Unduh Aplikasi
6.45% TELEPORTED TO ANOTHER WORLD WITH GODLY POWERS (TAGALOG) / Chapter 2: Chapter 2: New World

Bab 2: Chapter 2: New World

Ang butas na nagawa ni Farrah ay napaka laki, kung susukatin ito baka kasing laki ito ng limang balyena.

"Ang lupit ng regalo ni God, Thanks God. Pero mukhang dahil sa ginawa ko marami ang nadamay na mga hayop." Sabi ni Farrah habang tinitignan ang nagawa nyang butas.

Sa laki ng pinsala na nagawa ni Farrah, sigurado maraming namatay na hayop at nawasak na mga puno at halaman.

"Ano pa kaya ang kaya kong gawin?" Tinaas ni Farrah ang kamay nya at huminga ng malalim saka iniisip nya na may lumabas sa kamay nya na tulad kanina nung nahuhulog sya.

Una walang lumalabas at akala ni Farrah ayaw nang gumana pero nung ibaba nya na kamay nya, biglang may lumabas na maliit na ilaw sa palad nya.

Korteng bilog ang ilaw na ito at may mga gumagalaw galaw sa loob na parang mga kulay blue na ood, at naisip ni Farrah na baka energy ito.

Tulad sa anime na napanood nya noon, yung dragonballs. Baka parang ganun. Tulad nga ng sabi ni God, Kapangyarihan ng mga Diyos, diba Saiyan God si guko. So ibig sabihin nun kaya ko rin gawin yung kamehame wave.

Yun ang iniisip ni Farrah sa mga oras na yun. Pero hinde pa sya sigurado kong magagawa nya.

Bigla lang naman yun sumagi sa isip nya dahil sa korte ng ilaw na nasa kamay nya.

"Ano kayang mangyayari pag binato ko ito? Lets try heheh."

Nag handa na si Farrah para ibato ang puting ilaw na korteng bilog na nasa kamay nya. "1...2...3... BATO!"

At yun na nga binato nya ng malakas. Hinintay nya nalang na bumagsak ito sa lupa or may tamaan na puno para makita nya kong anong mangyayari.

Pagkatapos ng ilang sigundo bumagsak ito sa lupa at...

BOOOM!!!

Bigla itong sumabog ng napaka lakas, lahat ng puno sa paligid nung binagsakan ng binato ni Farrah ay nasunog at yung iba naman nagkaputol putol at nagkapirapiraso.

"Woah, grabi lakas. Dapat pala mag ingat ako pag gagamitin ko yun. Baka makapatay pa ako dito. Hmm since bagong imbento ko yun, ano kaya pwede kong itawag dun? Ahh alam kona, Aura Ball nalang para astig." Sabi ni Farrah.

Pumili sya ng deriksyon na pupuntahan at doon sya naglakad para makahanap ng ibang tao. Gusto humanap ni Farrah ng bayan para makapag tanong sya kong anong klasing mundo ito.

Bigla bigla kasi syang ibinato dito sa lupa ni God ng wala manlang explanation kung ano itong mundong ito.

Tumingin sya sa paligid nya at nakita nya na poro bundok ang mga nandito. Kung lalakarin ito ni Farrah sigurado ilang buwan pa bago sya maka alis dito.

"Hayysss mukhang mahirap maka alis dito sa kabundokan na ito."

Nag isip sya ng paraan para mapabilis ang kanyang pag alis dito sa kabundokan. Sinubukan nyang lumipad, tumalon talon sya sa pag-aakala na pag tumalon sya bigla syang lilipad.

"Wah effect, kainis." Sabi ni Farrah habang naiinis. Sapag-kainis nya hinde mona sya naglakad at naupo muna si Farrah sa isang bato na malapit sakanya.

Tinignan nya ang isang sanga na malapit sakanya at itinoro ang darili nya sa sanga, at iniisip nya na gumalaw ito.

"Grabi wah effect din, daya ni God ano ba yan. Ang kaya kolang ba mangwasak?"

Ibinaba ni Farrah ang kamay nya at sa hinde nya inaakala, biglang gumalaw yung sanga.

Namangha si Farrah, sinubukan nya ulit na pagalawin ang sanga sa pamamagitan ng pag galaw ng kamay nya at yun na nga, biglang gumalaw ito.

"Ahhh yun pala ang trick dun, kaya hinde ko magawa. Kailangan palang galawin ko rin pati kamay ko." Sabi ni Farrah na manghang mangha sa nagawa.

Hinde lubos maiisip ni Farrah na magkakaroon sya ng mga ganitong kapangyarihan. Kung alam nya lang edi sana matagal na syang nagpakamatay para nakuha nya na agad ang mga kapangyarihan na ito at para hinde na sya ma stock sa boring na buhay nya sa dating mundo nya.

Pinag laroan ni Farrah ang sanga. Pina gilid nya, pina abante nya, pina atras nya, pina lipad nya. Manghang mangha talaga si Farrah sa nagagawa nya sa mga oras na yun.

Pagkatapos nya pag laroan yung maliit na sanga, naghanap naman sya ng malaking parti ng puno para malaman nya kung kaya nyang pagalawin ito. Naghanap si Farrah, ngunit hinde sya makakita kahit isa.

Poro maliliit lang na sanga ang nandoon, kaya nag isip si Farrah ng paraan. Gumawa sya ng Aura ball at ibinato nya sa mga puno sa may di kalayoan.

BOOOM!!!

Nawasak at nagtalsikan ang mga parte ng puno sa lakas ng pagsabog ng Aura Ball.

Hinintay muna ni Farrah na mawala ang mga usok na ginawa ng Aura Ball nya, at saka sya lumapit para maghanap ng malaking part ng puno. Ilang saglit lang, nakahanap agad sya.

Ang nakita nya ay di naman ganun kalakihan siguro kasing laki lang ng malaking aso. Tulad ng ginawa ni Farrah doon sa sanga, itinoro nya ang daliri nya at iginalaw ito.

Gumalaw nga ito, walang kahirap hirap na nagagalaw ni Farrah ang parte ng puno na ito.

"Tika, mukha syang skate board. Ayy oo nga, try ko kaya sakyan ito at pagalawin gamit ang kapangyarihan ko para maka alis dito." Lumapit si Farrah sa parte ng puno at sumakay sya.

Pinagalaw nya ito paabante, pero imbes na umabante si Farrah at yung puno na hugis skate board, ang umabante lang ay yung parte ng puno.

At si Farrah naman ay naiwan at nahulog, nakahilata na sya sa lupa. "Araaayy, ano ba yan. Hinde ako marunong mag skate board."

Tumayo si Farrah at pinapunta sa harapan nya yung skate board at sumobok ulit sya na sumakay.

Araayyy!!!

At tulad nung unang beses na hulog nanaman sya. Pero sa pangalawang beses, inabot ng ilang minuto bago sya mahulog ulit. Nag iimprove na sya kahit papaano.

At sa pangatlo, nagagawa nya nang gumalaw pa abante, dinahan dahan nya muna sa una at sunod binibilisan nya na ng kunti hanggang sa makuha nya nang mag pa andar ng skate board nang hinde nahuhulog.

"Yesss, kaya kona rin sumakay ng hinde nahuhulog. Ngayun, kailangan konalang maghanap ng tao na matatanongan kung saan ang bayan dito."

Si Farrah gamit ang skate board nya, ay naglakbay para makahanap sya ng tao na pwede nyang matanongan kung saan ang pinaka malapit na bayan dito, at para malaman nya kung anong klasing lugar ang mundong ito.

Gusto ni Farrah na maintindihan ang mundo na ito para malaman nya rin ang mga dilikadong bagay dito at kung may mga mamatay tao ba dito, baka kasi may bigla nalang sumolpot na mamatay tao sa harapan nya at patayin sya.

Mas ok nang handa, para hinde agad masayang ang pangalawang buhay nya. Ito na ang pangalawang buhay ni Farrah, so syempre iingatan nya ito. Hinde nga si Farrah sigurado kung bubuhayin ulit sya ni God pag namatay ulit sya dito.

Pagkatapos ng dalawang oras na pag skate board ni Farrah, wala parin syang nahahanap na kahit isang tao, at ngayun malapit na syang sumabog sa inis dahil dinala sya ni God sa lugar na wala manlang katao tao.

"Daya, dito pa kasi ako naisipan ni God na ibato, dito pa talaga kung saan wala manlang katao tao."

Habang patuloy na naglalakbay si Farrah, si God naman sa langit ay pinanonood sya.

"Hahaha Farrah, oh Farrah, kung dinala kita kung saan maraming tao, edi napatay mona silang lahat. Sa lakas ng Aura Ball na pinakawalan mo, sigurado ubos silang lahat, kaya mas ok nang jan kita pinadala." Sabi ni God habang pinapanood si Farrah sa maliit nyang Tv at tumatawa.

Si Farrah, habang nag lalakbay sa kabundokan, biglang kumati ang tenga nya.

"Hmm? Ang kati naman ng tenga ko. Ang alam ko, sabi ng matatanda, pag kumakati daw ang tenga ibig sabihin nun pinag uusapan ka daw ng iba. Hmm weird." Sabi ni Farrah habang kinakamot ang tenga nya.

At tuloy parin ang paglalakbay ni Farrah sa tila walang katapusan na kabundokan na ito.

Mag gagabi na pero wala parin si Farrah nahahanap na bayan, o kahit isa manlang na tao. Tumigil muna si Farrah sa ilalim ng malaking puno at nagpahinga.

"Grabi kapagod, apat na oras na akong naghahanap ng tao pero wala parin akong mahanap, hayss."

Humiga si Farrah sa damuhan at tumingin sya sa langit na puno ng stars. Gabing gabi na, at tanging ang liwanag lamang ng mga star ang nagsisilbing ilaw ni Farrah para makita nya ang gubat na pinapahingahan nya.

"Hayysss, wala na nga akong mahanap na tao, wala pa akong ilaw at pagkain. Mukhang dito pa ako sa labas matutulog."

Naisip ni Farrah ang kapangyarihan nya. Pano kaya kung gumawa sya ng apoy, sabi kasi ni God Kapangyarihan ng mga Diyos. So it means kaya ni Farrah na gumawa ng apoy kahit walang gamit na lighter.

Hinde nya ngalang alam kung pano. Nag isip si Farrah kung pano sya makakagawa ng apoy. Sinobokan ni Farrah na magpalabas ng apoy sa palad nya.

Pinikit ni Farrah ang mata nya at inisip nya na magkaroon ng apoy sa palad nya. Sa una hinde naman si Farrah naniniwala na may lalabas talagang apoy sa palad nya, pero nung binukas na ni Farrah ang mga mata nya.

Nakita nya na may maliit na apoy sa palad nya, namangha si Farrah sakanyang nakita. Nakagawa nga sya ng apoy gamit lang ang kamay nya.

Sinubokan ni Farrah na hawakan ito, at tinignan nya kung totoong apoy nga ito. Nilapit ni Farrah ang kamay nya sa apoy hanggang sa dumikit ito sa apoy na nasa palad nya.

Pero imbes na mapaso sya, wala manlang syang naramdaman na init, parang isang ilusyon lang ang apoy na nasa kamay nya. Nagtataka si Farrah kung bakit hinde manlang sya napaso nung hinawakan nya ang apoy na nasa palad nya.

Para malaman ni Farrah kung totoong apoy nga yung nasa palad nya, kumuha sya ng dahon at idinikit nya ito sa apoy at sya ay namangha kasi nasunog ito.

Ibig sabihin nito, hinde sya tinatablan ng apoy.

Tinignan ni Farrah ang apoy na nasa palad nya at may naisip sya. Pinikit ni Farrah ang mga mata nya at may inisip saka nya binuksan ang mata nya.

Ngayun, hinde na lang basta apoy ang nasa palad ni Farrah, nag iba na ang korte nito. Nagi na syang korteng tatsolok. Tuwang tuwa si Farrah kasi kaya nya palang kontrolin ang elemento ng apoy.

Pinag laroan muna ni Farrah ang apoy na nasa palad nya, binago nya nang binago ang hugis nito. Ginawa nyang hugis aso, hugis baboy, hugis butiki, at hugis tao.

Pagkatapos ni Farrah maglaro nang maglaro ng apoy, ginamit nya ang kapangyarihan nyang makapag pagalaw ng mga bagay gamit ang isip nya para kumuha ng mga kahoy para makagawa sya ng bonfire.

Pagkatapos nyang gumawa ng bonfire, nahiga sya sa gilid nito at nagpahinga.

"Ang galing talaga ng binigay na regalo sakin ni God, thanks so much God!" Sigaw ni Farrah habang nakahiga sa damuhan.

Tap! Tap! Tap!

Habang nakahiga si Farrah at nagpapahinga, bigla syang may narinig na mga yapak ng tao. Kaya tumayo sya at tumingin sa paligid.

"Sinong nan jan!?"


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C2
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk