Unduh Aplikasi
39.13% I Accidentally Married A Dead Woman( Tagalog) / Chapter 9: Chapter 9: The Truth

Bab 9: Chapter 9: The Truth

Nagising ako na walang tao sa loob ng silid ko. Bumangon ako at isinandal ang sarili headboard.

"Ugh! Ang sakit ng ulo ko!" Reklamo ko sabay hila sa buhok ko.

Bababa na sana ako sa kama ng may kamay na biglang lumabas sa ilalim ng kama ko kaya agad kong inangat ulit ang mga paa ko.

"Aah!"

Nakita ko na gumagapang si Feira palabas ng kama ko. Nakakunot noo ko siyang tinignan.

"FEIRA!" Sigaw ko sabay himas sa dibdib ko. Nagulat kasi ako eh. Akala ko iyong napapanood ko na horror movie na may babaeng multo sa kama at hinila ang bata papasok don. Kainis!

"Bakit?" Tanong niya na nakalutang sa ere.

"Bwesit naman oh! Ano ba ginagawa mo sa ilalim ng kama ko!?" Inis kong tanong.

"Ang aga pa nagagalit ka na asawa ko." Nakanguso niyang sabi.

"Shit!"

"Eh diyan ako natulog, Ced. Mas komportable sa ilalim, parang natutulog parin ako sa madilim na lugar." Nakayuko niyang sabi. Inis kong iwinaklis ang aking kumot at isinuot ang aking tsinelas na pangbahay saka tumayo. Huli na napagtanto ko na iba na ang suot ko.

"Teka?.." Nilingon ko siya at naglakad ako papalapit sa kaniya.

"Who changed my clothes?"tanong ko.

"Ako" agad niyang sagot.

"ANO?!" Gulat kong tanong.

"Hay nako. Huwag ka ng mahihiya, asawa ko naman ako." Nakangiting sabi niya.

"Bakit mo ko binihisan!?"

"Ced, don't worry. Hindi ako tumingin." Sabi niya sabay angat sa palad niya.

"Pwede ba, sa susunod huwag mo kong pakialaman!" Inis kong sabi at pumasok sa banyo.

"TOTOO NAMAN NA WALA AKONG NAKITA EH! HINDI TALAGA AKO TUMINGIN. MANIWALA KA NAMAN OH!" Rinig kong sigaw niya mula sa labas ng banyo. Humarap lang ako sa salamin at ginulo lalo ang buhok ko.

"Bwesit talaga."

Huhubarin ko na sana ang suot kong T-Shirt ng bigla siyang kumatok sa pinto.

"WHAT?!"

"Ced, may kumakatok sa pinto ng silid mo." Bulong niyang sabi kaya agad kong binuksan ang pinto at ipinasok siya sa loob.

"Fuck! Dito ka lang." Sabi ko at lumabas sa banyo. Naglakad ako papalapit sa pinto ko. Bubuksan ko na sana to ngunit bigla lang itong bumukas at iniluwa si Mommy at Daddy.

Agad akong niyakap ni Mommy ng mahigpit.

"Bakit ang tagal mong magbukas, Ced? Anak ko, nag-aalala sayo si Mommy ng sobra. Saan ka ba nagpunta?"

"Alam mo ba na hinahanap ka namin ng Mommy mo, Lance. Bakit ka bigla lang nawala? Tinatakbuhan mo ba ang responsibilidad mo kay Jemea na pagpapakasal?"

Napakamot nalang ako sa batok ko at huminga ng malalim bago nagsalita ulit.

"Ang hirap kasing ipaliwanag eh!" Sabi ko.

"What? The last time I remember, you two are madly in love for each other. You love Jemea so much pero bakit mo siya iniwan?!" Lumalakas na ang boses ni Daddy, halatang nagagalit na siya.

"I did not leave her!"

"Ano ka ba, Hon. Huwag mo nga pagalitan ang anak natin. Let him explain"

"Explaining everything will not make this situation to be believable." Sabi ko.

"What do you mean, Lance?" Tanong ni Mommy.

"It doesn't matter anymore. Jemea already married to someone else, which is suppose to be me." Malamig kong saad at hinihimas lang ni Mommy ang balikat ko.

"Jemea will not marry someone else if you never leave her, if you never leave us just like that. For two weeks

, Cedwarg Lance! Ang hindi namin maintindihan, bakit ka bigla nalang nawala?!"

"Dad, you will just never believe in me if I gonna tell you. Let's just say that I lost my way back home at ngayon lang nakabalik."seryoso kong sabi

What's the use of explaining? No one will believe in me that I accidentally married a dead woman and stayed there, in the Land of the Dead for just two days pero 2 weeks na pala rito.

"Son, we did everything. Ang parents lang ni Jemea." Sabi ni Mommy.

"I don't wanna talk about this, Mom. I have to take a bath. I'll be downstairs for an hour" sabi ko at pinagsarhan sila ng pinto.

Pagkasara ko sa pinto ay bigla nalang sumulpot si Feira sa gilid ko.

"ANO BA?! LAGI KA NALANG NANGGUGULAT EH!" inis kong singhal sa kaniya at nilagpasan siya. Pumunta ako sa veranda para magpahangin. Pinagmamasdan ko ang gubat mula sa malayo.

"Ced?"rinig kong tawag niya mula sa likod.

Hindi ko siya pinansin. Alam ko na narinig niya ang mga sinabi ni Dad at ang mga sinabi.

"Pasensya na. Narinig ko kasi ang usapan niyo ng magulang mo." Sabi niya.

"Si Jemea pala ang dapat mong pakasalan." Sabi niya at nilingon ko siya at hinarap. Mga sampung hakbang ang layo naming dalawa. Kita ko sa mukha niya ang lungkot at ang mga namumuong luha sa mga mata niya.

"Yes. Siya dapat ang asawa ko at hindi ikaw. That day, when I'm in the forest I am practicing my vow for her." Paliwanag ko.

"Pasensya ka na. Nang dahil sa akin hindi ka pa nakasal sa taong  gusto mong makasal." Paghihingi niya ng tawad na may luhang tumutulo sa mga mata niya. Nabigla ako sa sinabi niya.

'No, hindi dapat ikaw ang nag-sosorry"

"Don't say sorry. All of it was just an accident. Pareho natin hindi inaasahan ito." Seryoso kong sabi.

"Kahit na. Kasalanan ko pa rin. Ngayon iniwan ka na niya at nagpakasal sa iba."

Bakit ka ganito, Feira.? Bakit ang bait-bait mo sa akin. Bakit mo sinisisi ang sarili mo? Pareho natin ito hindi ginusto. Hindi natin ito inaasahan.

"Nangyari na ang lahat, Feira. Wala na tayong magagawa." Sabi ko.

"Pero hindi ko maiaalis sa sarili ko na iniwan ka na ni Jemea at nagpakasal sa iba. Pwede ko siya kausapin at ipaliwanag sa kaniya ang lahat."

"Don't worry. I still have you. Stop this nonsense and stop crying. Ang panget mo kapag umiiyak."

Dahan-dahan ako naglakad papalapit sa kaniya at pinahiran ang mga luha na dumadaloy sa pisngi niya gamit ang hinlalaki ko.

"Yes. My heart is in pain right now. But whenever I see you smile, it fades. I'm sorry for everything. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo. You are too good. You don't deserve to be hurt. Natutuwa rin naman ako dahil natupad ko ang pinapangarap mo. Wala na tayong magagawa sa mga nangyayari sa atin ngayon." Sabi ko at iniwan ko na siya sa labas ng veranda at pumasok na sa banyo.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C9
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk