Unduh Aplikasi
92.19% Runaway With Me / Chapter 188: Past

Bab 188: Past

*68 YEARS AGO*

"Hoy, Dalis."

Tawag ng isang binata kay Dalis habang nakatingin ito sa dalaga na inaayos ang kaniyang locker sa pasilyo ng kanilang eskwelahan at saka isinara na iyon.

"A-ano un?"

Nauutal na tanong ni Dalis sa binatang tumawag sakaniya habang nakaharap na siya roon at nakayuko na. Napangisi na lamang ang binata sa dalagang kaniyang tinawag at saka dahan-dahan nang hinawakan ang baba nito at saka iniangat na ang mukha nito upang salubungin ang kaniyang tingin.

"Gusto mo ba akong pakasalan at maging parte ng aking angkan?"

Nakangising tanong ng binata kay Dalis habang hawak pa rin niya ang baba ng dalaga at unti-unti nang nilalapit ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga nang hindi pa rin nawawala ang ngisi sakaniyang mga labi. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at saka sinubukang lumayo sa binata, ngunit bigla na siyang tinulak nito sa mga locker at ipinagpatuloy na ang kaniyang binabalak sa dalaga. Wala nang nagawa pa ang dalaga at napapikit na lamang. Ilang saglit pa ang nakalipas ay walang labi ang lumapat sa labi ng dalaga at nawala na ang kamay ng binata na nakahawak sakaniyang baba kaya't agad na napamulat ito at nasilayan na ang binata na nakahiga na mula sa hindi kalayuan at saka dumudugo na ang labi nito.

"Bakit hindi ka lumaban Dal!? Hahayaan mo lang ba ang hayop na iyan na kunin ang iyong unang halik!?"

Galit na tanong ni Josephina kay Dalis habang nakatayo na ito sa harapan ng kaniyang kaibigan at sinasamaan na ng tingin ang binata na nakatayo na mula sa hindi kalayuan. Naiiyak na tinignan na lamang ng kaibigan ang dalaga na galit pa ring tinitignan ang binatang hahalikan siya.

"Hindi naman ako katulad mo na mayroong lalaking poprotektahan ako sa ibang mga estudyante rito saating eskwelahan."

Bulong ni Dalis sakaniyang sarili habang tinatakpan na niya ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang parehong kamay at naka sandal pa rin sa mga locker. Ilang segundo pa ang lumipas ay tumatakbo na papalapit ang binata sa kinaroroonan nila Josephina at ng kaibigan nito habang sinasamaan na ang dalaga ng tingin at saka itinapat na ang kaniyang kanang palad roon upang atakihin ito gamit ng mahika, ngunit bago pa man nito maitake ang dalaga ay agad na siyang tumalsik patungo sa pader, dahilan upang magulantang ang dalawang dalaga at mabilis na inikot ang kanilang paningin sakanilang paligid.

"Julio?"

Hindi makapaniwalang tawag ni Josephina sa binatang nakatayo na sakaniyang likuran habang tinitignan na niya ito at tinaasan na ng isang kilay.

"Julio Alquiza."

Tanging nasabi na lamang ni Dalis habang tinitigan na niya ang binatang nakatayo sa likuran ni Josephine na nagngangalang Julio.

"Mayroon nanamang nag-aaway sa pasilyo!"

"Sino-sino naman ang nag-aaway ngayon?"

"Alquiza at Morales."

"Ano namang nangyari sa pagkakataon na ito?"

"Sinuntok raw ni Josephina ung Morales at noong akma na sana siyang aatakihin ni Morales ay pinrotektahan na siya ni Alquiza."

"Ano naman daw ang dahilan ni Josephina?"

"Si Dalis."

"Kahit kailan talaga ay puro problema lamang ang dala ng babaeng yan simula noong naging kaibigan siya ni Josephina."

"Mag-ingat kayo sa inyong sinasabi!"

Galit na babala ni Tazara sa mga kaeskwela nila habang nakatayo na siya mula sakaniyang kinauupuan sa kantina ng kanilang eskwelahan. Agad na nagsi tinginan ang kanilang mga kaeskwela sakaniya habang si Paulina nama'y hinahatak na ang kaniyang kamay upang paupuin na itong muli at nakayuko na.

"Maupo ka na lamang Zara!"

Pabulong na sigaw ni Paulina kay Tazara habang patuloy pa rin nitong hinahatak ang kamay ng kaibigan at nakayuko pa rin ito. Sinamaan na ng tingin ng kaibigan ang dalaga at saka inalis na ang pagkakahawak nito sakaniyang kamay.

"At sino naman iyan?"

"Kaibigan ni Dalis."

"Kaibigan din ba ni Dalis ung nakayuko sa tabi ng babaeng iyon?"

"Teka… si Paulina iyon, ah."

"Kilala mo ung babaeng nakayuko?"

"Siya ung babaeng nagtapat ng kaniyang nararamdaman kay Fuentes."

"Ung pilit na iniiwas-iwasan ni Fuentes?"

"Oo, buti nga sakaniya at iniiwasan na siya ni Fuentes. Hindi sila nararapat sa isa't isa."

"Mas bagay pa si Malaya kay Fuentes keysa sakaniya."

"Wala na ba kayong ibang mapag usapan na matino?"

Inis na tanong ni Beatrice sakanilang mga kaeskwela habang nakatayo na ito sa tabi ni Tazara at sinasamaan na ng tingin ang kanilang mga kaeskwela. Tumayo naman sa tabi ni Paulina si Jacqueline habang hawak na nito ang balikat ng kaibigan at sinasamaan na rin ng tingin ang kanilang mga kaeskwela.

"Malapit nang mag-umpisa ang mga klase, bakit naririto pa rin kayo? Balak niyo bang hindi dumalo sa inyong mga klase?"

Istriktong tanong naman ni Jacqueline sakanilang mga kaeskwela habang patuloy pa rin nitong sinasamaan ng tingin ang mga ito. Nanahimik bigla ang kanilang mga kaeskwela at saka sinamaan na ng tingin sina Tazara at Paulina.

"Pasalamat sila dahil kaibigan nila sina Beatrice at Tazara."

"Magaling din sila humanap ng mga kakaibiganin sa eskwelahang ito."

"Bilisan niyo na at magtungo na kayo sa kani-kaniyang mga silid-aralan."

Istriktong utos ni Jacqueline sakanilang mga kaeskwela habang hawak pa rin nito ang balikat ni Paulina at sinasamaan pa rin ng tingin ang mga ito.

"Aaahh!"

Sigaw ni Kimberly habang nakaupo sa siya sa sahig ng banyo ng kanilang eskwelahan, basang-basa at napapalibutan ng limang kaeskwelang babae na mga nakangisi lamang habang tinitignan siya.

"Iyan ang nararapat saiyo at sa iba mo pang kaibigan."

"Sino ba kayo upang makipag kaibigan sa mga kilalang mangkukulam dito sa eskwelahan namin?"

"Wala nang magliligtas saiyo ngayon."

"Atakihin mo kami kung gusto mong iligtas ang iyong sarili."

"Ay! Oo nga pala, hindi mo pala kaya. Hahahahaha!"

"Ang nararapat na itawag saiyo ay 'ordinaryo' at hindi 'mangkukulam'. Isa kang kahihiyan sa lahi ng mga salamangkero't mangkukulam."

"Kim!"

Nag-aalalang tawag ni Malaya kay Kimberly habang mabilis na nitong nilapitan ang kaibigan. Gulat na tinignan ng mga kaeskwela ang dalagang inaayos na ang buhok ng kaibigan nito at dahan-dahan nang naglakad papalayo sa dalawa, ngunit bigla silang napahinto nang maatrasan na nila si Hongganda na sinasamaan na sila ng tingin.

"Bakit niyo ba tinatrato ng ganito sila Kim!? Wala naman silang ginagawang masama sainyo, ah!"

Galit na sabi ni Malaya sakanilang limang kaeskwelang babae habang sinasamaan na niya ng tingin ang mga ito at yakap na niya si Kimberly na nakayuko. Nanahimik lamang ang limang kaeskwelang babae habang patuloy pa rin silang hinaharangan ni Hongganda.

"Aya, baka magkasakit pa si Kim kung hindi pa natin papalitan ang kaniyang uniporme."


PERTIMBANGAN PENCIPTA
iboni007 iboni007

~ You can’t just run around and hurt someone’s feelings. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C188
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk