"Hey, Welcome to our guild. Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?", sabi ng isang waitress na sumalubong saakin. (Hindi na ako magsisinungaling, cute siya.). Medyo mautal-utal pa ako kaya hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya. Pero ilang saglit lang ay nakahabol na sina Kin at Yuri.
"Bakit ka naman napunta rito?", tanong niya saakin at biglang tingin sa waitress. "...at sino naman itong babaeng ito?".
"Ako nga pala si Pelph, isang waitress ng guild. Tumuloy muna kayo at ng kayong aming mapaglingkuran.", sabi niya.
Tumuloy kami at naupo sa isang mesa na malapit sa isang bintana. Ilang saglit lang ay bumalik si Pelph, at kami'y inanyayahan na sumunod sa kaniya. Pinasunod niya kami hangang sa ikatlong palapag ng building. "Tumuloy po kayo, at naghihintay po siya sa inyo."
"Sino?", tanong ko. At bumukas ang pinto. Mula sa loob ay may narinig kaming malambot na tinig. "Tumuloy kayo."
Pagpasok namin ay bumungad saamin ang malakas na liwanag, at ilang saglit lang sa harapan namin ay isang babaeng talagang kaakit-akit, parang sa isang pelikula mo lang makikita. Bihis pa lang karespe-respeto na, at ramdam mo ang lakas na mayroon siya.
"Inaasahan ko na darating kayo, pero di ko akalain na agad-agad kayo makakarating. Ako si Lillia Vermillion, ang master ng guild na ito."
"Anong ibig mong sabihin?", tanong ni Yuri.
"Maupo muna tayo may inihanda akong makakain.", "Di ba kayo ay isa sa mga grupo na sumali sa tournament?"
"Kami nga saka nga pala ako si...", sabi ni Yuri ngunit pinahinto na ni Lillia.
"Kilala ko na kayo Yuri Miyasaki, Marcello Kin, Ayato Suzuki."
"Paano mong?", pagtataka ko.
"Akin na ang braso mo.", sabi niya kay Yuri. Inabot niya at inalis ang papel na nasa braso niya. "Nakasulat sa papel na ito ang pangalan ng Guild na ito pati na ang pirma ko. Ang pagkapili niyo rin sa papel na ito ay di nagkataon lang. Bago pa naman magsimula ang bunutan ay napagdesidyonan na kung saanong Guild mapupunta ang bawat groupo. Hindi ba iyon na sabi sa inyo?", paliwanag niya.
"Hindi."
"Hindi na talaga siya natuto.", "Total naririto na kayo na dapat ay bukas pa kayo makakarating ay simulan na natin ang registration niyo dito sa Guild para bukas ay makapagpahinga na kayo hangang sa dumating ang sulat. Sumunod kayo saakin."
Ipinakita niya saamin ang isang makina. "Ipatong niyo lang ang kamay niyo sa ilalim nito."
"Teka sigurado kabang hindi maiipit ang kamay namin dito.", tanong ko.
"Huwag kang mag-alala, dalawa pa lamang ang taong naputulan ng daliri dahil dito."
"(Anong problema nitong babaeng ito?)", isip-isip ko.
"Biro lang, ligtas ito. Bibigyan ng naman kayo nito ng emblem para maipakita na miyembro nga kayo ng Guild na ito. Wag kayong mag-alala dahil temporary lang naman ang pagiging member niyo, pero kung gusto niyong maging permanent sa bihin niyo lang."
"Pansin ko lang bakit iba-iba ang kulay ng emblem ng mga naririto?"
"Nakabase ang kulay sa gusto ng member pero yung palibot niyaon ay nagiiba base sa ranking mo. Tulad ng saakin bilang isang Guild Master kulay puti ang palibot ng emblem ko bilang isang Platinum. Pero dahil sa kayo' y nagsisimula pa lamang ay Copper muna kayo, tataas naman ang ranking niyo dipende sa mga accomplishments na makukuha niyo. Isipin niyo lang kung saan niyo gustong mailagay ang emblem niyo habang nasailalim ang kamay niyo."
Inabot lang ng ilang saglit ang registration. Matatpos noon ay iti-nour kami ni Pelph sa buong guild. Sa Main Hall ay isang kainan na kung saan ay maaaring magpahinga ang mga dumadayo sa lugar may iba't ibang mga pagkain at mga inumin. Sa isang pader naman na nasa gilid ay isang request board base sa sabi ni Pelph...
May iba't ibang class ang mga request depende sa ranking, yung mga "Request" na hindi kailangan ng isang buong araw para matapos na kayang gawin kahit ng nagsisimula a lamang , "Work" hindi aabutin ng isang linggo para matapos, "Job" kailangan mayroon ka munang at least 10 experience sa mga request bago ka magsimula sa isang "Job" class. Tapos ang "Quests" na nasa isa pang Hall na restristed para sa mga Bronze II pababa. Pero pinayagan naman kami ni Lillia na makapasok.
Doon naman ay may roong apat na magkakahiwalay na bullitin board na mula sa malaki sa baba paliit hangang sa itaaas na siyang ikaapat na palapag. Ang nasa baba ay ang mga request na kung saan ay may mga matataas na pabuya kung minsan ay para sa mga specific na mga tao lang. Sa susunod na bulitin na nasa itaas ng nauna ay ang mga special request na kung saan ay hindi na maaaring pumili roon ang mga Silver III pababa dahil iyon ay mga S class request. Sa "S class" ay mga request na kadalasan ay inaabot ng mahigit sa isang buwan bago masolusyonan. Ang sumunod ay "SS class" kung saan ay ang mga request na hindi natapos ng mga matagal na panahon madalas inaabot ng tatlo hangang limang taon bago matapos. At ang pinakahuli na tanging tatatlo lang ay ang "SSS class o Forbidden", tanging ang mga Gold III pataas lamang ang maaaring tumangap nito. Sa sobrang delikado ay isang hakbang ng pagkakamali lang ay buhay mo na ang kapalit dahil sa ang mga request na ito ay sobrang tanda na at dahil sa sobrang tagal na ay lumala ng lumala hangang sa punto na hindi na ito kayang solusyonan ng kapamahalaan.
Lumabas na kami para ituloy ang tour, mayroon din silang dormitorium para sa mga walang mauuwian o mga gustong magpalipas gabi sa guild. Mayroon din silang dalawang hot spring, isang pang lalake at isang pang babae. At doon na natapos ang tour. Inihaatid na lang kami ni Pelph sa magiging kuwarto namin at nag-ayos na kami.
"Maaga pa naman", sabi ko sa sarili ko. "Lalabas muna ako at maglilibot libot lang.", sabi ko kay Kin habang si Yuri ay naliligo at umalis na ako.
Nagsimula akong maglakad lakad sa daan na alam kong maaalala ko. Naagaw yung attensyon ko dahil sa isang masarap na amoy, nang sinundan ko ay isang panaderya at yung na aamoy ko ay pandesal. Pinuntahan ko para bumili, "Pabili po!", sabi ko. Paglingon ng nagtitinda ay may naalala ako bigla. "Di po ba, ikaw yung nagtinda saamin ng mga kagamitan namin?", tanong ko.
"Ano iyon?"
"Ikaw yung nagbenta saamin ng mga gagamitin namin."
"Pasensya na bata, pero parang namamalit mata ka ata. Hindi kita kilala, pero sasaya ako kung bibili ka sa mga paninda ko."
"Pasensya na po, pabili na nga lang po ng pandesal."
"Pande... ano?"
"Ito pong nasa tray.", sabay duro sa tinapay.
"Ah... ito, 10 B isa."
"Seryoso? Bat parang ang mahal naman.", sabi ko.
"Mahirap kasi makahanap ng mga sangkap para diyan."
"Sige, sampu nga po."
"Salamat sa pagbili.", sabi ng tindero at nagpatuloy na sa pagmamasa ng tinapay.
Tumikim ako ng isa habang naglalakad pero parang normal na pandesal lang. Habang naglalakad pa balik ay may isang bata nalang ang sumulpot sa isang eskenita at tumumba saakin. buti nalang di narumihan ang tinapay na binili ko. Napansin ko rin na may mga lalake na sumusunod na tila habol habol ang bata. Pagtingin saakin ng bata ay bigla nalang akong tumayo at binato ang isa sa mga lalake ng hindi ko namamalayan.
— Bab baru akan segera rilis — Tulis ulasan