Raven's POV
Pagkatapos naming makita ang biktima ng Blood Rebels sa Prison tree, nagsitakbuhan kami. Hindi na namin binalak na bumalik pa dahil baka madamay pa kami, kaya dumiretso na lang kami sa classroom.
Pagkapasok namin, wala pa ang mga kaklasi namin. Kami pa lang ang bumabalik. Umupo na kami para magpahinga dahil hiningal kami sa pagtakbo. Nabigla kasi kami sa mga honey bee na 'yon kaya dali-dali kaming tumakbo.
Pagkaupo ko, tumingin ako sa paligid kasi napansin kong wala si Syden sa tabi ko.
"May problema ba Raven?" napansin ni Icah na hindi ako mapakali.
Tumingin siya sa tabi ko pero napansin niya rin na wala si Syden, kaya tumingin din siya sa paligid.
"Hmmm! Nasaan si Syden?" Nakita niyo ba Maureen?" tanong niya sa kanila.
Napansin din nina Maureen na wala siya kaya lahat kami nagsitayuan para hanapin siya.
"Hindi ba natin siya kasamang tumatakbo kanina?" pagtataka ni Maureen.
Nagtitinginan lang lahat kami dahil parang hindi nga namin siya kasama kanina noong tumatakbo kami.
"Ako ang nasa pinakalikod ninyo kanina at parang wala nga siya, ang akala ko naman natakpan lang siya ni Raven kaya hindi ko makita" sabi ni Hadlee.
"Saan siya napunta?" tanong ko sa sarili ko habang tumitingin sa may bintana.
"Huwag kayong mag-alala, babalik din siya" sambit ni Hadlee para kumalma kami.
Patuloy pa rin kaming tumitingin sa paligid.
"Baka naman nag-CR lang?" sabi naman ni Maureen.
"Oo siguro nga. Hintayin na lang natin siya" tumango naman si Icah sa sinabi ni Maureen.
Siguro nga nag-CR lang siya. Hihintayin ko na lang siya.
Habang hinihintay ko siya, naisipan kong umidlip muna. Sinabihan ko sina Icah na gisingin ako kapag nakabalik na si Syden at pumayag naman sila. Busy silang nagkwekwentuhan kaya tinulugan ko na lang sila.
......
Nagising ako dahil maingay na, tumingin ako sa paligid at nandito na ang mga kaklasi namin. Buti na lang at Wednesday ngayon, walang teacher.
Tumingin ako sa relo ko at isang oras na ang lumipas wala pa rin ang katabi ko.
"Icah? Wala pa rin ba si Sy?" tumingin ako sa kanila na tahimik lang na nakaupo at mukhang pagod.
"Wala pa nga eh" sabi niya.
"Kanina pa namin hinihintay pero wala pa rin" mahinang sabi ni Hadlee habang sinusulatan niya ang desk niya gamit ang lapis.
"Hanapin kaya natin?" sabi naman ni Maureen habang busy siyang kumakain ng lollipop. Si Icah naman, nakaupo lang.
Tumayo si Maureen kaya sinundan din siya ni Icah at Hadlee para hanapin si Syden.
Ang kapatid ko laging nawawala.
"Dito ako sa kabila maghahanap" tumayo na rin ako para maghanap sa kabilang banda.
"Sige" sabi naman nila.
Dumiretso sila sa back door para sa right side maghanap, ako naman sa left side.
Dahil CR ang pumasok sa utak ko, feeling ko naiihi ako kaya kailangan ko ngang mag-CR.
Hanggang ngayon talaga, hindi pa rin ako komportable na kasama sila. Puro babae kasi sila. Sa lahat ng babae, kay Syden lang talaga ako komportable.
Naglakad na ako sa hallway para maghanap ng mas malapit na men's restroom, dahil kung lalabas pa ako, mas malayo.
Sa pagdaan ko, maingay ang bawat classroom. Nakarating na ako sa bandang exit ng school building at nakakita ako ng men's restroom kaya pumasok na 'ko.
Pagkatapos ko, naghugas ako ng kamay, inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas.
Pagkalabas ko sa pintuan, may nakabanggaan ko. Nagulat ako ng makita ko siya, si Syden, hinihingal at pinagpapawisan.
"Sy?! Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa namin hinihintay sa classroom" nabigla din siya nang makita ako.
Parang galing siya sa labas. Tumitingin siya sa paligid na parang may hinahanap kaya tinignan ko rin ang paligid kung sino ang hinahanap niya.
"May problema ba? Sinong hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Pabayaan mo na" tumingin siya sa akin at hinihingal pa rin siya.
"Saan ka galing? Bakit hinihingal ka at pinagpapawisan?" pagtataka ko.
Tumingin lang siya sa akin habang nakalagay sa baywang niya ang mga kamay niya.
"May humahabol ba sa'yo?" tanong ko.
"Wala. Walang humahabol sa akin. Ako ang nanghahabol sa kanya" sambit niya.
"Sino? Bakit mo ba hinahabol?" dagdag ko pa.
"Wala. Pabayaan mo na. At saka huwag huwag ka ngang tanong ng tanong Raven, lalo akong hinihingal sa'yo" pagsusungit niya.
So ngayon kasalanan ko pa na nagtatanong ako. Siya nga itong hindi agad bumabalik sa classroom.
Nag-umpisa na siyang maglakad kaya sinundan ko siya papunta sa classroom namin at umupo siya.
Mukhang pagod na pagod siya.
Humiga siya sa desk niya habang ako tinitignan ko lang siya.
"Hoy! Syden, saan ka nanaman galing? Lagi kang nawawala ng walang paalam?" sinapok siya ni Icah ng malakas kaya napahawak siya sa ulo niya.
"Aray!! Icah masakit!" pagrereklamo niya.
"Talagang masakit! Saan ka nanaman ba galing? Bakit bigla ka nanamang nawala? Buti na lang pumunta muna kami dito para siguradahing wala ka pa, bago ka namin hanapin" umupo na sila sa likuran namin habang umiinom sila ng C2.
"May hinanap lang ako" sagot niya.
"Sino naman?" tanong ni Icah.
"Wala. Hindi niyo kilala kaya huwag niyo ng alamin" humiga siya ulit sa desk niya.
"Tapos?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin habang nakahiga siya.
"Bakit mo hinahanap?" dagdag ko pa.
"Basta" bumalik na siya ulit sa pwesto niyang nakahiga kanina.
Ang weird niya ngayon. Ano naman kayang nangyari sa kanya?
Nanahimik na lang ako dahil baka sipain niya pa ako sa kakulitan ko sa kanya sa pagtatanong.
Biglang may pumasok na estudyante na hindi naman namin kaklasi, may hawak siyang box at inilapag 'yon sa desk ng teacher kaya napatingin lahat kami sa box na inilapag niya.
Nag-umpisang magbulungan ang mga kaklasi namin kaya nagtaka ako. Nagtaka rin si Syden dahil sa bulungan kaya inayos na niya ang upo niya at napatingin din siya sa box na nasa desk ng teacher.
"Bumunot na kayo ng class number niyo. Bukas mag-uumpisa sabi ng council. Matatapos after two weeks" matapos niyang sabihin 'yon umalis na siya at iniwan niya ang box.
Tumingin kami ni Syden kina Icah para malaman kung para saan ang class number na sinabi ng estudyanteng pumasok sa room kanina.
"Bakit bubunot ng class number? Para saan?" tanong ni Syden.
"Every year ginagawa namin 'to. Bubunot ka ng class number mo. Kung anong class number ang mabunot mo, doon ka dapat pumasok sa loob ng two weeks" pahayag ni Icah.
"Halimbawa class-2 ang nabunot mo, ang class-2 is tambayan ng Redblades. Doon ka dapat pumasok sa loob ng 2 weeks" pahayag ni Maureen.
"Paano kung ibang class number ang pasukan namin?" tanong ko.
"Hindi pwede. Mapaparusahan ka. Kung ano ang nabunot mong class number. Doon ka lang dapat pumasok, hindi ka dapat pumasok sa ibang class or bumisita" dagdag pa ni Hadlee.
"Bakit kailangan pang gawin ang ganoon?" tanong ni Sy.
"Hindi rin namin alam. Basta kung ano ang desisyon ng council, sinusunod lang namin" sambit ni Icah.
Nagsitayuan lahat sila at nag-line para bumunot ng class number. Sana pareho kami ng kambal ko para magkasama pa rin kami. Tumayo na rin kami at naka-line kami sa pinakalikod.
Pagkarating namin sa harap, saktong lima na lang ang natirang papel kaya sana magkakapareho ang nabunot namin.
☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸
Syden's POV
Habang bumubunot ako. Pinapanalangin ko na sana sa maayos na classroom ako mapunta at sana pareho kami ng mabunot ni Raven para magkasama kami.
May nahawakan akong papel which is nasa pinakauna pero baka naman class no. ng Redblades ang nasa papel na ito. Kumuha ako ng ibang papel...baka naman sa Phantom Sinners ang class no. na hawak ko. Kaya minabuti kong ang susunod na mahahawakan ko, final na. Hindi ko na papalitan, sana hindi ko pagsisihan.
Pagkatapos kong bumunot, umupo ako kaagad at mahahalata sa mga mukha ng kaklasi ko na may kinakabahan habang binubuksan ang papel, mayroon namang masaya na at mayroon ding tahimik lang.
Nakaupo na kaming lahat at kinakabahan akong buksan ang sa akin.
"Icah? Paano namin malalaman kung sinong nakatambay sa class no. na nabunot namin?" tumalikod ako para harapin sila.
"Bukas pa lang natin malalaman dahil bukas pa lang natin makikita. Rere-shuffle nila ang mga class number kaya hindi mo matutukoy kung sinong tambay sa class na mapupuntahan mo. Pero huwag kang mag-alala, lahat naman ng students dapat bumunot kaya kung mapupunta ka kunwari sa class number ng Redblades, hindi naman lahat ng Redblades daratnan mo. Magkakahalu-halo ang mga students kaya kahit mapunta ka sa class number ng Redblades hindi naman Redblades lahat ng kasama mo" pahayag niya.
Dahil doon, nakahinga na ako ng maluwag. Sana nga maayos na room ang mapuntahan at datnan ko.
Binuksan na ni Raven ang papel na nabunot niya,
"Class no. 9 ako" pinakita niya sa akin.
Napagpasyahan kong buksan na rin ang papel na hawak ko.
Sana class no. 9 din ako.
Binuksan ko ng dahan-dahan hanggang sa nakita ko kung anong class no. ako.
Pinakita ko kay Raven, "Class no. 10 ako" sabi ko sa kanya.
Bakit hindi kami pareho!
Nakakainis at nakakalungkot.
Ngumiti lang siya at dahil sa inis ko, nilukot ko ang papel na hawak ko at shinoot sa basura.
Pinakita rin sa amin nina Icah ang class number niya. Class no. 5 siya habang si Hadlee at Maureen naman nagsasaya dahil pareho silang Class no. 3.
"Yesss! Pareho tayo" sobrang saya nilang dalawa habang ako, si Raven at Icah, tahimik lang kami dahil hindi namin alam kung saan kami mapupunta bukas.
Dahil pagod na rin kami, nag-ring na ang bell kaya bumili muna kami ng pagkain sa cafeteria bago kami bumalik sa dorm. Masaya kaming kumakain ng sabay-sabay at na-feel kong kahit nakakulong kami dito, parang may pamilya pa rin kami ni Raven.
Nasa dorm kami ni Icah habang kumakain kaming lima. Maingay at magulo pero masaya. Dahil sobrang busog na ako, tumayo ako at sumilip sa bintana. Nakikita ko ang mataas na wall na pumoprotekta sa Prison School na may electric barrier. Sobrang mataas nga ito kaya mahirap takasan. Kahit pa ata maghagis ka ng bato hindi man malalampasan ang wall na'to.
Bigla kong naalala ang nangyari sa Heaven's Ward High. May nakita akong plastic bottle.
☯..Flashback..☯
Pero bago ako nakaalis, may nakita akong nahulog coming from the other side of the wall. It was a plastic bottle, inside that bottle was a small paper so I took the paper inside.
"Do not go any further. Stop researching. Stop finding the truth. The truth won't set you free" -outsiders
"Sinong outsiders?" ang tanging lumabas sa bibig ko since I read those mysterious words.
At lalo pa akong kinabahan because that paper has stains of blood
☯..End of flashback..☯
Bigla kong binalikan sina Icah habang kumakain pa sila. Napansin nila ako kaya tumigil sila sa pagkain.
"Icah? May itatanong sana ako?"
Pinunasan niya muna ang bibig niya bago siya nagsalita,
"Sige. Ano 'yon?"
Lahat sila nakatingin sa akin at seryoso sila.
"Noong nasa HW High pa kami ni Raven. May nakita akong plastic bottle na nahulog galing dito sa PS. Nakalagay doon na galing yung bottle sa Outsiders. May alam ba kayo tungkol doon?" tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan silang tatlo na parang nabigla sa tanong ko.
"Natanggap mo yung bottle?!" gulat niyang sabi. Lalo namang na-e-excite sina Maureen at Hadlee.
Tumango ako, "Oo"
"Success naman pala ang ginawang device ng member ko!"masayang sabi ni Icah, habang tumitingin kina Maureen.
Nagulat sila pero at the same time parang masaya. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.
"May ginawang device ang isang member ng grupo ko. Naiinip siya kaya gumawa siya ng device na maaaring makapagpadala ng message sa HW High. Naisipan naming kumuha ng plastic bottle at maglagay ng message sa loob lalo na't laging naga-activate ang electric barrier. Ibig sabihin may humahawak nito from the other side. Gusto naming sabihin na huwag ng hawakan ang wall dahil baka mapunta sila dito sa PS. Sabihin niyo nga sa amin, na-curious kayo kaya niyo inaalam kung ano ang PS d'ba? Kayo rin ang humahawak sa wall?" tanong ni Icah.
Nagkatinginan na lang kami ni Raven dahil totoo naman iyon.
"Oo. Hinahawakan namin ni Raven ang wall dahil curious kami. Ako ang nakatanggap ng message...pero bakit may dugo?" tanong ko.
"Nilagyan namin ng dugo para kung sakaling may makabasa ng message. Matakot siya at huwag ng ituloy ang pagreresearch sa PS. Pero dahil ikaw ang nakatanggap ng plastic bottle na pinadala namin, hindi ka naniwala dahil curious ka. Kaya ngayon, napunta kayo dito" seryoso niyang sabi.
Ang seryoso nilang mukha bumalik sa pagiging masayahin.
"Pero hindi namin expect na makakapunta ang plastic bottle sa Heaven's Ward High. Ang device na 'yon ay parang baril, nilagay namin ang bote doon. Noong tinira niya pataas, lumipad din yung bottle pero hindi na bumalik kaya ang akala namin nalusaw dahil naglagay siya ng chemical doon para daw mataas ang lipad, pero pwede rin naman daw na malusaw ang object kapag sumobra ang chemical na inilagay. Ang paniniwala namin nalusaw ang bottle kaya hindi na bumalik"
Dahil hindi nila alam na nakarating sa HW High ang pinadala nilang bottle kaya noong nalaman nilang natanggap ko 'yon. Nabigla sila at nasiyahan.
Pero kung pinaniwalaan ko sana ang pinadala nilang message, wala sana kami ni Raven ngayon dito.
"Kung natanggap mo yung letter sa loob ng bottle, bakit hindi mo pa iniwasan ang wall na 'yon?" nag-alalang tanong ni Hadlee.
"Kahit naman iwasan ko, makakapasok pa rin naman ako dito d'ba? Kayo na nga ang nagsabi na frame-up lahat tayo ng council" natahimik lahat sila sa sinabi ko.
"Sa bagay, may point ka" mahinang sabi ni Hadlee.
"Pero kung hindi ako nakarating dito, edi sana hindi ko kayo nakilala kaya okay lang" masayang sambit ko.
Ngumiti ako at ngumiti din sila kaya bumalik na ang pagiging maingay namin.
Nag-umpisang ikwento ni Icah kung paano nila nabuo ang Silent Alliance at kung paano sila nagkaroon ng sariling dorm. Abandoned na daw kasi ang mga dorm na tinitirhan namin ngayon pero nagtulung-tulong daw silang tatlo para maayos ang mga dorm, dati raw kasi walang maayos na matutulugan sa PS kaya gumawa sila ng paraan para magkaroon ng maayos na matutulugan.
Sa matagal nilang pag-uusap, nanatili lang kaming nakikinig ni Raven hanggang sa inantok na lahat kami at nagsibalikan na kami sa mga dorm namin.
Humiga na ako para makapagpahinga.
Sana maayos ang class no. 10. Hindi ko alam kung sino at ano ang daratnan ko, pero pinapanalangin ko na lang na sana hindi Redblades, Phantom Sinners at Blood Rebels ang mapuntahan ko.
To be continued...☯