Unduh Aplikasi
39.43% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 84: Sabay Natin Aabutin Ang Langit

Bab 84: Sabay Natin Aabutin Ang Langit

"Bakit hindi man lang nya sinagot ang tanong ko?"

Nalungkot si Issay sa ginawa ni Anthon.

Pero hindi sya maaring sumuko, kailangan nyang malaman ang sagot ngayon.

Dahil nakapagdesisyon na si Issay, sakaling hindi sya matanggap ni Anthon, aalis sya ng bansa at hindi na muling magpapakita pa!

Naalala nya ang sinabi ni Belen sa kotse:

"Kung kinakailangan, tulungan mong magdesisyon si Anthon!"

Hindi nya yun masyadong naintindihan nung una, nauunawaan na nya ngayon.

Mabagal talagang magdesisyon si Anthon dahil ayaw nitong may mga taong masasaktan sa mga desisyon nya.

Tumayo si Issay, buo na ang loob nya, kailangan na nyang malaman ang sagot!

May kinuha sya sa bag saka pumasok sa loob ng banyo.

Anthon: "Bakit bigla kang pumasok?"

Nahiya sya sa biglaang pagpasok ni Issay kaya tumalikod ito sa kanya.

Buti na lang patapos na sya sa pagbabawas.

Issay: "Hindi mo sinagot ang tanong ko!"

"Matatanggap mo pa ba ako o hindi? Oo at hindi lang hindi mo magawang sagutin!"

Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanya at namumula na ang mga mata na parang iiyak na, hindi rin alintana kung nasaan sila.

Anthon: "Oo Issay, tanggap ko ang lahat lahat sa'yo pero pwede ba patapusin mo muna ako!"

Nagmamakaawa ang tinig nito.

Issay: "Kung tanggap mo ako at gusto mo pa rin akong pakasalan, eto!"

Sabay taas ng kamay ni Issay at may iniaabot.

Hindi naman nais magtagal ni Issay dito gusto lang nyang malaman ang sagot.

Nang makita ang bagay na nasa palad ni Issay humarap si Anthon. Nagtatanong ang mga mata nito pero makikita mo sa mga ang ngiti ang tuwa.

'Ito yung kahon ng singsing na nawawala!'

Nakilala nya ang kahon dahil may palatandaan syang pinalagay dito.

Kinuha ni Anthon ang kahon sa palad ng nobya at ng aktong aakapin na sana nya ito nagulat sya sa biglang pagbabago ng reaksyon ng mukha nya.

Nang humarap si Anthon, nanlaki ang mga mata ni Issay sabay talikod! Napansin nya kasing naka boxer short lang ito pag harap sa kanya.

"Uhmm ....me... duon ...sa labas!"

Sabay patakbong lumabas ng banyo.

Iiling iling namang nangingiti si Anthon sa ginawa ng kasintahan.

May plano kasi syang maligo kaya inalis na nya ang pantalon at naka bathrobe at boxer short na lang sya.

"Ang kulit mo kasi e, malay ko bang papasok ka! Hehe!"

Paglabas ng banyo ni Issay hiyang hiya sya sa nakita. Dumiretso sya sa kama at parang ostritch na pilit itinago ang ulo sa unan.

Mamaya maya nadinig nyang bumukas ang pinto ng banyo pero hindi pa rin ito umalis sa pwesto nya.

Natutuwang pinagmamasdan ni Anthon ang itsura ng kasintahan pag labas nya ng banyo.

Anthon: "Issay, Mahal, pwede ba tayong magusap? May gusto akong sabihin sa'yo!"

"Issay?"

Naupo si Issay sa kama na nakatalikod kay Anthon at saka inayos ang sarili.

Anthon: "Issay, hindi ko alam ang nangyari sayo nuon! Kung nalaman ko lang agad sana kahit papano may nagawa ako!"

Pero hindi umimik si Issay at hindi nya malaman ang reaksyon nito dahil naka talikod sa kanya.

Nang maramdaman nyang papalapit sa kanya si Anthon, tumayo si Issay at hahakbang sana palayo pero maagap syang hinawakan sa kamay ni Anthon at saka hinila paharap sa kanya.

Napalunok si Issay at kumakabog ang dibdib ng makitang bagong paligo ito at nakatuwalya lang.

Pero mas lalong tumindi ang kabog ng dibdib nya ng bigla itong lumuhod, hawak ang isang kamay ni Issay at sa isang kamay ay ang singsing.

"Mahal, ikaw lang ang minahal ko simula pa nuon. Ikaw ang dahilan ng buhay ko, ang nagiisang pag ibig ko!"

"Minahal ko ang lahat, lahat sa'yo kaya kong tanggapin ang nakaraan mo at ikaw lang gusto kong makasama hanggang sa huling hininga ko!"

"Isabel delos Santos, Mahal, will you marry me?"

Hindi ito ganito ang inaasahan ni Issay na proposal, nabigla talaga sya.

Issay: "Totoo ba ito o iniinis mo lang ako?"

Naiiyak na si Issay sa ginagawa ng kasintahan, hindi nya alam kung maniniwala sya dito gayong hindi man lang nya naisip na mag damit bago mag propose.

Isa lang ang nasa isip ni Anthon ngayon, hinding hindi na nya hahayaan mawala pa si Issay sa buhay nya.

Wala na syang pakialam sa itsura nya ngayon dahil ang puso nya at kaluluwa pati ang buong katawan nya kay Issay nya lang ibibigay.

Anthon: "Seryoso ako Mahal, at hindi ako tatayo dito hanggat hindi ka pumapayag!"

Natatakot syang mawala si Issay. Ito ang dahilan ng bigla nyang pag propose, nakaramdam sya ng takot kanina.

Kitang kita ni Issay sa mukha ni Anthon na seryoso ito. Hindi palabirong tao ang kasintahan lalo na sa mga ganitong bagay.

Mahal nya si Anthon, sigurado sya sa puso nya na mahal nya ito! Ngunit may mga balakid sa puso nya na dapat munang mawala para magawa nyang mahalin ng buo si Anthon.

Kaya laking pasasalamat nya ng akapin sya ni Miguel kanina dahil iyon ang dahilan kaya nawala lahat ng balakid sa puso nya.

At ngayon handa na syang magmahal ng buo ulit.

Si Miguel ang nakalipas nya at si Anthon ang kasalukuyan.

Si Anthon lang ang tanging lalaking nanaisin nyang makasama sa kinabukasan ng buhay nya.

Naluluha nitong tiningnan si Anthon at buong ngiti itong tumango.

Tuwang tuwa tumayo si Anthon at buhat buhat na inakap si Issay at saka hinalikan ng buong pagmamahal.

Maya maya inihiga na sya ni Anthon sa kama at saka bumulong ng:

"Nais kong sabay natin abutin ang langit!"

Naintindihan ni Issay ang ibig sabihin ni Anthon.

Tumango ito at hinayaan si Anthon ang syang maghari sa kanya, saka ibinigay ni Anthon ng buong buo ang kanyang sarili sa tanging babaeng pinakaiibig nya. Si Issay.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C84
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk