Unduh Aplikasi
69.56% I Accidentally Married A Dead Woman( Tagalog) / Chapter 16: Chapter 16: His True Love

Bab 16: Chapter 16: His True Love

THIRD PERSON'S POV

Pagkapasok ni Ced sa kaniyang silid ay agad niyang tinawagan ang family driver nila upang sunduin si Jemea sa airport. Lumapit siya sa veranda at pinagmasdan ang labas na kakasimula lang umulan. Biglang lumakas ang ulan at nagkakulog.

Isinara niya ang bintana at umupo sa kaniyang kama.

Inilapag niya ang kaniyang cellphone sa gilid niya at nagbasa ng libro. Ngunit maya-maya ay bigla nalang tumunog ang kaniyang cellphone at nakatanggap ng text galing kay Jemea.

'Ced? I'm outside of your house. Can you please see me here. It's raining.'

Pagkabasa ni Ced sa text ay agad siyang tumakbo palabas ng kaniyang silid at pababa ng hagdan.

Narinig ni Feira ang kalabog galing sa silid ni Ced kaya agad siyang lumabas at nakita si Ced na tumatakbo pababa. Curiosity filled on her mind so she decided to follow him.

Nakita niya si Ced na binuksan ang main door ng kanilang mansion ng natataranta.

Feira slowly walk until she reach the door. Hindi niya masyadong nakita kung sino ang kausap ni Ced sa labas. Nakaharang kasi si Ced at isa pa, sobrang lakas ng ulan na nagpapalabo sa panigin niya.

*****

CED'S POV

Nang nakita ko si Jemea na basang basa ng ulan at nanginginig, hindi ko mapigilan ang aking sarili na di mag-alala. Jemea still have a big part of my life because she's the woman whom I loved for how many years, since we were a kid. Seeing her in this kind of situation made me blame myself.

Pinayungan ko siya habang nakayuko siya. I slowly grabbed her wrist at inilapit sa akin upang mapayungan ko. Bigla niya lang akong niyakap ng mahigpit habang umiiyak.

"Bakit ka ba pumunta rito, Jemea? Umuulan pa. Ano ba iyang nasa isip mo? Pinasundo na kita sa driver namin," sabi ko habang hinihimas himas ang likod niya dahil humihikbi siya.

"Jemea?" tawag ko sa kaniya.

"The moment you ended up our conversation on the phone, I hurriedly called a taxi to be here. I told you I want to talk to you, Lance," sabi niya sabay tanggal ng kamay niya na nakayakap sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Do you still love me, Lance?" tanong niya. I just stare her blankly and I avoided her gaze by looking at my right side.

"Answer me, Lance," she pleaded.

"I-I don't know," I stuttered.

"Gano'n na lang ba iyon? Lance, I promise to you that I will fight for our relationship. I can divorce my husband and I will disobey my parents now," mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya, may halong pagka-irita.

"Lance, di mo na ba ako mahal? Bakit feeling ko hindi mo na ako pinaglalaban," nakatungo niyang sambit.

"Tao rin ako, Jemea. Napapagod rin ako. Hindi na kita kayang ipaglaban dahil pagod na ako. I've realized that your my first love but you are not my true love," sabi ko.

Napailing si Jemea at hinawakan ang aking kanang pisngi.

"Mahal kita, Lance. Ikaw ang first love ko and even my true love," she said, tears shimmered in her eyes.

Tinanggal ko ang kamay niya sa pisngi ko ngunit bigla niya lang akong hinalikan.

Napadilat ang aking mga mata sa kaniyang ginawa dahil sa gulat. Itinulak ko siya dahil mali ang ginagawa niya.

"ANO BA, JEMEA! WHY DID YOU DO THAT! MAY ASAWA KA NA. ALAM MO BA NA MALI IYANG GINAWA MO?! YOU LOOK SO DESPERATE!" inis kong sabi.

"I don't care! I want you back!" malakas niyang sabi.

"You can't have me back. I already have a wife. When I found out that you are married to someone, I married someone also," sabi ko at umiling siya.

"No! You're lying. If so, I know you don't love her! Sinasabi mo lang iyan dahil nagtatampo ka lang sa akin," sabi niya saka humagulhol ng iyak.

"How can you so sure about that? I love her. I love my wife. She made me realize everything. With her, I experience to be love and being prioritize first. She is willing to do everything for me. Even in a split second, I finally found my true love," seryoso kong sabi. Pagkatapos kong nagsalita ay biglang kumulog ng malakas.

Nakayuko lang si Jemea. Inangat niya ang paningin niya. Tinitigan niya ako at biglang ngumiti.

"I'm sorry but...I can't let anyone have you," sabi niya na bigla nalang nahimatay. Buti nalang ay agad ko siyang nasalo. Nabitawan ko ang payong. Kinarga ko siya na pang-bridal style at ipinasok sa loob ng mansion. Napahinto ako bigla ng nakita ko si Feira na nakatayo sa may gilid ng pinto na may luha sa mata.

Tinignan ko siya saglit at nilagpasan siya. Tinawag ko ang mga maids upang asikasuhin si Jemea.

****

FEIRA'S POV

Napatitig lang ako sa likod ni Ced na kargang-karga si Jemea na may luha sa mga mata. Hindi ako umiiyak dahil sa lungkot lang. Umiiyak din ako sa tuwa dahil sa sinabi ni Ced sa akin. Hindi ko naiintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. May parte sa akin dapat itigil ni Ced ang nararamdaman niya sa akin dahil hindi din naman ako magtatagal. Dapat sila ni Jemea ang magkasama. Sila naman kasi dapat dahil pagkakamali lang ang lahat sa amin ni Ced.

Naaawa ako kay Jemea, pero hindi ko rin dapat ipagkait si Ced sa kaniya dahil mas nauna siya. At isa pa, anong laban ko sa buhay?

Patay man ang puso ko pero kung makaramdam ako ay parang buhay rin.

Mahal na ako ni Ced, at mahal ko na rin siya. Ngunit ang lahat ng ito ay di dapat mangyari.

Naglalakad ako paakyat. Sa may unahan, nakita ko ang dalawang maids sa pinto, kaharap lang ng silid ko. Dahan-dahan akong sumilip don at nakita si Ced na pinupunasan ng bimpo ang noo ni Jemea.

'Bagay na bagay silang dalawa,'

Lumapit ako at tumikhim upang makuha ang atensyon niya. Seryoso siyang nakatitig sa akin at maya-maya ay ibinalik ang atensyon kay Jemea.

"Dapat nagpapahinga ka na," sabi niya na nakatalikod sa akin.

Lumunok ako ng malaki bago nagsalita.

"Uhm, gusto ko lang kamustahin siya. Siya pala si Jemea. Ang ganda niya. Bagay kayong dalawa,"nakangiti kong sabi kahit ang totoo ay bumibigat ang pakiramdam ko.

"What are you talking about?"

"Bagay naman kasi kayo eh. Parehas kayong gwapo at maganda, mayaman at higit sa lahat pareho kayong buhay," nakangiting sabi ko.

Itinigil niya ang pagpupunas kay Jemea at tumayo siya. Naglakad siya papalapit sa akin at may limang tatlong hakbang lang ang layo namin sa isa't-isa.

"Love doesn't define to all of those things. No matter what it is, love will always be love that could make things possible," sabi niya saka nilingon ako.

"I know you heard what I've said and Jemea, you saw what she did. But let me tell you this, I expected that my feelings for her will back to normal but it became more complicated. It is because of you. I am not mad nor upset about my feelings to you. We're not meant for, Jemea. She's married now and I am to you," seryosong sabi niya.

"Alam ko naman na mahal mo pa siya, Ced. Nagtatampo ka lang sa kaniya. Alam kong nasaktan ka dahil sa kaniya, pero hindi naman ganon kadali na mapawi ang lahat ng pinagsamahan niyo dahil don. Kung hindi kayo para sa isa't-isa. Paano naman tayo? Are we really meant for each other?" tanong ko at kumunot lang ang noo niya.

"Hindi mo--" putol kong sabi dahil bigla siyang nagsalita.

"I don't wanna hear what you are trying to say to me right now. One thing that I'm sure, you made me woke up to this. You made me realize everything," seryosong sambit niya habang nakatitig ng seryoso sa akin. Umiwas ako sa pagkatitigan namin at yumuko upang mapunta ang tingin ko sa sahig.

Maya-maya ay nakita ko ang paa niya. Nilagay niya ang kaniyang palad sa aking ulo at bigla lang ginulo ang buhok ko.

"Tungkol sa narinig mo kanina sa akin. I'm serious about it. Let's talk about this some other time. For now, you should sleep and I'll take care of her. Don't be jealous my wife, cause I'm just doing this as a friend to her," sabi niya at bigla naman akong napatango. Ngumiti siya ng tipid. Sobrang ganda ng mukha niya.

"Si-sige. G-good night," nauutal kong sabi dahil naiilang ako sa titig niya at pakiramdam ko ay tumutibok ang puso kong walang ng pintig. Kapag si Ced, hindi niya pinaparamdam sa akin na isa akong babae na patay na. Pinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka espesyal, binibigyan niya ako ng importansya kahit sa sandaling pagkikita at panahon na magkasama kami, hindi niya ako itinuring na isang patay, ngunit itinuturing niya akong buhay at isang babae na dapat mahalin. Hinding-hindi ko siya malilimutan dahil siya lang ang mismong buhay na nagmamahal sa akin. Siya lang at wala ng iba.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
genhyun09 genhyun09

Thank you so much for reading. I'm happy that there's a few people out there who read my story. Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C16
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk