Sabado ngayon at naglilinis ako ng bahay nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa lamesa ng sopa. Keypad iyon at may basag na sa screen niyon. Ayokong kunin iyon pero hindi parin tumitigil sa pag-iingay kaya kinuha ko nalang iyon at sinagot ang tawag. Hindi ko tiningnan kung sino iyon kaya nagtanong ako.
"Sino 'to?"
"Em!" Bigla kung inilayo sa tenga ko ang cellphone nang ang boses ni Kim ang bumungad.
"Oh, Kim? Napatawag ka?" Sagot ko habang nakangiwi.
"Hindi mo ba kasama si John kagabi, Em?"
Bigla akong kinabahan. "Ah—bakit?"
"May nangyari sa kan'ya kagabi. Ngayon ko lang nabalitaan." Aniya.
"A–anong nangyari sa kan'ya?" Kinakabahang tanong ko.
"May sakit s'ya ngayon. Bumabalik na naman ang trauma n'ya. Gusto ko sanang puntahan mo s'ya at alagaan kahit saglit lang. Hindi s'ya nagpapatiwala sa iba kaya sa'yo nalang."
Pinagkakatiwalaan ako ni John?
"Oh, sige��sige pero—"
"Ngayon na agad Em, please? Wala pa s'yang kain at hindi pa naliligo. He looked like a mess, I imagined." Despiradang sabi n'ya.
"Sige. Maliligo pa ako at magpapaalam kay lola."
"Salamat, Em. Promise, babawi ako sa'yo." May saya na bahid ang boses n'ya sa kabilang linya.
"Sige." At s'ya na ang pumatay sa tawag.
Dumiretso ako sa kwarto namin at nadatnan si lola na nagtatahi sa isang silya sa harap ng bintana. Ang paborito n'yang gawain.
"'La." Sambit ko pero nandoon lang ako nanatili sa pintuan.
Lumingon s'ya sa'kin at ngumiti. "Anong kailangan ng apo ko?"
"La, ano kasi.. Kailangan ko kasing pumunta kina John.." mahinang sabi ko habang nakayuko.
"Sa kasintahan mo ba, apo?"
Nagulat ako sa sinabi n'ya at biglang kumalabog ang puso ko. Tumaas tingin ko. "Hind—"
"Sige. Basta mag-iingat ha? Ayoko ding mapahamak ka. Matanda na ako at wala ng ibang mag-aalaga—"
"Lola!" Nilakihan ko s'ya ng mata dahilan para matawa s'ya.
"Oh, siya, sige! Maligo ka na baka nagmamadali ka." Nakangiting sabi ni lola.
Lumapit muna ako bago s'ya niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Hindi naman po ako magtatagal." Ngumiti ako at tumango naman s'ya kaya agad akong dumiretso sa banyo at naligo.