Unduh Aplikasi
15.9% Elysium Academy (Tagalog) / Chapter 5: CHAPTER 5: NEW FRIEND

Bab 5: CHAPTER 5: NEW FRIEND

Argon's POV

Ilang minuto pa ay napagpasyahan ko nang bumaba sa rooftop at bumisita sa Library, Habang naglalakad sa hallway ay hindi ko maiwasang mapansin ang mga nanlilisik na mata na nakatingin sa akin, Ano bang problema nila? Sinawalang bahala ko nalang yon at dumiresto na lang nang tingin.

Dahan dahan ang pagpasok ko sa Library upang hindi ako mahalata ni Mrs Deguzman.Naalala ko na hindi pa naisasauli ni Krypton ang librong pinang Black mail n'ya sakin. Ngunit akmang uupo na ako nang mapansin ko ang nanlilisik na mata ni Mrs. Deguzman.

"Ms Argon! late kananaman sa pag balik ng librong hiniram mo!" sigaw nito sakin.

"Ah—Pasensya na po Mrs Deguzman Bukas na bukas din ay ibabalik ko na po ang mga libro" nakatungo kong sagot sa kanya, nakakatakot kase ang mga mata nya kahit na may salamin ito ay mahahalata mo na strikto talaga si Mrs Deguzman.

"Siguraduhin mo lang kundi ay hindi na kita papahiramin ng mga libro" pagbabanta nya at agad na bumalik sa kanyang lamesa.

Napabuntong hinanga naman ako, iniisip ko kung paano ko makukuhanin ang mga libro kay Krypton. Baka kasi hindi nya ibigay.

"Mahilig ka pala sa mga libro" nakangiting sabi ng babae. Teka ako ba ang kausap nya? Tumingin ako sa paligid kung may tao baka kasi para sa iba ang sinabi nya. Pero wala naman. Malamang Argon sayo nakatingin eh

Nagtatakang tumingin ako sa kanya at itinuro ang sarili ko.

"Excuse me, ako ba ang kinakausap mo?" tanong ko sa babae

"Oo naman, ikaw lang naman ang nasa harapan ko eh" nakangiting pamimilosopo nya sakin. Oo nga naman kasi Argon.

"hmm. Lagi kitang nakikita dito, gusto ko sanang makipag kaibigan pero lagi kang busy sa pag babasa. Kaya hindi ako makalapit" pagpapaliwanag nito

"ahhh..." yun lang ang nasagot ko, na katitig lang ako sa maganda n'yang mukha. Meron itong magagandang mata na parang kumikislap kapag ngumingiti ito, maliit na ilong na bumagay sa makipot n'yang bibig. Balingkinitan din ang pangagatawan nito. sa madaling salita ay maganda sya. Ano naman kaya ang nakain nya at bakit nya ako kinakausap.

"I will lend you my books, madami ako sa dorm ko,"tila walang kasawaang ngiti nya saakin.

"Ahh, salamat..." sagot ko. Akala ko ay sa gwapo lang ako allergy sa mga magaganda din pala.

"Omg, nakalimutan kong mag pakilala sayo, My name is Beryllia Ramos but you can call me Beryl, Your name is?" may siglang pagpapakilala nito sa akin. Beryl? Naalala ko ang isa sa mga alkaline earth metals sa Periodic table. One of the chemical element of atomic number 4, Beryllium

"Nice to meet you Beryl, ako si Argon Neomy Mendez" pagpapakilala ko

"Whaaa! Ang cute naman ng name mo Argon, pede ba tayong maging magkaibigan? " Kaibigan? Bukod kay Neon ay wala na kong kinakausap na iba. Isama mo nalang si Krypton at Xenon pero di ko naman sila kaibigan. Wala naman yatang masama kung makikipag kaibigan ako sa kapwa ko babae.

"S-sure" nauutal kong tugon.

"Yey! Really!!! Salamat Argon" nakangiti nitong sabi.

Sasagot pa sana ako nang tumunog na ang bell. Kaya nagpaalam na si Beryl sa akin dahil mag sisimula na ang klase. Habang ako ay inaayos ang mga gamit ko. Naisip ko na s'ya ang una kong kaibigan na babae sa isanga taon ko dito sa Elysium academy. Nakakatuwa.

Papaalis na ako sa library nang mabangga ako sa pader. Ang sakit ah. Habang hawak hawak ang parte nang ulo na nabangga.

"Tss. Clumsy"

Teka nagsasalita na ba ang pader. Nababaliw na yata ako.Gutom lang yan Argon,.Nag angat ako nang tingin.

Mali, Hindi pala pader ang nabangga ko.kundi Dragon.

Agad na napayuko ako. Anong gagawin ko.

"Sorry Mr. President" agad na sabi ko

"Hindi ba sabi ko sayo tawagin mo kong Krypton" Nakatingin nyang tugon.Gosh nakalimutan ko.

"Yung mga libro pla Krypton kailangan ko na" buong lakas na sagot ko.

"Follow me" yun lang at umalis na sya, Habang naglalakad ay may narinig akong bulong bulungan.

"Who's that girl? Bakit yga kasama si Babe Krypton !" rinig kong sabi ng isng babae.

"Duhh~ don't cha worry sis, mukha lang naman syang buntot na nerd hhahah" sabat naman ng isa.

"Yeah right, but bakit ba sya nakadikit kay Mr. Pres. Nakakairita sya" banat pa nung isa.

Hays, ang buhay kong tahimik ay unti unti nang nagulo, ayoko nang napapansin ako at mas ayokong magkaroon nang haters. Kasalanan to ni Krypton!

Nang makarating na kami sa SSG Council ay agad naman syang umupo sa trono nya. Bakit wala ung ibang mga SSG officers. Sabagay baka nasa mga klase. Kailangan ko nang magmadali tiyak na late nanaman ako sa next class ko.

"Maaari ko na bang kunin yung libro?" tanong ko

"No" sagot nya habang hindi nakatingin sakin, mukang may sinusulat sya.

"Pero bakit?" tanong ko,

Hindi na sya nagsalita dahil may kumatok.

"Mr. President, eto na po ang pagkain n'yo." Sabi ng lalaki. Ngayon palang syang mag lulunch?. Pero ang dami naman nang inorder nya. Ang takaw naman pala nya. Nagutom tuloy ako bigla.

Iniwan na ng lalaki sa table ang mga pagkain at umalis na.

"Sige mukang kakain ka pa, aalis nako late nadin ako sa next class ko" pagpapaalam ko sa kanya, akmang aalis na ko nang mangsalita sya.

"Nah, dito ka lang" hila nya sa braso ko

"A-Ano?" utal kong sagot

"Akala ko ba ay kukunin mo ang mga libro" sahalip ay sagot nya sakin, hinila nya ako paupo sa lamesa.

"Oo nga pero--"din a nya ko pinatapos sa pagsasalita.

"Nakalimutan mo na ba ang kasunduan natin?" putol nya sasabihin ko

"Hindi" mabilis na sagot ko

"Good, Nakausap ko na si Mr. Reyes na di ka na muna papasok dahil may ipapagawa ako sayo"pagpapaliwanag nya.

"Ano naman yon? Sabihin mo na nang masimulan ko na para makahabol ako sa next class ko"

"Sit" utos nya sakin. Ano ako aso? Hindi Argon slave ka ng dragon na'yan kaya sumunod ka. Agad naman na umupo ako. Nag iwan ako nang distansya sa pagitan namin.di kasi kami close.

" Eat, sabayan mo kong kumain" Cool na utos nya.Ano daw? Nakakahiya naman yata. Ang Presidente ng kagalang galang na Student Council sasabayan kong kumain?.

" Ayoko" lakas loob kong sabi sa kanya, No way, Kahit na nagugutom ako, dahil di ako nakakain ng maayos kanina.

"I don't accept no for the answer, Argon" Matalim nyang tingin sa akin, Fine kakain na nga eh

"Fine, basta ibalik mo na yung libro ko. Hiniram ko lang yun sa library" saad ko.

Wala nakong nagawa kundi ang sabayan syang kumain. Nabigla ako nang nakatitig lang sya sakin.anong problema nito.Dahan dahan syang lumapit sakin. Nanglaki ang mga mata ko. Anong gagawin nya? Hindi kaya... No, No wag kang assuming Argon.

Palapit nang palapit sya, habang ako ay napaurong. Kaya lang sa kasamaang palad. Dead end na nang sopa. Anong gagawin ko?...

"Stay" halos pabulong nyang sabi habang nakatitig sakin. Aso ba talaga ang tingin nya sakin. Kanina sit ngayon stay.

"A-nong gagawin m-mo--?" nauutal kong tanong sa kanya.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C5
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk