First day of school na.
Nakakalungkot man sabihin, pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkakaayos ni Aldrich. Oo, dumadalaw sya sa bahay pero kapag kasama si Aki o yung parents nya. Hindi sya pumupunta kapag sya lang.
Para akong hangin na dinadaan-daanan nya lang, hindi pinapansin.
Feeling ko nga nakahalata na yung parents namin eh.
Haist. Miss ko na yung dating kami.
Tumanda lang kami, naging complicated na ang friendship namin.
Kasi naman sya eh (>...<)
Mahal...
Mahal nya daw ako (>///<)
Higit pa daw sa pagiging bestfriend.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Medyo natutuwa kasi ako, sino ba namang hindi, diba? Almost perfect na ang mokong na yung. Tapos.... sya pa yung first crush ko.
Mahal ko rin naman sya eh. Pero di gaya ng pagmamahal ko kay Zoid.
Anebeyen (-.-)
Hindi ko alam ang gagawin ko..
First time ko kasing ma-inlove eh-ang pumasok sa isang relationship.
Ugh (>p<)
*knock.. knock.. knock*
Thanks to my mom na kumatok dahil baka mabaliw na ko sa kakaisip dito.
Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan yun.
"Louise, nasa baba si Aldrich. Gusto ka daw nyang makausap."
Tumango nalang ako tapos bumaba na ulit sya.
Siguro ito kailangan ko, ang makapag-usap kami.
Kinuha ko na yung shoulder bag ko na nakapatong sa ibabaw ng kama at humarap sa whole-lenght mirror.
Ganun pa rin naman ang style ng school uniform ko gaya nung highschool. Ang pinagkaiba lang, long sleeve yung ngayon.
Pagkababa ko, naabutan ko syang nakaupo sa couch at nakatingin sa hagdan. Mukhang inaantay nya talaga ang pagbaba ko.
"Good morning,"
medyo naiilang na bati ko sa kanya.
Nginitian naman nya ako sabay sabi ng, "
Ohayō" (Good morning in Japanese)
Nakasuot na din sya ng school uniform. Bagay sakanya. Bagay na bagay. Haaay.. ang gwapo talaga ng bestfriend ko.
Umupo ako sa tabi nya.
SILENCE
"I'm so sorry."
Paninimula nya. "Hindi ko dapat ginawa sa'yo yun. Lately, na-realize ko na hanggang bestfriend lang talaga ako sa buhay mo." He laughed bitterly. Yumuko sya saglit bago tumingin sa'kin. "Ang gago ko naman kasi eh. I let myself drowned in assuming you can love me more than you love him." Madiin ang pagkakasabi nya sa salitang 'him'.
"Aldrich,"
only word came out on my mouth.
"Don't worry, Zailie. Tanggap ko na. Tanggap ko na hanggang bestfriends lang tayo. Okay na yun kaysa naman sa wala. Bestfriends forever tayo."
Bigla nalang may tumulong luha sa mga mata nya.
Niyakap ko sya. Kumikirot yung puso ko dahil ang kauna-unahang bestfriend ko... umiiyak at nasasaktan dahil sa'kin.
Habang nakayakap, kinurot ko yung tagiliran nya kaya naman napaliyad sya sabay sigaw ng "ARAY!"
Kumalas ako sa pagkakayakap. "Ang bakla mo, Ostritch! May paiyak-iyak na pang nalalaman." I teased then shed away his tears.
He chuckled, "Panira ka ng scenario! Minsan na nga lang magdrama eh."
Ginulo nya yung buhok ko kaya naman sinuntok ko sya sa braso nya. Ang tigas. Muscle *0*
Natawa kami pareho. Bumalik na rin ang dating kami. Sa wakas \(^O^)/
"Wag kang mag-alala, Drich. Sa lahat ng guy bestfriends ko, ikaw ang pinakamahal ko."
Naka-ngiti kong sabi sakanya.
"Masaya na ko don."
He bit his lowerlip bago muling nagsalita. "Kalimutan na natin yung mga pangit na nangyari sa'tin after kong bumalik dito sa pinas."
"Oh-kay!"
Hyper na sagot ko sakanya.
He looked where dinning room is, "Tita ZJ, ano pong makakain dyan?" Tumayo sya at hinimas-himas yung tyan nya. "Nagugutom ako." At nagsimula na syang maglakad papunta doon.
Habang pinagmamasdan yung likod nya, bigla nalang akong nakaisip ng kalokohan. Hihihi. I smirked at my naughty taught.
I stood up then run towards him then clung on his neck.
"Hey! Anong trip mo, ha?"
Tanong nya na medyo nakalingon sa'kin habang naglalakad.
I giggled as an answer. Para akong koala na nakasabit sa likod nya. Hahaha (^___^) Madalas kong gawin sakanya to nung mga bata pa kami.
Nung nakita ako ni mommy na nakasabit sa leeg ni Aldrich, tinaasan nya ko ng isang kilay (-___^)
"Baka nakakalimutan mo, anak, dalaga ka na."
Natawa nalang kami ni Aldrich.
"Bumaba ka na nga! Ang bigat-bigat mo eh!"
Reklamo nya habang ginagalaw-galaw ang katawan.
Lalo akong kumapit sa leeg nya kasi baka mahulog ako.
"Ack. NASASAKAL NA KO!"
Tinawanan ko lang sya. Si mommy naman, napailing nalang pero naka-ngiti sya.
"Ang tatanda nyo na ang kukulit nyo pa rin. Tsk. Tsk. Tsk. Oh sya, tatawagan ko lang ang daddy mo, Louise. Kumain kayo dyan."
Then she left.
"Ostrich ang haba talaga ng leeg mo."
I teased holding my laughs.
"Baba na sabi eh! Sinasakal mo ko."
Patuloy pa rin sya sa paggalaw ng katawan nya.
Kala nya naman mahuhulog ako? Tsk. Asa sya. Hahaha.
*Dugsh*
Oh no (>____<)
Nakalimutan kong nasa pocket ng skirt ko yung phone ko. Ayan tuloy.... nahulog T^T
"Ostrich, wag kang magulo. May kukunin ako."
Sya namang uto-uto, sinunod ang utos ko. Naka-steady nalang sya ngayon.
Binaba ko yung isa kong braso at pilit na inaabot yung phone na nasa sahig habang yung isa kong kamay ay naka-kapit sa leeg ni Aldrich. Yung legs ko ay nakapulupot sa waist nya.
"Hoy anong ginagawa mo dyan?"
"Inaabot yung phone ko. Nahulog eh."
Argh. Ang hirap (>…<)
"Bumaba ka kaya para makuha mo yan. Baka mahulog ka pa sa pinaggagagawa mo dyan."
"Di yan. Di ako mahuhulo------AAAAAAAAHHHHH"
Zoid's POV
Pagpasok ko sa bahay nila Zai, naabutan ko si mommy ZJ na may kausap sa phone. Nung napansin nya ko, tinuro nya yung dinning room.
Ngumiti ako sakanya at nagpunta na dun.
"Inaabot yung phone ko. Nahulog eh."
Boses ni Zai yun, ah? Sino naman kaya yung kausap nun?
"Bumaba ka kaya para makuha mo yan. Baka mahulog ka pa sa pinaggagagawa mo dyan."
Boses nung Aldrich yun. Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa....
"Di yan. Di ako mahuhulo------AAAAAAAAHHHHH"
Mabuti nalang at mabilis akong nakapunta sakanya kaya naman nasalo ko yung ulo nya na dapat ay babagsak sa tiled floor. Si Aldrich naman, sa waist nya nakahawak.
Tch. Ang manyak [=______=]
Inalis ko yung kamay nya sa waist ni Zailie kaya tinitigan nya ko ng masama. I shot him glared too.
Inalalayan ko syang tumayo. Pansin ko lang, bakit nakapikit pa rin ang babaeng 'to?
Inayos ko yung uniform nya at yung skirt nya ns bahagyang tumaas. Tinignan ko ulit si Aldrich habang nakasuporta ang braso ko sa bewang ni Zai.
Sa mukha lang ni Zai sya nakatingin. Tama lang yon!
Ako lang ang pwedeng magnasa sa Louise ko! Ang possessive ko, I know [-___-]
Using my free hand, I reached for her eyes then opened it.
Pagdilat nya, tumingin-tingin sya sa paligid.
"Nasaan ako? Sino kayo?"
*puk*
Pinikit ko nga sa noo.
"Di ka nabagok."
"Ay, hindi ba? Hehehe. Ang oa ko talaga."
Yumuko si Aldrich at kinuha yung phone na alam kong kay Zailie sa sahig at inabot sakanya.
"Salamat. Kain na tayo?" (*__*)
Teka, si Aldrich lang ang inaalok nya? How 'bout the handsome me?
"Salamat nalang pero sa school nalang ako kakain."
"Ha? Bakit naman?"
Sige lang. Mag-usap lang kayo na parang wala ako =____=
"Magseselos lang ako dito."
Tumingin sya sa'kin saglit tapos kay Zailie na ulit.
"See you later at school,"
kinurot nya ng mahina yung kanang pisngi ni Zai at tinapik ako sa balikat. Tinanguan ko lang sya tapos umalis na sya.
Zai's POV
"Maboy, gusto mo?"
Tinuro ko sakanya yung bacon. Magkatabi kaming nakaupo sa lamesa. Nakaakbay pa sya sa upuan ko.
"Alin?"
Tanong nya pero sa iba nakatingin.
"Ito nga!"
Tinuro ko ulit yung bacon.
"Yung alin nga?"
Haay nako! Parang naglolokohan nalang kami dito. Alin sya ng alin pero ayaw naman tumingin.
Kaya ang ginawa ko, tinusok ko gamit ang tinidor yung bacon na nasa plate at dinuldol sa bibig nya. Kulet eh >____<
"Ayan! Gusto mo ba?!"
"Aish! Mamantika."
Pinunasan nya ng table napkin yung bibig nya.
"Kung san-san kasi nakatingin eh. May nakita ka sigurong sexy noh?"
"Ha?"
Bigla syang tumingin-tingin sa paligid. "Wala naman ah!"
Ah ganon?
=____=++++++
Saglit ko syang tinitigan ng masama at muling itinuon ang atensyon sa pagkain.
Magkaroon ka ba naman ng boyfriend na playboy. Tss.
Isusubo ko na sana yung kutsarang may fried rice at bacon sa bibig ko kaso inagaw nya at sya ang kumain.
*nom.. nom.. nom..*
[^____^]
Todo ngiti sya habang ngumunguya.
"Sarap,"
sabi nya. "Pero mas masarap 'to."
*Tsup*
Matapos nya kong nakawan ng halik, tumingin sya sa kung saan tapos ngumisi.
Ano bang meron ?
"Maboy, namamaligno ka na ba?"
"Ha?"
Nagtatakang tanong nya.
"Wala."
Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Nung natapos na ko, uminom ako ng juice atsaka tumayo para iligpit yung mga pinagkainan ko pero pinigilan ako ni Zoid at sya na nagligpit ng mga yun.
Pinanood ko lang sya sa pagligpit hanggang sa wala ng matira sa lamesa kundi ang mga prutas na nasa gitna.
Namamaligno na talaga sya =_____=
"Anong trip mo?"
Tanong ko sakanya nung umupo na ulit sya sa tabi ko.
"Wala. Sinasanay ko lang ang sarili ko. Magiging ganito ako sa'yo kapag mag-asawa na tayo."
He tucked some strands of hair behind my ear. "Ikaw ang paglilingkuran ko. Louise ko... my princess."
>/////<
Nagwawala na naman ang mga paru-paro ko sa tyan.
Binuksan nya yung bag nya at nilabas ang isang brown envelope. Inabot nya sa'kin yun, tinanggap ko naman.
"Ano 'to?"
"Marriage proposal."
"Huh?!"
Marriage proposal pinagsasabi nito!
Binuksan ko naman yung envelope.
(*v* ~)
"Huwaaaaaaw!"
Niyakap ko sya ng mahigpit.
"Nagustuhan mo?"
He asked as he hugged me back.
"Gustong-gusto!"
Ini-scan ko lahat ng mga pictures.
Mga pictures ko with my kpop biases. Pina-print nya pa talaga ng whole size. Nilabas ko lahat ng laman ng envelope.
Napakunot yung noo ko, "Nasaan yung sinasabi mong proposal?"
His red lips curled up, "Yan."
"Ha?"
Tinignan ko ulit yung mga pictures. "Ganito na pala ang marriage proposal ngayon." I said sarcastically.
"Oo naman. Unique ako mag-propose eh."
Hinampas ko sya sa dibdib. Ang tigas (a___a)
"Wag ka ngang man-trip!"
"Hindi ako nanti-trip. Ayan nga ang marriage proposal ko sa'yo."
Kinuha nya yung mga pictures sa kamay ko at ibinalik sa brown envelope. "If you accept these, you're accepting my marriage proposal, too."
"Ah, edi akin na yan."
I reach for that envelope but he pulled it away.
Ang gulo nya (=___=)
Kakaiba sya mag-propose, huh?
Pero kahit ano pa yan, enggrade man o cheap. Nasa maganda o mabaho mang lugar, basta sya, wala akong pakialam at isang malaking YES pa rin ang isasagot ko.
"Magpakipot ka naman muna ng konte, Louise ko."
Di ako nakapagsalita. Nag-pout lang ako >u< Kasalanan ko bang maging excited?
"Bibigyan kita ng chance para makapagdesisyon. Kaya kung aatras ka, sabihin mo agad."
I rolled my eyes at him. As if naman na aatras ako.
"Dahil once na may maibigay ako sa'yong pictures mo with SISTAR...."
OMO! SISTAAAAAR *0*
"... wala ka ng kawala sa'kin."
"Ang tanong... makakakuha ka ba? Baka naman galing sa photoshop ang maibigay mo sa'kin, huh!?"
Wala akong picture(s) with SISTAR, kasi nga diba maaga silang umalis nung may event sa plaza? Kaya ayun, hindi ako nakapagpa-picture sakanila. Sayang talaga, men!
"Everything's possible. Gagawin ko ang lahat para sa'yo."
"Weh?... ACCCCCKKK!"
Sinuntok ko sya sa braso. Pa'no, kagatin ba naman yung ilong ko >,<
.
.
.
.
.
.
"Aldrich, kumain ka na ba?"
O___O
EH?
"Tara,"
At bigla nalang lumitaw si mommy na hila-hila si Aldrich. Yung mukha nya parang nagpa-panic.
"Akala ko nakaalis ka na, Drich?"
Tanong ko,
"Ah... eh..."
napakamot nalang sya ng batok.
Ang kyooot >3<
"Kanina pa sya dyan na parang nagtatago. Akala ko kung ano."
Mommy
Tumingin ako kay Zoid. Nakangisi lang sya habang nakatingin kay Aldrich na hindi makatingin sa'min. Ayun siguro yung pinagtutuunan nya ng pansin kanina (-___-)
Somebody's POV
Nyemas na Zoid yon! Napaka-kapal ng mukha! Matapos ng ginawa nya sa kapatid ko, ayun sya at namumuhay na parang walang nangyari.
Tinatawagan ko sya pero ayaw nyang sagutin. Kung sasagutin man nya, inuunahan na nya ako ng, "Bye." Ang gago talaga ng taong yun kahit kailan. Sa tingin ko wala akong mapapapala kung puro texts at tawag ang gagawin ko sakanya, kaya naisipan kong pumunta sa school na pinapasukan nya ngayon.
I researched all about him. Family background at maging lahat ng mga pangalan ng naging ex-girlfriends nya. Puta lang! Hindi ko mabilang kung ilan ang lahat ng iyon.
Walang babae ang tumagal sakanya. Sya pa talaga ang nakikipag-break. Walang galang sa babae. Tsk.
Sobrang dami nyang niloko at isa na dun ang kapatid ko.
Nakita ko sya sa tapat ng school gate nila kung saan naka-park yung kotse nya. He was standing, back against his car. At halatang may inaantay sya.
Nung lumapit ako sakanya, tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.
Nakakainsulto ang mokong na to!
"Sorry wala akong barya."
Calm na sabi nya at tumingin na ulit sa school gate.
Sa inis ko, sinuntok ko sya ng malakas sa mukha.
"Para yan sa panloloko mo sa kapatid ko!"
Sinuntok ko ulit sya hanggang sa mapaupo na sya sa sahig.
Kinwelyuhan ko sya at sinuntok ulit. Hindi sya gumanti at parang hinahayaan lang ako na suntukin ko sya.
Isinandal ko sya sa kotse nya habang nakahawak ng madiin sa kwelyo nya.
"Hindi ko kilala kung sino sa mga naging ex-girlfriends ko ang kapatid mo. Pero sorry pa rin."
Sinuntok ko ulit sya hanggang sa dumugo yung gilid ng labi nya.
"AYUN LANG?! SORRY LANG? YOU DON'T KNOW HOW MISERABLE MY SISTER IS!!!"
He removed my grip on his collar, "Ano ba dapat? Balikan ko sya? Sorry pero meron na kong babaeng papakasalan."
I calmed myself.
"Pwede bang...
Pwede mo bang puntahan yung kapatid ko? Kahit ngayon lang?"