Unduh Aplikasi
14.95% WANTED PROTECTOR / Chapter 16: Chapter 15 - The Treasure

Bab 16: Chapter 15 - The Treasure

MEDC SITE...

Huminga ng malalim si Gian habang tinitingnan ang gabundok na carbon.

"Iniisip kong ihalo ito sa mga high grade ninyong produkto at ng sa gano'n, hindi mahahalatang may halong reject."

Napaatras ang dalaga.

"Hindi pwede 'yang naiisip mo paano kung ang high grade naman ang ma reject eh 'di mas lalo tayong nalugi?"

"Sa negosyo, hindi mo kailangan ang sigurado, kailangan mong sumugal at subukan lahat ng pwedeng paraan."

"Nag-aaksaya lang tayo ng panahon, matagal na 'yang kinalimutan. Alam mo ba kung magkano ang halaga ng reject na 'yan?"

Tumingin siya sa amo.

"Magkano?"

"Mahigit isang milyon, pero ngayon hindi na 'yan aabot kahit isang daang libo."

"Believe me Ms. Ellah, kaya niyo itong pagkakakitaan kagaya ng sinasabi mo."

"Nagbibiro ka ba?"

"Hindi biro ang sumugal sa pera kaya bakit kita bibiruin?"

Sa huli ay pumayag din ito.

"O sige kumuha tayo ng sample."

Agad kumilos ang binata, naglagay ng produkto sa sako at ilang sandali pa, dala na nila.

Inabutan nila ang production supervisor.

"Good morning Ms."

"Good morning, ibaba niyo ang karga namin, linisan at hugasan tapos i dryer niyo."

"Yes Ms."

Nagsimula siyang magbigay ng instruction.

"Kapag naihalo na natin ang reject sa hindi, saka ninyo subukan kung ubra, gawin nating five is to one, kapag pwede pa, gawin nating five is to two."

Napatingin ito sa kanya.

"Alam mo, naguguluhan ako sa'yo eh, kung gwardya ka ba o business man? Bakit marami kang alam tungkol dito?"

Natawa ang binata.

"Hindi naman, may kunting alam lang sa negosyo."

Pinuntahan nila ang production manager.

"Mr. Valdez, makakapag deliver ba tayo ngayon ng ten trucks sa BMG plant?"

"Yes Ms. hinihintay na lang ang permit to transport at makakapag deliver na tayo."

"Wala namang problema sa dokumento hindi ba?"

"Wala po Ms."

"Mr. Valdez, gusto kong subukang pakinabangan ang reject na ito."

"Ha? Pero pinag-usapan na 'yon hindi ba?"

"Napakahirap ba para sa'yo ang subukan ito?"

"Pagpasensiyahan niyo sana ako Ms."

"It's okay, babalikan kita Mr. Valdez."

"Yes Ms."

"Mag lunch muna kayo."

"Opo Ms."

Naglibot pa sila bago umalis.

"Lunch muna tayo, mamaya matutuyo na 'yong reject na produkto."

"Sige, saan mo gustong kumain?"

"Kahit saan, basta malapit sa site."

Ilang sandali pa nakakita na sila ng karenderya.

"Pwede na diyan," wika ng dalaga.

"Talaga?" panigurado ng binata.

"Oo, ihinto mo, ang mahalaga makabalik tayo agad."

"Napakasipag mo Ms. Ellah, inuuna mo lagi ang kapakanan ng kumpanya bago ang sarili mo."

Kumakain na sila nang magsalita si Ellah.

"Ang pinakadahilan ko kung bakit hindi ako mag-aasawa ay dahil sa kumpanya. Umaasa sa akin ang mahigit isang libong empleyado kaya wala akong panahong ibaling sa iba ang atensyon ko.

Si lolo ang pangalawang mahalaga sa buhay ko, siya lang ay sapat na. Iyong pakikipag date ko 'yon ay dahil inutos niya, kahit minsan hindi ako nagtangkang magnobyo dahil sagabal sila sa trabaho ko."

"Gano'n din ba ang tingin mo sa akin?"

"Hindi, dahil hindi naman kita nobyo, ayokong mangyari 'yon dahil kailangang-kailangan kita! Kaya hindi ako magmamahal at hindi mo ako pwedeng mahalin."

Hindi na muling umimik ang binata. Marahil iniisip nito ang kanyang sinabi.

Nagiging open na nga ito sa nararamdaman sa kanya. Tila ba palagay na ang loob ng gwardya sa kanya.

Nakabalik sila bago mag-ala una at inabutan nilang naghahanda na ang sampung truck para sa pagdeliver.

Binalikan nila ang production manager kasama nito ang supervisor.

Tuyo na ang dalawang sakong reject kaya nagpakuha siya ng limang sakong class B. Gaya ng suhestyon ng gwardya, sinunod niya lahat. Hinalo nila sa five is to 1 bago isalang sa tinatawag na "test fire" upang makuha ang resulta kung makakapasa ba o hindi.

"Paano niyo naisip ang ganito Ms.?"

"Nakikita kong sayang ang produkto, subukan lang natin. Gano'n din ang gawin niyo sa class A."

"Yes Ms."

Matapos ihalo ay inutos na ng production manager ang susunod na gagawin.

Naglibot pa sila sandali bago pumasok sa loob ng opisina ng site.

"Sa totoo lang kinakabahan ako."

"Gano'n din ako, pero wala namang mawawala dahil sinubukan, malaki lang talaga ang paniniwala kong kaya pang magawan ng solusyon ang reject na 'yon."

"Naalala ko noong sinabi mong hindi kita kilala, napilit ka lang ng lolo kong maging gwardya hindi ba?"

"Hindi, kusa akong pumayag. Isa pa kilala ko rin si don Jaime, napakabait niya at walang pinipiling tao, nakahanda siyang tumulong kahit kanino."

"Kung gano'n natulungan ka na ba niya?"

"Noon, pero hindi niya alam na ako ang tinulungan niya."

"Pwede ko bang malaman kung paano ka niya natulungan?"

Tinitigan siya ng binata, yumuko si Ellah. Parang hindi na niya kayang salubungin ang mga titig na 'yon.

"Bakit? Ayaw mo bang malaman ang dahilan?"

Umangat ang tingin niya. "Ano 'yon?"

Ibinaling nito sa ibang dereksyon ang paningin.

"Nag-aagaw buhay ako noon nang sinagip ko si Vince, humingi ng tulong ang opisina sa mga malalaking kumpanya at isa si don Jaime ang may pinakamalaking naitulong."

"Kung gano'n bakit ka nabaril? Dahil din ba 'yon sa pagiging gwardya?"

Natawa ang binata.

"Hindi"

Tumalikod siya at pumunta sa kusina, sumunod si Gian.

"Kung gano'n bakit ka nga nabaril?"

Lumapit ang binata.

"Sinabi ko na hindi ba? Sasabihin ko sa'yo kung sino ako kung magiging tayo, kung magiging akin ka."

Napailing siya. Kaswal lang ang kanilang pag-uusap na parang nagsasabi lang ito na kumain na.

Binuksan niya ang ref at kumuha siya ng tubig.

"Magaling ka sa lahat ng bagay, pati na rin sa paglilihim, kaya paano ako magtitiwala sa'yo?"

Mas lumapit pa si Gian. "Wala na akong inililihim sa'yo, nalaman mo na ang lahat ng saloobin ko nang hindi sinasadya. "

Natigilan ang dalaga. Naramdaman niya ang binata sa kanyang likuran.

"Lantaran ko ng inaamin ang pagtingin ko sa'yo ano pa ba ang gusto mong malaman?"

" W-wala" Isinara niya ang ref at humarap ngunit sa pagkabigla niya ay napasandal sa pinto ng ref, muntik nang magtama ang mga labi nila.

Bigla ang pag-iwas nila sa isat-isa.

Kinabahan ang dalaga.

Hilaw ang ngiting tinalikuran niya ito papunta sa lamesa at inilapag ang botelya ng tubig.

Kumabog ang dibdib niya sa nangyari kaya napainom siya ng tubig.

Saka naman may pumasok.

"Ms. hinahanap po kayo ni sir Valdez."

"Tell him I'm coming," nagmamadali siya sa paglabas.

"Opo" anito saka umalis.

"Let's go?" aya niya sa binata.

Binilisan niya ang lakad at nakasunod ito sa kanya.

Naglakad sila palabas.

"Gusto kong magpasalamat dahil naniwala ka sa mga ideya ko."

"Gusto ko ring magpasalamat dahil ibinahagi mo ang ideya mo."

Huminga ng malalim ang binata at hindi na nagsalita.

Sinalubong sila ng production manager.

"Ms. Ellah, lumabas na ang resulta ng test fire, itong isa sa class B, at ang isa sa class A." sabay abot ng papeles sa kanya.

Kinakabahang tiningnan niya ang mga papeles.

"Ibig sabihin nito Mr. Valdez wala namang malaking ipinagbago hindi ba?" Namimilog ang mga mata ng dalaga.

"Tama kayo Ms. at dahil sa resultang 'yan lumalabas na pwede pa ngang pakinabangan, may kunting deperensiya pero hindi na 'yon mahahalata."

"Kung gano'n, nagtagumpay tayo?"

Napalingon siya sa likuran kung saan naroon si Gian na tipid na ngumingiti.

"Tama po kayo Ms. bakit kaya hindi ko naisip ang bagay na ito?"

'Hindi ako makapaniwala na magagawan pa ito ng paraan!'

Nakangiti rin siya pero napapaluha ang dalaga sa narinig.

"Mr. Valdez, kapag nakalusot tayo sa planta, mababawi natin ang 1.2 milyon nating lugi."

"Tama po kayo Ms. at tinitiyak kong makakalusot tayo at hindi nila 'yon mapapansin."

"Sa susunod nating deliver Mr. Valdez, ay isasabay niyo na ang reject natin."

"Yes Ms."

"Salamat, babalik na ako sa opisina, pagbutihan niyo sana ang pagtatrabaho, isa kayo sa inaasahan ko Mr. Valdez."

"Salamat po sa pagtitiwala Ms."

"Salamat din ho sa inyo."

Masayang nilisan ng dalaga ang lugar.

Nasa loob na sila ng kotse nang magsalita siya.

"I can't believe this!" Sinulyapan niya ang gwardya na ngayon ay nagmamaneho palabas sa site.

"Gian thank you!" bigla niya itong niyakap ng mahigpit.

Nabigla man ang binata ay hinayaan lang siya nito.

"Wala 'yon Ms. maliit na tulong lang 'yon, actually suggestion lang 'yon."

"Suggestion na malaki ang resulta, sa totoo lang hindi ka talaga bagay maging bodyguard ko lang eh," aniya at kumalas na rito.

"Bakit, bagay na ba akong maging asawa mo?"

"Sira!" nangingiting umiwas siya ng tingin.

Humalakhak naman si Gian.

---

LOPEZ MANSION...

Papasok sila ng mansyon nang makarinig ng pag-uusap.

"Iyong nangyari sa apo ninyo, sana ay kalimutan nalang natin don Jaime, pinagsabihan ko na rin ang anak ko."

"God!"

Hinila ni Ellah si Gian pakubli sa gilid ng isang poste subalit nanatili silang nakikinig.

Maliit ang kanilang napwestuhan kaya nagsiksikan silang dalawa.

Nakasandig si Gian sa poste at niyayakap siya ng isang kamay nito. At ang isa pa ay nakahawak sa braso niya.

Samantalang nakatukod ang dalawa niyang kamay sa dibib ng binata.

Naiilang man, hindi na lang niya pinansin ang posisyon nila.

Nakikita niyang may halos sampung lalake sa harapan ng kanyang lolo at may mga dalang mahahabang baril.

Nakaupo ang isang matanda na kausap ni don Jaime at kilala niya kung sino 'yon.

"Congressman, palalagpasin ko ito sa ngayon pero kapag naulit pa ito, makakaasa kang ilalaglag kita sa darating na eleksyon!"

"Hindi na mauulit don Jaime, alam mo namang isa kayo sa mga inaasahan ko."

"Iyong bodyguard ng apo ko mabuti na lang mabait at hindi nagsampa ng reklamo, na ospital siya dahil sa kagagawan ng magaling niyong anak congressman.

Mabuti na lang din at hindi napahamak ang apo ko dahil kung hindi uubusin ko ang lahi niyo!"

Katahimikan.

Isang pulitikong mambabatas ang kausap ni don Jaime subalit nagagawa nitong mapatahimik.

Hindi pulitiko ang kanyang abuelo ngunit dahil sa taglay na kapangyarihan ay napapasunod nito ang kahit sino.

"Patawarin niyo kami don Jaime. Nahihiya akong pumunta rito pero mas nahihiya akong hindi magpakita."

" Congressman, isa rin kayo sa mga inaasahan kong magpoprotekta sa kumpanya ko kaya nasa inyo ang suporta ko."

" Salamat don Jaime. Makakaasa kayo don Jaime, hinding-hindi na makakalapit ang anak ko sa apo ninyo."

"Siguraduhin mo lang congressman, pati na rin sa bodyguard ng apo ko, huwag na 'wag siyang makalapit!"

"Opo don Jaime, makakaasa kayong tutuparin ko ang pangako ko."

"Iyong eskandalong kagagawan ng anak mo, siguraduhin mong hindi madadamay ang apo ko."

"Kami ng bahala don Jaime, lilinisin namin 'yon ng tahimik."

"Alam ko ang utak ng pulitika congressman, kaya lang umaasa akong tapat ka sa'yong sinasabi at tutuparin mo ang pangako mong pag protekta sa kumpanya."

"Makakaasa kayo don Jaime, hinding-hindi kayo mabibigo sa oras na ako ang mananalo."

"Sige na, makakaalis na kayo."

"Maraming salamat don Jaime," tumayo na ang lalaki.

"Tayo na!" anito bago umalis.

Hinila at niyakap siya ng mahigpit ni Gian para makubli siya ng husto.

Nakikita nila ang mga kalalakihang gwardya ng congressman habang papalabas.

Kasunod ang congressman at sa tingin nila ay ang kanang kamay nito.

Napakalakas ng kaba ng kanyang dibdib.

Nang makaalis ang bisita ay saka sila lumabas.

Nauna siyang naglakad kasunod ang bodyguard niya.

" You're afraid"

" Ofcourse, ikaw ba hindi?"

"No "

" And why?"

" Because you're safe "

Tila hinaplos ang kanyang puso sa sinabi nito ngunit hindi siya nagpahalata.

" Gian, naalala mo ' yong nangyari sa basement? Hindi na kasi mawala sa isip ko eh. N-napatay mo ba siya? "

" Hindi, wala akong pinatay noon, dahil kasama kita. Sinigurado kong wala akong mapapatay para hindi ka ma trauma."

Nakahinga siya ng maluwag.

Hindi na siya umimik hanggang sa nakarating sila sa sala.

"Lolo, anong ginagawa ng congressman na 'yon dito?" tanong ni Ellah sabay halik sa pisngi ng matanda.

"Humihingi ng diskargo tungkol sa nangyari."

"Good evening sir," bati ng binata.

"Magandang gabi sa'yo Gian, kumusta ka na?"

"Mabuti na ho sir, salamat sa pagsagot sa pagkakaospital ko."

"Wala 'yon, mabuti nga at maayos ka na ngayon."

"Lolo, tinawagan niyo ba sila?"

"Hindi, pero nananahimik man ako alam nilang hindi ako natutuwa sa ginawa ng anak niya kaya siya na mismo ang nagpunta dito. Matalino 'yang si congressman Dela vega. Agad siyang humingi ng paumanhin dahil alam niyang kapag hindi niya 'yon ginawa bibitiwan ko siya."

"Ganyan pala ang pulitika? Nagpunta lang dito sa takot na baka ilaglag niyo?"

"Ano man ang intensyon ng pagpunta niya dito hija, hindi tayo sigurado roon, ang sigurado lang hindi na makakalapit sa inyong dalawa ang anak niya!"

"Salamat po lolo," anang dalaga at niyakap ang matanda.

"Sir, aalis na ho ako."

"Sandali lang Gian, pwede ba tayong mag-usap?"

Nagkatinginan sila ng dalaga.

"Sige ho sir"

"Sige, magkakape lang tayo sandali sa labas. Magpahinga ka na apo alam kong pagod ka."

"Yes lolo," anang dalaga bago umakyat sa kwarto.

Nang makaupo na sila matapos pagsilbihan ng katulong ng kape ay nagsalita ang matanda nang silang dalawa na lang.

"Gian, tatanungin kita, kilala mo ba ang mga Dela vega? May alam ka ba tungkol sa kanila?"

"Kahit papaano may alam ako sir."

"Talaga? Ano bang alam mo, maganda o pangit?"

"Sir?"

"I mean, legal o illegal?"

"Bakit niyo ho naitanong don Jaime?"

Humigop ng kape ang matanda bago sumagot.

"Sa pulitika, walang permanenteng kaaway, pero wala ring permanenteng kaibigan."

Nagkatitigan sila dahil sa sinabi nito.

Parang alam na niya ang gustong ipahiwatig ng don.

"Gusto kong may hawak na alas laban kay congressman sakaling bumaliktad siya."

Naiintindihan na ni Gian ang pinupunto ng matanda.

"Anong gusto niyong gawin ko sir?"

"Mabibigyan mo ba ako ng mga hidden activities ni congressman hijo?"

"Kaya ko ho sir."

"Good! Talagang maaasahan kita sa lahat ng pagkakataon Gian. Aasahan ko ang sinabi mo"

"Makakaasa kayo don Jaime"

Humigop siya ng kape.

Talagang makikipag cooperate siya sa amo para makaganti.

"Gian, iniisip mo bang gumanti sa ginawa nila kaya hindi ka nagreklamo?"

"Hindi ho don Jaime. Hindi sa paraang illegal, kundi sa legal na paraan. Gusto kong turuan ng leksyon ang mga kung sinong hari dito dahil naging anak lang ng isang pulitiko."

Tinapik-tapik ng matanda ang kanyang balikat.

"Napapahanga mo ako sa mga desisyon mo Gian. Hindi ka padalos-dalos mag-isip. Nakikita ko sa'yo na ang lahat ay naaayon sa mga plano mo at bawat kilos at galaw mo ay kalkulado at sigurado. Hindi nga ako nagkamaling kunin ka para bantayan ang unica hija ko. Salamat sa'yo."

"Walang anuman ho don Jaime. Tungkulin ko pong pangalagaan ang inyong apo."

"Gano'n pa man, maayos ba ang trato sa'yo ni Ellah ha?"

Tumango ang binata. "Maayos naman ho don Jaime."

"Good! Pinagsabihan ko 'yon eh, alam mo na matigas ang ulo at makulit, pagpasensiyahan mo na lang ha?"

"Napakatalino ho at napakahusay ng inyong apo don Jaime, nakakahangang isang babae ang nagpapatakbo ng isang mining company."

"Kaya nga hinahanapan ko na 'yan ng mapapangasawa para kahit papaano may katuwang siya. Naaawa ako diyan pero nakikita mo naman, mahusay magtrabaho kaya gusto ko ang mapapangasawa niya ay kasing husay niya rin o 'di kaya mas higit pa."

Hindi umimik ang binata at panay ang higop niya sa kape.

"Ikaw Gian, nasaan ang girlfriend mo? Kumusta na kayo?"

"Ho?" Tumuwid siya ng upo.

"Ah, wala ho akong girlfriend sa ngayon don Jaime."

"Talaga? Bakit naman? Huwag mong sabihing walang nagkakagusto sa'yo?"

Napakamot ng batok si Gian.

"Hindi naman ho sa gano'n, talaga lang yatang wala pang dumarating sir."

Hindi umimik ang matanda at humigop din ng kape.

Ngani-nganing magtapat na ang binata para matapos na ang kanyang kinatatakutan. Ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig.

"Sa sobrang desperado kong makakita agad ng mapapangasawa ang apo ko ay napahamak na, ngayon may takot na akong ipakilala siya sa taong hindi pa niya nakikilala. Ang hiling ko lang naman, malagay na siya sa tahimik at masaya sa lalaking napili niya. Istrikto ako sa relasyon pero hinahayaan ko pa ring siya ang pumili ng gusto niya, ayokong saklawan ang kanyang desisyon pagdating sa ganyang bagay."

Hindi siya umiimik, habang humihigop ng kape.

'Ayos!

Kapag pinili ako ni Ellah hindi siya makikialam at magiging kami ng walang humahadlang!'

"Matanong kita Gian, may gusto ka ba sa apo ko?"

Muntik na niyang maibuga ang iniinom na kape.

"Bakit niyo ho naitanong don Jaime?"

Sumandal ito sa upuan.

"Lalaki ka at binata, may itsura din naman, at maganda ang apo ko at walang nobyo, bukod pa sa mataas ang posisyon niya sa kumpanya, kaya kita tinatanong, posible bang magustuhan mo siya?"

Nalito si Gian.

Ano ba ang dapat niyang isagot?

Kapag sinabi niyang may gusto siya, para na rin niyang inamin sa harapan nito ang kanyang nararamdaman at hindi pa ito ang tamang panahon para magtapat siya.

"Maganda ang inyong apo at matalino don Jaime, mabait pa kaya imposibleng hindi siya magustuhan ng mga lalaki."

"Kabilang ka ba sa mga lalaking 'yon?"

"Ho? Ah, hindi ho, nakakahiya sa apo ninyo don Jaime."

"Tama ang sinabi mo hijo, ayokong magkagusto ka sa apo ko. Dahil ang pangarap ko para sa kanya ay isang lalaking may alam sa pagnenegosyo at ng sa gano'n, tiwala akong hindi niya pababayaan ang apo ko at ang kumpanya."

Hindi nakaimik ang binata.

Mapait ang kape subalit pakiramdam niya mas pumait pa ito ng husto!

Matagal ang katahimikan.

"O siya, gabi na pala, dito ka na maghapunan."

Tumayo siya. "Hindi na ho don Jaime."

"Sige na, nahihiya ka ba?"

"Hindi ho, kasi may usapan kami ng kaibigan kong sa labas kami kakain ngayon."

"Gano'n ba? O sige sa susunod na lang."

"Sige ho, tutuloy na ho ako."

"Sige, mag-iingat ka."

"Salamat ho don Jaime."

Mabigat ang mga hakbang na lumabas ang binata.

Hindi pabor sa kanya ang don dahil hindi siya negosyante, hindi mayaman at isang hamak na gwardya lang.

Kahit sabihin pang pulis siya, wala pa rin siyang binatbat pagdating sa panlasa ng isang don Jaime.

Tiningala niya ang malaking bahay.

"Balang araw makukuha ko rin ang nag-iisang kayamanan ninyo don Jaime hintayin ninyo ang araw na 'yon."


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C16
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk