Unduh Aplikasi
82.92% Runaway With Me / Chapter 169: Enchanted Forest 9

Bab 169: Enchanted Forest 9

~Madaling araw~

"Nasaan na si Timea?"

Tanong ni Dezso kay Aneska nang makatayo na ito mula sakaniyang pagkakahiga sa lupa. Agad na pinanlakihan ng mga mata ng Diwatang mayroong asul na buhok ang kapwa Diwatang mayroong kulay pulang buhok at saka inikot na ang kaniyang paningin sakanilang paligid.

"Hanapin niyo si Timea! Sigurado ako na hindi pa iyon nakaka layo mula rito!"

Sigaw kaagad ni Aneska sakaniyang angkan habang naglalakad na papalayo kay Dezso na pinanlakihan na siya ng mga mata. Mabilis na sinundan ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok ang kapwa nitong Diwata na mayroong kulay asul na buhok at sinabayan na ito sa paglalakad nito.

"Ano ba ang mayroon kay Timea? Bakit balisang-balisa ka dyan ngayong nakawala na ang Diwatang iyon?"

Takang tanong ni Dezso kay Aneska habang patuloy pa rin nitong sinasabayan sa paglalakad ang kapwa Diwata na mayroong kulay asul na buhok. Bigla nang tumigil ang Diwatang mayroong kulay asul na buhok at saka hinarap na ang kapwa Diwatang mayroong kulay pulang buhok.

"Sigurado akong hinahanap na ng mga Tamayo si Yvonne at sigurado rin ako na sa oras na mahanap na ng mga Tamayo ang dalagang iyon ay sasaktan nila iyon hanggang sakaniyang huling hininga."

Sagot ni Aneska sa tanong sakaniya ni Dezso habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kapwa Diwata na mayroong kulay pulang buhok. Nanlaki ang mga mata ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kapwa Diwata na mayroong kulay asul na buhok.

"Bakit ganun na lamang kalaki ang kanilang galit sa dalagang iyon? Sasaktan hanggang sa huling hininga? Para namang hindi nila kadugo ang dalagang iyon!"

Hindi makapaniwalang kumento ni Dezso sa sinabi sakaniya ni Aneska habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kapwa Diwata na mayroong kulay asul na buhok gamit ang kaniyang nanlalaki pa ring mga mata. Napabuntong hininga na lamang ang Diwatang mayroong kulay asul na buhok at saka naglakad nang muli papalayo sa kapwa Diwata na mayroong kulay pulang buhok.

"A-Aneska! Hindi mo po sinasagot ang aking tanong! Bakit umalis ka kaagad?"

Sabi ni Dezso kay Aneska sabay sunod nanamang muli nito sa kapwa Diwata na mayroong kulay asul na buhok. Hindi na pinansin pa ng Diwatang mayroong kulay asul na buhok ang kapwa Diwatang mayroong kulay pulang buhok at tinulungan na lamang ang iba pang mga hindi nakaka tayo mula sakanilang pagkakahiga o upo sa lupa.

"Aneska! Sagutin mo ang aking tanong!"

Sabi ni Dezso kay Aneska habang patuloy pa rin nitong sinusundan ang kapwa Diwata na mayroong kulay asul na buhok. Matapos tulungan ng Diwatang mayroong kulay asul na buhok ang isang mangkukulam na galing sa angkan ng mga Balderas ay hinarap na nito ang kapwa Diwatang mayroong kulay pulang buhok, hinawakan ang pulso nito at hinatak na papalayo mula sa mga Balderas.

"Gusto mong malaman kung bakit ganuon na lamang ang galit ng mga Tamayo kay Yvonne? Sige. Selos. Pinagseselosan nilang lahat ang dalagang iyon sapagkat siya ang palaging kasama ni Beatrice saan man siya magpunta. Siya ang palaging pinoprotektahan ni Beatrice at hindi ang kanilang angkan. At siya rin ang nagmana ng kayamanan ni Beatrice na dapat ay paghahati-hatian ng mga anak nito. Ngayong alam mo na, bakit hindi mo yan sabihin kay Paulina?"

Sagot at tanong pabalik ni Aneska kay Dezso sabay lakad nanaman nito papalayo sa kapwa Diwata na mayroong kulay pulang buhok. Naiwan nang nakatayo ang Diwatang mayroong kulay pulang buhok habang nakayuko na ito.

"Aray…"

Sabi ni Daisy habang patuloy pa rin ito sakaniyang pagtakbo habang hawak na nito ang kaniyang kanang braso na nagdurugo na.

"Kanino ba nanggaling ang malakas na puwersang un? T@$#%&@ naman! Di pa tuloy ako maka takbo ng maayos dahil dun!"

Reklamo ni Daisy habang patuloy pa rin ito sakaniyang pagtakbo habang tingin na ito ng tingin sakaniyang likuran. Makalipas ng ilang minuto ay na dapa na ang dalaga at ang unang tumama sa lupa ay ang kaniyang kanang braso na nagdurugo dahilan upang sumakit pa lalo ang kaniyang kanang braso at maluha na ito dahil sa sakit.

"Hala! Okay ka lang?"

Nag-aalalang tanong ni Lyka kay Daisy nang makalapit na ito sa dalaga at hawak pa rin ang posas ng tulog at lumulutang na Paulina. Tumango ang dalaga bilang tugon nito sa Bampira habang tinitignan na ang kaniyang nagdurugong braso. Bahagyang nataranta ang Bampira nang makita na ang braso ng dalaga na marami nang dugo at ilang saglit pa ay tinignan na ang damit na suot ng matandang babae na kaniyang binabantayan at saka pumunit roon ng mahabang tela, isinabit ang posas sakaniyang braso at saka dahan-dahan nang ibinalot sa nagdurugong braso ng dalaga.

"Aray!"

"Sorry! Sorry!"

Paghingi ng tawad ni Lyka kay Daisy habang patuloy pa rin nitong binabalot ang nagdurugong braso nito.

"Anong pangalan mo? Bat parang pamilyar ung boses mo? Nagkakilala na ba tayo dati?"

Takang tanong ni Daisy kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang kanang braso. Nanlaki ang mga mata ng Bampira nang marinig na ang boses ng dalagang kaniyang tinutulungan at pinilit ang kaniyang sarili na huwag tignan ang mukha nito. Bahagya na lamang tumawa ang Bampira nang mayroong bakas ng kaba sakaniyang boses.

"Saan mo naman maririnig ang aking boses? Sigurado ako na unang beses pa lang natin magkita."

Sagot at tanong pabalik ni Lyka kay Daisy habang tinatali na nito ang telang kaniyang binalot sa kanang braso ng dalaga at patuloy pa ring iniiwasang tignan ito.

"Salamat."

Pagpapasalamat ni Daisy kay Lyka habang tinitignan na nito ang Bampira. Agad namang tumayo ang Bampira, hinawakan nang muli ang posas ni Paulina at saka naglakad na papalayo sa dalaga. Tumayo na rin ang dalaga at saka tinignan nang muli ang Bampirang tumulong sakaniya.

"Teka! Anong pangalan mo?"

Tanong ni Daisy kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Bampira. Mabilis na napatigil sa paglalakad ang Bampira at nagdalawang isip na harapin ang dalagang nagtatanong ng kaniyang pangalan. Noong akma na sana siyang haharap sa dalaga ay mayroong mabilis na nilalang ang lumagpas sakaniyang tabi, dahilan upang marinig nito ang sigaw ng dalaga.

"Tulong!"

"Tulong? Sa tingin mo ba ay tutulungan ka ng dalagang iyon kapag nalaman na niya kung ano ang ginawa mo kay Yvonne!?"


PERTIMBANGAN PENCIPTA
iboni007 iboni007

~ No matter how you look, someone will always look at you and tell that they love you for who you are. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C169
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk