PAGKATAPOS ng school hours ay agad kong naabutan si Vlad na nakatayo sa palagi niyang pwesto sa harapan ng school gate. Still looking gorgeous as ever wearing a black and white stripe sweater, gray pants, and white sneakers. Sinalubong ako ng matamis niyang ngiti sabay hinalikan ako sa noo. "I missed you, sweetie."
Sapat na ang apat na salitang iyon upang balutin ng nakakikiliting kilig ang katawan ko.
Bakit ako maniniwala sa mga sinabi ni Romeo? What if he's only tricking me? Baka naman gusto lang akong protektahan ni Vlad kaya ayaw niyang pag-usapan namin si Romeo? And maybe Vlad really lost some of his powers kaya hindi pa rin siya makabalik sa kanila. I should stop myself for being paranoid at magtiwala sa kanya. Hindi masama si Vlad and I know na hindi niya ako kailanman sasaktan. He promised me.
Ngumiti ako nang matamis at hinalikan siya sa labi. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko pero mabilis din iyong napalitan ng malaking ngisi. His green eyes were twinkiling. God, he's so beautiful. This is my preacious vampire. I don't want to lose him. "I missed you too."
Vlad hugged me tightly tapos naglakad na kami papuntang sakayan ng bus. "Ang sarap naman nun. I want more of it when we get home," bulong niya. Kinurot ko siya sa tagiliran sa kapilyuhan niya.
Nakauwi na kami at sabay kaming nanonood sa sala ng Frozen na hindi ko na mabilang kung ilang beses nang napanood ni Vlad pero hindi niya pa rin pinagsasawaan. So gay. LOL
I'm eating popcorn while Vlad is sipping blood from my neck. Nakaupo ako sa ibabaw ng hita niya habang nakasandal ang likuran ko sa dibdib niya. Nakapulupot ang dalawang braso niya sa bewang ko at sumisipsip sa leeg ko from my behind. Na-immune na rin ako sa kagat ni Vlad kaya parang normal na lang ang ginagawa namin. And I'm feeling super turned on everytime we do this blood drinking session.
Gumapang ang isang palad ni Vlad sa loob ng blouse ko and fully cupped my boobs. Agad akong namula sa ginawa niya. Kahit ilang beses na kaming nagmomomol ay nahihiya pa rin ako sa kanya. "Vlad... ang manyak mo, talaga!"
He chuckled then stop drinking. Binaba na niya ang mga kamay sa tiyan ko. "What? Don't tell me you don't like it," he teased.
Lalo akong namula sa sinabi niya. Sa inis ko'y siniko ko siya. Napa-aray siya pero natatawa.
"Diyan ka na nga! Matutulog na ako." Agad akong pumasok ng kwarto. Tinawag niya pa ako pero agad kong sinarado ang pinto.
Umupo ako sa harap ng tukador at kumuha ng wet tissue. Ginamit ko iyon pangpunas sa kumalat na dugo sa `king leeg. Nilagyan ko rin ng band-aid ang sugat upang matakpan ang marka ng kagat. Paghiga ko sa kama ay muling pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Romeo. Pinipilit kong iwaksi `yon pero hindi ko magawa. Para siyang lamok na pabalik-balik para mangagat at mag-kalat ng Dengue.
Napabuntong hininga ako. What am I gonna do?
Dumating ang kinabukasan. Pagkatapos mag-almusal at maligo ay hinatid ulit ako ni Vlad papuntang campus. Buong byahe siguro akong tulala. Pagdating sa campus, humalik ulit sa `kin si Vlad sa noo at nagsabi na susunduin niya ulit ako. He was about to go nang pigilan ko siya sa braso
"Yes?" tanong niya.
Madiin akong napalunok. Fuck! I can't believe na gagawin ko `to. "U-uhm, `wag mo na pala akong sunduin mamaya kasi aalis kami nila Sam at Apple. Manonood kami ng movie," pagsisinungaling ko.
Napataas ang isa niyang kilay. "Oh... okay. Then I'll fetch you up after your movie."
Agad akong umiling. "Hindi na!" Nagsalubong ang kilay niya. Agad akong pinagpawisan. "Magpapahatid na lang ako kay Sam. May sasakyan naman sila saka may driver sila."
Saglit na nag-isip si Vlad pero napapayag ko rin siya bandang huli. "You guys won't do a blind dating, right?" huling hirit niya pa bago umalis. Natawa ako sa pag-pout niya habang nagseselos.
"Hindi... ano ka ba."
Tumungo-tungo na lang si Vlad at tuluyan nang umalis. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan si Vlad. Kailangan ko `tong gawin para matahimik na ako.
Katulad nang dati ay ganoon pa rin ang araw ko sa campus. Pinasukan namin ang limang subjects at dalawa doon ay may long quiz kaya na-drain nang husto ang brain cells ko. Ilang araw rin akong napuyat dahil naghabol na naman ako sa tinatapos kong plates. Pagkatapos ng school ay nagkahiwa-hiwalay na kami. Alas-singko pa lang tapos nang klase kaya nagpunta muna ako ng library pampalipas oras. Pagsapit ng dilim ay nagpunta na ako sa abandonadong bodega kung saan ako huling dinala ni Romeo. Madilim ang loob ng bodega at tanging liwanag mula sa papalubog na araw mula sa labas ang nagsisilbing ilaw.
Parang gusto ko ng umuwi. What if patibong lang ito ni Romeo at may gawin siyang masama sa akin?
"Hello my dear."
JOIN OUR FAMILY!
FB GROUP: Cupcake Family PH