Unduh Aplikasi
56.25% SOON TO BE DELETED 2 / Chapter 45: ♥ CHAPTER 92 ♥

Bab 45: ♥ CHAPTER 92 ♥

✿ Dean Carson's POV ✿

Hinintay ko munang makatulog si Syden bago ko siya inihiga sa kama at lumabas muna ako sa kwarto niya pero babalik din naman ako. I just need to talk to my members dahil aalis dapat kami ulit ngayon, kailangan ko silang sabihan na sila na lang ang umalis dahil masama ang pakiramdam ni Syden, hindi ko naman siya maiwanan ng mag-isa lalung-lalo na, new members will have their training kaya wala siyang kasama dito. Nakita ko sila sa may pintuan na hinihintay ako kaya napatingin sila sa akin, "How is she?" tanong ni Sean sa akin habang si Dave naman, nakasandal sa bukas na pintuan. 

"She's sleeping. She needs to rest for now at hindi ako makakasama sa inyo dahil wala siyang kasama" pahayag ko sa mga ito kaya tumango na lang sila, "Fine, I hope maging okay na siya" sagot naman ni Dave pero muling nagsalita si Sean kaya napatingin kami sa kanya, "Sino namang gumawa non sa kanya? Remember, nakita natin siyang duguan ang ulo noong araw na 'yon" 

Nagkatinginan muna kami bago nakapagsalita si Dave, "Maybe Blake and Max?" sa sinabi niyang 'yon ay parang hindi kuntento si Sean kaya nagsalubong ang mga kilay nito, "No. Inamin niya sa atin na sinaktan siya nina Blake and Max pero yung gumawa noon sa ulo niya, ang sabi niya kanina hindi daw sila ang may gawa sa kanya. Sa tingin ko bukod kay Blake at Max, mayroon pang nanakit sa kanya noong araw na nawala siya sa sarili niya" pahayag ni Sean na mas ikinatahimik naming lahat. 

Napatingin na lang ako sa malayo at may bigla akong naalala. That day na nagkahiwa-hiwalay kami ng grupo para hanapin si Syden, nakita kong may saksak si Roxanne habang inaalalayan siya ni Clyde. Pero hindi naging maganda ang pakiramdam ko ng makita ko ang maraming dugo na tumutulo mula sa pader. Bukod doon, pinag-uusapan rin ng Phantoms at Redblades si Syden noong araw na 'yon. Hindi kaya sila ang may gawa noon sa kanya?  I think may kinalaman sila sa nangyari kay Syden. It's either Clyde or Roxanne who made that to her. Kung sino man sa kanilang dalawa ang may gawa noon, hindi ko rin palalampasin. Babalikan ko rin sila, kagaya ng ginawa ko sa dalawang taksil na 'yon.

"Let's just ask her pagkagising niya para malaman natin ang totoo" saad ni Dustin.

"There's no need to do that" sagot ko naman kaya napatingin sila sa akin, "Bakit  naman?" tinignan ko sila isa-isa at ngumiti ng masama, "Bakit pa natin paaaminin si Syden kung pwede naman nating paaminin ang nagkasala? Gusto ko sila mismo ang magsabi sa akin kung anong ginawa nila sa kanya" 

"Dean, walang kriminal ang umaamin sa kasalanan niya" sagot ni Dave kaya mas lumapad pa ang ngiti ko, "Sino bang kriminal ang hindi umamin sa akin? I have something to make them speak and I will always have" masama kong sabi dito kaya napangiti na lang din sila ng masama, "Well, bakit pa nga ba kami magtataka. It's you. You can do everything, Dean Carson" dahil doon ay mas lalo pa kaming napangiti ng masama habang nagtitinginan. 

"Once you become a criminal, tapatan mo lang ng pera, abswelto ka na. But in here, walang halaga ang pera. Once you kill, you can always kill and you will never be a criminal" that's the truth. We're rich, all students here are rich people but what now? Walang halaga ang yaman ng pamilya namin dahil nandito kami. Instead of learning, we're killing. Well, i just want to share what's the use of money kaya nasabi ko 'yon. 

"You're right. All of our money are just useless now" sambit ni Dave bago siya tumayo, "We'll leave now" sambit nito kaya tumango na lang ako. Nakita ko silang isa-isang lumalabas kaya tumalikod na rin ako para bumalik sa kwarto ni Syden because I promised her na pagkagising niya, nandoon pa rin ako sa tabi niya. But even though I did not promise, babalik at babalik pa rin ako sa tabi niya. Man should speak less and do more in actions. 

Ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay nakarinig kami ng isang malakas na pagsabog kaya bigla akong tumingin sa labas dahil isasara pa lang ni Dave ang pintuan dahil siya ang pinakahuling lumabas. Nakita kong natigilan rin sila at nagkatinginan. Narinig namin ang pagsisigawan ng mga estudyante kahit na malayo ang Black House sa mga building. Naririnig namin ang mga pagsigaw nila na parang nagkakagulo dahil sa pagsabog na 'yon. This happened before at palagi na lang nagkakagulo sa tuwing may pagsabog. It's not just an explosion. Sobrang lakas nito na sa laki ng campus ay siguradong maririnig ng lahat kahit nasaan man sila. Muli silang pumasok na parang nagmamadali at nanatili pa rin akong nakatingin sa kinatatayuan nila, "Should we just stay here?" tanong ni Dustin. 

Napaisip na lang ako bago ulit nagsalita, "If we will stay here, hindi natin malalaman kung anong nangyayari sa labas. That explosion is a warning and we need to be aware of it" napatingin na lang ako sa likuran ko ng may humawak sa braso ko, it's her kaya nabigla ako, "Bakit ka tumayo? Kaya mo na ba?" hinarapan ko ito at nag-alalang tinignan siya. Nakita kong bahagya itong ngumiti bago nagsalita, "Sa lakas ng pagsabog na 'yon imposibleng hindi ako magising. Don't worry I'm fine, nakapagpahinga na rin naman ako ng ilang minuto kaya hindi na gaanong masakit ang ulo ko" nakita ko na lang na nawala ang pagngiti nito na ipinagtaka ko, "Pero...para saan ang pagsabog na 'yon, it's not normal" saad niya.

"It's not really normal. That's why we need to find out" 

"You're leaving? Hindi ba delikado?" nakita kong nag-aalala ito kaya ngumiti ako, "I won't leave you here because it's not safe being alone anymore, lalo ka na" napatingin na lang siya kina Sean at alam kong sobrang nag-aalala siya, "I'll just go with you" sagot niya kaya nabigla ako, "No! You can't, hindi pa maayos ang lagay mo" 

"I'm fine muffin. Just let me go with you. Gusto ko rin namang malaman kung anong nangyayari sa labas" pakiusap nito at nagmamakaawa. Nakaugalian na niyang tawagin akong muffin, I'll just stick with that muffin thing, f*ck!

Napahawak na lang ako sa ulo at muli siyang tinignan kaya nagbuntong hininga na lang ako, "Kahit kailan talaga hindi kita matitiis, fine" saad ko sa kanya na ikinatuwa naman niya. 

"Thank you muffin!" saad nito at sobrang saya niya kaya hinawakan ko na lang ang kamay niya, "Let's go" lumabas na kami kaya sumunod na rin ang mga members.

Pero dahil sa lakas ng pagsabog kanina, pagkalabas namin ay medyo mausok ang daraanan. Pagkarating namin sa open field ng campus, nakita naming may mga estudyanteng nagsisitakbuhan at nagkakagulo. Ang iba'y nagtutulakan kaya hindi maiwasang may masugatan at magkaroon ng dugo habang mausok pa rin. 

Kapag nagkakagulo ng ganito, hindi na bago sa grupo ang ganito kaya normal lang kaming naglalakad lalo na't iniiwasan kaming mabangga ng iba dahil sa takot. Kadalasang ginagawa namin, pumupunta kami sa mga lugar na iniiwasan ng mga estudyante dahil naniniwala kaming doon namin malalaman kung ano talagang nangyayari. Basta kapag nakarinig sila ng mga pagsabog, matataranta na silang lahat at magsisitakbuhan. Naniniwala kaming kung saan ang pinakatahimik na lugar, 'yon ang pinakadelikado at doon malalaman ang nakatagong sikreto.

Nang mapansin kong may isang building na kung saan nanggagaling ang ibang estudyante, pumunta kami sa harap noon habang hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Syden at nakasunod sa amin ang mga members. Tinignan namin ang napakataas na building bago tinignan ang entrance noon na patuloy pa rin sa pagtakbo papalabas ang iba. Kitang-kita ko sa mga mukha nila ang labis na pagkatakot at pagkataranta na parang hindi na mapakali at konti na lang ay tuluyan na silang mawawala sa sarili nila. Lalo na lang humigpit ang pagkahawak ko sa kamay niya bago kami naglakad papasok. 

Nang makapasok kami ay nakita naming may bahid ng dugo ang hallway na dinadaanan namin at mukhang napakatahimik sa pinakaloob ng building. Napansin na lang namin na sarado lahat ng classrooms at walang nakabukas ni isa sa mga 'yon. Dire-diretso lang kami sa paglalakad habang masusing inoobserbahan ang paligid. Hanggang sa makarating kami sa parte ng hallway na kung saan pwedeng dumiretso o lumiko. Ngunit nakita na lang namin na mas marami pang dugo ang dinadaanan namin ngayon, hindi lang ang sahig ngunit pati na rin ang pader ay may bahid ng dugo. Pati na rin ang ilaw sa hallway ay hindi na maayos, ang iba'y nakasindi habang ang iba naman ay hindi, at karamihan sa mga ilaw na 'yon ay patay-sindi na tila ilang segundo na lang ay tuluyan ng mawawalan ng ilaw. Dumiretso man kami o lumiko ay ganon ang madadaanan namin pero itinuloy pa rin namin ang paglalakad. May mga iilang estudyante rin ang tumatakbo sa hallway at iniiwasan kami.

Napansin kong mas humihigpit na rin ang pagkakahawak ni Syden sa kamay ko at ang isa niyang kamay ay napahawak sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya. Tinignan niya ako at alam kong kinakabahan siya kaya inakbayan ko na lang ito para mapalapit siya sa akin. Sa paglalakad namin, pagrabe ng pagrabe ang nadadatnan namin. Kung kanina ay punung-punong ng dugo ang sahig at pader sa hallway, ngayon naman ay may mga estudyanteng nakasabit na mas ikinagulat pa namin. Nakasabit sila sa mismong hallway. Ang iba ay duguan, habang ang iba naman ay naninigas at nakalabas ang dila. Duguan sa maraming paraan. May mga nakatahi ang mata at ang iba'y tinanggalan ng mata. Tinakpan ko na lang ang mata ni Syden at niyakap ko siya dahil sigurado akong hindi na niya kayang tignan pa ang mga ito dahil mayroon pang mas grabe sa mga nakikita niya ngayon.

Natanaw ko ang isang katawan na nakasabit sa pinakadulo ng hallway, wala itong mga paa, kamay at pati na rin ang ulo nito, tanging katawan lang. Nakasabit ito at kapag tumingin ka sa baba ay makikita ang mga nawawalang parte ng katawan niya na parang ginawa lang katuwaan kaya dinisplay, dahil doon ay lumiko na lang ako ng daraanan. Ang ulo nito'y nakalagay sa sahig. Nakahiwalay ang mata at nakalabas ang dila.

Pagkaliko namin ay mas hinigpitan ko pa ang pagkakatakip sa mata ni Syden gamit ang kamay ko dahil sa daraanan namin ay may estudyanteng nakasabit sa paraang pabaliktad kung saan nasa itaas ang paa nito at nasa baba ang ulo. Litaw ang bungo nito dahil binalatan ang kanyang mukha at naamoy namin ang masangsang na amoy kaya nagmadali kaming maglakad ngunit isa-isang kaming dumaan dahil nasa pinakagitna 'yon at kailangang iwasan. 

Kapag diniretso namin ang paglalakad ay madaraanan namin ang isang estudyante na nakatali sa upuan at hindi na makagalaw dahil sa punung-puno ito ng karayom sa katawan at tila gusto niyang magsalita ngunit hindi niya magawa dahil nakatahi ang bibig nito pati na rin ang kanyang mata kaya wala siyang makita. Muli akong lumiko ngunit natigilan na lang kami dahil ang daraanan namin ay puno ng mga estudyanteng patay na, sobrang putla at naninigas. Patung-patong ang mga ito kaya hindi kami makakadaan at maraming injection ang nakatusok sa kanila.

Napatingin na lang ako sa nakita kong estudyante na nakaupo na punung-puno ng karayom and we have no choice but to go there straightly. Muli akong naglakad at iniwasan na lang namin siya na ganon ang kalagayan sa gitna ng hallway. Natanaw na namin ang exit ng building kaya nagmadali kaming lumabas doon. Ngunit ang inakala naming tapos na, ay hindi pa pala. Dahil wala ng mas gagrabe pa sa nakikita namin. 

Tuloy pa rin sa pagtakbo at pagsigaw ang iba, maraming patay na estudyante na nakahandusay sa sahig, karamihan sa kanila'y may nakatusok na injection at nakabukas ang mata. The students gone crazier. Ang iba'y wala na sa sarili at kahit patay na ang nadadaanan na estudyante ay patuloy pa rin sila sa pagsaksak sa mga ito na umabot na sa puntong makikita na ang lamang-loob ng iba, dahil sa nangyayari ay hindi na kinaya ng iba kaya't sinubukan nilang umakyat sa napakataas na pader na nakapalibot sa campus.

Bago pa man mahawakan ito ng isang estudyante ay kitang-kita na namin kung paano siya mangisay dahil sa kuryente na nanggagaling sa pader na 'yon, napahiga sa sahig at patuloy pa rin sa pagkakakuryente kaya napaatras ang iba. Ngunit may isa pa rin na pinilit umakyat, kahit na nakukuryente siya ay pinilit niyang umakyat. Nabigla na lang kami ng malapit na niyang maakyat ang pinakatuktok ng pader na 'yon ngunit natulala na lang ang lahat. Napatakip ng bibig ang iba sa pagkabigla habang ang iba naman ay tinakpan ang magkabilang tainga, napaupo at sumigaw na parang nababaliw na. Nahawakan ng estudyanteng 'yon ang pinakatuktok ng pader ngunit pagkahawak niya dito ay natalabsikan na lang ng dugo ang iba ng bigla sumabog ito kaya't nagkalat ang mga parte ng katawan niya. Nanginginig na napaatras ang iba, may napasigaw at ang iba'y tuluyan ng nabaliw.

Unti-unting tumingin doon si Syden at alam kong kinakabahan siya. Tinignan niya ako kaya't tinignan ko rin siya ng maayos at hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. Aalis na sana kami ngunit narinig na lang namin na may sumigaw pa ng mas malakas kaya napatingin kami lahat doon.

Sa isang building, sa mismong third floor, may sampung biglang hinulog na estudyanteng namumutla at naninigas. Nakabukas ang mga mata nila at nakalabas ang mahabang dila. Nakabigti sila kaya't nakasabit sa third floor ng building.

"W-why is this.... h-happening?!" napansin ko na lang na parang gusto ng umiyak ni Syden at nakatingin siya sa akin. Habang magkahawak ang mga kamay namin, ramdam kong nanginginig ito at natatakot siya kaya tinignan ko siya ng maayos, "Hindi rin namin alam, but you have to be stronger. Kailangan mong lakasan ang loob mo or else mahihirapan kang kalimutan lahat ng nakikita mo ngayon" hinawakan ko ang pisngi nito gamit ang isa kong kamay at medyo naluluha na siya, "Don't worry, walang mangyayaring masama sa'yo because I'm here. I'll protect you" I said to her dahil alam kong pinanghihinaan siya ng loob.

Ibinaba ko na ang kamay ko at muling hinawakan ng maayos ang kanyang kamay. Nakita kong napaluha siya pero pinunasan niya rin agad 'yon at muling humarap doon sa building. Narinig na lang namin na biglang nag-activate ang mga speakers na nakapalibot sa campus, they use those everytime na may announcement ang council kaya doon nabaling ang atensyon namin hanggang sa may magsalita, "How are you students? Natanggap niyo ba ang regalo namin para sa inyo?" isang lalaking may nakakatakot na boses ang nagsalita kaya nagtaka kami sa sinabi niya, "Iniisip niyo ba kung anong regalo ang tinutukoy ko? Well, let me give you a clue" pagkasabi niya noon ay mula sa building kung saan may ipinakitang nakabigting estudyante, muling nagkasigawan ng madagdagan pa 'yon lalo na't sobrang itim na ng mga estudyanteng ito dahil limang injection ang nakatusok sa kanilang leeg at kitang-kita namin 'yon.

"That's our gift. Nagustuhan niyo ba? Well, pwede pang madagdagan 'yan kung gugustuhin namin. Malay niyo, kayo na ang susunod. That's a surprise para mas mabigla kayo" narinig na lang namin ang pagtawa ng lalaking nagsasalita, "WHAT DO YOU WANT FROM US?! TIGILAN NIYO NA KAMI!" narinig namin ang pagsigaw ng isang babaeng duguan at umiiyak. Lumapit siya sa building at tinignan ang mga estudyanteng nakabigti, "What do we want from you? Our answer will simply nothing. Wala kaming kailangan sa inyo" pahayag nito at tila natatawa pa, "THEN WHY ARE YOU DOING THIS?!" sigaw ulit nung babae.

"Do you really want to hear it?" sarcastic na sagot nito at walang umiimik dahil hinihintay namin ang isasagot niya.

"We need nothing from you. Killing is just for fun. We kill just for fun. Masaya kami at doon kami sumasaya. And we're happy...kapag may inosenteng namamatay" masamang sabi nito at base sa boses niya, alam kong tuwang-tuwa siya na makita ang itsura ng lahat ngayon.

Unti-unti na lang napaatras at naiyak ang ibang estudyante na parang hindi na alam kung anong gagawin. They kill just for fun. Seriously? I don't think that's the real reason.

"WHY DON'T YOU SHOW YOURSELF TO US?! IS IT BECAUSE YOU'RE A STUDENT TOO O KASAMA KA SA COUNCIL KAYA KA NAGTATAGO!? NAHIHIYA KA BA?!" sigaw naman ng isang lalaki na lumapit din sa building at hinarapan ang mga speakers. Muling natawa ang lalaking nagsasalita, "The council doesn't have to do with this. We use injection to kill and we can always use it as much as we want. But sadly, there is no cure. So don't ever think that you can survive from us. Because we are...." bigla na lang namatay ang mga speaker at napatingin kami ulit sa building ng may isang malaking puting tela ang nakasabit doon at bigla itong bumukas na may nakasulat na, "VENOM!!!" gamit ang dugo.

"Venom is a group. Group of killers! Kagagawan nila lahat 'to and we have to stop them?" sigaw ng babae kaya napatingin kami sa kanya na hinarapan kami, "We can't stop them!" napatingin na lang kami sa isang lalaking nagsalita at lumapit doon sa babae na nagtataka, "Why do you say so?!"

"Hindi niyo ba nakita kung gaano kabilis sila pumatay?! We can't just attack them or defeat them! We don'g even know kung sino dito ang members ng Venom. One of us..." tinignan niya lahat ng estudyanteng nakapalibot sa kanya, "Might be a member of that f*ckin group! It's better to hide than to die attacking unknown enemies!" galit na sabi nito.

"You're right. Ngayong alam niyo na kung sino kami..." muling nakuha ang atensyon namin ng muling magsalita ang nasa speaker, "You still have chance to live. Surrender the only boy named Julez to us alive or else you'll die. He's a total nerd and always alone. If any of you plans to hide him or let him hide from us, you will be executed too together with him" at pagkatapos noon ay tuluyan na niyang pinatay yung speaker.

Napatingin na lang kami kay Syden na halatang nabigla sa narinig niya, "J-julez? Anong kailangan nila kay Julez?! B-bakit siya hinahanap ng Venom?!" gulat na tanong nito.

"Do you know something about him, like a secret or anything?" tanong ko sa kanya kaya agad itong umiling, "N-no! Palagi lang....n-nasa classroom si Julez...n-nagbabasa ng libro- other than that wala na..." nakita ko na lang na parang napaisip siya kaya bigla itong natigilan at hindi na nakapagsalita.

To be continued...


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C45
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk