Unduh Aplikasi
11.11% Angel of my Journey / Chapter 3: Chapter 3

Bab 3: Chapter 3

Bumungad sa kanya ang isang magarang bahay na may pinturang asul. Medyo matataas ang mga bakod nito at medyo malawak ang hardin. Dinala ng katiwala ang mga gamit niya sa loob samantalang siya ay pinagmamasdan ang kanyang magiging pansamantalang tirahan. Hindi niya Alan kung ano ang maramdaman ng mga oras na yun. Natatakot siya para sa kanya at sa kanyang mga magulang. Gusto niyang ipagtanggol ang kanang mga mahal sa buhay ngunit heto siya at nagtatago. Masyadong malihim sa kanila ang mga magulang. Dahil na rin siguro para sa kanilang kaligtasan.

Nagising ang diwa niya sa tawag ng katiwala. "Sir pumasok na po kayo." Nag-aalalang tawag nito.

"Kayo po ba ang makakasama ko dito?" Tanong niya sa matanda. Medyo nasa 60 na ang katiwala. Siya ang naglilinis ng bahay at nag-aalaga ng mga halaman.

"Ay sir, hindi ko po alam. Ang bilin sa akin eh ihahatid lang po kayo dito."

"Ganun ba?" Walang ekspresyon niyang sagot.

Dumiretso siya sa loob ng bahay. Maayos ang pagkakalagay at kompleto ang mga gamit. Mukha ngang inaalagaan ng mabuti. Nagtataka lang siya kung sino ang may-ari nito. Wala kasi siyang maalala na may rest house sila sa lugar na ito.

Naalala niyang tawagan ang ama.

"Hello dad!" Masayang bati niya.

"O anak kumusta?"

"OK lang dad. Andito na ako sa bahay."

"Mabuti naman at ligtas kang nakarating dyan." Isang sigh of relief ang pinakawalan niya.

"Dad kaninong bahay nga pala 'to. Sa pagkakaalala ko wala naman tayong bahay dito." Di niya napigilang tanungin ang ama.

"Hindi mo na kailangang malaman. Pero huwag kang mag-alala safe ka dyan. Anyway don't worry about your budget, magpa padala ako. Relax at isipin mo nagbabakasyon ka lang. Huwag mong kalimutan lahat ng bilin ko hijo. Huling tawag mo na to at dapat nating mag-ingat."

"Pero dad.."

"Mag-ingat ka palagi..bye." Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Dad sandali...hello? Hello dad!" Ngunit naibaba na ni Michael ang phone.

Napalunok siya. Nakakalungkot. Nanghihina siyang ibinaba ang phone at napaupo. Napabuntong-hininga siya. "Sana maging okay na ang lahat para maging normal na ulit ang buhay namin." Saloob-loob niya.

Maya-maya ay may kumatok.

"Tao po. May tao na ba dyan? Tao po!" Boses Babae pero kinabahan pa rin siya. Nag-aalinlangan siyang buksan ang pintuan.

"Sir, sir BJ andyan na po ba kayo? Huwag kayong matakot si Ruby po ito." Tawag ng babae sa labas na katok pa rin ng katok.

Nahimasmasan naman siya sa narinig at tumayo para pagbuksan. "Sandali."

"Sandali."

Pagkabukas ng pinto....

"Sino ka?"

"S-sir papasukin mo muna ako." Anang nagpakilalang Ruby. "Ako po talaga to, hindi ninyo nakilala boses ko sir?"

"Sige pumasok ka muna."

"Sir pasensiya na kung ganito hitsura ko para tulog akong bakla." Kung makapaglagay naman kasi siya ng make up sobrang kapal dagdag pa ang blonde niyang wig

"Naiintindihan ko, bakit ka ba nandito? Sabi ni dad pauuwiin daw kayo.'

" Yes sir pero may ipinadala po si sir Michael para sa inyo." Nakangiti pa ring sagot nito. Saglit lang sir ha. Tumayo si Ruby at parang may tinitingnan sa labas. "Ay sir pahinga muna kayo. Mag-usap na lang tayo ulit ha? Goodnight na sir."

Naguluhan man pero umakyat na rin siya at nagpahinga.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C3
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk