Unduh Aplikasi
81.46% Runaway With Me / Chapter 166: Unity Locale 14

Bab 166: Unity Locale 14

~Hating gabi~

"Melanie! Wag!"

Sigaw ni Jay kay Melanie habang tumatakbo na ito papalapit sa kaibigan, ngunit hindi nito pinansin ang sigaw ng binata. Mayroon nang itim na usok ang unti-unting lumalaki sa palad ng kaibigan at akma na sana itong lilipad tungo sa direksyon nila Yvonne at Kimberly nang biglang hawakan ng binata ang pulso nito at itinapat sa lupa, dahilan upang manlaki ang mga mata nito at tignan na ang binata.

"Kung ano man ang binabalak mo, wag mong ituloy."

Sabi ni Jay kay Melanie habang tinitignan na nito ang dalaga gamit ang kaniyang naluluhang mga mata. Nagdikit ang mga mata ng dalaga nang masilayan ang naluluhang mga mata ng binata at takang tinignan na ito pabalik.

"B-bakit ka naluluha? Sino sakanilang dalawa ang importante sayo? Si Yvonne o si Kimberly?"

Sunod-sunod na tanong ni Melanie kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Binitawan na ng binata ang pulso ng dalaga, tinignan na ang direksyon nila Yvonne, Kimberly at Jervin at napabuntong hininga na lamang.

"Pareho silang importante sakin, Melanie."

Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Melanie habang tinitignan na nitong muli ang dalaga. Nagdikit nanamang muli ang kilay ng dalaga, umiling-iling at bahagyang lumayo sa binata habang patuloy pa rin nitong tinitignan.

"Bakit? Bakit importante sayo si Kimberly? Maiintindihan ko pa na importante sayo si Yvonne, pero si Kimberly? Bakit?"

Sunod-sunod na tanong nanaman ni Melanie kay Jay habang patuloy pa rin itong umiiling-iling at tinitignan pa rin ang binata. Akma na sanang lalapitan ng binata ang dalaga nang umatras nanaman ito, kaya't nanatili na lamang ang binata sakaniyang puwesto at patuloy na tinignan ang dalaga.

"Siya na ang naging mother figure ko simula nung kunin niya ako sa nanay ni Jervin at ipaampon ako kay Jacqueline Martinez na matalik niyang kaibigan."

Sagot muli ni Jay sa tanong sakaniya ni Melanie habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga gamit ang kaniyang naluluhang mga mata. Ang pagka gulo sa mukha ng dalaga'y napalitan na ng simpatya para sa binata.

"Ide!"

Sambit ni Daisy mula sa di kalayuan habang nakatingin na ito kay Yvonne at nakatapat na ang kaniyang kamay sa dalaga na nakayakap pa rin kay Kimberly. Nang marinig iyon nila Jay at Melanie ay agad silang napalingon sa direksyon na pinanggalingan ng boses at nasilayan ang apo ni Dalis na nakatapat na ang kamay sa direksyon ng kanilang kaibigan habang nakangisi ito at mayroon nang lumipad na itim na usok tungo sa direksyon ng kanilang kaibigan.

Nang tumama na kay Yvonne ang itim na usok na nanggaling kay Daisy ay pinakawalan na nito si Kimberly mula sakaniyang yakap at tinignan na si Jervin gamit ang kaniyang mga naluluhang mga mata. Nanlaki ang mga mata ng babae at ng binata nang masilayan na nila ang itim na usok na pumalibot sa dalaga, dahilan upang manghina na ito at bumagsak na sa lupa.

"Yvonne!"

Sigaw ni Jervin sa pangalan ni Yvonne bitaw na kay Kimberly, mabilis na nilapitan ang dalaga na nakahiga na sa lupa at niyakap na ito. Tinignan na ng dalaga ang binatang niyayakap siya, nginitian ito at tuluyan nang naluha. Ang babae nama'y inikot ang kaniyang paningin sakanilang paligid at nasilayan sila Melanie at Jay na tumatakbo na papalapit sakanilang kinaroroonan. Inikot pa niyang muli ang kaniyang paningin at nasilayan na si Daisy na napaatras nang magtama na ang kanilang tingin.

"Magbabayad ka sa ginawa mo kay Yvonne!"

Galit na sigaw ni Kimberly kay Daisy sabay lutang na nito sa ere at mabilis na lumipad papalapit sa kinaroroonan ng apo ni Dalis na tumatakbo na papalayo rito.

"Jervin…"

Mahinang tawag ni Yvonne sa pangalan ni Jervin habang pinipilit na nitong hawakan ang pisngi ng binata at nakangiti pa rin dito. Naluha na rin ng tuluyan ang binata habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga.

"Kali… mutan… n-niyo… na… a-ako…"

Pilit na sabi ni Yvonne kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata gamit ang kaniyang lumuluhang mga mata at nginingitian ito. Umiling ang binata bilang tugon nito sa dalaga at hinawakan na ang kamay nito na nasa kaniyang pisngi.

"Yvonne, wag mong sabihin yan. Wag mong sabihin yan. Hindi ka pa mamamatay, ha. Hindi ka pa mamamatay."

Sabi ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin itong umiiling sa dalaga at hawak pa rin ang kamay nito. Natigil na sa pagtakbo sila Melanie at Jay mula sa di kalayuan at pinanuod na lamang ang dalawa habang umiiyak na rin silang pareho.

"Leha! Leha!"

Sambit ni Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan si Yvonne na kaniyang yakap at hindi pa rin binibitawan ang kamay nito na nasa kaniyang pisngi. Dahan-dahang umiling ang dalaga bilang tugon nito sa binata habang hindi pa rin inaalis ang ngiti sakaniyang mga labi.

"Yvonne…"

Mahina nang tawag ni Jervin sa pangalan ni Yvonne habang patuloy pa rin itong umiiyak. Ang mga kamay ni Jay ay naghugis kamao na habang patuloy pa rin nitong pinapanuod ang dalawa mula sa di kalayuan at umiiyak pa rin.

"I… l-love…"

Sabi ni Yvonne kay Jervin pero bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin ay pumikit na ang dalaga at bumagsak na ang kamay nito na nakahawak sa pisngi ng binata. Nagdikit ang kilay ng binata at bakas ang pagka gulo sa mukha nito nang pumikit na ang dalaga. Hinawakan na nito ang pisngi ng dalaga at saka marahang itong ginigising.

"Yvonne. Yvonne."

Tawag muli ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong sinusubukang gisingin ang dalagang kaniyang yakap. Nang maka ilang beses na itong subok sa pag gising sa dalaga at hindi pa rin ito nagi gising ay unti-unti na itong natataranta.

"Yvonne! Yvonne! Yvonne!"

Sigaw na ni Jervin sa pangalan ni Yvonne habang patuloy pa rin nitong ginigising ang dalaga na kaniya pa ring yakap. Napaluhod na lamang si Jay nang pumasok na sakaniyang isipan na namatay na ang dalaga, habang si Melanie nama'y tinakpan na lamang ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang parehong kamay.

"Yvonne!"

Huling sigaw ni Jervin sa pangalan ni Yvonne habang naka tingala na ito at nakapikit na, dahilan upang mayroong malakas na puwersa ang lumabas mula sakaniya at kumalat ito. Tumalsik pareho sina Melanie at Jay at saka tumama silang pareho sa puno. Ang mga naglalaban pa ring mga Diwata at mga Balderas ay tumalsik na rin, dahilan upang matigil na sila sakanilang paglalaban-laban sa isa't isa at tumama rin sa mga puno. Ang puwersang inilabas ng binata'y umabot hanggang sa dagat na pumapalibot sa bansang Pilipinas, dahilan upang makaramdam ng malakas na ihip ng hangin ang mga lugar na naabot ng puwersa nito.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
iboni007 iboni007

~ You should live your life to the fullest with the people you love the most. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C166
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk