"Sino ka? Wala kang karapatan na hawakan ang aking katawan! Lapastangan! " Galit na galit na ani ni pogi bago ako itulak.Napaigik naman ako sa sakit ng pwet ko.Ang harsh nya grabe.
"Wag ka ngang OA! Di ko naman sinasadyang mahawakan ang yum-este katawan mo, Kasalanan ko bang nandyan ka sa pagbabagsakan ko?"tumayo ako dahan dahan,naman oh ang sakit.Pumamewang ako kay pogi at nakipagtitigan sakanya.
Lalo lang akong sinamaan nito ng tingin.
Pinagmasdan ko ng mabuti ang kanyang mukha.Omygad dai! Ang hot nya! Para syang hulog ng langit sa kagwapuhan!Pasimple kong hinawakan ang garter ng panty ko mahirap na baka mahulog.
"Mababang uri ng nilalang, Ang lakas nang loob na sagutin ako?!Gusto mo bang patayin kita ngayon? "
"Saan mo ako papatayin sa sarap?"agad naman akong napatakip ng mukha,ng marealize ko ang sinabi ko,bwisit na bunganga,malandi.
"Kaylan pa naging masarap ang mamatay? Nahihibang ka na ba?"Nakataas na kilay na tanong nito. Napairap naman ako.
"Ang slow mo ah, Bahala ka na nga dyan babalik na nga ako sa kwarto ko"Tatalikuran ko na sana sya ng bigla nya akong hinawakan sa balikat at tinulak ng malakas sa pader.
"Wala kang karapatan na talikuran ako Tao, Masyado kang walang galang kaya ang dapat sayo ay mamatay"Gulat kong tinignan ang lalaki, nakaguhit sakanya ang nakakatakot na ngisi. Para syang demonyo. So hindi talaga sya nagbibiro na patayin ako?
"Wag mo kong patayin,ayokong pang mamatay,marami pa akong pangarap, gusto ko pa makapag asawa"nagsisigaw kong sabi. .Humahalaklak naman ito ng nakakatakot. Habang dahang dahang papalapit sakin.
"Sige umiyak ka lang at matakot ka sa akin Tao, lalo mo lang akong pinapalakas"napalunok ako ng laway sa sobrang lalim ng kanyang pagkakasabi.Tinaas nya ang kanyang kanang kamay.Halos mahimatay ako dahil sa haba ng kanyang mga kuko. Parang mas matalim pa iyon sa kutsilyo. Ngayon na talaga ata ang kamatayan ko. Sinwerte lang ako nung una. Hindi ko akalain sa kagagahan ko mamamatay ako ng wala sa oras. Sino ba kasi itong lalakeng ito? Bigla nalang syang sumulpot,isa kaya itong takas sa mental?
"Humihingi ka na ba ng tulong sa kanya? Walang paki alam sayo ang panginoon mo hindi ka nya maliligtas kahit magdasal ka pa" Hindi ko namalayan na nakalapit na sya sakin at hawak na nya ang leeg ko. Nagpupumiglas ako sa hawak nya pero sobra ang kanyang lakas. Lumaki ang aking mga mata ng Tinutok na nya sa leeg ko ang matutulis na kuko nya.Wala na akong magagawa kung hindi gawin ang special attack ko sa mga lalake.
Kinagat ko ng sobrang lakas ang kanyang kanang kamay at sinipa sya ng bonggang bongga sa alaga nyang jumbo hotdog. Agad naman itong napahiyaw sa sakit kaya nakawala ako sa hawak nya. Napaubo ubo akong nakahawak sa leeg ko. Grabe buti nakayanan ko pang huminga.
"A-nong ginawa mo s-sakin? "namimilipit itong nakahawak sa kanyang gitna. Ngumisi naman ako at nag V sign sakanya
"Iyan ang tinatawag kong Minute Shaolin Kick"napaupo na ito sa sobrang sakit. Grabe sobrang lakas yata talaga ang sipa ko.Nagkibit balikat nalang ako at tumakbo na papalayo sakanya. Uuwi na ako di nako babalik sa hospital mahirap na baka matuluyan na talaga nya akong patayin.
"Malalagot sa akin ang nilalang na iyon pag bumalik na ang aking lakas" mahinang sambit ni Lucifer habang nakatingin sya sa papalayong babae.
Hindi nya akalain na magagawa syang saktan ng isang mortal na nilalang.Isang kahiya hiyang pangyayari sa isang prinsipe na katulad nya. Sumandal si Lucifer sa pader at huminga ng malalim. Wala pang ilang segundo,nagsilabasan na ang kanyang mga pangil at pakpak. Naging pula narin ang kanyang mga mata.Katakot takot ang kanyang itsura,ang demonyo na kinakatakutan ng lahat ay magsisimula ng maghasik ng lagim sa lugar ng mga mortal.