It's my birthday today and I'm not in the mood para magcelebrate or magparty. Kinukulit ako masyado ni Euri kung anong plano ko pero at the end of the day simple dinner lang with the whole family ang mangyayari. Sabi ko sa kanya, magvacation na lang kami sa Palawan, sa resort ni Lolo next week.
Kasalukuyan akong nag-aayos ngayon nang hindi ko alam ang dahilan. Oo birthday ko at kakain kami sa labas ng pamilya ko, hindi naman yun big deal. Hindi ako mahilig magmake-up, suklay lang at powder okay na. Pero pinagalitan ako ni Lolo kanina paglabas ko na pulbos lang ang nasa mukha ko. Artista ba ako para magprepare ng ganito?
Mataman kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Dark circles, ano ba? Kelan mo ba ako lulubayan? Ikaw ba ang dahilan kung bakit ko kelangan maglagay ng kolorete na to?
Nagpakawala ako ng isang malalalim na buntung-hininga. Ilang gabi na rin kasi akong hindi nakakatulog, siguro yun ang dahilan ng pag-exist ng eyebags na to. Jusmi naman kasi! Bakit pa nagpakita yung taong yun?
Two weeks ago...
" Euri, that freaking ghost from my five years ago, andito sya..." hindi ko alam kung bakit pero yun lang ang lumabas sa bibig ko.
"What? Anong multo?" Naguguluhan nyang tanong sakin.
"..." hindi ako nakasagot na parang umurong ang dila ko, pumikit ako at tinuro na ang kinaroroonan nya.
"Crap Mist! May nakikita ka bang hindi ko nakikita? May third-eye ka?" Ani nito na nakatingin pa rin sa lugar na tinuturo ko.
Napamulat ako sa sinabi nya. Wala na dun ang sasakyan at wala ding bakas nang taong tinutukoy ko.
Pakiramdam ko bigla akong nanghina na parang hinigop lahat ang lakas ko. Nawala ako sa balanse at biglang napaupo.
"Alam kong sya yun. Kitang-kita ko." Hindi ko napigilan ang mga luhang kumawala mula sa mga mata ko.
"BFFE okay ka lang?" Umupo na rin sya at niyakap ako.
"Euri, nakita ko sya. Bumalik na sya." Sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya at nagpatuloy lang sa pag-iyak.
"Ohemgee! You mean si Zig?" Napabitaw sya sakin at gulat na gulat na hinawakan ang mga balikat ko.
Tumango lang ako at pinunasan ang mga luha ko. Bakit ganito? Apektado pa rin ako. Akala ko ba nakamove-on na ako? Parang bumalik kasi lahat ng sakit at galit na naramdaman ko ng mga panahon na yun.
"Sure ka ba talaga na sya yun? Nakita mo ang mukha nya? Tsaka five years ago pa kayo huling nagkita, malamang malaki na pinagbago nya." Bakas sa mga mata nya ang doubt sa sinasabi ko.
"Yung side view lang nya yung nakita ko. Pero hindi ako pwedeng magkamali, sya talaga yun."
"Pwedeng mali ka rin. Hindi tayo sure na sya nga yun. Kaya kalimutan mo na yung nakita mo at wag mo na masyadong isipin yun." Ani nya habang tinatapik ang likod ko.
"Sorry Euri sa naging attitude ko. Akala ko talaga nakamove-on na ako."Napatingin ako sa lupa. May punto si Euri.
"Okay lang yun BFFE, kahit naman sino ganyan ang magiging first reaction kapag nakita ang ex-boyfriend na five years ng hindi nakita. Tsaka considering yung ginawa niya sayo, kahit ako ganyan ang magiging reaction ko. Pareho ko kayong bestfriends pero galit ako sa nangyari."
Salamat sa isang set na naman ng birthday greetings mula sa mga friends ko, napabalik ako sa realidad. Sumubsob ako at ginulo ang buhok. Aaargh! Bwisit na lalaki yun hindi pa rin ako pinapatahimik.
"Hey, look at me. Tama si Euri, nagkamali ka lang. Wag ka masyado mag-isip. Wala sya dito. At isa pa, tinawagan ko na si Lolo Raph to confirm sabi naman nya nasa New York si Zig. Kaya focus Misty Angela. Focus. Focus. Understood?" Sabi ko na para akong baliw dito habang kinakausap ang sarili sa salamin.
Nag-ayos na ako, nagbihis and after few seconds ay narinig ko na si Yaya Mila na kumakatok.
Narating namin ni Lolo ang isang lugar na sobrang familiar at malapit sakin dati. Of all places, bakit dito?
"Lo, what are we doing here?" Tanong ko sa kanya pagkababa namin ng sasakyan.
"We're going to have dinner here. I invited your Lolo Raph and he suggested na dito na lang tayo magdinner. Medyo matagal-tagal na rin kasi bago tayo nakabisita ulit dito, lalo ka na." Paliwanag nya.
"Okay po." Labag sa loob kong sagot sa kanya. Oo na lang, baka kasi mag-usisa pa sya kung bakit hindi na ako pumupunta dito. Alam ko naman na hindi ko masasagot.
Hindi naman sa pag-iisip ng masama pero akala ko talaga Archivedo's lang. Kung alam ko lang eh di sana ininvite ko din ang family nila Euri.
"Let's go Mist, I think everyone's waiting for us." Pukaw ni Lolo sa atensyon kong lumilipad sa ere.
Pagpasok namin sa loob ng restaurant walang katao-tao at sobrang tahimik, taliwas sa inexpect ko. Bakit parang walang ibang tao? Apocalypse na ba? O talagang wala nang kumakain dito?
Dumiretso kami ni Lolo sa second floor at bumungad samin ang isang mahabang table na occupied ng Archevido's habang si Lolo Raph naman ay nakaupo na rin sa kabilang dulo. Nandito ang tatlong uncles ko, ang kani-kanilang asawa at ang mga pinsan ko na puro mga lalaki. Kompleto ang cast ngayon, parents ko na lang ang kulang. Kung nabubuhay lang sila, surely masayang-masaya sila ngayon.
Nakuha ang atensyon ko ng tatlong blangkong upuan na nasa harap ko. As far as I know andito na ang lahat, at dalawa na lang naman kami ni Lolo na hindi pa nakakaupo. Siguro spare chair lang yun.
"Compadre! Thank you sa paginvite samin dito at sa pagpapasara ng buong restaurant. You don't have to do this, actually." Tapos nagshakehands ang dalawang matanda. Ako naman ay nilibot ang mesa at nagbeso sa bawat isa sa kanila.
"It's nothing at ako dapat ang magpasalamat sa inyo for inviting me in this special day. Misty, balita ko ang tagal mong hindi pumunta dito. By the way, happy birthday hija, I have a very good gift for you. Mamaya darating na yun." Bati nya sakin nang lumapit ako sa kanya.
He's Lolo Raph. My Lolo Art's bestfriend. Simula daw high school magkaibigan na talaga sila, hindi pa man sila successful sa kani-kanilang buhay. Mas una pa nga syang naging parte ng buhay ni Lolo kesa sa Lola ko eh.
Umupo na kami ni Lolo, maya-maya ay nagserve ng appetizer ang waiter. Naging maingay na ang buong lugar ng nagsimula na silang makwentuhan. At yung mga kwento nila, ako ang bida. Pano ba naman puro panlalaglag sakin, kung anong embarassing moments ko at kalokohan ko for the whole twenty-one years of my existence.
"My gift for Mist is here." Natahimik ang lahat ng magsalita si Lolo Raph. Natuon ang atensyon namin sa yabag ng taong paakyat ngayon ng hagdan. Wala akong kakurap-kurap habang hinihintay kung ano ang regalo sakin. Ano to, bakit kinakabahan ako?
Napatayo ako sa kinatatayuan ko ng makita ang lalaking paparating. May hawak syang bouquet ng flowers at isang malaking paper bag.
"My God. Zig?..."