"Another glass of vodka for our brokenhearted Ara," binigyan ako ulit ni Kuya Arnold ng inumin. Nilaklak ko iyon agad habang patuloy na tumutulo ang precious kong mga luha.
Bwesit kasi!! Inamin na nga ni Marcus na bakla siya!! Ang sakit sa puso. Isa siyang manloloko! Sinaktan niya na nga ako dahil kung sino-sinong babae ang ibinabalandera niya sa harapan ko tapos ngayon malalaman ko sa tikling na Alex na iyon na sinabi ng juding na si Charmagne na beki si Marcus!! Sh*t! Hindi ko matanggap!
Kung hindi nagpapari ang mga lalaki ngayon nagiging bakla naman. Diyos ko, tulong!
"Take another shot," si Kuya Aaren naman ang nag-abot sa akin ng basong may vodka at laklak agad, syempre, habang tumutulo iyong uhog at luha ko. Joke! Ayan, ang saya, nagawa ko pang mag-joke. Sh*t, isa kang tanga, Ara!!
Inom lang ako nang inom. Nahihilo na ako, sobra! Nagiging walo na iyong paningin ko. Sh*t, hindi ko alam na dumadami pala iyong mga mata kapag lasing. Sana pala lagi na lang akong lasing para mas maraming mata mas malinaw na ang tanga-tanga ko pala talaga. Marunong akong kumilatis kung bakla ba ang isang lalaki, pero bakit pagdating kay Marcus ang bobo ko? Tsk!
"Any words to say, Ara?" tanong ni Kuya Aaren kaya agad akong nagbalik sa katotohanan.
Buti na lang nandito ang mga Kuya ko. Nang malaman nilang hindi ako masasamahan ng tatlo sa pagdadrama, eh nagpresenta sila agad na dadamayan nila ako. Si Chandra kasi busy pa rin sa pag-e-ensayo para sa foundation day as well as si Clara, at pati na rin pala si Anika ay sumali rin sa quiz bee. Ako lang iyong walang sinalihan. Tsk, ang hirap kapag perfect ka, laging natatanggihan, overqualified daw.
Itinaas ko iyong basong hawak ko sabay sabing, "from now on...I'll become...the better version...of maself!" nahihirapan man akong magsalita ay pinilit ko pa rin dahil gusto ko. Kagaya kay Marcus, hindi niya naman ina-acknowledge iyong feelings ko, pero dahil gusto ko talaga siya kaya pinilit ko pa ring iparamdan iyon kaya ayan, ako lang din itong nasasaktan ngayon at nagwawalwal.
"Forget about that guy, Ara. I mean gay? Whatever," usal pa ni Kuya Aaren. Hindi ko alam kung kaya ko bang kalimutan siya agad-agad, pero kakayanin ko!
"Basta, Ara, knowing that Marcus is gay isn't the end of everything. There are billions of real men on earth, wait for the right man and," inagaw ni Kuya Arnold iyong basong nilagyan ko ng inumin, "you can now stop drowning yourself in alcohol," aagawin ko pa sana iyon nang makitang papalapit sa kusina ang Mommy at Daddy!
"Hala, lagot," bulong ko, pero ang dalawa kong kuya ay wala man lang reaksyon. Sh*t, kinakabahan na ako! First time nilang makikita na umiinom ako ng alak! Sabagay, first time ko rin naman talagang uminom.
Hinanda ko na iyong sarili ko sa talak ni Mommy, pero imbis na takpan ko iyong tenga ko ay na-istatwa ako bigla. Niyakap ako ni Mommy at si Daddy naman ay haplos-haplos ang likuran ko. "Sinabi na ng Kuya Aaron mo 'yong nangyari, Sweetie," bulong sa akin ni Mommy at hindi ko napigilang mapangiti. "Sa una lang 'yan masakit, anak, first love mo, eh," muling usal niya kaya naiyak ako ulit. Si Mommy naman, eh, pinaalala pa.
"I hope you learn something from what happened, Sweetie," nakangiting sabi ni Daddy na agad kong tinanguan. This pain I'm feeling taught me that I shouldn't just love one person, I should love more than five person at a time para kapag nasaktan ng isa, may mga reserba pa. Just kidding!
Of course, I learned that pain really makes a person decides to become a better version of herself. Iyong tipong dapat handa ka na kapag nasaktan ka ulit, hindi na iyong mababaliw ka sa sakit. Hindi mo na dapat iyan maramdaman, sa susunod, tatawanan mo na lang.
After crying to death in front of my loved ones ay napagod din ako at binagsak ang sarili ko sa kama. Matutulog na ako at kinabukasan, bagong Ara na ang makikita niyo.
CHARMAGNE'S POV
Lunes na lunes, pero nagkukumpulan ang mga otoko (lalaki)! Anong meron ditey (dito) at best in line ang mg chaka (panget) at chopopo (gwapo) na mga otoko?
"Cla, anong meron?" tanong ng kapatid kong si Chandra sa kakarating lang na si Clara. Nakakunot din ang noo niya habang nakatingin sa mataas na pila.
"Kakarating ko lang, Chandra, kaya wala rin akong alam," sagot nito.
"Let's go, alamin natin ang kababalaghang ito," hinila ko silang dalawa papunta sa pinakaunahan at saka namin nakita ang Kilatrang si Ara na may hawak na 'Wanted: Ara's First Boyfriend.' Shuta des, anong dumi nakain nito?
"Arabells!" nilingon niya si Chandra at saka ito kumaway.
"Sandali, ha, fill up ka lang diyan, I'll be back," kumindat pa ito sa lalaking kausap niya kanina.
"Ano 'to?" takang tanong ni Clara.
"Ara version 5.0," nakangting sagot niya. Napailing na lang ako, feels ko nauntog si Ara sa kung saan at nawala na sa katinuan. "Balik na muna ako, ha. I've got so many clients, eh," aalis na sana siya, pero agad ko siyang hinila, "take it off," seryoso niya talagang sabi. First time ko siyang nakitang ganito, ha. Nagtataka na talaga ako kung ano ang nakain niya.
"What on earth are you doing, Kilatra?" tanong ko at agad niya akong tinaasan ng kilay.
"Why on earth do you care?" tanong din niya kaya syempre ako naman ang nag-taas ng on fleek kong kilay. Sheda, papakabog ba ang Juding? "Kung wala ka ng sasabihin sa'kin, then leave," aniya. Biglang nagbago ang reaksyon ko sa mukha. Ang kaninang nakataas kong kilay ay nakakunot na. Naguguluhan talaga ako sa ginagawa niya. Ang weird niya ngayon.
"Arabells, ginagawa mo ba 'to para makahanap ng rebound?" tanong ni Clara.
Ngumisi si Ara at saka niya sinabing, "sort of? And, I told you, darating ang araw na hahabulin nila ako, this is just the first day."
Shuta! Hindi na ako natutuwa sa way of answering niya! Nakakatakot na nakakaewan.
"Sira ka na ba?" nakataas ang kilay ni Chandra nang itanong iyan. "Gagamitin mo 'yang mga lalaking 'yan para makalimutan mo lang si Marcus? Eh, kung gano'n hindi ko inaasahang hindi ka lang pala sa Filipino bobo, pati na rin sa humanities. Kailan ka pa natutong manggamit ng tao at makipaglaro sa nararamdaman nila?" ayan, tumalak na ang sissy ko! Pero, tama naman siya, eh.
"Simula nang malaman kong ganiyan si Marcus. Na ginagamit niya lang ang mga babae at pinaglalaruan ang feelings nila maitago niya lang na bakla siya," walang emosyong aniya. Kung alam ko lang na magiging ganito si Ara kapag nalaman niya ang totoo, edi sana itinago na lang namin ni Marcus hanggang dulo, pero imposible naman kasing mangyari iyan lalo na at may tsismosang ting-ting na Alex na nabubuhay pa rin sa mundo! Shutang babaeng iyon, siya talaga ang dahilan kung bakit nalaman ni Ara, eh.
"So, ibig sabihin wala rin kayong pinag-kaiba ni Marcus," sa wakas ay lumabas na rin si Anika na kanina pa nasa likuran. Dapat kanina pa siya lumabas, eh. I've heard na sa kaniya lang tumataob ang Kilatrang ito. "If you're thinking of revenge, Ara, why don't you go straight to him? Ba't 'di mo sa kaniya ibuntong 'yang sakit na nararamdaman mo? Bakit kinakailangan mo pang mandamay ng iba? They're not involve of your issue with Marcus. O baka naman natatakot ka na lumapit sa kaniya dahil manlambot ka na naman?" mataray niyang tanong! Bongga, panalo ito!
"One question at a time lang naman, oh," parang batang usal ni Ara at saka ako bigla na lamang napangiti. This is the Kilatra that I've known...tanga, pero cute. "Wala na kasi akong maisip na paraan para..." napahinto siya nang tumulo bigla iyong luha niya. Ang kaninang matataray niyang mga kaibigan ay maluha-luha na rin, "...para makalimot sa sakit na nararamdaman ko. Long time first love ko 'yon, eh. Tapos malalaman ko na lang na kahit anong gawin ko, hindi niya ako magugustuhan dahil lalaki rin ang hanap niya," tuluyang bumuhos iyong mga luha niya at niyakap na rin siya ng tatlo.
Habang nagda-drama sila ay ipinagpatuloy ko iyong ginagawa ni Ara kanina. Cheka lang! Pinaalis ko na iyong mga otoko. May ibang umayaw dahil gustong-gusto talaga nilang maging girlfriend ang Kilatra, pero nang mag-flying kiss ako sa kanila ayon parang timang na kilig na kilig. Shuta talaga!
"Hoy, Juding," kinalabit niya pa ako, "pasensya ka na kanina," aniya at bahagya pa siyang yumuko. Ang cute nga naman talaga ni Ara, ang sarap isako at itapon sa pacific ocean. Cheka lang, friend kami. "Simula kasi no'ng dumating ka, pakiramdam ko nagbago ang lahat...nagbago si Marcus," muling usal niya.
Hinawakan ko iyong baba niya at bahagyang itinaas para makita ang pagod niya nang itsura. "Hindi siya nagbago, Kilatra, nakahanap lang siya ng taong alam niyang kapareho niya, iyong taong maiintindihan siya kaya inilabas niya 'yong tunay na siya," simula nang makilala ko ang Kilatrang ito, ang dami ng kaseryosohan sa katawan ko ang nailabas ko. Akalain mo iyon may ganoon pala ako. Sa states kasi puro kabaklaan lang ang ipinapakita ko.
"Oo na," napanguso pa siya pagkatapos niyang sabihin iyan nang pilit. "Sorry sa pagtataray ko kanina," aniya.
"Kiss muna," pagbibiro ko pa. Pero, shuta!!! Ginawa nga ng Kilatra! Nanlalaki tuloy iyong mga mata ko matapos niya akong halikan sa pisnge! Pero, natawa ako nang makitang dumikit sa labi niya iyong foundation kong sobrang mahal, pero fake. Gamit iyong daliri ko ay inalis ko iyon. "Bakit?" takang tanong ko nang mapatitig siya sa akin matapos ko iyong gawin.
"W-Wala," aniya at saka napatingin sa tatlo niyang kaibigan na nakangising nakatingin sa kaniya. So weird naman these pechays (mga babae)! "Hoy, tara, kain tayo. Hindi pa ako kumakain," muling usal niya, pero mas lalo lang silang ngumisi.
Isa-isa ko silang hinampas, pero hindi naman masakit, gentlegay ito. "Samahan niyo na at baka mag-crayola na naman ang Kilatra," sabi ko at saka lang sila nakangiting lumapit kay Ara.
"Sige, tara, gutom na rin ako," tingnan niyo itong sissy ko, kakakain lang sa bahay gutom na naman. Sushmita sen (susmaryosep)!
Nakangiting nagpaalam sa akin si Ara. Gusto niya sana akong sumama, pero may klase ako. Dumiretso na rin ako sa classroom ko at nakita ko si Marcus na nakahalulipkip sa upuan niya. Mabuti naman at pumasok ito despite the judgements he has been receiving from those perfect individuals!
"Charmagne," napataas ang on fleek kong kilay nang tawagin niya ako. Himala at hindi Charles ang itinawag niya sa akin ngayon. Nilingon ko siya at namamaga pa rin iyong mga mata niya. Kawawa naman ang kalahi ko. "Huwag mo akong iiwan, ha?" aniya.
Bahagya akong natawa habang inaayos iyong buhok ko. "Matsutsugi na ba ang baklang Charmagne, Marcus?" natatawa kong tanong, pero super serious pa rin ang loka.
"Ikaw na lang 'yong nakakaintindi sa'kin," muli akong napalingon sa kaniya at masasabi ko naman talagang sincere siya.
"Don't worry, Marcus, I'll never leave your side," nakikita ko iyong sarili ko kay Marcus noong mga panahong nag-out ako. Tinanggap ako ng pamilya ko sa kung ano ako, pero iyong iba ang hirap para sa kanilang tanggapin na bakla ako. Kaya naiintindihan ko kung ano man iyang nararamdaman niya ngayon. Iyong pakiramdam na pandirihan ka ng iba dahil iba ka, kaliwa't kanan ka nilang pinagtsitsismisan. Shuta, ang pi-perfect!
Kaya kahit na siya iyong dahilan kung bakit nababaliw sa sakit ang Kilatrang si Ara ngayon ay hindi ko pa rin siya iiwan. I'll be on their sides. I'll never leave Marcus and I'll never leave Ara on behalf of someone's favor, pero dahil gusto ko rin. Hihihi.