Mula sa resort hanggang sa bahay nila Anthon mga dalawampung minuto ang lalakbayin, kaya wala pang isang oras makakabalik na sya sa selebrasyon na parang walang nangyari.
Yun nga lang sa pagmamadali, hindi nya napansin na nakita pala sya ni Issay at tinawag pa ang pangalan nya, habang papalabas ito ng venue.
'Anong nangyari dun? San pupunta yun?'
Nagumpisa na syang kabahan.
Kanina ng magkausap sila ni Mama Fe, napansin nyang tila balisa ang kasintahan at nung makita nyang paalis ngayon, nilapitan nya ito ngunit parang malayo ang iniisip kaya hindi man lang sya napansin.
'May nangyayari!
Sigurado ako!
Dapat ko itong malaman!'
Hinanap ni issay ang mga kapatid ni Anthon pero mukhang abala sila sa ibang bagay. Pati ang kaibigang si Vanessa wala din.
Hindi mawala ang kaba ni Issay, hindi nya alam kung bakit!
Siguro dahil may kutob syang merong inililihim ang kasintahan, at hindi nya sigurado pero mukhang may alam din ang mga tao sa paligid nya.
Kung ano yun, yun ang gusto nyang malaman.
Pagkatapos ng huling performance, oras na para ilabas ang cake pero wala pa rin si Anthon.
Dalawampung minuto pa lang itong nakakaalis kaya malamang kararating lang nun sa bahay, kaya nagisip ng ibang paraan sila Joel at Vanessa upang maantala ng kaunti.
Pagpasok ng bahay ni Anthon dali dali itong nagtungo sa silid ng ina at hinanap ang mga alahas ni Mama Fe.
Nang makita, isa isa nyang tiningnan ang mga singsing na babagay sa kamay ni Issay.
Alam nyang mas gusto ni Issay ang simpleng disenenyo kaya natagalan sya sa paghahanap.
Hanggang sa natagpuan nya ang isang kahon na naglalaman ng isang singsing na diamante. Nakasiksik ito sa kalooban looban ng lalagyan ng alahas ng ina.
Maganda ang disenyo nya, simple at tyak nyang mamahalin dahil sa mga diamanteng naka disenyo dito. Pero ni minsan hindi pa nya ito nakitang sinuot ng ina.
"Ma, pasensya na ha! wag ka magagalit, emergency lang po talaga!"
"Diba love mo naman si Issay, kaya sana maintindihan mo kung bakit kailangan kong gawin ito!"
"Hihiramin ko lang po sandali, pangako ibabalik ko pagkatapos!"
"Love you Ma!"
Sambit ni Anthon habang kausap ang larawan ng ina.
Hindi kasi nito ugali na makialam ng gamit ng may gamit. Ito ang kabilin bilinan ng ama sa kanila.
"Wag kayong gagalaw ng pagaari ng iba dahil kawalan ng respeto yun sa kanila!"
Maya maya tumunog ang phone nya.
Joel: "Kuya, bilisan mo nauubusan na kami ng gagawin para patagalin pa!"
"Kailangan na raw ilabas ang cake! Naguuwian na ang mga ibang bisita!"
Anthon: "Okey sige pabalik na ko! Tagalan mo ang speech mo para umabot ako!"
Nakangiti nitong sagot.
'Magantay ka Mahal, andyan na ako!'
Sa resort.
Host: "... at ngayon oras po para magblow ng cake si Mam Fe!"
"Pakilabas na po ng cake!"
"At habang inilalabas ang cake na pagkalaki laki, hehe, nais kong tawagan syempre, ang birthday celebrant at ang mga anak nya at apo dito sa harapan!"
Nagtaka si Mama Fe ba't wala si Anthon.
Mama Fe: "Eugene asan si Anthon?"
Gene: Ma, naghahanda na po!"
Bulong nito sa ina, na nagpangiti naman kay Mama Fe.
At sinindihan na ng host ang kandila ng cake.
Mama Fe: Teka, teka, sandali lang!"
"Gusto ko andito si Issay at si Vanessa sa tabi ko!"
Natuwa si Vanessa sa sinabing iyon ni Mama Fe.
Alam nyang paborito nito si Issay, pero nagulat si Vanessa na pati sya gusto rin makatabi ni Mama Fe.
Medyo takot kasi ito sa pagka strikta nya pero sobra ang tuwa nya ngayon dahil ibig sabihin nito tanggap na pala sya ni Mama Fe.
Parang gusto nyang maluha pero pinigilan nya at saka lumapit kay Mama Fe.
Tinabihan din sya ni Joel at saka masayang inakap ng kasintahan.
Issay: "Nasaan po si Anthon, Mama Fe?"
Joel: "Ate, may kausap lang! Susunod din yun!"
Pagdadahilan nito.
Pero ba't parang hindi magawang maniwala ni Issay.
Nadidinig ng host ang usapan nila pero napapansin nyang unti unti ng naguuwian ang mga bisita.
Host: "Itutuloy na po ba natin ang pag blow ng candle o antayin muna natin si Sir Anthon?"
Hindi makasagot ang mga tinanong dahil maliban kay Mama Fe at Issay, alam nilang wala dito si Anthon.
Kaya si Mama Fe ang sumagot. Hindi kasi nito alam na may nangyayaring iba.
Mama Fe: "Mabuti pa ituloy na natin at tyak naman susunod din iyon pagkatapos makipagusap!"
Huwag natin pagantayin ang mga bisita at nagaalisan na ang iba!"
Hindi gusto ni Mama Fe magalisan ang iba dahil ang gusto nya ay masaksihan nila ang pag propose ni Anthon kay Issay na batid nyang malapit ng mangyari, kaya hindi na mapigilan ang ngiti nito.
Nagtataka na si Issay. Nakakaramdam sya ng kakaiba sa kinikilos nila kaya lalo syang kinakabahan.
May pagaalala sa mga mata nila na hindi nila maitago sa kanya.
Kaya hinayaan muna nyang matapos mag blow ng candle si Mama Fe at ng nagpapasalamat na ito, palihim syang pumuslit para hanapin si Anthon.
Hinanap ni Issay kung saan saan si Anthon pero hindi nya ito makita. Lalo tuloy tumitindi ang nararamdaman nyang kaba.
Kanina, nakita nya lang na lumabas ito ng venue pero hindi nya alam kung saan nagpunta, hindi nya ito napansin na umalis ng resort.
Sobrang naging malihim si Anthon nitong mga nagdaang araw sa kanya kaya hindi nya maiwasang magisip na parang may inililihim ang kasintahan sa kanya.
Pero ngayon sigurado na sya, may inililihim nga ang kasintahan nya!
Hindi nya sigurado kung ano ang iisipin nya. Natitiyak nyang hindi magtataksil sa kanya si Anthon kaya ano ang lihim na iyon at hindi nya masabi sabi sa kanya?
Naiiyak na sya sa inis dahil hindi nya alam kung sino ang dapat nyang kausapin.
Pakiramdam nya lahat pinagkakaisahan sya.
Mamaya maya nagulat na lang siya ng may makapa siya sa suot niyang coat.
Wala itong laman kanina kaya pano ito nagkalaman?
Nang makita kung ano ang nasa bulsa nagulat si Issay, isang maliit na kahon ang nasa kamay nya ngayon.
Pamilyar sya sa kahon na ito at alam nya kung para saan ang kahon.
At ng buksan ito ni Issay ....
"Kanino 'to, at papaano ito napunta dito?!"