"The Shine Dance Group!"
Ito ang pangalan ng grupo nila Issay sa skuwelahan nuong high school, pero hindi ito ang grupo nila ni Luis.
Nang madinig ni Mama Fe ang pangalan ng grupo nila Issay agad itong tumayo at pumalakpak ng pumalakpak. Dahil sa sobrang saya nya, sinundan sya ng karamihan.
Nung madinig na ni Mama Fe ang musika sinabayan nya din ito ng pagsayaw na ikinakaba naman ng mga anak nya. Sitenta y anyos na ngayon ang Mama nila, kaya pa ba nyang sumayaw?
Kahit anong pigil kay Mama Fe aliw na aliw pa rin ito sa pagsabay sa sayaw nila Issay.
"Mga schoolmates ko yan nung highschool, at sadyang magagaling yang mga yan!"
"Oonga wala pa rin silang kupas, lalo na si Issay!"
Lahat sila napahanga ng grupo, para kasing iisa sila paggumagalaw, sadyang nakakaaliw pagmasdan, sabay na sabay.
Sumasama si Vanessa pag nag papraktis ang grupo nila Issay at kita na nya ang husay ng mga ito, pero ngayon na totoong performance na napanganga si Vanessa ng makita kung gaano talaga kagaling sumayaw ang grupo nila.
'Hindi ko akalain na ganito kagaling si friendship!'
'Bakit hindi nya kinukwento sa akin to?'
Nung magsimula ang musika sabay na sabay ang kilos nila, parang ang musika at ang bawat galaw nila ay iisa.
Lalo na ang kaibigan nyang kitang kita ang saya sa pagindak nya. Parang mga dahon sa puno na malayang sumasabay sa hangin. Si issay ang dahon at ang musika ang hangin.
Nang matapos ang sayaw tila nabitin ang lahat.
Nilapitan ng grupo si Mama Fe upang batiin at magpasalamat ng personal.
Elen: "Tita Fe, nagustuhan nyo po ba?"
Mama Fe: "Oo naman mga Ineng gustong gusto! Pwede bang ulitin nyo ulit? Nabitin ako eh!"
Thelma: "Tita Fe, hinihingal na po kami at masakit na rin po ang mga tuhod namin!"
"Hahaha!"
Mama Fe: "Pasensya na mga Ineng, mabuti pa magpalit na kayo at baka matuyuan kayo ng pawis!"
Avie: "Sige po Tita Fe, Happy Birthday po ulit!"
Si Joel naman at Jaime na kanina pa nakikining sa usapan nila Issay at Anthon, naiinis na dahil tila iniinggit sila ng dalawa.
Anthon: "Ang galing talagang sumayaw ng Mahal ko!"
Issay: "Hmp!, binobola mo lang ako e!"
Anthon: "Hindi kaya! Bat naman kita bobolahin, hindi naman ako bolero!"
Sinagot lang sya ng ngiti ni Issay. Hindi nga ito bolero.
Issay: "Bukas, yung pangako mo sa akin ha! Sa akin ka lang!"
Anthon: "Pangako!"
At hindi na napigilan ni Anthon na halikan ang mga labi ni Issay na kanina pa sya tinutukso.
Joel at Jaime: "....."
Na late ng dating sila Belen at Uncle Rem dahil sa dami ng stop over nila.
Belen: "Uncle kasi, sabi ko na magdiaper na kayo, ayan tuloy di ko naabutan ang sayaw nila Issay! Hmp!"
Inis na sabi nito na pumadyak pa na parang bata.
Nang marinig iyon ni Uncle Rem kumunot ang noo nito sabay pinalo ang pamangkin.
Uncle Rem: "Dyaske kang bata ka! Wag mo naman akong hiyain dito!"
Sabay nahihiyang luminga linga sa paligid.
Napakagat na lang sa labi si Belen. Medyo napataas kasi ang boses nito at halatang napahiya ang tiyuhin.
Pero ganito talaga ang dalawang ito. Sabi nga ng ama ni Belen, sa Uncle Rem nya sya nagmana ng kapilyahan.
Sobrang seryoso kasi ang ama ni Belen kaya hindi nya ito nabibiro ng tulad ng pagbibiro nya sa tiyuhin.
Belen: "Sorry na po, pero wag nyo rin po akong paluin malaki na ko!"
"Pag pinalo nyo ulit ako iiwan ko kayo dito!"
Uncle: "Pilya ka pa rin! Sige hindi na ulit kita papaluin, bukas na lang!"
"Halika ka na, gutom na ko!"
At hinila na ang pamangkin na walang magawa sa kakulitan ng tiyuhin nya.
Pagkatapos ng sayaw nila Issay, hindi na muling nasiyahan si Mama Fe sa mga sumunod na nagperform.
Kaya kinausap ni Anthon si Issay na kung pwede duon sya maupo sa tabi ni Mama Fe at mukhang nawawalan na ito ng gana.
Habang na kay Mama Fe si Issay, abala naman si Anthon sa paghahanda sa sarili sa gagawing pag po propose.
Kahit biro lang ang suhestiyon ni Joel, sineryoso nya ito. Nagpraktis sya ng sasabihin at gagawin upang hindi ito kabahan pag dumating ang oras.
Gene: "Bro, malapit na, pagkatapos ng pagblow ng candle ni Mama Fe magpapasalamat na tayo! Ikaw ang huling magsasalita at yun na, alam mo na ang gagawin!"
Anthon: "Salamat, Bro! Salamat senyong lahat!"
Joel: "Kuya, ilalabas na daw ang cake! Ready ka na ba?"
Anthon: "Oo ready na ko bunso, salamat sa payo mo!"
Napaisip naman si Joel.
'Anong payo? Kelan ko sya binigyan ng payo?'
Wala syang kaalam alam na ang tinutukoy ng Kuya niya ay ng sabihin nitong magpraktis syang huwag kabahan.
Biro lang yun kay Joel pero sadyang sineryoso iyon ni Anthon.
Araw araw, kaharap ang larawan ni Issay nag po propose ito paulit ulit hanggang unti unting nawawala ang kaba sa dibdib.
Joel: "E, Kuya alam mo na ba ang sasabihin mo? ang singsing naka ready na rin ba?"
Nang sabihin ito ni Joel biglang naalala nito ang singsing
kinapa ang buong suot nya.
Nagkatinginan sila Joel at Gene.
Gene: "Wag mong sabihin nawawala ang singsing?"
Anthon: "Dito ko lang yun nilagay sa coat ko, pano yun nawala?"
Natataranta na naman si Anthon.
Joel: "Teka Kuya huminahon ka, sigurado ka bang dyan mo inilagay?"
"Wala ka bang ginawa mula kanina, hindi mo ba hinubad ang coat mo?"
Naalala ni Anthon na pinasuot nya kay Issay ang coat nya kanina ng napansin nyang nilalamig ito.
Pero ng makakuha sya ng ipapalit ibinalik din naman agad ito ng kasintahan sa kanya.
Nagkatinginan ulit sila Gene at Joel.
Joel: "So, nawawala ang singsing!"
Gene: "Maaring nawala sya nung suot ni Ate Issay ang coat mo!"
Tinawagan ni Joel si Vanessa para magpunta sa kanila.
Joel: "Honey love, may problema tayo!"
At kinuwento nya ang nangyari.
"Pwede mo bang alamin kung na kay Ate Issay ang singsing?"
Vanessa: "Pano kung makahalata yun sa tanong ko?!"
"Nasa kahon ang singsing, tyak magtatanong yun!"
"Mabuti pa hanggang maaga humiram na lang kayo ng kapalit sa mga alahas ni Mama Fe!"
Anthon: "Sige uuwi ako ng bahay, kayo munang bahala dito!"