si Rhonin. Feeling close na siya at nagagawa pa akong biruin.

Napatigil ako sa paglalakad nang tumunog mula sa suot ko na bag ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha dahil baka importante.

Rosè Calling...

Kaagad naman na napakunot ang noo ko. Hindi ako madalas tawagan ni Rosè kaya naman nagtaka ako. Nag-excuse lang ako kay Rhonin at lumayo sa kanya ng kaunti. Nakita ko naman na nagmasid-masid siya sa paligid.

"What is it, Rosè--"

Nagsalubong ang kilay ko ng marinig ang ingay sa kabilang linya. Mukhang nag-aagawan sila ng cellphone.

"Dawn, give that fucking phone to me!" Rosè?

"Let me talk to Belle, Dawn." Silvia?

"Ako na ang kakausap. Diyan lang kayo. I-loudspeaker ko." and Dawn?

Napabuntong hininga naman ako. Sa hinuha ko ay nasa dorm na sila dahil tahimik sa kabilang linya maliban sa mga boses nilang maiingay.

"Hello, Belle? are you still there, honey?" Sabi ni Silvia.

"What do you want?" Tamad na tamad kong sabi.

Naalala ko, Nakita pala ako ni Rosè kanina kasama si Rhonin. Sasagap 'ata ng tsismis itong mga ito.

"Who's that guy in the cafeteria with you?" Napairapa ako.

Tsismosa talaga.

"Alam niyo wag niyo muna ako kausapin. May dorm tayo para doon. Bye." Narinig ko pa ang protesta nila pero hindi ko pinansin yon.

Ibinulsa ko ang cellphone ko at naglakad palapit kay Rhonin na ngayon ay kausap nang dalawang lalake. Napakunot noo ako. Nakasuot sila ng Blue varsity jacket ng university. Basketball players.

"--- just look for us if you're interested." Narinig kong sabi ng isang lalakeng may kombinasyon ng blonde at black na buhok, matangkad ito at hanggang balikat lang ata ako.

Napatingin ako kay Rhonin na nakangiti lang. Hindi ba nangangawit ang mga labi ng lalake na 'to?

"Or you can go to the gymnasium, We are always there for practice." Sabi naman ng isang lalake na brown hair, matangkad din siya katulad ng isang lalake.

Tumingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay. Ang maldito naman ng baklang ito!

Napansin na rin ako ng lalake na may blonde at black na buhok. Ngumiti ito sa akin at naglahad ng kamay para makipagkilala. Tinanggap ko naman ito.

"Hi, I'm Jazper Gio Cruz and this is Dionysus Cruz, my brother. Captain ako ng Basketball club and I invited your boyfriend to The Trials."

Boyfriend? Napatingin naman ako kay Rhonin na napangisi sa narinig.

"Ha? naku! Hindi ko 'to boyfriend, You can ask him if he wants to join or not and not me." Bigla kong sabi may kasama pa iyong pag-iling.

Medyo kinilig yung bagang ko sa narinig na 'boyfriend'.

"But he said--"

"You know, Jaz? This is sucks." Tumalikod ang lalaking nagngangalang Dionisio? Diony? Argh! basta may Diony something yung pangalan niya!

"Pagpasensyahan niyo na siya, impatient lang talaga iyong isang iyon." napairap na lang ako.

Maldito nga!

"I'll visit the gym tomorrow." Rhonin said.

Nakipagkamay si Jazper dito kay Rhonin bago niya habulin yung malditong lalake. Daig pa niya ang may menopause na babae, eh!

"Ang maldito naman 'non." Hindi ko napigilang sabi.

Narinig ko naman ang tawa ni Rhonin sa tabi ko. Pinatong niya lang ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko at ginulo ang buhok ko na magulo na talaga.

DAHIL sa wala na kaming klase ay dumiretso na kami sa coffee shop ng Auntie ni Rhonin. Sa labas pa lang makikita mo na crowded na agad ang loob ng coffee shop dahil sa hapon na. Panay ang pasok at labas ng tao dito. Lalo na ang mga estudyante mula sa university namin.

"Ang daming tao, wag na lang kaya?" Pigil ko kay Rhonin.

"Nope, it's my thank you gift for you kasi sinamahan mo kong maglibot sa loob ng school." Tumingin pa siya sa akin habang may nakapaskil na ngiti sa mga labi niya.

"Ang dami rin kasing tao, baka wala tayong maupuan sa loob." Nahihiyang sabi ko sabay turo sa coffee shop.

"Don't worry, I know a place."

Hinila na ako nito papasok sa loob. Napatingin naman ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko habang hila-hila ako. Agad na napahawak sa dibdib ko iyong libreng kamay ko.

My heart is beating so fast! what is this?

Nakasunod lang ako kay Rhonin hanggang makapasok kami sa loob ng shop at hinila niya ako papasok sa maliit na pintuan na matatagpuan sa gitna ng shop bago ang counter.

"Hey, Rhon! What are you doing here? Hindi mo pa naman shift ah." Tanong ng lalaking nasa counter.

Siya yung lalaking nasa counter kahapon.

Bakas sa mukha nito ang ngisi na kahit sinong babae ay mapapansin. Gwapo ito at matangkad, may pagkamoreno nga lang. Kapansin-pansin din ang mga hikaw na nakalagay sa tainga nito na mas lalong nakapagpagwapo dito.

"Early shift. By the way, order mo ko ng pineapple tart at two iced coffee. List it on me." Dire-diretsong sabi ni Rhonin sa lalake. Ito 'ata yung pinsan na sinasabi niya.

Napatingin ito sa kamay naming magkahawak kaya naman doon lang ako natauhan at binitawan iyon. Pero agad naman itong kinuha ulit ni Rhonin at dumiretso kami sa isa pang pintuan at pumasok doon.

Pagkapasok at nakita ko ang nagsisilbing kusina ng shop katabi ang isang kwarto na sa tingin ko ay office. Glass window lang ang namamagitan sa kwarto na iyon at ng kusina. Doon kami dumiretso ni Rhonin.

"You can sit here." Tinuro niya ang kulay krema na sofa na may kaharap na mini table. Nilagpasan ako ni Rhonin at may kinuha ito sa ilalim ng office desk na harap lang din ng sofa. Napakaaliwalas ng paligid dahil may nakabukas na malaking bintana dito na nasa likod lang din office desk at ng swivel chair.

"Kaninong office ito?" Hindi ko napigilang na itanong bago umupo sa sofa.

"Kay auntie 'to, pero pwede naman tayong mag-stay dito para kumain." Sabi niya pa habang may kinakalikot sa ilalim ng lamesa.

"Ano bang ginagawa mo dyan?"

"May problema kasi ang saksakan ng aircon at ayaw gumana kaya inaayos ko. Baka naiinitan ka na." Narinig ko pang sabi niya.

"No, I'm okay. Hindi naman mainit--"

"There! ayos na. Aray!"

Napatayo ako ng gumalaw ang lamesa at narinig ko ang impit na aray ni Rhonin. Nauntog ata siya.

"Ayos ka lang ba?"

Tumayo siya mula sa ilalim habang himas pa ang ibabaw ng ulo niya.

"Yeah, medyo masakit but I can endure it." Nakangiti niya pang sabi. Ano ba 'tong lalake na ito, nasaktan na nga at lahat nakangiti pa din.

"Belle, wait here. Kukuhanin ko lang yung order natin." Tumango lang ako. Lumabas naman siya ng office. Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Iginala ko ang paningin ko sa loob ng kwarto at lumapit sa pader na gawing kanan ng office. May mga nakasabit kasi na picture frame doon.

Pumukaw sa paningin ko ang dalawang babae na magkaakbay habang nakangiti sa larawan. May hawak silang 'sold out' na sign at sa likod nila ay ang coffee shop na ngayon. Sunod ko naman na tinignan ay ang isa na namang larawan at nandoon na naman ang dalawang babae pero may kasama na itong dalawang lalake na sa hula ko ay mga kasintahan o asawa nito.

Napatigil ako sa pagtingin ng mga larawan ng marinig ang ringtone ng cellphone ko hudyat na may tumatawag, kaya naman agad kong nilapitan ang bag ko at inilabas mula doon ang cellphone ko.

Pagkalabas ko ng cellphone ay siya namang pagkawala nito kaya nagmissed call iyon. Tinignan ko ang tumawag para lang mapakunot ang noo ko.

Peter

2 Missed Calls

Muntik ko na mabitawan ang cellphone ko sa gulat ng muli na naman itong tumunog at lumabas mula sa caller ID ang pangalan ni Peter.

Bakit siya tumatawag?

Para malaman ay agad ko iyong sinagot.

"Hi, Pete--"

"Get out of that fucking shop, Belle."

Ang lamig ng boses niya na siya namang nakapagpatayo ng balahibo ko.

"What do you mean?" agad kong tanong.

"I said, get.out.of.that.fucking.shop!"

"Pwede ba Peter, kumalma ka---"

"How can I calm down, Belle? umalis ka diyan. Sinasabi ko sayo!" Sigaw niya pa sa kabilang linya.

Agad naman na nagsalubong ang dalawang kilay ko sa mga pinagsasabi niya. Ano bang problema niya?!

"What is your problem?! Hindi kita maintindihan, ano ba ang kinagagalit mo? Alam mo kung ganito lang na magaaway tayo through call, ibababa ko na 'to. Mamaya tayo magusap kapag hindi na tayo parehas galit." Malalim akong napabuntong hininga pagkatapos ng sinabi ko.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Peter. Nakita niya ako? Akala ko ba nasa bahay siya nila? Bakit nandito siya?

Lihim akong napamura ng tumunog na naman ang cellphone ko dahil sa natanggap na tawag. It's Peter again. Agad ko iyong sinagot.

"What?"

"I'm waiting in the arch, Belle." Iyon lang ang sabi niya bago ibaba ang tawag.

Napapikit naman ako ng mariin. Letse! Ang ganda-ganda ng araw ko sisirain niya lang.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C4
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk