Unduh Aplikasi
50% SOON TO BE DELETED 2 / Chapter 40: ♥ CHAPTER 87 ♥

Bab 40: ♥ CHAPTER 87 ♥

✿ Someone's POV ✿

Kasalukuyan akong nasa rooftop ngayong gabi para magpahangin. Hindi rin naman ako mapakali kaya ito ang madalas kong puntahan na lugar sa tuwing gusto kong mapag-isa at makapagisip-isip. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil naguguluhan na rin naman ako. Pero sa tuwing naiisip at naalala ko lahat ng nangyari sa kanya, hindi ko mapigilang magalit at 'yon ang nagtutulak sa akin para maghiganti. Hindi ko papalampasin ang ginawa nila at hindi ko hahayaang mangyari ulit 'yon ngayon. Kaya't sisiguraduhin kong papatayin ko siya kapag nagkita kami. Tatapusin ko ang buhay niya sa pinakamasakit na paraan. 

Kinuha ko ang lighter na nasa bulsa ko at inilagay sa labi ko ang hawak kong sigarilyo magmula pa kanina bago pa man ako makaakyat dito sa rooftop. Sinindihan ko 'yon at medyo tinakpan ko ito dahil sa ihip ng hangin. Pagkatapos ay inilagay ko ulit ang lighter na 'yon sa bulsa ko at tumingin sa malayo, "Ang lalim ata ng iniisip mo?" napatingin na lang ako sa nagsalita na ngayon ay nasa tabi ko na at nakatingin din siya sa malayo.

 "Anong ginagawa mo dito?" tanong  ko habang nagyoyosi at muli ko itong inilagay sa kamay ko kaya napatingin siya sa akin, "Ikaw ba, bakit ka nandito? Gabing-gabi na" muli akong napatingin sa malayo bago ulit nagsalita, "Tama bang sagutin ng tanong ang isa pang tanong?" 

Napansin kong napangiti na lang ito dahil sa sinabi ko, "Kamusta ka naman?" tanong nito ngunit hindi ko pa rin inialis ang tingin ko sa malayo.

 "Hindi mo na ako kailangang kamustahin. As long as I'm alive, I will always be fine" I said.

 "What about her?" nang marinig ko ang tanong niyang 'yon ay napatingin ako sa kanya. Naalala ko na lang lahat ng ginawa namin sa babaeng 'yon ng iwanan namin siya sa classroom na 'yon.

 "I think she's fine. Pero maling iniwan natin siya sa classroom na 'yon. Siguradong magtataka siya kung bakit buhay siya when she was injected" sambit ko sa kanya sabay tingin ulit sa malayo. That girl doesn't know anything kung anong nangyari sa kanya noong araw na 'yon.

 "That's yours to handle. Walang pwedeng makaalam ni isa sa mga Venom na buhay siya" pahayag nito kaya muli akong napatingin sa kanya. 

"Pero hindi ko siya pwedeng itago. Vipers already got her" sagot ko naman. 

"Alam mong pwedeng malaman ni Dean Carson 'to. Kailangan mong pigilan ang babaeng 'yon na magsalita para hindi maghinala ang Black Vipers sa nangyari sa kanya" naging mas seryoso ito at alam kong  pinapaalalahanan niya ako sa kung anong pwedeng mangyari kapag nalaman ng Vipers ang nangyari sa babaeng 'yon.

"Wala ka ng dapat problemahin sa nangyari. Wala naman siyang natatandaan kung anong nangyari sa kanya" sambit ko dito habang tuluy-tuloy pa rin sa pagyoyosi at pareho kaming nakatingin sa isa't-isa. 

"Oo wala siyang natatandaan. Pero pwede niyang sabihin na nainjectionan siya pero bakit nabuhay pa siya. Sino sa tingin mo ang paghihinalaan ni Dean Carson kapag nalaman niya ang nangyari sa babaeng 'yon? Hindi ako kundi ikaw. Kaya umayos ka dahil baka masira ang plano natin" muli kong hinawakan ang sigarilyo at napatingin sa malayo kasabay ng paglabas ng usok mula sa bibig ko, "Kung pwedeng pagbantaan mo siya gawin mo. Unahan mo na bago pa man makapagsalita" dagdag pa niya.

 "Mahirap lapitan ang babaeng 'yon lalo na't kasama niya ang buong grupo" 

Kahit nakatingin ako sa malayo ay napansin kong lumapit ito sa akin para bumulong, "Kapag nalaman ng Venom na buhay pa siya, papatayin nila ulit siya at siguradong hahanapin nila tayo" masamang sabi nito na parang pinagbabantaan ako kaya muli akong napatingin sa kanya.

"Hindi nila tayo madaling mahahanap. But I'm telling you, delikado ang kapatid mo dito. Kaya siya ang bantayan mo dahil baka siya ang mapagbintangan!" 

 "Then hayaan na lang nating mahuli nila ang kapatid ko" sambit nito kaya nabigla ako sa kanya. What the hell?! 

"Are you insane?!" gulat kong tanong dito dahil hindi ako makapaniwalang kaya niyang gawin 'yon. 

"Don't you think it's the right time to reveal everything. Kapag dumating yung araw na pupuntiryahin na nila siya?" sambit nito habang nakangiti ng masama kaya 'yon pa ang mas ikinagulat ko. 

"Seriously?! Ipapain mo siya!?"  

"Ipapain ko lang siya pero hindi ko hahayaang may gawin sila sa kanya!" 

"Hindi mo alam kung anong pwede nilang gawin! Mag-isip ka nga!" saad ko dito ngunit pinilit kong hinaan ang boses ko dahil baka may makarinig sa pag-uusap namin.

"I'm watching my brother. I won't let them do something to him kaya pwede ba, kumalma ka?" saad nito kaya kumalma na ako dahil baka kami pang dalawa ang mag-away. 

"Pag-usapan na lang natin kung anong dapat gawin sa babaeng 'yon. Isa pa, wala tayong kasalanan kung bakit nawala siya sa sarili niya. Para rin naman sa kanya ang ginawa nating pag-iwan sa classroom na yon dahil kung hindi natin ginawa 'yon, malamang ngayon patay na siya" ngunit habang sinasabi niya 'yon ay bigla na lang akong may naalala kaya napalayo kami sa usapan at tinanong ko siya, 

"Sabihin mo nga sa akin kung paano ka nakapagtago?"

Dahil bigla na lang itong naglaho na parang bula at bigla ring sumulpot ngayon.

"Even though Blood Rebels is gone, Young Rebels is still alive" bulong nito habang nakangisi ng masama kaya't 'yon ang ikinagulat ko,  "What?! That's not possible!" mas lalo pa itong ngumiti dahil sa sinabi ko. Tinalikuran na niya ako at naglakad papalayo kaya't tinignan ko siya ngunit bago pa man ito tuluyang nakalayo ay tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa gilid nito dahilan upang kalahati lang ng mukha niya ang makita ko, "Everything will reveal itself at malapit ng dumating ang araw na 'yon. You need to find Gwen. Buhay din ang isang 'yon at nagtatago sa ibang anyo. Siya lang ang makakatulong sa atin at kailangan mo siyang mapapayag sa gusto natin" sambit nito bago tuluyang umalis kaya't naiwan akong mag-isa. Muli akong tumingin sa malayo habang tuloy pa rin sa pagyoyosi hanggang sa lumipas ang ilang minuto, itinapon ko na rin ito sa sahig at inapakan dahil may kailangan pa akong gawin. 

Nilisan ko na ang rooftop at naglakad pababa ng building para hanapin ang kaisa-isang tao na makakatulong sa amin. Madilim sa hallway at tanging mga yapak ko lang ang naririnig hanggang sa dulo. Nakapatay na rin naman ang ibang ilaw sa mga classroom at iilan na lang ang nananatiling nakabukas na nagbibigay liwanag sa hallway.

At saang lupalop naman ng campus na 'to mahahanap ang babaeng 'yon? Sadyang napakalaki ng lugar na 'to kaya't hindi madaling maghanap lalo na kung ikaw lang mag-isa. Lumabas ako ng building at pumasok sa panibagong building. Nadatnan ko ang clinic na nag-iisang maliwanag na lugar sa buong building. Nasilip ko ang loob noon at natuwa na lang ako ng makita ko siya. Mukhang madalas ata dito ang babaeng 'yon lalo na't nakita ko siya papalabas ng clinic kaya nagtago muna ako.

Nang tuluyan na siyang makalabas ay sinundan ko siya sa napakadilim na hallway at mukhang napansin niyang may sumusunod sa kanya kaya't mas binilisan niya pa ang paglalakad, hanggang sa masiguro kong walang makakakita sa amin kaya't hinuli ko na siya at tinakpan ko ang bibig nito dahil balak niyang sumigaw, "Long time no see, Gwen" masama kong sabi dito kaya't natahimik na lang ito at kumalma ng makita niya ako kaya inialis ko na rin ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya, "Anong ginagawa mo dito?!" tanong nito sa akin at alam kong nabigla siya. 

"May kailangan kami sa'yo" bulong ko naman dito gamit ang seryosong boses para hindi niya isipin na nakikipaglokohan ako sa kanya.

"A-anong kailangan mo sa akin?" nagtatakang tanong nito habang tinitignan ang paligid bago ako ulit tinignan. 

"You know him right?" muli itong nagtaka at diretsong napatingin sa akin, "Sino?" nilapitan ko siya kaya medyo napaatras ito at bumulong ako, "Yung taong tumulong sa'yo kaya buhay ka pa ngayon" nabigla na lang siya sa sinabi ko kaya kitang-kita ko na kinakabahan siya, "O-oo kilala ko siya. Kahit sino naman ata hindi makakalimutan ang itsura at pangalan niya. Bakit ba?"

"Bukod sa ating dalawa, wala ng ibang nakakaalam na nandito siya kaya once na magsalita ka at may ibang makaalam, alam mo na kung anong mangyayari sa'yo" pagbabanta ko dito. Pwede naming bawiin ang buhay niya kapag hindi siya tumupad sa usapan.

"Huwag kang mag-alala, hindi naman ako magsasalita tungkol sa kanya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil iniligtas niya ako at sapat na dahilan na 'yon para itikom ko ang bibig ko" sagot naman nito.

"Mabuti naman kung ganon. Alam kong kilala mo yung babaeng kasama ng Black Vipers, right?" muli itong nagtaka dahil sa sinabi ko, "Bakit naman nasali sa usapan ang babaeng 'yon?" 

Hinawakan ko ito  ng mahigpit sa braso kaya't nakita kong pilit niyang iniaalis ang pagkakahawak ko sa kanya pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko dito, "Nainjectionan din siya kagaya mo at dahil may utang na loob ka sa amin, kailangan mong pigilan ang babaeng 'yon na magsalita tungkol sa nangyari sa kanya. Walang pwedeng makaalam na nakaligtas siya sa injection na 'yon" sambit ko dito.

"Kung nainjectionan siya at nakaligtas, malalaman at malalaman ng Venom 'yon at magtataka sila kung bakit buhay pa siya" sagot naman nito habang pilit pa ring iniaalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak ko ng mahigpit sa braso niya kaya tinanggal ko na rin ito.

"Hindi natin maiiwasan 'yon, sa ngayon kailangan natin siyang pigilan na magkwento sa Vipers hanggat hindi pa nalalaman ng Venom na buhay siya. Dapat Venom ang unang makaalam na nabuhay siya sa injection nila bago 'yon malaman ng Vipers"

"Bakit ba kasi kailangang Venom muna ang makaalam bago Vipers na nabuhay ang babaeng 'yon?" iritang tanong nito.

"Once na malaman ng Vipers ang nangyari, makikielam sila at hindi pwedeng mangyari 'yon dahil masisira ang plano. It's only between him and Venom at wala ng iba" sa ngayon mahirap pang ipaliwanag lahat ng bagay.

"Kailan ba niya balak na ipakilala ang sarili niya?" tanong nito.

"Sa araw na magpapakilala ang leader ng Venom, kasama ang kapatid ng taong nagligtas sa'yo para patayin"

"What did you just say? Papatayin?! Bakit?!" gulat na tanong nito.

"Dahil iisipin nilang ang kapatid niya ang may hawak ng gamot laban sa kanila. Venom uses injection to kill at kapag nalaman nilang may gamot laban sa injection na 'yon, they will surely kill the one who has the cure. Hindi pwedeng masira lahat ng plano namin at kailangan mo kaming tulungan" pahayag ko dito at mas seryoso ko pa siyang tinignan ngunit pansin kong nagdadalawang-isip siya.

"You need to stop her" dagdag ko pa.

"Pero paano?" naguguluhan na tanong nito.

"Madali mo lang siyang malalapitan kaya ikaw ng bahalang gumawa ng paraan. Basta siguraduhin mong hindi siya magsasalita. You need to help us"

Muli itong nag-isip ngunit tinignan niya rin ako at nagsalita, "Fine, I'll try my best" sagot nito.

It's hard to explain everything and let's just wait for it to reveal itself. Masyadong maraming sikreto ang lugar na 'to and I'm afraid na ni isa sa mga sikretong 'yon, hindi pa naibubunyag.

To be continued...


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C40
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk