Unduh Aplikasi
87.31% Runaway With Me / Chapter 178: Enchanted Forest 14

Bab 178: Enchanted Forest 14

~Umaga~

"Ang sabi mo ay hindi mo na idadamay pa ang aking apo!"

Galit na sabi ni Dalis kay Jervin sabay tayo na mula sakaniyang pagkakaupo sa lupa nang masilayan ang kaniyang apo na walang malay at lumulutang sa ere habang hawak ni Kimberly ang tali na naka tali sa dalawang kamay ng kaniyang apo. Nginisian lamang ng binata ang matandang babae at saka tinignan na sila Jacqueline gamit ang kaniyang itim pa ring mga mata.

"Hindi ako sumagot nang sinabi mo sakin na hindi ko idadamay si Daisy at saka kusa mong ginawa ang pinapa gawa ko sayo kaya... Intindihin mo muna kasi ng mabuti ang mga tao na kasangkot sa mga kasunduang papasukin mo, baka hindi mo alam, ung pinasukan mo na palang kasunduan ay isang patibong."

Nakangising sabi ni Jervin kay Dalis sabay lingon na nito kay Jay na naglalakad na papalapit sakaniya. Nakangisi nang tinignan ng kababata ang matandang babae at nang makatayo na ito sa tabi ng binata na karga pa rin ang bangkay ni Yvonne ay mayroon na itong kinuha sakaniyang bulsa at saka ipinakita na ang kontratang pinirmahan nilang tatlo ng dalaga at ng matandang babae.

"A-ano? 'Ang sino man sa iyong angkan ang manakit kay Yvonne Tamayo ay pagbabayaran ni Dalis Sebastian'. Anong klaseng kasunduan ito!? Wala akong naalalang pumirma ako ng ganiyang kasunduan!"

Reklamo ni Dalis matapos nitong mabasa ang kasunduang ipinakita sakaniya ni Jay habang sinasamaan na nitong tinignan ang binatang may hawak ng kasunduan. Akma na sanang kukunin ng matandang babae ang kasunduan nang mabilis itong ibinaba ng binata at saka ibinalik nang muli sakaniyang bulsa habang patuloy pa rin nitong nginingitian ang matandang babae.

"Ops! Anong gagawin mo?"

Pang-aasar pa lalo ni Jay kay Dalis habang nakangisi pa rin ito sa matandang babae. Hindi na nakapagtimpi pa ang matandang babae at akma na sanang aatakihin ang binata nang bigla siyang lumutang sa ere noong tignan lamang siya ni Jervin gamit ang itim na mga mata nito.

"Jervin, hijo…"

Malumanay na tawag ni Jacqueline kay Jervin habang naglalakad na ito papalapit sa binata. Tinignan na ng binata ang matandang babae na naglalakad papalapit sakaniya gamit ang kaniyang itim na mga mata at nasilayan ito na namumula ang mga mata nito at mayroong maliit na ngiti sa mga labi nito.

"Kaya mo bang dalhin ang lahat sa SCOWW?"

Malumanay na tawag ni Jacqueline kay Jervin habang nakatayo na ito sa harapan ng binata at ng bangkay ni Yvonne. Tumango ang binata bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng matandang babae at saka inilapat na ang kaniyang palad sa harapan nito.

"Pwede ko po bang hawakan ang kamay mo?"

Magalang na tanong ni Jervin kay Jacqueline habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae. Agad na napataas ng parehong kilay ang matandang babae at mabilis na hinawakan ang palad ng binata sakaniyang harapan. Nang mahawakan na ng binata ang kamay ng matandang babae ay mabilis itong pumikit, dahilan upang mayroong kulay puting hangin ang pumalibot sakanilang lahat at nang iminulat na ng binata ang kaniyang mga mata ay nawala na ang puting hangin na pumalibot sakanila at naroroon na sila sa isang malaking hukuman na mayroong itim na pader at sahig, mga upuang kahoy at mga salamangkero't mangkukulam na nag-uusap sa isa't isa. Mabilis na nakuha nila ang atensyon ng mga salamangkero't mangkukulam na naroroon, dahilan upang pag bulungan sila ng mga ito.

"Maaari ko bang maka usap si Rhiannon Geisler?"

Malumanay na tanong ni Jacqueline sa mga salamangkero't mangkukulam na nakapalibot sakanila, ngunit ni isa sa mga naroroon ay hindi sinagot ang tanong ng matandang babae sakanila. Ilang saglit pa ay mayroon nang isang matandang babae ang eleganteng naglalakad patungo sakanilang kinaroroonan. Nagpakawala na ng mababaw na hininga ang matandang babae habang tinitignan na nito ang matandang babae na eleganteng naglalakad papalapit sakanila.

"Sino-sino itong mga naririto ngayon? Mga Diwata ba ang mga nasa likuran?"

Takang tanong ng eleganteng matandang babaeng naglakad papalapit sa kinaroroonan nila Kimberly sa mga mangkukulam at mga salamangkerong naroroon. Wala ni isa ang sumagot sa tanong ng matandang babae, dahilan upang panlisikan na ng matandang babae ang mga salamangkero't mangkukulam na naroroon. Ilang saglit pa ay naglakad na papalapit si Jacqueline sa matandang babae at saka tinignan na ito nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi.

"A-Ate Jac-Jacqueline Belmonte? I-ikaw ba talaga iyan?"

Hindi makapaniwalang tanong ng eleganteng matandang babae kay Jacqueline habang pinanlalakihan na nito ng mga mata ang matandang babae na nakatayo sakaniyang harapan. Tumango ang matandang babae sa tanong sakaniya ng eleganteng matandang babae habang nginingitian pa rin ito. Mabilis na niyakap ng eleganteng matandang babae ang matandang babaeng nakatayo sakaniyang harapan at saka umiyak na. Niyakap na rin ng matandang babae ang eleganteng matandang babae habang hindi pa rin inaalis ang ngiti sakaniyang labi.

"Ang buong akala ko ay namatay ka na at ang iyong angkan kasabay ang angkan ng mga Alquiza labing walong taon na ang nakalilipas."

Sabi ng eleganteng matandang babae kay Jacqueline habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak. Pinakawalan na nila ang isa't isa sakanilang mga yakap at saka pinunasan na ng matandang babae ang mga luha ng eleganteng matandang babae.

"Ang mahalaga ay buhay ako at mayroon sana akong gustong sabihin saiyo patungkol saaming siyam na magkakaibigan, Rhiannon."

Sabi ni Jacqueline sa eleganteng matandang babae na nagngangalang Rhiannon. Tumango na lamang ang eleganteng matandang babae at saka tumingin na sa likuran ng matandang babae.

"Nasaan si Ate Beatrice? Bakit hindi ninyo siya kasama?"

Takang tanong ni Rhiannon kay Jacqueline habang inililibot na nito ang kaniyang paningin sa mga kasama ng matandang babae at imbis na mahanap si Beatrice at nasilayan nito ang isang pamilyar na namumutlang mukha at tila ba'y pawang natutulog ito ng mahimbing sa mga braso ng binatang karga ito. Nanahimik na lamang ang matandang babae habang unti-unti nang nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Nagdikit ang kilay ng eleganteng matandang babae at saka naglakad na papalapit sa taong nakakuha ng kaniyang atensyon, nang makatayo na ito sa harapan nito ay tinignan na niya ito gamit ang kaniyang naluluhang mga mata at saka dahan-dahan nang hinawakan ang pisngi nito.

"Hindi maaari…"

Mahinang sabi ni Rhiannon habang patuloy pa rin itong umiiyak at hawak na ang pisngi ng malamig na bangkay ni Yvonne. Gamit ang kaniyang itim na mga mata ay naguguluhan lamang na tinignan ni Jervin ang eleganteng matandang babae na nasakaniyang harapan ngayon at iniiyakan ang dalagang kaniyang karga.

"Kilala mo si Yvonne?"


PERTIMBANGAN PENCIPTA
iboni007 iboni007

~ It’s good to be tactful and smart with life, but being mad and brilliant at the same time is beyond life’s expectation. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C178
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk